“TEARS OF GRIEF”
[Chapter 2]
Nagising ako bigla ng katukin ni mama ang pinto ng pagkalakas-lakas. “Misty!” tawag nito mula sa labas ng kwarto ko. “Aba'y lagi ka nalang nagigising ng tanghali ah!” sermon pa niya.
“Babangon na po,”sagot ko subalit nakapikit pa ang mga mata ko. Hindi ko na matandaan kung ano ang mga nangyari kagabi, basta ang alam ko lang ay may nakita akong lala... Teka, paano nga ba ako nagising? Hindi ba't..
Pinilit kong gumising kagabi at hindi ako magising. Siguro'y hindi ko na namalayan na nakatulog ulit ako pagkatapos noon.
Tamad na tamad kong iniunat ang mga braso ko at tsaka napagpasyahang imulat ang mga mata ko dahil kanina pa ito nasisinagan ng araw mula sa bintana. Nakalimutan ko nga palang isarado ito kagabi. “Bababa na ho!” dagdag kong tugon matapos akong bumaba mula sa aking kama.
“Bilisan mo na't iiwan ka na ng kuya mo,” agad akong napabalikwas ng sabihin iyon ni mama. Ayoko maglakad papunta sa school no! Kahit na malapit lang sa bagay naming yun nakakatamad parin lakarin. Kaya agad akong bumaba at sinaluhan sina mama at kuya sa pagkain. Pagkatapos ay agad akong pumanhik sa kwarto at inihanda ang aking susuotin.
Pumasok na ako sa banyo dahil ligong-ligo na ako. Ngunit habang nililinis ko ang mga kalat sa banyo dahil magulo nanaman ito ulit agad sumagi sa isip ko yung lalaking nagpakita sa akin kagabi. “I wonder who are you,” pagkausap ko sa sarili ko habang nakakunot ang noo.
“Your nightmare!” agad kong nabitawan ang hawak kong tissue at nilingon ang lalaking pinanggalingan ng boses na narinig ko.
Nang humarap ako sa kanya ay labis niya akong pinagtatawanan. “Hahahaha yan, kakabasa mo yan ng mga ghost books.” pinandilatan ko ng matagal si kuya ng agad na magtama ang mga mata namin.
“Ano bang ginagawa mo rito?” irita kong tugon.
Tumawa ulit siya at sumagot, “Nakalimutan ko lang sabihin sa'yo na aalis na tayo after 10 minutes,” sabay takot niya pa sa akin. Akala niya naman matatakot pa ako, haleeer nagulat lang ako kanina.
“10 minutes? So ano 5 minutes lang ako maliligo? Wow naman po!” asar kong tugon sabay sara ng pinto. Lakas talaga mambwisit ng lalaking yun hays.
~
Ibinaba na ako ni kuya sa harap ng school na pinapasukan ko at agad na sumalubong sa akin si Jarry. “Eyy! Hulaan ko sira nanaman mood mo noh?” she's definitely right, kilalang-kilala talaga ako ng babaeng 'to.
Kumunot lalo ang noo ko at sumagot sa kaniya, “Sino ba naman ang hindi maiimbyerna eh lakas ng trip nitong si kuya.” sinabayan ako ni Jarry sa paglalakad.
“Hindi ka pa ba nasasanay Misty?” pabiro niya pang tugon. Ako naman ay natulala sa aking nakita. “J-joshua?” tawag ko sa lalaking naglalakad palapit sa amin ng kaibigan ko.
“Misty!” pabalik na bati niya at agad akong hinagkan. Si Joshua ay ang aking kababata sa probinsiya, likas na makulit at wirdo ang lalaking ito kaya hindi na ako nagtataka kung bakit siya narito.
“Sinundam mo nanaman ako noh?” tukso ko sa kaniya. Agad namang sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi at bumitiw sa pagkakayakap. “Actually,” napahinto siya ng makita niya sa tabi ko ang aking kaibigan. “Hi miss!” iniabot niya ang kamay niya sa kaibigan kong si Jarry at nagngiting-aso.
Naku, ito talagang lalaking 'to. “Ako nga pala si Joshua,” proud niyang pagpapakilala kay Jarry. “Ah, oo nga narinig ko si Misty kanina.” pilosopong tugon nito, at inabot din ang kamay niya upang makipagkamay.
“Ehem, nandito pa ako,” tumighim ako at pinaghiwalay ang dalawa. “Pasensiya na.” sagot ni Joshua ngunit nakangiti pa rin kay Jarry.
“Tama na nga yan, halika na't mahuhuli na tayo sa klase.” yaya ko sa kanilang dalawa. Agad naman silang sumunod sa akin at sabay-sabay kaming naglakad sa hallway papunta sa room namin.
Paano si Joshua? Huwag kayong mag-alala alam kong sa section namin siya nag-enroll kaya isinama ko na siya.
“Marami bang kaluluwa rito?” agad akong napalingon kay Joshua at pinandilatan siya ng mata. “Shh!” ipinuwesto ko ang daliri ko sa labi niya at ipinaliwanag na hindi niya maaaring banggitin ang mga ganyang bagay rito. Hay Joshua, ano pa bang aasahan ko sa'yo?
“Ah ganon pala, so kaunti lang kayong bukas ang third eye rito?” tanong niya na may halong kuryosidad.
“Oo, kase kaunti lang kaming naniniwala sa mga ganito. Yung iba naman sasabihan pa kaming wirdo kapag napag-uusapan namin yun, kaya nananahimik nalang kami.” paliwanag naman ni Jarry.
“Joshua, nga pala, did you ever help a soul. I mean, did you entertain them?” tanong ko.
“Hmm,” humawak siya sa chin niya at pinag-isipang mabuti ang isasagot. “Not yet, sabi ni lola huwag ko raw pansinin yung mga yun eh, tsaka wala pa namang nagpakitang magandang multo sa akin eh.” pagbibiro niya pa. Loko talaga.
Nagtawanan kaming tatlo at nagpatuloy sa paglalakad. Isang room nalang ay mararating na namin ang room namin, ngunit biglang sumaboy sa akin ang malamig na hangin na nagpatayo ng mga balahibo sa katawan ko.
“Naramdaman niyo yun?” agad kong tanong sa kanila.
“Ang alin? Yung pagmamahal ko sa kaibigan mo?” I glared at him at agad naman siyang naging seryoso.
“Alin ba Misty?” nagtataka ring tanong ni Jarry.
“Kanina lang may— nevermind, let's just go inside the room,” pinauna ko na silang dalawa kase hindi ko pala feel yung aura sa loob. Since wala pa naman si Prof. Darwin hindi na muna ako pumasok.
Inilibot ko ang tingin ko sa paligid ng paaralan, hindi ko alam ngunit biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Is he here again?
Lumingon ako sa likod ng biglang may humawak sa balikat ko.
Gulat ko siyang hinarap at nagulat din siya sa naging reaksyon ko. “Hey Misty, si Jarry lang 'to relax,” paliwanag niya. “May nagparamdam nanaman ba sa'yo?” dagdag na tugon niya. Pero this time hindi ako sumagot. I don't know why but I want to make it a secret.
Yung nangyari kagabi, as much as possible ayokong ikwento kahit kanino. Even sa mga kamag-anak ko. Sabi ni lola huwag na huwag daw akong tutulong kahit kaawa-awa pa ang itsura ng kaluluwang makikita ko dahil may mga bagay daw na hindi na dapat pinakikialaman.
Hindi ko na rin alam 'tong ginagawa ko pero I kept on reading news, articles about crimes but hindi ko makita yung tungkol sa pagkamatay ng lalaki na nagpakita sa akin. Ngunit hindi ako susuko, bawal na kung bawal pero involved na ako rito kaya ipu-push ko na 'to.
“Hoy!” kumakaway-kaway na si Jarry sa harap ko kaya't bumalik na ako sa aking wisyo.
“Tara na!” yaya ko sa kaniya, umakbay ako kay Jarry at pasikretong lumingon sa likod, umaasang makikita ko ang lalaking nais masilayan ng mga mata ko.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 12 Episodes
Comments