Ninth grade passed by like a breeze, parang wala lang — gaya ng mga nakaraang taon. Finally, nakumbinsi ko rin ang pamilya ko na makasama sila after begging them for a whole month. They finally caved in, at ang sumunod na taon ay nagdala ng malaking pagbabago. My father hit the jackpot, bigla kaming yumaman. Ako at ang ate ko, nagkaroon ng pagkakataong manirahan sa siyudad. Sa wakas, 10th grade na ako at unang beses kong pumasok sa isang paaralan sa siyudad. To my surprise, nasa lower section ako, ranked 6th out of 47 sections. Akala ko mababa na 'yun, pero masaya na rin ako na napabilang sa mga higher-ranked students. Although may star sections, I appreciated that the school was fair and unbiased. School life finally seemed good — pero sa loob-loob ko, gumuho na ako.
Doon ko natanggap ang una kong cellphone, and that's when I discovered the internet. Sobrang daming bagay sa internet — some crazy, some eye-opening. Isang araw, may napanood akong video na nagpabago ng pananaw ko. Bigla kong narealize na lahat ng nangyari sa akin noong bata ako — hindi pala normal, at lalo nang hindi tama. That realization hit me like a brick. Napunta ako sa matinding depression. Bigla na lang akong naging miserable. Wala akong ganang kumain, wala akong tulog, at bumagsak na rin ako sa pag-aaral. Isang beses o dalawang beses na lang ako pumapasok sa school kada linggo. Minsan, nauupo lang ako sa isang tabi — tulala, walang direksyon. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa buhay ko. Hanggang sa dumating ako sa punto na sinaktan ko na ang sarili ko. The pain was unbearable. I was torn between wanting to live and wanting to die. I kept thinking, "Maikli lang ang buhay ko… hindi ko na matutupad ang mga pangarap ko… wala na akong laban."
In that moment, isa lang ang nagawa ko — I confided in my sister.
Ibinuhos ko lahat sa kanya. Every single thing na nangyari sa akin. She looked at me in shock, "Anong pinagsasabi mo?! Are you out of your mind?!" For the first time in my life, nakita kong umiyak ang ate ko. We were never really close — we lived far apart — so she always felt like a stranger to me. Parang ang weird ng pakiramdam, pero ramdam ko yung concern niya. She immediately told our mother about it. At first, galit na galit ang nanay ko. Pero pagkatapos, nagdesisyon siya na kunin na lang kami para makasama nila.
Dahil sa depression ko, nagsimula silang magbigay ng atensyon sa akin. Nagsimula silang kausapin ako, ipagluto ako ng paborito kong pagkain, bilhan ako ng kung ano-ano. My mother and siblings were trying — and I was also trying. Pilit kong ini-smile kahit gustong-gusto kong umiyak. Pilit kong nilalabanan yung lungkot kahit parang hindi ko na kaya. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko pa rin maramdaman yung totoong saya. My academic performance dropped, and I struggled so hard. Hanggang sa isang araw, napagod na ako. "Ayoko na mag-aral," sabi ko.
Surprisingly, pumayag sila. My mother talked to my father, pero hindi niya sinabi ang totoo kong pinagdadaanan. My father stayed unaware — like he always did. We continued living with him, pero parang wala siyang alam. It was a sad reality, and I just accepted it.
Pero kahit huminto na ako sa school, nothing changed. Wala pa ring nagbago. Wala pa rin akong direksyon. I was still miserable. My family still didn’t understand me. Hanggang sa isang araw, napuno na rin sila. "Ano bang gusto mo?! Ibinigay na namin lahat ng gusto mo!" My mother’s voice cracked, her face tired and worn out from taking care of me. My eyes welled up, unable to answer.
"We know na sinisisi mo kami sa lahat ng nangyari sa’yo! Pero hindi mo ba naisip na kasalanan mo rin?! Kung naging mabuting bata ka lang sana, hindi ka sana pinadala doon!"
A good child? Hindi ba ako mabuting bata? Naging masunurin ako. Nagtatrabaho ako sa bahay. Oo, nag-aaway kami ng kapatid ko — pero six years old ako noon, anong masama doon? Ano bang kasalanan ko para tratuhin nila ako ng ganito?
"Sinubukan naming intindihin ka, pero hindi namin kaya. We don’t understand you."
Doon ko napagtanto — wala talaga silang pakialam sa akin. They never wanted me. Alam ko, palagi nilang hinangad na sana lalaki ako. Bumalik lahat ng alaala — iniwan nila ako sa lola’t lolo ko, wala akong kaibigan, wala akong masayang memorya kasama sila. Naalala ko kung gaano ako kalungkot noon. And now I finally realized — I’ve always been alone. I thought family meant love, understanding, and support. Pero bakit sa kanila, wala akong naramdaman kahit isa?
Bakit iniwan nila ako? Bakit hindi nila ako pinaglaban? At bakit… kahit andito na ako, pakiramdam ko wala pa rin akong pamilya?
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 11 Episodes
Comments