PAPRIKA,
lyon na lamang ang sangkap na hinahanap niya. Pero
kanina pa ikot nang ikot si Colyn ay hindi pa rin niya makita
ang hanap. Kinapa niya sa isip kung ano ba ang posibleng
itsura niyon. Lagi na'y ganoon siya kapag may gustong
maalala sa nakaraan. Pero lagi rin naman siyang nabibigo.
Parıs na lang ngayon. Hindi niya maalala kung ano ang
Itsura ng paprika. Nananangan lang siya kanina sa posibilidad
na makikita niya iyon sa pamamagitan ng label.
Naiiling na itinulak niyang palayo ang grocery cart.
Sasabihin na lang niya sa Inay niya na wala siyang makitang
paprika. Babayaran na niya sa counter ang nmga napamili at
uuwi na. Tantiya niya'y hindi naman kukulangin ang
dalawang daang pisong ipinadala sa kanya ni Mang Luis
para ipang-grocery.
Natutuwa siya sa mga magulang. Palibhasa nga'y hindi niya makapa sa memorya ang dating pakikipag-ugnayan sa
mga ito, pakiramndam niya'y para iang ding ang mga kapitbahay nila ang pinakikisamahan niya. Hindi niya alam
ang mga ugali, ang mga kilos, ang mga paniniwala. Ngayon
pa lang niya kikilalanin.
Ang Inay niya'y masipag sa bahay, hindi palakibo at
nagsasalita lamang kung kinakailangan. Kung ano ang linis
nito sa pamamahay ay siya ring linis sa katawan. Ang hindi
lang niya gusto sa ina, sobra itong mapag-alala kahit sa
mumunting bagay na tila ba siya'y isa pang bata na alaga
nitong pagsabihan.
Yang likod baka ka sipunin.
mo, Colyn, basa. Magpalit ka ng damit at
Huwag kang masyadong matapang magkape at gawin mong sa umaga
lamang. Bawal matulog nang basa ang buhok, etc, etc.
Ang Itay naman niya, simple lang. Nakamata lang sa mga
bagay-bagay. Pero hindi magdadalawang-isip na magsalita
kapag may hindi nagustuhan. Pero masipag din sa
hanapbuhay. Ang sabi ng Inay niya, senior accountant sa
isang bottling company ang Itay niya. Kaya nga diumano
Commerce din ang kinuha niya noon sa college ay
naimpluwensiyahan siya ng Itay niya.
Kung malinis sa sarili ang Inay niya, ganoon din ang Itay
niya. At mapag-alala rin pero hindi sa paraang paris sa Inay
niya. Ipinakikita iyon ni Mang Luis sa pamamagitan ng
mumunting bagay. Pagpapasalubong kahit siopao o donut
kung mga simpleng araw. Litsong manok o crispy pata kung
araw ng suweldo. Bestida o pabango kung may okasyon.
Paminsan-1minsang pagyayaya ng sine o pagkain sa labas.
Masaya na siya nang ganoon.
Kahit hanggang ngayon, malabo pa rin sa isip niya ang nakaraan.
At least, may namulatan siyang pamilya. Ang maganda
pa, ideyal ang mga magulang niya. Hindi nag-aaway. May
1sang batas na bagama't hindi nasusulat ay matapat namang
sinusunod ng kanyang ina.
Na sa bahay na iyon, ang kanyang ama ang may huling salita.
Paris na lang kaninang bago siya umalis. Ayaw ng Inay
niya na palakarin siyang mag-1Sa.
Para supermarket lang," pabale-walang sabi ni Mang
Luis. "Nariyan lang yon sa labasan, a.
"Kahit na," tutol pa rin si Aling Sofia. “Magdadalawang
buwan pa lang siyang nakalalabas ng ospital.
E, kelan mo pa siya pahahalubiluhin sa mundo? Kailan
pa niya uumpisahang pag-aralan ang mga ginagawa ng lSang
normal na tao?"
Ang Itay din niya ang nasunod.
Dala ang dalawang daang piso, lumakad siya para magtungo sa supermarket. Nang nag-iisa.
Kanina, ang pakiramdam niya ay tila isang paslit na
pinawalan sa isang banyagang lugar. Ramdam niya ang takot
ng pag-iisa. Nag-aalala siyang baka malimutan din niya ang
pagbalik sa kanila. Kahit pa sabihing hindi nga kalayuan ang
supermarket sa kinaroroonan ng inuupahan nilang aprtment.
Lalo pa't tingin niya kung bakit napakaraming taong naglisaw
sa loob at labas ng supermarket. Pero tinatagan na lamang
niya ang sarili. Naisip niyang hindi naman talaga gusto ng
Itay niya na pamilihin siya.! Ang gusto nito'y matuto siya.
Matandaan ang mga dating ginagawa.
At hindi niya dapat biguin ang Itay niya.
Pinag-aralan niya ang mga kilos ng ibang mamimili.
Ginaya niya ang mga iyon. Pumasok sa entrance ng super-market sa pamamagitan ng pagtutulak sa nikiladong bakal na
mistulang nagkukulong sa sino mang papasok doon ngunit
iyon pala'y itutulak mo lamang at ikot na.
So far, heto siya't nakapamili na nang maayos. İsa nga
lamang sa mga inilista ni Aling Sofia ang hindi niya nabili.
Paliko na siya sa isang pasilyo nang may makabunggovang cart niya. Hindi niya matiyak kung sino sa kanila ng lalaking may tulak ang nakabunggo niyang cart ang may
kasalanan kaya hindi siya agad humingi ng paumanhin.
"Sorry, miss," anang lalaki. "Hindi kita agad napansin.
Sa pagkakatitig sa mukha ng lalaki, nay memoryang agad
bumalik sa isip ni Colyn.
Me hinahanap kasi ako sa rack kaya
Natatandaan kita."
Patda at hindi halos humihinga, napatitig si Dave kay
Colyn.
Natatandaan siya?
Naalala na nito ang nakaraan?
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments