Flashback......
Naalala ko tuloy yung mga nangyari sa buhay ko. Tanginang commercial yun. I guess growing up, my life was far from idyllic. Bata pa lang ako, pakiramdam ko invisible ako — parang wala akong lugar sa mundo. Sa apat na magkakapatid, ako yung pangatlo. Squeezed between my older brother, older sister, at yung bunso naming kapatid na babae.
Maaga nagsimula yung kwento ng parents ko. My mom got pregnant with my brother when she was just 19. Dahil sa nangyari, pinilit ng lolo ko — a stern, silent man — na magpakasal sila. Si Lolo? Ewan ko, parang ang bigat lagi ng tingin niya sakin. Siguro kasi kamukha ko si Mama, at isang paalala ako ng pagkakamali ng anak niya. Pero kahit ganun, mas okay na siya kesa sa ibang tao sa paligid ko. At least siya, tahimik lang at totoo sa sarili niya na ayaw niya sakin. Mas ok na kesa sa mga nagpapanggap di ba?
Nung pinilit silang magpakasal, nag-umpisa silang tumira sa maliit na one-bedroom apartment. They were young, clueless, pero mahal nila ang isa't isa. Yun nga lang, habang tumatagal, mas nagiging distant sila. Pero ironically, mas matagal silang nagsama kasi mas kaunti na yung away. Para bang kapag wala na kayong oras magkasama, wala na rin oras magtalo.
Pagdating ko ng tatlong taon, bigla na lang nagkasakit si Mama. Wala kaming pera. Si Papa, siya lang ang nagtatrabaho kaya napilitan kaming lumipat sa probinsya at tumira sa mga lolo't lola ko sa father side. Si Papa? Naiwan sa city para maghanapbuhay. Ang peaceful nung lugar, pero saglit lang pala yung katahimikan kasi nalaman ni Mama na buntis siya sa bunso naming kapatid.
Lumipas ang taon, nasa third grade na ako nun, at yung bunso naming kapatid, kakapasok lang sa kindergarten. Dito na nag-iba lahat. Lagi kaming nag-aaway ng kapatid ko. Wala silang pakialam sa akin, at ako, nagsisimula nang mapagod sa lahat. Kaya si Mama, nagdesisyon na ipatira ako sa lolo’t lola ko. Sabi niya para daw madisiplina ako. Pero ang totoo
Itinapon niya lang ako.
Yung bahay ng grandparents ko? Malaki, pero parang walang kabuhay buhay. Walang TV, walang ibang batang kalaro. Si Lolo, tahimik lang. Pagkagaling trabaho, uupo sa silya, makikinig sa radyo. Si Lola naman, laging nasa kanto, naglalaro ng baraha sa kapitbahay. Ako? Nakatingin lang sa kawalan, nagtatanong kung bakit ganito yung buhay ko.
Tuwing weekends, naglalakad ako ng 30 minutes para bisitahin sila Mama at mga kapatid ko. Doon lang ako nagiging "bata." Nakakapaglaro, nakakapanood ng TV, at kahit saglit lang — masaya ako. Pero syempre lahat naman ay laging may ending. Babalik at babalik ako sa bahay ng lolo’t lola ko, kung saan tahimik, malamig, at parang wala akong saysay.
Sa paningin ng iba, parang okay naman ang lahat. Pero ang totoo? Parang nakakulong ako sa isang buhay na walang kulay. Sa gabi, iniisip ko kung may nagmamahal ba talaga sa akin o kung isa lang akong pabigat sa lahat. Ang bigat-bigat sa loob, lalo na pag naiisip kong sa edad kong 'to, ramdam ko na agad kung paano maging mag-isa.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 11 Episodes
Comments
Mamimi Samejima
The twists and turns of the plot had me at the edge of my seat the whole time.
2025-03-09
1