“TEARS OF GRIEF”
[Chapter 3]
Pumasok na kami ni Jarry sa loob ng room at pagpasok palang namin ay bumungad agad sa amin ang maingay na paligid. As usual, nagku-kwentuhan sila tungkol sa mga buhay nila.
Paupo na sana ako ng biglang hatakin ng lalaki sa likod ko ang upuan na dapat sana uupuan ko. Ang ending, napaupo ako sa sahig. Pinilit kong hindi magalit para sana wala ng gulo pero nakita kong pinagtatawanan ako ng buong klase.
I slowly lift my gaze to the man who did this and swear he'll never like what I will be doing. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at hinarap siya sabay tugon, “What's your problem?” tanong ko habang nanlilisik ang mga mata.
Ngumisi naman siya at sumagot, “Problem? Wala! I just want to...” hindi pa niya tapos ang kaninyang sinasabi ay bigla kong inilapat sa mukha niya ang mga palad ko. Napalingon siya ng kaunti sa kanan dahil sa lakas ng pagkakasampal ko.
“You're messing with the wrong person, Seokmin.” unti-unti kong inayos ang sarili ko iniayos ko na rin ang upuan ko at agad na umupo. Hindi ko na alam kung anong naging reaksiyon ni Seokmin, iniyuko ko ang ulo ko sa desk at ipinikit ang mga mata.
Nasa kalagitnaan ako ng pagtulog ng bigla akong nakaramdam ng presensya. Tila may nakatingin sa akin, iminulat ko ang mata ko at lumingon-lingon sa paligid ngunit wala akong makita bukod sa mga upuan at desk na nasa loob ng room.
“Gaano na ba ako katagal na natutulog?” tanong ko sa sarili ko. Sinubukan kong ilinga muli ang tingin ko sa paligid ngunit bigo ang mga mata ko na mahagilap ang mga tao.
Hindi man lang ako ginising nung dalawa nako. Inayos ko na lang ang sarili ko at naglakad palabas ng room. Hindi pa man ako nakakalabas ay muli aking nakaramdam ng mga matang nakatingin sa akin.
Hindi ko na lamang siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Nang lumabas na ako sa room kapansin-pansin ang katahimikan ng paligid. Nagtataka ako sa mga nangyayari, paano nangyaring walang ingay ang campus? Ni isang tao wala. Hindi na tama ito.
Naglakad ako ng mabilis palabas ng gate ngunit sa daan palabas ng gate ay nasalubong ko ang isang lalaki, wala siyang mukha at nakasuot ng itim na pang-ibaba at puting damit. Napakasimple ng kaniyang pananamit subalit napaka lakas ng kaniyang charisma.
Napahinto ako sa paglalakad at naestatwa sa nakita ng mga mata ko.
Pareho kaming hindi gumagalaw, ang mga mata ko'y nakadikit na sa kaniya at siya naman nakaharap sa akin. Lumalakas na ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Nangingilid na ang mga luha sa mata ko at naghihintay na lamang ako na mawalan ng malay.
“Huwag na huwag mong tutulungan si Mingyu!” kumurap ako ng bigla ko siyang marinig na nagsalita. Mingyu? Sino yun? Siya kaya yung lalaking nagpakita sa akin noong isang araw?
“Si—” hindi pa ako tapos sa pagsasalita ngunit bigla siyang naglaho. Bumalik na rin sa dati ang paligid, may mga tao ng naglalakad sa hallway at may ingay na ulit akong naririnig.
Bigla akong kinilabutan sa sinabi ng lalaki. Hindi maaaring Mingyu ang pangalan ng lalaking nagpakita sa akin, hindi pwedeng si Mingyu iyon! Hindi pa patay si Mingyu, hindi.
Hindi ko namalayang unti-unti na palang umaagos ang mga luha sa mata ko. Of all the man bakit si Mingyu pa?
Bigla kong naalala yung sinabi ng lalaking humihingi ng tulong sa akin, “Find me, kilalanin mo kung sino ako, alamin mo ang buo kong pagkatao. Sa ganoong paraan ay matutulungan mo ako.” 'di kaya sinabi sa akin 'to ng lalaki para...
“Misty!” napalingon ako ng biglang may tumawag sa pangalan ko, nang ituon ko ang tingin ko sa kaniya ay nakita ko si Joshua. Pawis na pawis siya at nagmamadaling lumapit sa akin.
“Anong nangyari?” curios kong tanong.
“S-si Mingyu—” hindi pa man niya matapos ang sasabihin niya'y tumakbo na ako palayo. Ayokong marinig kung anumang nais niyang sabihin. Ayoko, ayoko, ayoko!
Takbo ako ng takbo kahit hindi ko na alam kung saan na ako dinadala ng mga paa ko. Tuloy-tuloy din ang buhos ng mga luha sa mata ko na tila ba wala na itong balak tumigil.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 12 Episodes
Comments