Nagtaka si Colyn na gusto siyang pigilan ni Margie sa pagpasok sa private office ni Dave.
Hindi, hindi pala pigilan. Base sa pagkakaposisyon ng sekretarya sa pinto na ang isang kamay ay nakahawak sa knob, ang mas tamang salita ay, gusto siya nitong harangan.
At bakit naman siya haharangan ni Margie sa pagpasok sa pribadong opisina ng kanyang fiance? Hindi ba nito alam na basta siya ang dumating, hindi na kailangang abisuhan si Dave? Puwede na siyang dumiritso agad sa opisina nito. Saka dati rati namay walang kuwestiyon iyon kay Margie. Ngingiti sa ito pagkakita sa kanya at kung may ginagawa ito ay sumesinyas nalng na tumuloy sa siya.
Sa takot ngayong nakikita niya sa anyo nito, pwede niyang masabing sa pagkakatingin sa kanya ni Margie, ang nakikita nito ay isang multo.
Ikinunot niya ang kanyang noo para ipakita sa babae ang pagtataka kung di man bahagyang pagkairita.
"M-may kausap siya sa loob", ani Margie na halatang kinokontrol lamang ang panginginig ng boses. "Importante ang pinagmimitingan nila".
"Di bale, uupo lang ako sa isang sulok at makikinig". Humakbang siya palapit sa pinto.
Awtomatikong naiharang ni Margie ang isa pang kamay sa pinto. At tingin no Colyn ay lalo pang humigpit ang hawat nito sa knob.
"Bilin niya ay huwag magpapasok ng kahit na sino."
"Kahit ako?" maang na tanong niya.
"Importante nga ang pinag-uusapan nila"
Doon na talaga nagduda si Colyn. At kung kaninang nag shopping siya ay nagdadalawang isip siya kung daraan sa opisina ni Dave, ngayon ay natutuwa siyang itinuloy niya ang balak. "Alam mo Margie, me pakiramdam akong hindi ka nagsasabi ng totoo, e. Parang me ayaw kang may madiskubre ako sa loob."
"H-hindi Colyn."
"Kung ganon paraanin mo ako."
Nagulat pa si Margie nang palisin ko ang kamay niyang nakahawak sa knob, sabay pihit sa knob ng pinto.
Hindi niya alam kung sino ang mas nagulat sa kanila ng mga dinatnan sa loob. Siya o si Dave o ang babaeng kasama nito. Ang tiyak ni Colyn parang naparalisa ang katawan niya sa inabutang eksena. Si Dave, kahalikan ang babaing ngayon ay namumukhaan na niya. Ang ex-girlfriend nito na si Eula. Waring ngumiti pa sa kanya ang socialite matapos makabawi sa kabiglaan, itinaas pa nang bahagya ang noo. Samantalang si Dave ay daig pa ang natuklaw ng ahas sa pagkakatingin sa kanya. Bahagyang nanginginig ang tuhod na biglang tumalikod si Colyn, patakbong tinakasan ang eksenang yon na halos dumurog sa kanyang puso.
"Colyn...!!!"
Hindi niya pinansin ang pagtawag ni Dave. Walng lingon likod na takbo ang ginawa niya hanggang marating ang elevator. Tiyempo namang may bumaba sa floor na iyon kaya nkasakay kaagad siya. Bago tuluyang sumara ang pinto, natanaw niya sa dulo ng pasilyo ang humahabol na si Dave.
"Colyn...!!!!"
Nawala ito sa tingin niya nang maglapat ang pinto ng elevator. Saka lamang siya napaiyak. Inimpit niya ng isang kamay ang hikbing nais tumakas sa kanyang mga labi. Napayuko siya ng mapansing pinagtitinginan siya nga mga nakasabay niya sa elevator.
Unang-una siyang tumakbo palabas ng bumukas ang elevator. Hindi na niya talaga mapigil ang pag agos ng luha. Takang sinundan tuloy siya ng tingin ng guwardiya sa pintong nilabasan niya.
Paanong nagawa iyon ni Dave? tanong niya sa isip Araw nalang ang hinihintay para makasal sila. Dinadala na niya ang bunga ng kanilang pagmamahalan. Kaya ayaw man mga magulang niya, pumayag na rin ang mga ito na makasal sila.
Oo nga at katatapos lamang niya ng kolehiyo. Dahil ang edad na disinuwebe patungong beinte ay napakabata pa diumano para humarap sa isang panghabambuhay na responsibilidad. Lalo na't ganoong halos labinlimang taong ang agwat ng edad nila ni Dave. Pero ipinaglaban niya sa mga magulang ang pag-ibig nila ni Dave. Sukdulang labagin niya ang mga pangaral na ipinunla ng mga ito sa isip niya. Nagpaangkin siya kay Dave at nagbunga ang kanilang kapusukan. Magdadalawang buwan na ang nasa tiyan niya.
Paano nagawa ni Dave na pagtaksilan siya?
Halos hindi niya namalayang nakalayo na siya sa gusaling pinag-oopisinahan ni Dave. Maging ang daloy ng trapiko sa bahaging iyon ng Greenbelt Square ay hindi niya alintana. Ang gusto lamang niya ay makalayo sa lugar na iyon. Malayung-malayo. Yaong hindi siya maaabot ni Dave.
Natigilan ang ilang tao sa paligid. Bakit hindi'y paragasang dumarating ang isang pampasaherong dyipni at patawid naman siya ng halos wala sa sarili.
Ngunit maging ang mga sigaw ng babala ay hindi na rumehistro sa nalilitong isip ni Colyn.
"Colyn... anak".
Umiiyak ang babaeng namulatan niya. Tumutulo ang luha sa kamay niyang hawak nito, hinahalikan. Pero nakangiti ang babae na tantiya niya ay lampas kuwarenta ang gulang.
"Colyn.."
Sa pagkakahiga ay ibinaling niya ang ulo para tingnan ang isa pang nagsalita na nasa kabilang gilid naman ng kama. Noon niya naramdaman ang matinding kirot sa dakong kaliwa ng ulo. Napapikit siya at awtomatikong sinalat ang bahaging yon. Ang sumalubong sa kanyang kamay ay may magaspang na bendang nakatakip doon.
"Huwag ka munang magkikilos anak." anang lalaki na pagdaka'y nag alala.
"Baka lalong makasama sayo."
Dumilat siya at tiningnan ang mukha ng lalaki. Tingin niya ay may edad na ito kaysa umiiyak na babae. At mabait din ang bukas ng mukha.
Pero bakit kaya tinawag siyang anak? Mga magulang ba niya ang dalawa?
"Well, well, well... gising na pala ang maganda kong pasyente."
Halos sabay silang napatingin sa may pinto. Papasok ang isang Doctor na sinusundan ng isang nurse. Nakangiti ang Doctor kay Colyn. Lumapit ito sa gilid ng kama at kinuha ang chart sa kasunod na nurse.
"halos labing apat na oras kang walng malay." anang doctor.
"Tungkol naman dito.." tumingin ang doctor sa hita ni Colyn.
"Wala ka namang ipag alala na nabaling buto. Nabugbog lamang."
Noon lamang niya napansin na nabebendahan din ang mga itaas ng kanyang hita hanggang paa at nakabitin iyon ng pataas sa paanan ng kama.
"A-ano ho bang nangyari?" litong tanong niya.
Kumunot ang noo ng doctor, napatingin sa kanya. "Hindi mo alam Colyn?"
"Yon ang p-pangalan ko?"
Nagugulumihang nagkatinginan ang doctor at ang mga magulang ni Colyn.
"Bakit, hindi mo ba alam kung ano ang pangalan mo anak?" hindi nakatiis na tanong ng mama ni Colyn.
"Pati nga ho kayo ay hindi ko matandaan" nahihiyang sabi niya sa babae
"N-nanay ko ho ba kayo?"
Napaawang ang labi ng kanyang ina.
"C-colyn, anak"... anang ama ni Colyn na lumapit sa kanyang ina at i anakbayan ito.
"Natural na siya ang nanay mo at ako ang tatay mo"
Sa nabasang pagkalito sa mukha ni Colyn, nakialam na ang doctor.
"Sandali lang ho" anito sa ama ni Colyn nakatingin.
"Anong nangyari doctor?" litong tanong nito sa doctor ng makalabas sila ng silid.
"Hindi ko matitiyak hanggang hindi siya nasusuri, I thought it was a simple concussion at first but then, severe complications may resort from such an injury like temporary lapse of memory."
Natigilan ang doctor ng mapansing nakatingin lamang sa kanya ang kausap.
"Sa may palasak na tawagan..amnesia" anang doctor na gumamit na ng laymans term.
"Tigagal na tanong ng ama ni Colyn.
"Iyon ang hinala ko" anang doctor
Tumalikod na ang doctor pagkatapos humingi ng paumanhin upang isagawa ang pagsusuri kay Colyn. Nangipuspos na naisuntok ang ama ni Colyn ang kamay sa dingding saka parang maiiyak na yumupyop doon. Amnesia!!
Sumpain ka Dave Adriatico!!
KUMPIRMADO. isa si Colyn sa nabibihirang kaso sa pagkawala ng alaala. Amnesia. Gaano man kasakit iyon sa mga magulang ni Colyn ay wala silang magagawa kundi tanggapin. Gayon may parang hapding lumalatay sa kanilang puso kapag ganoong titig na titig sa kanila si Colyn Gayon ma'y parang hapding lumalatay sa
kapag ganoong titig na titig sa kanila si Colyn na waring
kinikilala sila. Sa inosenteng isip nito'y dalawa silang
estranghero na ngayon lang nito nakatagpo.
*Ang kuhang ito," ani Aling Sofia na pinilit itago ang
paggaralgal ng boses habang ipinakikita ang isang photo
album kay Colyn, "noong seventh birthday mo. Tayu-tayo
lang ng tatay mo'ng nag-celebrate."
"Ako to no'ng bata pa?" waring napapantastikuhang
tanong ni Colyn habang tinititigan ang litrato ng isang batang
babaing umiihip ng kandila sa cake.
Bumahid ang lungkot sa anyo ni Mang Luis. Hindi lang si
Colyn ang waring pinagtaksilan ng panahon kundi sila ring
mag-asawa na nagkaroon ng malaking bahagi sa kahapon
nito. Isang kahapong kailangan pa nilang ibalik sa isip nito
ngayon.
Napansin ni Mang Luis, sinisenyasan siya ng kapapasok
na nars. May ibig itong sabihin na hindi naman masabi at
waring sa kanya lamang nais iparating. Tinapunan ng tingin
ng matanda ang asawa at si Colyn. Abala ang dalawa sa
photo album. Lumapit siya sa nars sa may pinto.
"Nagpipilit hong makapasok yong lalaking narito no'ng
isang araw, pabulong na sabi ng nars na tinapunan pa ng
tingin si Colyn para masigurong hindi sila nito napapansin.
Nahulaan agad ni Mang Luis kung sino ang tinutukoy ng
nars. Waring umakyat sa ulo ang dugo niya. "Nasaan?" tanong
niya.
Nasa labas ho. Inaaway kami sa pagpigil sa kanya. E,
kasi naman, bilin n'yo ay huwag siyang papapasukin."
Nagpatiuna na sa paglabas si Mang Luis, Sumunod ang
nars na alertang hinila ang pinto pagkalabas nila.
Nakikipagtalo sa isa pang nars sa labas si Dave. Parang
nabunutan ng tinik sa dibdib ang nars nang makita si Mang Luis.
Ayan na ho pala yong ama, e, sabi nito kay Dave.
"Sa kanya na lang kayo makipag-usap.
Nilingon ni Dave ang palapit na si Mang Luis. Napansin agad ng matandang lalaki na walang kaayusan ang suot ni
Dave. Lukot na lukot ang puting polong suot na waring di pa napalitan mula nang huling magpunta ito sa ospital kahapon.
Hindi rin niya pinahintulutan si Dave na makita si Colyn kahapon kahit wala pang malay ang dalaga.
Tingin ni Mang Luis ay hindi lang treinta'y singko si
Dave sa anyo dahil sa bakas na pag-aalala sa mukha nito.
Gayon ma'y di maikukubli ang katikasan nito na hula niya
noon ay siyang nakagayuma sa kanyang anak.
Itay
salubong ni Dave.
Halos marinig ang pagngangalit ng bagang ni Mang Luis.
"Huwag mo na akong tatawagin ng ganyan," angil niya kay
Dave. *Wala nang dahilan para pahintulutan kita.
"-ikakasal kami ni Colyn ...
"Noon yon. At ang noon ay iba mà kaysa ngayon.
"Ano'ng ibig n'yong sabihin?" maang na tanong ni Dave.
Gustong isigaw ni Mang Luis sa mukha ng kaharap na ito
áng may kasalanan Sa nangyari kay Colyn. Alam niya dahil
agtanong siya sa sekretarya ni Dave kung ano ang nangyari
bago umalis si Colyn sa opisina. Kung bakit sabi ng mga nakakita bago ito naaksidente ay parang wala sa sarili.
Napahagulgol sa telepono si Margie nang malaman ang
nangyari. Parang sinisi pa nga nito ang sarili dahil nagkaroon
ng bahagi sa pagtatakip kay Dave,
Pero sa halip na isigaw kay Dave ang galit, pinili ni Mang
Luis na maging kalmado. Para matindi ang dating ng sasabihin
niya kay Dave.
Tba na ang isip ng anak kO ngayon," simula ng matanda.
"H-hindi na niya gustong pakasal sa akin? patdang tanong
ni Dave. "Pero ang nakita niya'y
"Hindi na niya maaalala kung ano man iyon. At maski
ikaw .. hindi na niya matatandaan.
Kumunot ang noo ni Dave sa pagtataka.
Nagka amnesia siya dahil sa aksidente.
Tinutukar ng tingin ni Mang Luis ang mukha ni Dave
para sa susunod na reaksiyon. At nagdiwang ang kalooban
niya sa nakitang paghihirap sa anyo nito. Kunibut-kibot ang
mga labi ni Dave na tila may gustong sabihin ngunit wala
namang lumabas na kataga sa bibig.
"H-hindi .." nasabi nito pagkuwan habang umiling.
"Totoo, Dave. Tapos na ang kahapon ninyo ng anak ko.
Kuyom ang mga palad na napasuntok sa dinding si Dave, paris ng naging reaksiyon ni Mang Luis noong una ay napasubsob doon na waring pinipigil lamang mapaiyak.
Good, saloob-loob ni Mang Luis. Naranasan mo ang paghihirap ng loob na naranasan ko. At sana'y doble pa ang
nararamdaman mo dahil sa sumbat ng budhi.
Bago nahulaan ni Mang Luis ang susunod na gagawin ni Dave ay nakatakbo na ito papasok sa silid ni Colyn.
“Dave ...! sigaw na lamang ni Mang Luis gayong alam na rin niyang wala siyang magagawa para mapigil ang lalaki.
Gulat na napatingin sina Aling sofia at Colyn sa rumaragasang papasok na si Dave. Walang reaksiyon ng rekognisyon buhat kay Colyn kahit titig na titig na sa mukha ng lalaki.
Bagay na lalong nagpaantak sa sakit ng kaloobang nadarama ni Dave.
Takang bumaling si Colyn sa ina, waring itinatanong: "0, sino naman ito?"
"N-naligaw siguro ng dadalawin 'tong mama," ani Aling Sofia na di na kahahalataan ng katarantahan liban sa bahagyang pagkatal ng tinig. Naligaw kayo, ano?" baling nito kay Dave.
NAG-UUTOS kung di man nagbabanta ang tinging iniukol ni Aling Sofia kay Dave. Nag-uutos na makisakay si Dave sa
pagsisinungaling nito.
Pero dapat ba niyang ikaila ang sarili kay Colyn, naisip ni Dave. Makatutulong ba iyon? Hindi ba't mas magandang sabihin nila kay Colyn kung sino talaga siya para matulungan
itong mabalik ang memorya?
Gayon ma'y naisip ni Dave na may kinalaman marahil sa lawak ng diprensiya sa isip ni Colyn ang ginagawang pagsisinungaling ni Aling Sofia. Maaaring may bilin ang
manggagamot hinggil sa paraan ng pagpapabalik sa alaala
nito. Aalamin muna niya ang lawak ng diprensiya sa isip ni Colyn bago siya magpasiya. Sa ngayon, makikisakay na nga
muna siya sa nasimulang kasinungalingan ni Aling Sofia.
"0-00 nga," aniyang bahagya pang ngumiti kay Colyn.
Naligaw nga yata ako ng dadalawin.
Alanganing ngumiti si Colyn. Tipikal na reaksiyon ng
isang babae sa isang estrangherong noon lang nito nakita.
At lalong nakapagpasakit iyon sa kalooban ni Dave.
Estranghero?
Siya at si Colyn?
Samantalang pati ang isang personal na bagay na nagaganap sa pagitan ng mag-asawa ay namagitan na sa
kanila. At hindi lang minsan.
Waring may pataw ang mga paa na humakbang siya palabas ng silid.
Narinig pa niya ang huling sinabi ni Colyn: Nakakatuwa naman yong mama ang tanda na e naliligaw pa."
NAKAUPO sa lobby si Mang Luis. Waring sadya siyang hinihintay.
Parang sa isang patang-pata ang katawang ibinagsak ni
Dave ang sarili sa tabi nito.
Napatunayan mo? tanong ni Mang Luis.
Tumango si Dave.
Nagpakilala ka?"
Noon lang siya tumingin kay Mang Luis. "Inunahan ako
ng Inay."
"Aling Sofia."
Natilihan si Dave pero saglit lang pagkuwa'y mapait na
napatango at sa sahig na ibinaling ang tingin."Inunahan ako
ni... Aling Sofia. Sinabi niya kay Colyn na naligaw lang ako
ng dinadalaw."
"At nakisakay ka?"
Nalito ako. P-parang hindi nga tamang pakilala ako sa kalagayang iyon ni Colyn. Nag-alala akong baka makasama sa kanya. Walang reaksiyon sa anyo ni Mang Luis. Para pa ngang hindi nito gaanong inintindi ang sinabi ni Dave dahil nakatutok lamang ang tingin sa pambungad na pinto ng ospital
gayong wala namang naroon.
Pero hindi ba't mas makabubuti sa kalagayan ni Colyn na makilala ako?" ani Dave na tumingin na uli sa kausap.
"Baka mnakatulong iyon para mabalik ang memorya niya.
Maaari."
Tumayo si Dave.
"Saan ka pupunta?" maang na tanong ni Mang Luis.
"Babalikan ko siya. Pakikilala ako para maalala niya ang
nakaraan."
"Gugustuhin mong mangyari iyon?"
Maang na napatingin siya sa mukha ni Mang Luis, nagtatanong ang mga nata.
Maupo ka muna, Dave."
Hindi tuminag si Dave.
"May gusto lang nuna akong ikuwento sa yo. Pagkatapos
mong marinig iyon at gusto mo pa ring ituloy ang balak mo
ay hindi kita pipigilin.
Nagtatakang naupo uli si Dave.
"Noong araw, no'ng nasa high school pa lang si Colyn,
may naging best friend yan. Bessie ang pangalan. Halos
magkapatid ang turingan nila. Sabay pumasok sa eskuwela. Sabay umuwi. Nagbibigayan. Nagsasabihan ng sekreto."
Hindi ko maintindihan kung ano ang koneksiyon niyon
sa "Minsan," pagpapatuloy ni Mang Luis na waring hindi narinig ang sinabi ni Dave, "nakipagkagalit si Colyn sa isa nilang kaklaseng babae. Natural na kampi sa kanya si Bessie. Ganoon naman sila. Ang kagalit ni Bessie, hindi na rin kabati ni Colyn ko. At ganoon din ang inaasahan niya buhat sa kaibigan. Bagay na siya namang ipinakikita ni Bessie. Hindi nito binabati ang nakagalit ni Colyn. Masalubong man ay parang walang nakita. Hanggang minsan, nahuli ni Colyn na
nagbibiruan pa ang dalawa. Sa isang parke. Kung magkasama ang dalawa o nagkita lang nang di sinasadya ay di na inalam ni Colyn. Basta nasaktan siya nang labis sa natuklasan na
hindi naman pala tapat sa kanya ang kaibigan. Na sa talikuran,
niloloko siya nito. Sa tuwirang salita ay tinatraidor."
Tinitigan ni Mang Luis si Dave.
"Mahina ang anak ko sa gano'ng punto, ani Mang Luis na halos hindi na nagkukuwento kundi mayroon lamang
mensaheng nais ipahatid kay Dave. "Saktan mo na siya sa ibang bagay, huwag lamang sa punto ng katapatan.
Napatungo si Dave. Alam na niya ang tinutungo ng kuwento ni Mang Luis.
Yong kaibigan niyang 'yon, hindi na napatawad ni Colyn kahit kailan. Ganoon katindi magalit ang anak ko. Kahit umiyak na sa paghingi ng tawad si Bessie ay hindi na niya pinansin. Iniwasan niya hanggang tuluyan nang magkahiwalay ang
kanilang landas. pa rin
ni Bessie sa konsensiya ang kasalanan, nasa abroad na' y
Sige pa rin ng pagpapadala ng card kay Colyn tuwing may okasyon. Mga kalatas na ni isa'y hindi sinagot ni Colyn dahil nawalan na sa kanya ng halaga ang mensahe.
Nakuha ko na ho ang punto. Hindi na n'yo kailangang magpatuloy," mapait na sabi ni Dave.
Napabuntunghininga si Mang Luis. "Siguro makabubuti na yong magkalayo kayo ni Colyn nang di niya naalalang napopoot siya sa yo. Hindi mo rin gugustuhin ang ganoon,
di ba?"
"P-paano ang dinadala niya.. ang magiging anak namin?"
Nang maaksidente si Colyn, nalaglag iyon sa kanyang Sinapupunan. Waring tinakasan ng kulay ang mukha ni Dave sa narinig.
Wala na talagang dahilan para makasal kayo ni Colyn, Dave."
Download NovelToon APP on App Store and Google Play