"Colyn... anak".
Umiiyak ang babaeng namulatan niya. Tumutulo ang luha sa kamay niyang hawak nito, hinahalikan. Pero nakangiti ang babae na tantiya niya ay lampas kuwarenta ang gulang.
"Colyn.."
Sa pagkakahiga ay ibinaling niya ang ulo para tingnan ang isa pang nagsalita na nasa kabilang gilid naman ng kama. Noon niya naramdaman ang matinding kirot sa dakong kaliwa ng ulo. Napapikit siya at awtomatikong sinalat ang bahaging yon. Ang sumalubong sa kanyang kamay ay may magaspang na bendang nakatakip doon.
"Huwag ka munang magkikilos anak." anang lalaki na pagdaka'y nag alala.
"Baka lalong makasama sayo."
Dumilat siya at tiningnan ang mukha ng lalaki. Tingin niya ay may edad na ito kaysa umiiyak na babae. At mabait din ang bukas ng mukha.
Pero bakit kaya tinawag siyang anak? Mga magulang ba niya ang dalawa?
"Well, well, well... gising na pala ang maganda kong pasyente."
Halos sabay silang napatingin sa may pinto. Papasok ang isang Doctor na sinusundan ng isang nurse. Nakangiti ang Doctor kay Colyn. Lumapit ito sa gilid ng kama at kinuha ang chart sa kasunod na nurse.
"halos labing apat na oras kang walng malay." anang doctor.
"Tungkol naman dito.." tumingin ang doctor sa hita ni Colyn.
"Wala ka namang ipag alala na nabaling buto. Nabugbog lamang."
Noon lamang niya napansin na nabebendahan din ang mga itaas ng kanyang hita hanggang paa at nakabitin iyon ng pataas sa paanan ng kama.
"A-ano ho bang nangyari?" litong tanong niya.
Kumunot ang noo ng doctor, napatingin sa kanya. "Hindi mo alam Colyn?"
"Yon ang p-pangalan ko?"
Nagugulumihang nagkatinginan ang doctor at ang mga magulang ni Colyn.
"Bakit, hindi mo ba alam kung ano ang pangalan mo anak?" hindi nakatiis na tanong ng mama ni Colyn.
"Pati nga ho kayo ay hindi ko matandaan" nahihiyang sabi niya sa babae
"N-nanay ko ho ba kayo?"
Napaawang ang labi ng kanyang ina.
"C-colyn, anak"... anang ama ni Colyn na lumapit sa kanyang ina at i anakbayan ito.
"Natural na siya ang nanay mo at ako ang tatay mo"
Sa nabasang pagkalito sa mukha ni Colyn, nakialam na ang doctor.
"Sandali lang ho" anito sa ama ni Colyn nakatingin.
"Anong nangyari doctor?" litong tanong nito sa doctor ng makalabas sila ng silid.
"Hindi ko matitiyak hanggang hindi siya nasusuri, I thought it was a simple concussion at first but then, severe complications may resort from such an injury like temporary lapse of memory."
Natigilan ang doctor ng mapansing nakatingin lamang sa kanya ang kausap.
"Sa may palasak na tawagan..amnesia" anang doctor na gumamit na ng laymans term.
"Tigagal na tanong ng ama ni Colyn.
"Iyon ang hinala ko" anang doctor
Tumalikod na ang doctor pagkatapos humingi ng paumanhin upang isagawa ang pagsusuri kay Colyn. Nangipuspos na naisuntok ang ama ni Colyn ang kamay sa dingding saka parang maiiyak na yumupyop doon. Amnesia!!
Sumpain ka Dave Adriatico!!
KUMPIRMADO. isa si Colyn sa nabibihirang kaso sa pagkawala ng alaala. Amnesia. Gaano man kasakit iyon sa mga magulang ni Colyn ay wala silang magagawa kundi tanggapin. Gayon may parang hapding lumalatay sa kanilang puso kapag ganoong titig na titig sa kanila si Colyn Gayon ma'y parang hapding lumalatay sa
kapag ganoong titig na titig sa kanila si Colyn na waring
kinikilala sila. Sa inosenteng isip nito'y dalawa silang
estranghero na ngayon lang nito nakatagpo.
*Ang kuhang ito," ani Aling Sofia na pinilit itago ang
paggaralgal ng boses habang ipinakikita ang isang photo
album kay Colyn, "noong seventh birthday mo. Tayu-tayo
lang ng tatay mo'ng nag-celebrate."
"Ako to no'ng bata pa?" waring napapantastikuhang
tanong ni Colyn habang tinititigan ang litrato ng isang batang
babaing umiihip ng kandila sa cake.
Bumahid ang lungkot sa anyo ni Mang Luis. Hindi lang si
Colyn ang waring pinagtaksilan ng panahon kundi sila ring
mag-asawa na nagkaroon ng malaking bahagi sa kahapon
nito. Isang kahapong kailangan pa nilang ibalik sa isip nito
ngayon.
Napansin ni Mang Luis, sinisenyasan siya ng kapapasok
na nars. May ibig itong sabihin na hindi naman masabi at
waring sa kanya lamang nais iparating. Tinapunan ng tingin
ng matanda ang asawa at si Colyn. Abala ang dalawa sa
photo album. Lumapit siya sa nars sa may pinto.
"Nagpipilit hong makapasok yong lalaking narito no'ng
isang araw, pabulong na sabi ng nars na tinapunan pa ng
tingin si Colyn para masigurong hindi sila nito napapansin.
Nahulaan agad ni Mang Luis kung sino ang tinutukoy ng
nars. Waring umakyat sa ulo ang dugo niya. "Nasaan?" tanong
niya.
Nasa labas ho. Inaaway kami sa pagpigil sa kanya. E,
kasi naman, bilin n'yo ay huwag siyang papapasukin."
Nagpatiuna na sa paglabas si Mang Luis, Sumunod ang
nars na alertang hinila ang pinto pagkalabas nila.
Nakikipagtalo sa isa pang nars sa labas si Dave. Parang
nabunutan ng tinik sa dibdib ang nars nang makita si Mang Luis.
Ayan na ho pala yong ama, e, sabi nito kay Dave.
"Sa kanya na lang kayo makipag-usap.
Nilingon ni Dave ang palapit na si Mang Luis. Napansin agad ng matandang lalaki na walang kaayusan ang suot ni
Dave. Lukot na lukot ang puting polong suot na waring di pa napalitan mula nang huling magpunta ito sa ospital kahapon.
Hindi rin niya pinahintulutan si Dave na makita si Colyn kahapon kahit wala pang malay ang dalaga.
Tingin ni Mang Luis ay hindi lang treinta'y singko si
Dave sa anyo dahil sa bakas na pag-aalala sa mukha nito.
Gayon ma'y di maikukubli ang katikasan nito na hula niya
noon ay siyang nakagayuma sa kanyang anak.
Itay
salubong ni Dave.
Halos marinig ang pagngangalit ng bagang ni Mang Luis.
"Huwag mo na akong tatawagin ng ganyan," angil niya kay
Dave. *Wala nang dahilan para pahintulutan kita.
"-ikakasal kami ni Colyn ...
"Noon yon. At ang noon ay iba mà kaysa ngayon.
"Ano'ng ibig n'yong sabihin?" maang na tanong ni Dave.
Gustong isigaw ni Mang Luis sa mukha ng kaharap na ito
áng may kasalanan Sa nangyari kay Colyn. Alam niya dahil
agtanong siya sa sekretarya ni Dave kung ano ang nangyari
bago umalis si Colyn sa opisina. Kung bakit sabi ng mga nakakita bago ito naaksidente ay parang wala sa sarili.
Napahagulgol sa telepono si Margie nang malaman ang
nangyari. Parang sinisi pa nga nito ang sarili dahil nagkaroon
ng bahagi sa pagtatakip kay Dave,
Pero sa halip na isigaw kay Dave ang galit, pinili ni Mang
Luis na maging kalmado. Para matindi ang dating ng sasabihin
niya kay Dave.
Tba na ang isip ng anak kO ngayon," simula ng matanda.
"H-hindi na niya gustong pakasal sa akin? patdang tanong
ni Dave. "Pero ang nakita niya'y
"Hindi na niya maaalala kung ano man iyon. At maski
ikaw .. hindi na niya matatandaan.
Kumunot ang noo ni Dave sa pagtataka.
Nagka amnesia siya dahil sa aksidente.
Tinutukar ng tingin ni Mang Luis ang mukha ni Dave
para sa susunod na reaksiyon. At nagdiwang ang kalooban
niya sa nakitang paghihirap sa anyo nito. Kunibut-kibot ang
mga labi ni Dave na tila may gustong sabihin ngunit wala
namang lumabas na kataga sa bibig.
"H-hindi .." nasabi nito pagkuwan habang umiling.
"Totoo, Dave. Tapos na ang kahapon ninyo ng anak ko.
Kuyom ang mga palad na napasuntok sa dinding si Dave, paris ng naging reaksiyon ni Mang Luis noong una ay napasubsob doon na waring pinipigil lamang mapaiyak.
Good, saloob-loob ni Mang Luis. Naranasan mo ang paghihirap ng loob na naranasan ko. At sana'y doble pa ang
nararamdaman mo dahil sa sumbat ng budhi.
Bago nahulaan ni Mang Luis ang susunod na gagawin ni Dave ay nakatakbo na ito papasok sa silid ni Colyn.
“Dave ...! sigaw na lamang ni Mang Luis gayong alam na rin niyang wala siyang magagawa para mapigil ang lalaki.
Gulat na napatingin sina Aling sofia at Colyn sa rumaragasang papasok na si Dave. Walang reaksiyon ng rekognisyon buhat kay Colyn kahit titig na titig na sa mukha ng lalaki.
Bagay na lalong nagpaantak sa sakit ng kaloobang nadarama ni Dave.
Takang bumaling si Colyn sa ina, waring itinatanong: "0, sino naman ito?"
"N-naligaw siguro ng dadalawin 'tong mama," ani Aling Sofia na di na kahahalataan ng katarantahan liban sa bahagyang pagkatal ng tinig. Naligaw kayo, ano?" baling nito kay Dave.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments