Chapter 6: Striving For A Place

As the year came to an end, bumalik ako sa school — still in 10th grade, pero ngayon nasa star section na ako. Apparently, my grades were too high para ilagay ako sa lower sections. School felt different. Kahit na academically okay ako, mahirap pa rin mag-adjust. Para akong bata ulit — like it was my first time experiencing school. Pero kahit ganun, unti-unti akong nakahanap ng kaibigan. We grew so close that they even attended my 16th birthday celebration. For the first time, nagkaroon ako ng happy school life.

Pero iba pa rin sa bahay. After that fight with my mother, parang walang nangyari. Everyone acted like nothing happened. Pero ramdam ko 'yung bigat ng mga salita niya. One day, lumapit siya sa akin, desperado ang boses niya, "Magpaka-normal ka lang, ha? Huwag na huwag mong sasabihin sa tatay mo." The desperation in her voice — at yung halong inis sa mga mata niya — it crushed me.

And my father? Wala siyang kaalam-alam. Parang wala lang talaga. Sinabihan nila ako na huwag sabihin sa kanya kasi baka masaktan siya. Naiintindihan ko, pero deep down, pakiramdam ko may karapatan siyang malaman. After all, malaking parte ito ng buhay namin. Pero wala akong nagawa — I kept my mouth shut. I endured it alone. Life at home became suffocatingly quiet. Para akong multo sa sariling bahay.

Sa totoo lang, lumaki akong walang pakiramdam na may pamilya ako. I never really felt like I belonged. Tahimik ako sa bahay, walang imik. Pero sa school? I was different. I wore the brightest smile, played around, and pretended I was "normal." Dahil sa paningin ng iba, ayos ako — kaya sa isip ko, pinaniwala ko rin sarili ko na ayos ako.

Patuloy akong nagsumikap sa school. Hindi man ako laging top 1, pero lagi akong nasa honor roll. Akala ko, sapat na 'yun para mapansin nila ako. Pero kahit kailan, hindi nila ako pinapurihan. Years passed by, hanggang sa dumating ang graduation. I graduated as the valedictorian — and for the first time in a long time, naramdaman kong proud ako sa sarili ko. Everyone congratulated me — mga kaklase, teachers, kaibigan — except my family.

As usual, walang kahit anong papuri na nanggaling sa kanila. When we got home, my mother looked at me and said flatly, "Valedictorian? Ayos lang 'yan… Pero si Kira, graduate as suma cum laude. Dapat ginalingan mo pa." She looked at me, disappointed — as if graduating as valedictorian wasn't enough.

My throat tightened. Gusto kong isigaw, "Ano bang gusto n'yo?!" I was already at the top — bakit parang wala pa rin akong kwenta sa kanila? I felt like choking on my food, and my tears were ready to fall. Lagi na lang ganito. Lagi akong kinukumpara. Lagi akong kulang. Ano ba'ng kailangan kong gawin para lang mapansin nila?

Mula pagkabata, naririnig ko na ang bulong-bulungan — na maraming sikreto ang pamilya namin. Akala ko tsismis lang, pero ngayon naiintindihan ko na. Ang pamilya kong ito — they hold standards so high, it was impossible to please them. Imagine, valedictorian na ako, pero sa kanila, kulang pa rin ako. Hindi ko talaga maintindihan. Every time I achieve something, they brush it off like it’s nothing.

Napapaisip tuloy ako — paano kaya kung ibang pamilya ang meron ako? Yung pamilyang proud kahit sa maliliit kong achievements? Yung yayakapin ako at sasabihing, "Anak, proud kami sa’yo." Pero sa pamilyang ‘to? Wala. Never nilang nasabi 'yun.

At that moment, I realized — I will never be enough for them.

Hot

Comments

Kyo Miyamizu

Kyo Miyamizu

Author, my heart is aching for the next chapter!

2025-03-09

1

See all

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play