Chapter 3: The School Days

Noong ng bata pa ako, wala akong kaalam-alam sa totoong bigat ng buhay at mga pagsubok na naghihintay para sa akin. From Monday to Friday, consumed ako sa school — a Catholic school run by nuns and a priest. Pero ang mas mahirap? Parang blurred yung boundary ng school at personal life ko, kasi kahit sa bahay ng lolo’t lola ko, parang classroom din — puro rules and a lot of expectations.

Kahit saan ako magpunta, either sa bahay ng mga grandparents ko o sa classroom, may strict schedule. Wala akong karapatan o kalayaan. Sa classroom, mas grabe. Nilagay ako sa star section — kung saan lahat ng estudyante, matatalino, competitive, at laging gustong lamang sila sa lahat. Lahat ng tao doon, tingin sa isa’t isa, kalaban. Kaya bata pa lang ako, natutunan ko nang mag-focus sa sarili ko at mga achievements na ako lang naman ang nakakakita, kahit na ibig sabihin nun eh balewalain ko yung ibang tao.

Lumaki ako sa isang maliit na lugar kung saan lahat ng tao, magkakilala alam lahat ng baho ng isa't isa. Sobrang liit ng mundo namin na pag may chismis, parang isang oras lang, alam na ng buong bayan. Sa school, napapalibutan ako ng mga pinsan at kapitbahay ko — pero kahit ganun, never ako naging close sa kanila. Most of the time, mag-isa ako. Naging socially awkward ako, parang laging may pader sa pagitan ko at ng ibang tao.

Tatlo sa mga pinsan ko ang kasama ko sa klase — sila Julie, Jane, at Kira. Si Julie at Jane? Tangina, ang lala nila. Akala nila, mayaman kami kasi galing kami sa city, kaya feeling entitled sila na dapat palagi akong bumili ng pagkain at school supplies para sa kanila. Pag hindi ko ginawa? Guilt-trip agad. “Yaman-yaman niyo tapos hindi mo kami malibre?” Tangina, di nila alam, halos wala na kaming makain sa bahay.

Tapos andun si Kira — siya yung parang "kambal" ko. Magkatabi lang bahay namin, at dahil close yung mga magulang namin, napagdesisyunan nila na palakihin kaming parang kambal kahit isang buwan lang ang tanda niya sa akin. Pero siya? Lahat ng wala ako, nasa kanya. Maganda siya, matalino, mayaman, at sobrang sikat. Ako? Ewan. Parang anino niya lang ako palagi.

Si Kira, mahaba ang buhok, ako naman maikli. Lagi niyang suot ay color pink, ako laging blue. Siya ay paborito ng lahat, ako napapansin lang pag may kailangan sila. Pero alam mo? Bata pa ako nun, hindi ko iniinda. Hindi ako naiinsecure. Sapat na sakin na lagi kaming magkasama — kahit na, alam kong hindi ako kasing halaga niya sa mata ng ibang tao.

Ang masakit? Mismong mga matatanda, sila pa yung unang nagpapakalat ng masasamang salita tungkol sa akin. Sinasabi nila, paglaki ko raw, wala akong mararating. Magiging patapon daw ako, babaeng lasengga, palamunin, walang direksyon sa buhay. Pero bata pa lang ako nun, syempre, wala akong pake. Hindi ko pa alam kung gaano kabrutal ang mundo at kung paano sila walang awa pagdating sa mga kagaya ko. Grabe, ganito ba pag mahirap?

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play