Maybe I should have been more secure in myself. Siguro kung mas naging totoo ako sa sarili ko, hindi sana ako lumaki sa anino ni Kira. Siguro kung nagkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin kay Mama na ayoko maging katulad ng pinsan ko, baka hindi ako ganito ka-insecure pagdating ng high school. Baka natutunan kong maging sarili ko, matuto tumayo sa sariling paa, at mahalin kung sino ako.
Pagpasok ko ng high school, doon ko talaga naramdaman yung bigat ng mundo — at kung gaano pala ako nag-iisa. Dito ko rin unti-unting naalala at naintindihan yung mga hirap na pinagdaanan ko nung bata ako. Ang tanging kaibigan ko noon? Si Roselyn.
Si Roselyn at ako, laging magkasama. 15 minutes lang ang layo ng bahay nila from both my family's house and my grandparents' house kaya laging madali akong makapunta sa kanila. Gustung-gusto ko sa bahay nila — kulay pula at may mga rosas sa harap, may fountain pa sa gitna. Hindi naman sila mayaman, pero ramdam mo yung pagmamahal ng magulang niya sa kanya. Para bang kahit ano, ibibigay nila.
Aaminin ko, minsan naiinggit ako. Kasi lahat ng wala ako, nasa kanya — pamilya na nagmamahal, bahay na punong-puno ng sigla, at buhay na parang walang bigat. Pero kahit may inggit, totoo yung saya ko para sa kanya. Yung mga tao sa lugar namin sinasabi na ang swerte nila, may magandang future si Roselyn, at mababait yung pamilya nila. Wala namang chismis tungkol sa pagkakaibigan namin, at kahit na maraming masasamang kwento tungkol kay Papa, mabait pa rin sakin yung mga magulang niya. Sabi nila, good influence daw ako kay Roselyn.
Pagdating ng high school, doon na nagsimula magbago ang lahat. Hindi kami magka-section ni Roselyn. Ako, naiwan sa star section, siya, nalipat sa lower section. Pareho pa rin yung school — Catholic, strict, at puno ng bias. Dito ko na-realize kung gaano ka-brutal ang sistema doon.
Yung mga nasa lower sections? Para bang second-class citizens. Sinasabi ng mga madre at pari na unfair daw ang buhay, kaya dapat daw matuto kaming mag-adjust. Kaya yung mga nasa star section? Ang tingin sa sarili, superior. Parang natural lang sa kanila na kutyain at utusan yung mga nasa baba. Ako? Hindi ko talaga maintindihan kung bakit may ganitong sistema. Pare-pareho lang kaming bata, diba? Bakit may ganitong kalupit na treatment?
At mas nag-iba lahat nung lumipat si Kira sa rival school namin — mas mahal, mas sosyal, at mas kilala. Dati, kahit mas sikat siya, mabait siya sa'kin. Pero nung lumipat siya? Parang naging ibang tao siya. Yung tingin niya sa akin, parang dumi sa sahig. Tangina, ang sakit. Pero wala akong magawa. Tinanggap ko na lang.
Tapos dumating yung araw na yung mga kaklase ko, ginawang katatawanan si Roselyn. Pinagtatawanan siya kasi nasa lower section siya. Nakikita ko yung sakit sa mata niya habang dinadaan-daanan siya ng mga kaklase ko na akala mo kung sino. Alam ko dapat akong magsalita, dapat ko siyang ipagtanggol — pero wala akong ginawa. Tumayo lang ako doon, nanahimik, at iniwan siya.
At yung tingin niya sakin? Never ko makakalimutan. Sobrang disappointed. Parang sinasabi ng mata niya, “Akala ko kaibigan kita?” Ang bigat. Alam kong mali ako, pero parang natakot akong maging katulad nila. Natakot akong maging target.
Pagkatapos ng araw na yun, hindi na ako kinausap ni Roselyn. Hindi ko siya masisisi. Sino bang gustong maging kaibigan ang isang duwag? Dahan-dahan niya akong iniwasan, hanggang sa parang strangers na lang kami. Sobrang sakit.
Pagdating ng Grade 8, same shit, different year. Yung mga lower section? Still treated like trash. Yung mga kaklase ko? Parang proud pa sa ginagawa nila. Ako? Tahimik lang. Hindi ko kayang makisabay sa kalupitan nila — pero hindi ko rin nagawang ipagtanggol yung mga inaapi. Ang totoo? Natatakot ako na ako naman yung pagtawanan nila.
Narinig ko sa chismis na may boyfriend na si Roselyn. Natuwa ako para sa kanya — pero sabay nun, nalungkot din ako. Parang tuluyan na akong naging parte ng past niya. Naalala ko, gumawa ako ng bracelet para sa kanya. Para sana humingi ng sorry. Pero nung ibibigay ko na? Bigla kong narealize — wala na akong lugar sa buhay niya. Hindi na niya ako kailangan.
At tangina, ang sakit pala nun. Yung marealize mong ikaw yung may kasalanan kung bakit ka iniwan ng kaibigan mo. Na ikaw pala yung toxic.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 11 Episodes
Comments