Wrong Way (Tagalog) {Chapter 2}

#shortstory

#VerKwan🥀

[Take 2]

\=\=\=

Maagang pinatulog ng kanilang lola Linda sina Seungkwan at Vernon dahil alam niyang napagod silang pareho sa biyahe. Magkasama ang dalawa sa kwarto. Bale sa taas ng double deck ay si Vernon habang sa baba naman si Seungkwan.

Agad namang nag-ayos ng kanilang higaan ang dalawa, pumanhik na sa taas si Vernon habang abala naman ai Seungkwan sa paglilinis ng kama.

Matapos nilang maglinis ng higaan ay tahimik silang nahiga.

“Vernon gising ka pa ba?” marahang tanong ni Seungkwan.

“Hmm,” sagot ni Vernon na halatang inaantok na.

“Vernon natatakot ako, tabi na lang tayo!” dagdag niya pa habang mahigpit na yakap ang kaniyang unan. Nakatalukbong na rin siya ng kumot sa buo niyang katawan.

Hindi sumagot si Vernon kaya mas lalong kumabog ng sobrang bilis ang dibdib ni Seungkwan. Marami na ring pawis ang lumalabas sa kaniyang katawan. Hindi siya mapakali. Natatakot na sa anumang oras ay pwede siyang pakitaan ng kung anu-ano.

“Seungkwan-hyung ang likot mo diyan hindi ako makatulog ng maayos,” reklamo ni Vernon. Hindi sumagot si Seungkwan.

Ilang segundo pa ay tila may kakaibang nangyayari sa loob ng kwarto. Patay-sindi ang mga ilaw at lubhang napakalakas ng hangin sa buong silid.

Nagising si Vernon dahil sa sobrang lakas na hangin. Nang tingnan niya'y sarado lahat ng bintana at nakapatay rin ang electric fan sa kanilang kwarto.

Agad siyang napabalikwas. Kinusot niya ang mga mata gamit ang kaniyang dalawang kamay, umaasang pinaglalaruan lamang siya ng kaniyang mga mata.

Subalit ng kaniyang ibaling ang tingin sa ibaba'y nakita niya si Seungkwan, hindi, ibang Seungkwan ang nakita niya.

Matalim ang tingin sa kaniya ng kaniyang kaibigan at ito'y nakangisi. Nang tumawa ito'y iba ang kaniyang boses.

“S-seungkwan a-anong nangyahari?” nagugulumihanang tugon ni Vernon na hanggang ngayo'y bukas pa ang bibig sa pagkagulat.

Ngunit hindi tumugon pabalik ai Seungkwan kundi dire-diretso ito sa kinauupuan ni Vernon. Umangat ang dalawang paa ni Seungkwan mula sa kaniyang kinatatayuan kaya't napa atras ng bahagya si Vernon.

Hindi inaalis ni Seungkwan ang tingin sa kaniyang kaibigang kanina pa namumutla. Hindi maigalaw ni Vernon ang kaniyang mga paa upang tumakas, ni hindi niya rin kayang sumigaw.

“Bakit kayo naririto?” ibang boses ang lumabas mula sa bibig ni Seungkwan. Isang napakalagong at tila ba robot na nakakatakot ang itsura nito.

Hindi naman makasagot si Vernon, at sa wakas ay nagkaroon siya ng lakas ng loob para bumaba, subalit agad siyang hinawakan ni Seungkwan sa paa kaya't bumagsak siya sa sahig.

Hindi masyadong malakas ang pagkakabagsak niya dahil na rin siguro sa mababa lamang ang double deck kaya't agad siyang tumayo at nagpunta sa pintuan.

Pinihit niya ang doorknob para maitakas niya ang sarili kay Seungkwan subalit hindi niya ito mabuksan. Taranta niya itong pinihit ng paulit-ulit ngunit hindi bumukas ang pinto.

“Hindi ka na makakaalis dito, sa akin na ang katawang ito at kayo'y pag mamay-ari ko na, hahaha” umugong ang kaniyang boses sa buong silid. Bumaba si Seungkwan mula sa itaas at naglakad papalapit kay Vernon.

“Masaya bang makipaglaro?” tanong nito habang hawak ang leeg ni Vernon.

“P-parang a-awa mo na b-bitawan mo ako,” pagmamaka-awa ni Vernon. Unti-unti na ring umaangat ang kaniyang mga paa sa sahig dahil sa pagkakasakal ni Seungkwan.

“Hindi! Sa akin na ang inyong mga—”

“Layuan mo ang mga apo ko!” itinulak ng matanda ang pinto dahilan para maitulak nito ang dalawa. Dala-dala niya ang buntot pagi at holy water sa kaniyang mga palad.

Inihagis niya ang holy water kay Seungkwan at agad naman itong dumaing sa sakit.

Tumakbo naman palapit sa kaniyang lola si Vernon. Agad niyang kinuha ang holy water at patuloy na sinabuyan ang katawan ni Seungkwan. Patuloy ito sa pagdaing sa sakit at kalauna'y bumagsak ang kaniyang katawan sa sahig.

Lumapit ang dalawa kay Seungkwan at agad na inihiga ito sa kaniyang kama.

“Ano pong nangyari sa kaniya lola?” nag-aalalang tanong ni Vernon.

“Hayaan mo muna siya. Sinapian siya ng masamang espirito. Lubhang babangis ng mga espiritu rito, kadalasa'y kung sino ang mga natatakot sila ang nilalapitan ng mga ito.” pagpapaliwanag ng matanda habang isinusuot ang kaniyang pangontra kay Seungkwan.

“Nakaka-attract ang takot and negative vibes ng mga masasamang espirito, sabi po ng iba kong kaklase lola.” sambit ni Vernon.

Tumango naman si lola Linda at tinapik ang balikat ni Vernon. “Bukas agad ay kailangan niyo ng lisanin ang lugar na ito. Lubhang mapanganib ang lugar na ito para sa inyo,” tiningnan ni lola Linda si Seungkwan at pumikit ng marahan.

Inalayan ng dasal ng matanda ang kaniyang mga apo bilang proteksiyon.

Maya-maya pa'y naramdaman nilang gumagalaw na si Seungkwan. Iminulat niya ang kaniyang mga mata at nagbadyang tumayo subalit agad niyang hinawakan ang kaniyang ulo.

“Ano pong nangyari?” tanong nito sa dalawa.

Nagkatinginan naman ang dalawa.

“Bakit po may dugo si Vernon sa labi?” dagdag pa niyang tanong.

Agad namang pinahid ni Vernon ang dugo sa kaniyang labi at sinabing, “Nadapa kase ako kanina diyan lang sa cr,” at tsaka ngumisi.

“Bukas ay marami tayong pag-uusapan. Sa ngayo'y magsitulog ng muli kayo.” iniwanan ng matanda ang pangontra sa dalawa at agad na umalis.

Tabi namang natulog ang dalawa sa kama dahil na rin sa takot.

Maagang nagising ang magkaibigan at naghanda para sa kanilang pag-alis. Lahat ng gamit at nakaayos na at narinig nila ang boses ng kanilang lola, inaalok silang kumain.

Agad ring lumabas ang dalawa subalit laking gulat nila ng makita nila ang kanilang lola, nakahandusay sa sahig, duguan at tila wala ng buhay.

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play