NovelToon NovelToon

Tagalog Short Stories {Tagalog}

Tears Of Grief (Tagalog) {Chapter 1}

“TEARS OF GRIEF”

[Chapter 1]

I was about to enter our house when I hear someone tattling from nowhere. "May tao ba riyan?" I asked and roam my sight around, but a black cat appear in front of me so I quickly lean backwards with my eyes widened.

Agad kong binuksan ang pinto ng bahay namin at pumasok. Pag pasok ko ay kumuha agad ako ng maiinom sa ref.

Ilang beses na akong nakakaramdam ng kung anong kababalaghan, there was a time na nakakarinig ako ng iyak, tawa at kung anu-ano pang kawirduhan.

At first hindi ko lang sila pinapansin pero nung dumalas na ang ganitong pangyayari ay nagpasya na akong pabuksan ang third eye ko.

"Misty!" tawag sa akin ng kaibigan ko.

Napalingon ako sa kaniya at matipid na ngumiti. "Kumusta? " pabalik na tugon ko.

"May nagpakita na ba ulit sa'yo?" natutuwa niyang tugon. Umiling ako bilang sagot sa kaniya. Bahagya siyang napangiwi sa naging sagot ko.

"Oh bakit parang nawalan ka ng gana?" iniwas niya ang tingin niya sa akin at nagsalita, "Buti pa sa'yo," bigla siyang natulala at hindi na ulit nagsalita.

~

Ilang buwan na rin ang lumipas ngunit sunod-sunod ring wala ng gumagambala sa akin. Noong una ay labis akong natatakot sa tuwing may makikita akong kaluluwa na gumagala-gala subalit ngayo'y pinatatahimik nila ako.

Ang mga kaluluwang hindi sumasama sa liwanag ay ang karaniwang kaluluwang nakikita ko. Sabi ng iba ay may mga misyon pa sila na dapat gampanan pero kadalasan ay sila yung mga kaluluwa na naghahanap ng hustisya sa kanilang pagkamatay.

Ang aking lola na nakatira sa probinsiya ay isang albularyo. May kaibigan din akong exorcist at mga katulad ko rin na nakakaramdam ng mga hindi pang karaniwang bagay. Sila ang nagtulak sa akin para pabuksan ang aking third eye.

Nasa kwarto na ako, nakatingin sa kisame at nag-iisip kung bakit nga ba wala ng nangungulit na kaluluwa sa akin.

Noong mga nakaraang buwan kase ay sunod-sunod ang pagpaparamdam sa akin ng mga kaluluwang nais ng karamay at ng mapagti-tripan. Well, I'm not that kind of person na entertaining kaya binabalewala ko lang sila.

"H-help me!" bigla akong napabalikwas sa pagkakahiga ng makarinig ako ng isang boses. Isang hindi pamilyar na boses na nagpatindig ng aking mga balahibo sa katawan.

Bahagya kong inikot ang tingin sa aking study table at lalo pa akong kinilabutan ng makita ko ang isang duguang lalaki.

Hindi na dapat ako natatakot sa mga oras na 'to dahil sanay na ako sa mga ganitong eksena kaya hindi ko maintindihan kung bakit tila'y takot na takot ako sa mga panahong ito.

"A-anong k-kailangan m-mo?" utal kong tanong sa lakaking naliligo na sa kaniyang sariling dugo.

Ngunit imbes na bigyan niya ako ng sagot ay dahan-dahan siyang lumapit sa akin. "Nooo! Pleaseee stay away from me!" sigaw ko ng bigla kong naramdaman ang malamig na hanging dumadapo sa aking buong katawan.

"Don't be scared." mahinahon niyang tugon gamit ang kaniyang basag na boses.

"Then what do you want?" anunsyo ko gamit ang garalgal kong boses.

"Help me, tulungan mo akong pagbayarin ang may sala sa pagpatay sa akin." nakita ko ang lungkot sa mga mata niya kahit nakakatakot ang itsura niya.

Pero nag-alangan ako sa aking isasagot dahil hindi ko alam kung paano ako makakatulong. "Pero paano kita matutulungan?" saad ko.

"Find me, kilalanin mo kung sino ako, alamin mo ang buo kong pagkatao. Sa ganoong paraan ay matutulungan mo ako," nang matapos niya ang kaniyang sasabihin ay agad siyang naglaho. Habang ako, naiwang tulala at blangko ang isipan.

Sa pagkakataong ito, hindi ko alam ang aking pinasok ngunit nais kong tulungan ang lalaki kanina. Kaya hindj ko man ang kalalabasan nito ngunit susugal ako.

Nahirapan akong matulog dahil sa tagal ng panahon ng pananahimik ng mga kaluluwa ay nakababagabag ang isang lalaking nagpakita sa sa akin kanina. Agad akong nag dasal at saka nahiga na sa kama.

Ilang minuto pa'y ipinikit ko na ang aking mga mata.

“You shouldn't trust anyone Misty!” garalgal na tugon ng lalaking nakatayo mula sa kalayuan. Hindi ko maaninag ang kaniyang mukha marahil dahil sa liwanag ng paligid.

Ilang sandali pa'y nakita ko ang aking sarili na duguan. “Anong nangyari sa akin?” tanong ko sa sarili.

Unti-unting lumapit sa akin ang lalaking nagsalita kanina. Hindi klaro ang kaniyang mukha subalit sobra akong natakot sa sunod niyang ginawa, ibinaon niya ang kamay niya sa aking dibdib at agad naman itong tumagos dito.

Nang hatakin niya ang kaniyang kamay ay nagdulot ito ng malaking butas at lubhang napakaraming dugo sa aking dibdib. Wala akong malay sa sitwasyong iyon. Nakita kong ngumisi ang lalaking gumawa noon at hawak na niya ang aking puso.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa takot. Pinipilit kong gisingin ang sarili ko subalit hindi ko kayang imulat ang mata ko. Hindi ko rin maigalaw ang aking katawan. Naramdaman ko ang mainit na likido na pumatak galing sa aking mga mata at nawalan na ako ng malay.

Tears Of Grief (Tagalog) {Chapter 2}

“TEARS OF GRIEF”

[Chapter 2]

Nagising ako bigla ng katukin ni mama ang pinto ng pagkalakas-lakas. “Misty!” tawag nito mula sa labas ng kwarto ko. “Aba'y lagi ka nalang nagigising ng tanghali ah!” sermon pa niya.

“Babangon na po,”sagot ko subalit nakapikit pa ang mga mata ko. Hindi ko na matandaan kung ano ang mga nangyari kagabi, basta ang alam ko lang ay may nakita akong lala... Teka, paano nga ba ako nagising? Hindi ba't..

Pinilit kong gumising kagabi at hindi ako magising. Siguro'y hindi ko na namalayan na nakatulog ulit ako pagkatapos noon.

Tamad na tamad kong iniunat ang mga braso ko at tsaka napagpasyahang imulat ang mga mata ko dahil kanina pa ito nasisinagan ng araw mula sa bintana. Nakalimutan ko nga palang isarado ito kagabi. “Bababa na ho!” dagdag kong tugon matapos akong bumaba mula sa aking kama.

“Bilisan mo na't iiwan ka na ng kuya mo,” agad akong napabalikwas ng sabihin iyon ni mama. Ayoko maglakad papunta sa school no! Kahit na malapit lang sa bagay naming yun nakakatamad parin lakarin. Kaya agad akong bumaba at sinaluhan sina mama at kuya sa pagkain. Pagkatapos ay agad akong pumanhik sa kwarto at inihanda ang aking susuotin.

Pumasok na ako sa banyo dahil ligong-ligo na ako. Ngunit habang nililinis ko ang mga kalat sa banyo dahil magulo nanaman ito ulit agad sumagi sa isip ko yung lalaking nagpakita sa akin kagabi. “I wonder who are you,” pagkausap ko sa sarili ko habang nakakunot ang noo.

“Your nightmare!” agad kong nabitawan ang hawak kong tissue at nilingon ang lalaking pinanggalingan ng boses na narinig ko.

Nang humarap ako sa kanya ay labis niya akong pinagtatawanan. “Hahahaha yan, kakabasa mo yan ng mga ghost books.” pinandilatan ko ng matagal si kuya ng agad na magtama ang mga mata namin.

“Ano bang ginagawa mo rito?” irita kong tugon.

Tumawa ulit siya at sumagot, “Nakalimutan ko lang sabihin sa'yo na aalis na tayo after 10 minutes,” sabay takot niya pa sa akin. Akala niya naman matatakot pa ako, haleeer nagulat lang ako kanina.

“10 minutes? So ano 5 minutes lang ako maliligo? Wow naman po!” asar kong tugon sabay sara ng pinto. Lakas talaga mambwisit ng lalaking yun hays.

~

Ibinaba na ako ni kuya sa harap ng school na pinapasukan ko at agad na sumalubong sa akin si Jarry. “Eyy! Hulaan ko sira nanaman mood mo noh?” she's definitely right, kilalang-kilala talaga ako ng babaeng 'to.

Kumunot lalo ang noo ko at sumagot sa kaniya, “Sino ba naman ang hindi maiimbyerna eh lakas ng trip nitong si kuya.” sinabayan ako ni Jarry sa paglalakad.

“Hindi ka pa ba nasasanay Misty?” pabiro niya pang tugon. Ako naman ay natulala sa aking nakita. “J-joshua?” tawag ko sa lalaking naglalakad palapit sa amin ng kaibigan ko.

“Misty!” pabalik na bati niya at agad akong hinagkan. Si Joshua ay ang aking kababata sa probinsiya, likas na makulit at wirdo ang lalaking ito kaya hindi na ako nagtataka kung bakit siya narito.

“Sinundam mo nanaman ako noh?” tukso ko sa kaniya. Agad namang sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi at bumitiw sa pagkakayakap. “Actually,” napahinto siya ng makita niya sa tabi ko ang aking kaibigan. “Hi miss!” iniabot niya ang kamay niya sa kaibigan kong si Jarry at nagngiting-aso.

Naku, ito talagang lalaking 'to. “Ako nga pala si Joshua,” proud niyang pagpapakilala kay Jarry. “Ah, oo nga narinig ko si Misty kanina.” pilosopong tugon nito, at inabot din ang kamay niya upang makipagkamay.

“Ehem, nandito pa ako,” tumighim ako at pinaghiwalay ang dalawa. “Pasensiya na.” sagot ni Joshua ngunit nakangiti pa rin kay Jarry.

“Tama na nga yan, halika na't mahuhuli na tayo sa klase.” yaya ko sa kanilang dalawa. Agad naman silang sumunod sa akin at sabay-sabay kaming naglakad sa hallway papunta sa room namin.

Paano si Joshua? Huwag kayong mag-alala alam kong sa section namin siya nag-enroll kaya isinama ko na siya.

“Marami bang kaluluwa rito?” agad akong napalingon kay Joshua at pinandilatan siya ng mata. “Shh!” ipinuwesto ko ang daliri ko sa labi niya at ipinaliwanag na hindi niya maaaring banggitin ang mga ganyang bagay rito. Hay Joshua, ano pa bang aasahan ko sa'yo?

“Ah ganon pala, so kaunti lang kayong bukas ang third eye rito?” tanong niya na may halong kuryosidad.

“Oo, kase kaunti lang kaming naniniwala sa mga ganito. Yung iba naman sasabihan pa kaming wirdo kapag napag-uusapan namin yun, kaya nananahimik nalang kami.” paliwanag naman ni Jarry.

“Joshua, nga pala, did you ever help a soul. I mean, did you entertain them?” tanong ko.

“Hmm,” humawak siya sa chin niya at pinag-isipang mabuti ang isasagot. “Not yet, sabi ni lola huwag ko raw pansinin yung mga yun eh, tsaka wala pa namang nagpakitang magandang multo sa akin eh.” pagbibiro niya pa. Loko talaga.

Nagtawanan kaming tatlo at nagpatuloy sa paglalakad. Isang room nalang ay mararating na namin ang room namin, ngunit biglang sumaboy sa akin ang malamig na hangin na nagpatayo ng mga balahibo sa katawan ko.

“Naramdaman niyo yun?” agad kong tanong sa kanila.

“Ang alin? Yung pagmamahal ko sa kaibigan mo?” I glared at him at agad naman siyang naging seryoso.

“Alin ba Misty?” nagtataka ring tanong ni Jarry.

“Kanina lang may— nevermind, let's just go inside the room,” pinauna ko na silang dalawa kase hindi ko pala feel yung aura sa loob. Since wala pa naman si Prof. Darwin hindi na muna ako pumasok.

Inilibot ko ang tingin ko sa paligid ng paaralan, hindi ko alam ngunit biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Is he here again?

Lumingon ako sa likod ng biglang may humawak sa balikat ko.

Gulat ko siyang hinarap at nagulat din siya sa naging reaksyon ko. “Hey Misty, si Jarry lang 'to relax,” paliwanag niya. “May nagparamdam nanaman ba sa'yo?” dagdag na tugon niya. Pero this time hindi ako sumagot. I don't know why but I want to make it a secret.

Yung nangyari kagabi, as much as possible ayokong ikwento kahit kanino. Even sa mga kamag-anak ko. Sabi ni lola huwag na huwag daw akong tutulong kahit kaawa-awa pa ang itsura ng kaluluwang makikita ko dahil may mga bagay daw na hindi na dapat pinakikialaman.

Hindi ko na rin alam 'tong ginagawa ko pero I kept on reading news, articles about crimes but hindi ko makita yung tungkol sa pagkamatay ng lalaki na nagpakita sa akin. Ngunit hindi ako susuko, bawal na kung bawal pero involved na ako rito kaya ipu-push ko na 'to.

“Hoy!” kumakaway-kaway na si Jarry sa harap ko kaya't bumalik na ako sa aking wisyo.

“Tara na!” yaya ko sa kaniya, umakbay ako kay Jarry at pasikretong lumingon sa likod, umaasang makikita ko ang lalaking nais masilayan ng mga mata ko.

Tears Of Grief (Tagalog) {Chapter 3}

“TEARS OF GRIEF”

[Chapter 3]

Pumasok na kami ni Jarry sa loob ng room at pagpasok palang namin ay bumungad agad sa amin ang maingay na paligid. As usual, nagku-kwentuhan sila tungkol sa mga buhay nila.

Paupo na sana ako ng biglang hatakin ng lalaki sa likod ko ang upuan na dapat sana uupuan ko. Ang ending, napaupo ako sa sahig. Pinilit kong hindi magalit para sana wala ng gulo pero nakita kong pinagtatawanan ako ng buong klase.

I slowly lift my gaze to the man who did this and swear he'll never like what I will be doing. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at hinarap siya sabay tugon, “What's your problem?” tanong ko habang nanlilisik ang mga mata.

Ngumisi naman siya at sumagot, “Problem? Wala! I just want to...” hindi pa niya tapos ang kaninyang sinasabi ay bigla kong inilapat sa mukha niya ang mga palad ko. Napalingon siya ng kaunti sa kanan dahil sa lakas ng pagkakasampal ko.

“You're messing with the wrong person, Seokmin.” unti-unti kong inayos ang sarili ko iniayos ko na rin ang upuan ko at agad na umupo. Hindi ko na alam kung anong naging reaksiyon ni Seokmin, iniyuko ko ang ulo ko sa desk at ipinikit ang mga mata.

Nasa kalagitnaan ako ng pagtulog ng bigla akong nakaramdam ng presensya. Tila may nakatingin sa akin, iminulat ko ang mata ko at lumingon-lingon sa paligid ngunit wala akong makita bukod sa mga upuan at desk na nasa loob ng room.

“Gaano na ba ako katagal na natutulog?” tanong ko sa sarili ko. Sinubukan kong ilinga muli ang tingin ko sa paligid ngunit bigo ang mga mata ko na mahagilap ang mga tao.

Hindi man lang ako ginising nung dalawa nako. Inayos ko na lang ang sarili ko at naglakad palabas ng room. Hindi pa man ako nakakalabas ay muli aking nakaramdam ng mga matang nakatingin sa akin.

Hindi ko na lamang siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Nang lumabas na ako sa room kapansin-pansin ang katahimikan ng paligid. Nagtataka ako sa mga nangyayari, paano nangyaring walang ingay ang campus? Ni isang tao wala. Hindi na tama ito.

Naglakad ako ng mabilis palabas ng gate ngunit sa daan palabas ng gate ay nasalubong ko ang isang lalaki, wala siyang mukha at nakasuot ng itim na pang-ibaba at puting damit. Napakasimple ng kaniyang pananamit subalit napaka lakas ng kaniyang charisma.

Napahinto ako sa paglalakad at naestatwa sa nakita ng mga mata ko.

Pareho kaming hindi gumagalaw, ang mga mata ko'y nakadikit na sa kaniya at siya naman nakaharap sa akin. Lumalakas na ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Nangingilid na ang mga luha sa mata ko at naghihintay na lamang ako na mawalan ng malay.

“Huwag na huwag mong tutulungan si Mingyu!” kumurap ako ng bigla ko siyang marinig na nagsalita. Mingyu? Sino yun? Siya kaya yung lalaking nagpakita sa akin noong isang araw?

“Si—” hindi pa ako tapos sa pagsasalita ngunit bigla siyang naglaho. Bumalik na rin sa dati ang paligid, may mga tao ng naglalakad sa hallway at may ingay na ulit akong naririnig.

Bigla akong kinilabutan sa sinabi ng lalaki. Hindi maaaring Mingyu ang pangalan ng lalaking nagpakita sa akin, hindi pwedeng si Mingyu iyon! Hindi pa patay si Mingyu, hindi.

Hindi ko namalayang unti-unti na palang umaagos ang mga luha sa mata ko. Of all the man bakit si Mingyu pa?

Bigla kong naalala yung sinabi ng lalaking humihingi ng tulong sa akin, “Find me, kilalanin mo kung sino ako, alamin mo ang buo kong pagkatao. Sa ganoong paraan ay matutulungan mo ako.” 'di kaya sinabi sa akin 'to ng lalaki para...

“Misty!” napalingon ako ng biglang may tumawag sa pangalan ko, nang ituon ko ang tingin ko sa kaniya ay nakita ko si Joshua. Pawis na pawis siya at nagmamadaling lumapit sa akin.

“Anong nangyari?” curios kong tanong.

“S-si Mingyu—” hindi pa man niya matapos ang sasabihin niya'y tumakbo na ako palayo. Ayokong marinig kung anumang nais niyang sabihin. Ayoko, ayoko, ayoko!

Takbo ako ng takbo kahit hindi ko na alam kung saan na ako dinadala ng mga paa ko. Tuloy-tuloy din ang buhos ng mga luha sa mata ko na tila ba wala na itong balak tumigil.

Download MangaToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play