Tagalog Short Stories {Tagalog}

Tagalog Short Stories {Tagalog}

Tears Of Grief (Tagalog) {Chapter 1}

“TEARS OF GRIEF”

[Chapter 1]

I was about to enter our house when I hear someone tattling from nowhere. "May tao ba riyan?" I asked and roam my sight around, but a black cat appear in front of me so I quickly lean backwards with my eyes widened.

Agad kong binuksan ang pinto ng bahay namin at pumasok. Pag pasok ko ay kumuha agad ako ng maiinom sa ref.

Ilang beses na akong nakakaramdam ng kung anong kababalaghan, there was a time na nakakarinig ako ng iyak, tawa at kung anu-ano pang kawirduhan.

At first hindi ko lang sila pinapansin pero nung dumalas na ang ganitong pangyayari ay nagpasya na akong pabuksan ang third eye ko.

"Misty!" tawag sa akin ng kaibigan ko.

Napalingon ako sa kaniya at matipid na ngumiti. "Kumusta? " pabalik na tugon ko.

"May nagpakita na ba ulit sa'yo?" natutuwa niyang tugon. Umiling ako bilang sagot sa kaniya. Bahagya siyang napangiwi sa naging sagot ko.

"Oh bakit parang nawalan ka ng gana?" iniwas niya ang tingin niya sa akin at nagsalita, "Buti pa sa'yo," bigla siyang natulala at hindi na ulit nagsalita.

~

Ilang buwan na rin ang lumipas ngunit sunod-sunod ring wala ng gumagambala sa akin. Noong una ay labis akong natatakot sa tuwing may makikita akong kaluluwa na gumagala-gala subalit ngayo'y pinatatahimik nila ako.

Ang mga kaluluwang hindi sumasama sa liwanag ay ang karaniwang kaluluwang nakikita ko. Sabi ng iba ay may mga misyon pa sila na dapat gampanan pero kadalasan ay sila yung mga kaluluwa na naghahanap ng hustisya sa kanilang pagkamatay.

Ang aking lola na nakatira sa probinsiya ay isang albularyo. May kaibigan din akong exorcist at mga katulad ko rin na nakakaramdam ng mga hindi pang karaniwang bagay. Sila ang nagtulak sa akin para pabuksan ang aking third eye.

Nasa kwarto na ako, nakatingin sa kisame at nag-iisip kung bakit nga ba wala ng nangungulit na kaluluwa sa akin.

Noong mga nakaraang buwan kase ay sunod-sunod ang pagpaparamdam sa akin ng mga kaluluwang nais ng karamay at ng mapagti-tripan. Well, I'm not that kind of person na entertaining kaya binabalewala ko lang sila.

"H-help me!" bigla akong napabalikwas sa pagkakahiga ng makarinig ako ng isang boses. Isang hindi pamilyar na boses na nagpatindig ng aking mga balahibo sa katawan.

Bahagya kong inikot ang tingin sa aking study table at lalo pa akong kinilabutan ng makita ko ang isang duguang lalaki.

Hindi na dapat ako natatakot sa mga oras na 'to dahil sanay na ako sa mga ganitong eksena kaya hindi ko maintindihan kung bakit tila'y takot na takot ako sa mga panahong ito.

"A-anong k-kailangan m-mo?" utal kong tanong sa lakaking naliligo na sa kaniyang sariling dugo.

Ngunit imbes na bigyan niya ako ng sagot ay dahan-dahan siyang lumapit sa akin. "Nooo! Pleaseee stay away from me!" sigaw ko ng bigla kong naramdaman ang malamig na hanging dumadapo sa aking buong katawan.

"Don't be scared." mahinahon niyang tugon gamit ang kaniyang basag na boses.

"Then what do you want?" anunsyo ko gamit ang garalgal kong boses.

"Help me, tulungan mo akong pagbayarin ang may sala sa pagpatay sa akin." nakita ko ang lungkot sa mga mata niya kahit nakakatakot ang itsura niya.

Pero nag-alangan ako sa aking isasagot dahil hindi ko alam kung paano ako makakatulong. "Pero paano kita matutulungan?" saad ko.

"Find me, kilalanin mo kung sino ako, alamin mo ang buo kong pagkatao. Sa ganoong paraan ay matutulungan mo ako," nang matapos niya ang kaniyang sasabihin ay agad siyang naglaho. Habang ako, naiwang tulala at blangko ang isipan.

Sa pagkakataong ito, hindi ko alam ang aking pinasok ngunit nais kong tulungan ang lalaki kanina. Kaya hindj ko man ang kalalabasan nito ngunit susugal ako.

Nahirapan akong matulog dahil sa tagal ng panahon ng pananahimik ng mga kaluluwa ay nakababagabag ang isang lalaking nagpakita sa sa akin kanina. Agad akong nag dasal at saka nahiga na sa kama.

Ilang minuto pa'y ipinikit ko na ang aking mga mata.

“You shouldn't trust anyone Misty!” garalgal na tugon ng lalaking nakatayo mula sa kalayuan. Hindi ko maaninag ang kaniyang mukha marahil dahil sa liwanag ng paligid.

Ilang sandali pa'y nakita ko ang aking sarili na duguan. “Anong nangyari sa akin?” tanong ko sa sarili.

Unti-unting lumapit sa akin ang lalaking nagsalita kanina. Hindi klaro ang kaniyang mukha subalit sobra akong natakot sa sunod niyang ginawa, ibinaon niya ang kamay niya sa aking dibdib at agad naman itong tumagos dito.

Nang hatakin niya ang kaniyang kamay ay nagdulot ito ng malaking butas at lubhang napakaraming dugo sa aking dibdib. Wala akong malay sa sitwasyong iyon. Nakita kong ngumisi ang lalaking gumawa noon at hawak na niya ang aking puso.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa takot. Pinipilit kong gisingin ang sarili ko subalit hindi ko kayang imulat ang mata ko. Hindi ko rin maigalaw ang aking katawan. Naramdaman ko ang mainit na likido na pumatak galing sa aking mga mata at nawalan na ako ng malay.

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play