PARANG isang slow motion scene sa pelikula, binalikan ni
Dave sa isip ang nangyari.
Sinorpresa siya ni Colyn, dinaanan nito sa kanyang opisina
marahil ay yayaing magtanghalian sa labas. Ang inabutan nito`y ang eksenang hinahalikan siya ni Eula.
Nag-isip ng masanma si Colyn kaya tumakbo palayo.
Pero hindi ba nito nakitang inaalis niya ang mga kamay ni
Eula sa pagkakayakap sa kanya? Hindi nga niya inaasahan ang gagawing iyon Eula Sa paghalik sa kanyang mga labi.
Akala marahil nito ay makababago iyon sa desisyon niyang huwag nang makipagbalikan dito. Afer all, anim na buwan na silang nagkanya-kanya ng lakad. Bakit gugustuhin pa ni Eula na makipagbalikan sa kanya? Dahil ba nabalitaan nitong ikakasal na siya?
Dapat ay hindi agad tumakbo palayo si Colyn. Mas maganda pa siguro kung inusig siya nito. Makapag- papaliwanag siya. Masasabi niya ang totoong nangyari. Pero dapat din ay naging maagap siya sa paghabol para hindi ganap na nakalayo si Colyn. Hindi iyong para siyang may kasalanan talaga na natulala pagkakita rito kaya hindi agad nagawang kumilos.
At si Margie. Ano'ng ginagawa ni Margie? Bakit hindi nito napigil si Colyn sa pagpasok sa silid niya o kaya'y nawarningan agad siya ng pagdating nito? Disin sana'y hindi ganoon ang eksenang inabutan nito sa kanila ni Eula. Hindi mabibigla si Colyn at hindi tatakbo palayo. Hindi maaaksidente.
A, ang daming dapat mangyari na hindi nga siyang nangyari. At kailangan niyang harapin ang katotohanan na naroon na 'yon. The damage has been done.
Hindi na siya kilala ni Colyn.
Wala na ang anak nila,
Hindi na matutuloy ang kasalan.
Ang sakit naman, daing ng puso ni Dave. At ang lahat ng
iyon ay dahil lamang sa isang maling akala na kung
maibabalik niya ang panahon ay itutuwid niya para mabalik
sa dati ang sitwasyon
PURO alak ang naging kasama ni Dave nang mga sumunod
na araw. Hindi siya halos lumalabas ng bahay. Maging ang
mga tawag sa opisina ay hindi niya pinapansin.
Parang nawalan ng halaga ang buhay sa kanya.
At ano pa naman ang magiging halaga niyon kung wala si
Colyn at ang kanilang mga pangarap?
Kakatwa, sa edad na tatlumpu't lima ay magkakaganito
pa siya. Ang akala niya noon, isa na siyang man of the world.
Alam na ang lahat. Kaya nang kontrolin ang ano mang
sitwasyon. Maramni na siyang napagdaanan. Hindi na mabilang
ang mga babaing nagkaroon ng kaugnayan sa kanyang buhay.
Bakit nga hindi, bukod sa biniyayaan ng mabikas na anyo ay
may angkin pa siyang ekstraordinaryong katalinuhan. Ang
pruweba niyon ay ang mạtaas na posisyong hawak niya
ngayon sa pinapasukan. General Manager for Operations sa
Isang maprestihiyong kompanya sa Makati, ang Progressive
Computer Services na mas kilala sa katawagang PCS. Sa
kasalukuyan, mahigit na dalawampung malalaking kompanya
ang nagpapaserbisyo sa kanila hinggil sa monthly payroll,
production at iba pang bagay na kakailanganin ang computer
Sa
services.
Magtitreinta pa lamang ay may sarili na siyang bahay,
lupa at sasakyan. Maipagmamalaki na rin ang halagang
nailagak niya sa banko. Sapat para magmalaki siya sa mga
kapatid. Hindi na siya kailangang pumaris sa mga ito na
nagsipagpirmihan na sa ibang bansa para lamang umasenso
buhay. Katwiran niya, narito man sa Pilipinas ay mangyayari rin iyon kung may sapat na kakayahan ang isang
tao. Kaya hindi siya kailanman napilit ng tatlong kapatid na
mangibang-bansa.
Akala niya noon, ang paningin niya'y nakatuon lamang
Sa lalo pang pag-asenso. Sa higit pang pag-angat Sa mataas
nang kinalalagyan. Kaya nga minsan man, hindi niya binigyan
ng seryosong pag-iisip ang tungkol sa pag-aasawa.
Hanggang sa dumating sa buhay niya ang isang disinuwebe
anyos, may singkitin ngunit wari'y lagi nang nakatawang
mga mata, fair-complexioned at simpleng mag-ayos na babae.
Si Colyn.
Paano ba niya malilimutan ang una nilang pagkikilala? Sa
minsang pagsulyap 1ang niya noon kay Colyn sa harap ng
wine rack sa kinaroroonan nilang supermarket, natiyak na
niyang ito na ang babae para sa kanya. Sumikdo agad ang
dibdib niya't nahirapan siyang alisin ang tingin sa maamong mukhang iyon.
Nakamaluwang na t-shirt na puti si Colyn. Faded maong
jeans. Ang buhok nito'y bahagya na lang nai-pony tajl at
tingin niya'y nagbabanta nang malaglag ang ribbon na
nakatali roon.
Pero ang ganda-ganda pa rin ng tingin niya kay Colyn.
Inosenteng kagandahang wariy kaysarap ingatan at mahalin.
Patay-malisyang tumabi siya sa kinatatayuan ni Colyn
habang wari'y iniinspeksiyon ang label ng hawak na bote ng
alak. Kaswal na tinapunan niya uli ito ng tingin.
Bahagyang nakayuko si Colyn dahil inaabot ang 1sang
alak na nasa ibaba ng rack. Medyo maluwang ang leeg ng t-
shirt nito na wari'y nabanat na sa kalalaba.
Saglit siyang
natuksong silipin kung ano ang itsura ng itinatago ng itaas
ng t-shirt. Ngunit napahiya siya sa sarili kaya't itinutok na
lamang ang tingin sa batok nito na ginagapangan ng bagong
tumutubong buhok. Sa tama ng liwanag ay halos nagkukulay- mais ang mga Iyon.
Nakita niyang hawak na ni Colyn ang isang bote ng alak
at binabasa ang tatak niyon. Nakakita siya ng pagkakataong
kausapin iyon.
Pangregalo? kaswal na tanong niya.
Takang napatingin sa kanya si Colyn.
Ngumiti siya. Kaswal. Yaong di gaanong nagpapakita ng
marubdob na interes na makipagkilala.
Ba't mo alam? bahagya nang nakangiting tanong ni
Colyn. Sa saglit na pag-assess nito'sa kanya ay nagustuhan
mandin ang nakita.
Ika ko lang, imposible namang ikaw ang iinom,
aniyang bahagya na ngayong niluwangan ang ngiti.
*Imposible ring para sa boyfriend mo. Tingin ko, wala ka
pang boyfriend.
Kung sinabi ni Colyn na mayroon na, tiyak ni Dave na
malulungkot siya. Pero sa halip, ngumiti na rin nang tuluyan
si Colyn at sinabing, *Wala pa nga. Ang gusto ko sanang
regałuhan, ang Itay ko."
39
"A... ani Dave na bagama't natuwa ay sanay namang
itago ang nararamdaman.
"Hindi ko nga alam kung ano ang dapat ibigay, e. Hindi
ako sanay sa alak."
Huwag yan, ani Dave na umabot ng isang kuwa-
draduhing bote ng alak, "Ito, okey 'to."
Inabot ni Colyn ang alak, tiningnan ang presyong nakatatak
sa ilalim niyon at parang napasong ibinalik agad sa kanya
ang bote. “Ang mahal niyan," ang pabiglang sabi. "Hindi
kakasya'ng naipon ko."
Natutuwang natitigan niya ito sa mukha. Hindi na siya
Sanay sa ganoong katapatan. Siguro, kung ibang babae ang
hasa harap niya, sa halip na aminin ang toto0, ang sasabihi y
1bang dahilan para lamang hindi niya mabisto ang kakapusan
nito sa pera.
Ang inosenteng kagandahan pala ni Colyn ay tinernuhan din ng purong katapatan.
"May proposisyon ako, sabi niya habang nilalaru-lar
nang paikot sa kamay ang alak.
Nawala ang ngiti ni Colyn. Ang anyo'y nalangkapan ng
tila pagdududa. "Ano?" tanong nito.
"Kung ipakikilala mo ako sa Itay mo, aabonohan ko na'ho
kulang sa pambili mo."
Kumunot ang no0 ni Colyn. "Ba't mo gagawin yon?"
anito. "Saka, ba't mo gugustuhing makilala ang Itay ko?"
iisiping
"Kasi, kapag nakilala ko na siya, hindi mo na
presko ako. Kasi, sa kanya ako magpapaalam kung puwedeng
makipagkilala sa yo.
Napamaang si Colyn pero mayamaya lamang ay waring
di na napigil mapangiti. Naiiling na humakbang ito pero
nilingon siya. "Puntahan mo na lang ako sa counter para
mabayaran natin yang alak," ang sabi.
Nakilala niya nang araw na iyon si Mang Luis.
Alam niya, kahit nakangiti ang matandang lalaki, kahit
inaanyayahan siya sa handa nito, hindi kuntento si Mang Luis sa nangyari. Tingin niya'y nararamdaman nito na
naisahan niya si Colyn. Bata pa si Colyn. Madaling lansihin
ng isang paris niyang halos doble na rito ang edad. Madaling kumagat sa simpleng taktika ng isang lalaki.
Pakiramdam din ni Dave, maging si Aling Sofia ay hindi
masyadong kumporme sa pagkikilala nila ni Colyn. At may dahilan namang magkagayon ang dalawang
matanda. Dahil dalawang buwang mahigit pagkaraan ng
pangyayaring iyon, nagkaunawaan na sila ng dalaga. Halos
di na nga niya gustong pagtapusin ito ng Commerce. Hindi
na rin naman magagamit iyon ni Colyn kapag kasal na sila
dahil papipirmihin na lang niya ito sa bahay.
Natatakot kasi siyang madala ng pagtutol ng mga magulang
si Colyn. Alam niya, nasasabi nito, hindi masyadong pabor
sina Mang Luis at Aling Sofia sa relasyon nila. Na kung ang mga ito ang masusunod. huwag munang makipagnobyo si
Colyn. Kung makikipagnobyo man, sa isang hindi sana
malayo sa edad nito.
Pero hindi naawat si Colyn. Kaipala'y tinamaan din nang
matindi sa kanya. Hanggang nangyaring ipagkaloob nito ang
sarili sa kanya. Nagkaroon sila ng matinding dahilan para
magpakasal nang magbunga ang kapusukang iyon. Mabutr
na lamang at malapit na noon ang graduation nina Colyn.
Ipinasiya nilang pagtapusin na muna ito bago idaos ang
kasalan.
Marami ang hindi makapaniwalang patatali siya sa isang
babae. And to top it all, sa isang paris ni Colyn.
Musmos pa halos. Walang eksperyensiya sa maraming
bagay. Salat sa sophistication.
Kaya marahil pati ang ex-girlfriend niyang si Eula ay nagtangkang ibalik ang pagtitinginan nila. Bagay na naging
ugat ng problema niya ngayon.
Wala na raw dahilan para pakasal pa sila ni Colyn, sabi ni
Mang Luis.
Meron, sinasabi ni Dave ngayon sa sarili. Malaking dahilan.
Mahal niya si Colyn.
May mas gaganda pa bang dahilan liban doon? At minahal
din naman siya ni Colyn. Pagmamahal na nalimot na nga
lamang nito ngayon. Pero may magagawa siyang paraan para
mabalik iyon.
At desidido si Dave na harangan man siya ng sibat ay gagawin niya iyon.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments