NAG-UUTOS kung di man nagbabanta ang tinging iniukol ni Aling Sofia kay Dave. Nag-uutos na makisakay si Dave sa
pagsisinungaling nito.
Pero dapat ba niyang ikaila ang sarili kay Colyn, naisip ni Dave. Makatutulong ba iyon? Hindi ba't mas magandang sabihin nila kay Colyn kung sino talaga siya para matulungan
itong mabalik ang memorya?
Gayon ma'y naisip ni Dave na may kinalaman marahil sa lawak ng diprensiya sa isip ni Colyn ang ginagawang pagsisinungaling ni Aling Sofia. Maaaring may bilin ang
manggagamot hinggil sa paraan ng pagpapabalik sa alaala
nito. Aalamin muna niya ang lawak ng diprensiya sa isip ni Colyn bago siya magpasiya. Sa ngayon, makikisakay na nga
muna siya sa nasimulang kasinungalingan ni Aling Sofia.
"0-00 nga," aniyang bahagya pang ngumiti kay Colyn.
Naligaw nga yata ako ng dadalawin.
Alanganing ngumiti si Colyn. Tipikal na reaksiyon ng
isang babae sa isang estrangherong noon lang nito nakita.
At lalong nakapagpasakit iyon sa kalooban ni Dave.
Estranghero?
Siya at si Colyn?
Samantalang pati ang isang personal na bagay na nagaganap sa pagitan ng mag-asawa ay namagitan na sa
kanila. At hindi lang minsan.
Waring may pataw ang mga paa na humakbang siya palabas ng silid.
Narinig pa niya ang huling sinabi ni Colyn: Nakakatuwa naman yong mama ang tanda na e naliligaw pa."
NAKAUPO sa lobby si Mang Luis. Waring sadya siyang hinihintay.
Parang sa isang patang-pata ang katawang ibinagsak ni
Dave ang sarili sa tabi nito.
Napatunayan mo? tanong ni Mang Luis.
Tumango si Dave.
Nagpakilala ka?"
Noon lang siya tumingin kay Mang Luis. "Inunahan ako
ng Inay."
"Aling Sofia."
Natilihan si Dave pero saglit lang pagkuwa'y mapait na
napatango at sa sahig na ibinaling ang tingin."Inunahan ako
ni... Aling Sofia. Sinabi niya kay Colyn na naligaw lang ako
ng dinadalaw."
"At nakisakay ka?"
Nalito ako. P-parang hindi nga tamang pakilala ako sa kalagayang iyon ni Colyn. Nag-alala akong baka makasama sa kanya. Walang reaksiyon sa anyo ni Mang Luis. Para pa ngang hindi nito gaanong inintindi ang sinabi ni Dave dahil nakatutok lamang ang tingin sa pambungad na pinto ng ospital
gayong wala namang naroon.
Pero hindi ba't mas makabubuti sa kalagayan ni Colyn na makilala ako?" ani Dave na tumingin na uli sa kausap.
"Baka mnakatulong iyon para mabalik ang memorya niya.
Maaari."
Tumayo si Dave.
"Saan ka pupunta?" maang na tanong ni Mang Luis.
"Babalikan ko siya. Pakikilala ako para maalala niya ang
nakaraan."
"Gugustuhin mong mangyari iyon?"
Maang na napatingin siya sa mukha ni Mang Luis, nagtatanong ang mga nata.
Maupo ka muna, Dave."
Hindi tuminag si Dave.
"May gusto lang nuna akong ikuwento sa yo. Pagkatapos
mong marinig iyon at gusto mo pa ring ituloy ang balak mo
ay hindi kita pipigilin.
Nagtatakang naupo uli si Dave.
"Noong araw, no'ng nasa high school pa lang si Colyn,
may naging best friend yan. Bessie ang pangalan. Halos
magkapatid ang turingan nila. Sabay pumasok sa eskuwela. Sabay umuwi. Nagbibigayan. Nagsasabihan ng sekreto."
Hindi ko maintindihan kung ano ang koneksiyon niyon
sa "Minsan," pagpapatuloy ni Mang Luis na waring hindi narinig ang sinabi ni Dave, "nakipagkagalit si Colyn sa isa nilang kaklaseng babae. Natural na kampi sa kanya si Bessie. Ganoon naman sila. Ang kagalit ni Bessie, hindi na rin kabati ni Colyn ko. At ganoon din ang inaasahan niya buhat sa kaibigan. Bagay na siya namang ipinakikita ni Bessie. Hindi nito binabati ang nakagalit ni Colyn. Masalubong man ay parang walang nakita. Hanggang minsan, nahuli ni Colyn na
nagbibiruan pa ang dalawa. Sa isang parke. Kung magkasama ang dalawa o nagkita lang nang di sinasadya ay di na inalam ni Colyn. Basta nasaktan siya nang labis sa natuklasan na
hindi naman pala tapat sa kanya ang kaibigan. Na sa talikuran,
niloloko siya nito. Sa tuwirang salita ay tinatraidor."
Tinitigan ni Mang Luis si Dave.
"Mahina ang anak ko sa gano'ng punto, ani Mang Luis na halos hindi na nagkukuwento kundi mayroon lamang
mensaheng nais ipahatid kay Dave. "Saktan mo na siya sa ibang bagay, huwag lamang sa punto ng katapatan.
Napatungo si Dave. Alam na niya ang tinutungo ng kuwento ni Mang Luis.
Yong kaibigan niyang 'yon, hindi na napatawad ni Colyn kahit kailan. Ganoon katindi magalit ang anak ko. Kahit umiyak na sa paghingi ng tawad si Bessie ay hindi na niya pinansin. Iniwasan niya hanggang tuluyan nang magkahiwalay ang
kanilang landas. pa rin
ni Bessie sa konsensiya ang kasalanan, nasa abroad na' y
Sige pa rin ng pagpapadala ng card kay Colyn tuwing may okasyon. Mga kalatas na ni isa'y hindi sinagot ni Colyn dahil nawalan na sa kanya ng halaga ang mensahe.
Nakuha ko na ho ang punto. Hindi na n'yo kailangang magpatuloy," mapait na sabi ni Dave.
Napabuntunghininga si Mang Luis. "Siguro makabubuti na yong magkalayo kayo ni Colyn nang di niya naalalang napopoot siya sa yo. Hindi mo rin gugustuhin ang ganoon,
di ba?"
"P-paano ang dinadala niya.. ang magiging anak namin?"
Nang maaksidente si Colyn, nalaglag iyon sa kanyang Sinapupunan. Waring tinakasan ng kulay ang mukha ni Dave sa narinig.
Wala na talagang dahilan para makasal kayo ni Colyn, Dave."
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments