TAGALOG: Kung Saan Naputol Ang Kahapon
Nagtaka si Colyn na gusto siyang pigilan ni Margie sa pagpasok sa private office ni Dave.
Hindi, hindi pala pigilan. Base sa pagkakaposisyon ng sekretarya sa pinto na ang isang kamay ay nakahawak sa knob, ang mas tamang salita ay, gusto siya nitong harangan.
At bakit naman siya haharangan ni Margie sa pagpasok sa pribadong opisina ng kanyang fiance? Hindi ba nito alam na basta siya ang dumating, hindi na kailangang abisuhan si Dave? Puwede na siyang dumiritso agad sa opisina nito. Saka dati rati namay walang kuwestiyon iyon kay Margie. Ngingiti sa ito pagkakita sa kanya at kung may ginagawa ito ay sumesinyas nalng na tumuloy sa siya.
Sa takot ngayong nakikita niya sa anyo nito, pwede niyang masabing sa pagkakatingin sa kanya ni Margie, ang nakikita nito ay isang multo.
Ikinunot niya ang kanyang noo para ipakita sa babae ang pagtataka kung di man bahagyang pagkairita.
"M-may kausap siya sa loob", ani Margie na halatang kinokontrol lamang ang panginginig ng boses. "Importante ang pinagmimitingan nila".
"Di bale, uupo lang ako sa isang sulok at makikinig". Humakbang siya palapit sa pinto.
Awtomatikong naiharang ni Margie ang isa pang kamay sa pinto. At tingin no Colyn ay lalo pang humigpit ang hawat nito sa knob.
"Bilin niya ay huwag magpapasok ng kahit na sino."
"Kahit ako?" maang na tanong niya.
"Importante nga ang pinag-uusapan nila"
Doon na talaga nagduda si Colyn. At kung kaninang nag shopping siya ay nagdadalawang isip siya kung daraan sa opisina ni Dave, ngayon ay natutuwa siyang itinuloy niya ang balak. "Alam mo Margie, me pakiramdam akong hindi ka nagsasabi ng totoo, e. Parang me ayaw kang may madiskubre ako sa loob."
"H-hindi Colyn."
"Kung ganon paraanin mo ako."
Nagulat pa si Margie nang palisin ko ang kamay niyang nakahawak sa knob, sabay pihit sa knob ng pinto.
Hindi niya alam kung sino ang mas nagulat sa kanila ng mga dinatnan sa loob. Siya o si Dave o ang babaeng kasama nito. Ang tiyak ni Colyn parang naparalisa ang katawan niya sa inabutang eksena. Si Dave, kahalikan ang babaing ngayon ay namumukhaan na niya. Ang ex-girlfriend nito na si Eula. Waring ngumiti pa sa kanya ang socialite matapos makabawi sa kabiglaan, itinaas pa nang bahagya ang noo. Samantalang si Dave ay daig pa ang natuklaw ng ahas sa pagkakatingin sa kanya. Bahagyang nanginginig ang tuhod na biglang tumalikod si Colyn, patakbong tinakasan ang eksenang yon na halos dumurog sa kanyang puso.
"Colyn...!!!"
Hindi niya pinansin ang pagtawag ni Dave. Walng lingon likod na takbo ang ginawa niya hanggang marating ang elevator. Tiyempo namang may bumaba sa floor na iyon kaya nkasakay kaagad siya. Bago tuluyang sumara ang pinto, natanaw niya sa dulo ng pasilyo ang humahabol na si Dave.
"Colyn...!!!!"
Nawala ito sa tingin niya nang maglapat ang pinto ng elevator. Saka lamang siya napaiyak. Inimpit niya ng isang kamay ang hikbing nais tumakas sa kanyang mga labi. Napayuko siya ng mapansing pinagtitinginan siya nga mga nakasabay niya sa elevator.
Unang-una siyang tumakbo palabas ng bumukas ang elevator. Hindi na niya talaga mapigil ang pag agos ng luha. Takang sinundan tuloy siya ng tingin ng guwardiya sa pintong nilabasan niya.
Paanong nagawa iyon ni Dave? tanong niya sa isip Araw nalang ang hinihintay para makasal sila. Dinadala na niya ang bunga ng kanilang pagmamahalan. Kaya ayaw man mga magulang niya, pumayag na rin ang mga ito na makasal sila.
Oo nga at katatapos lamang niya ng kolehiyo. Dahil ang edad na disinuwebe patungong beinte ay napakabata pa diumano para humarap sa isang panghabambuhay na responsibilidad. Lalo na't ganoong halos labinlimang taong ang agwat ng edad nila ni Dave. Pero ipinaglaban niya sa mga magulang ang pag-ibig nila ni Dave. Sukdulang labagin niya ang mga pangaral na ipinunla ng mga ito sa isip niya. Nagpaangkin siya kay Dave at nagbunga ang kanilang kapusukan. Magdadalawang buwan na ang nasa tiyan niya.
Paano nagawa ni Dave na pagtaksilan siya?
Halos hindi niya namalayang nakalayo na siya sa gusaling pinag-oopisinahan ni Dave. Maging ang daloy ng trapiko sa bahaging iyon ng Greenbelt Square ay hindi niya alintana. Ang gusto lamang niya ay makalayo sa lugar na iyon. Malayung-malayo. Yaong hindi siya maaabot ni Dave.
Natigilan ang ilang tao sa paligid. Bakit hindi'y paragasang dumarating ang isang pampasaherong dyipni at patawid naman siya ng halos wala sa sarili.
Ngunit maging ang mga sigaw ng babala ay hindi na rumehistro sa nalilitong isip ni Colyn.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments