The Betrayals (TagLish)

The Betrayals (TagLish)

Episode 1

Betràyal?

Fear?

Depràved?

Decèption?

Accùsation?

Are just some of the things that I've passed through, and I've received more painful experiences.

Karanasan na karahàsan kung aking tatawagin, na galing pa sa mga taong malalapit sa akin.

I can't say that my family is my comfort zone.

I'd rather say that, I zone out whenever I'm with them, they don't feel like home.

//

"Ate, nasaan tayo?" Namamangha kong tanong habang nililibot ang paningin ko sa paligid.

Dinala ako ni ate sa isang isolated beach, maputi ang buhangin at malinis ang tubig, marami ring pebbles kung saan-saan.

"Hindi ko rin alam ang tawag sa lugar na 'to eh, sasabihan natin ang parents natin na bilhin 'to at pangalanang 'Zel Beach' para Lizel at Hazel." Aniya naman na nginitian ko na lang.

"Maliligo ba tayo rito?" Tanong ko pa.

"Hindi, mangunguha lang ng seashells, doon ka sa kabilang dulo, dito ako sa kabila." Saad niya at inabutan ako ng puting plastic. "Kolektahin mo riyan uh."

"Sige," tumalikod na ako sa kaniya at nagsimula nang maghanap ng seashells.

Hindi ko batid ang paglipas ng oras dahil abala ako sa ginagawa ko hanggang sa makakalahati na ako at tumingin sa langit na padilim na rin.

"Ate!" Tawag ko sa kaniya at nagsimulang maglakad pabalik sa seashore na binabaan namin kanina ngunit natigilan ako nang makitang wala na ang yacht na sinakyan namin. "Ate?"

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid ngunit puro ibon na lang ang nakita kong palipad-lipad at tanging mga kuliglig na lang ang nadirinig.

"Ate, nasaan ka na? Ate, di mo naman ako iniwan di ba?" Kinakabahan kong tanong.

Minutes passed that I haven't heard of her so intimidation started to consume me as I stride to an unknown direction, my knees are trembling in fear.

The darkness is slowly eating the sky just like the terrible feeling spreading to my whole system.

Niyakap ko ang sarili ko kasabay ng pagpatak ng mga luha ko, sana lang talaga hindi niya ako iniwan.

"Ate, alam kong di mo magagawang iwan ako rito, iintayin kita uh."

Just when the moon remained as my light, I confirmed that my sister definitely left me here.

Tanging kadiliman at kuliglig na lang ang kasama ko sa tahimik na lugar na ito.

//

Tatlong taon akong naging island girl, namuhay nang puro takot ang damdamin, sa araw-araw na gigising ako'y hindi ko alam ang gagawin, at sa tuwing matutulog naman ay hindi alam kung anong posibleng hayop ang aatake sa akin.

Lahat na ng hirap ay napagdaanan ko; natuto akong umakyat ng puno ng niyog, manghuli ng isda gamit ang matutulis na kahoy, uminom ng tubig ulan noong di ko pa nadidiskubre ang ilog, matulog sa loob ng kweba, magpa-apoy gamit ang natutunan ko sa girl scout, yakapin ang sarili sa tuwing malamig dahil sa malakas na hangin at ulan, at gamutin ang sarili ko kapag nagkakasakit.

In fact, habang tumatagal ay mas lalo akong nagiging matapang na lumaban para sa buhay ko dahil nasasanay na ako.

Nagsubok pa akong gumawa ng raft na gawa sa kawayan at tuyong dahon ng palm tree pero hindi iyon naging matibay, nasira lang ng malaking alon kaya wala akong nagawa kundi ang lumangoy pabalik sa patag.

Buti na lang at champion swimmer ako noon at nagamit ko ang kaalaman ko sa paglangoy.

Nawawalan na ako ng pag-asa dahil hindi na ako makakita ng daan para maka-alis sa islang iyon, palagi akong sumisigaw kapag may naririnig akong ingay ng aircrafts at ships pero walang nakakarinig dahil malalayo sila.

Nagsulat pa ako ng 'H E L P' sa buhangin at nagbabakasakaling may makakakita pero wala.

Nanatili akong ganoon hanggang sa may dumating na ngang mga saklolo; a little hope came back to me when fishermen helped me, naconfine ako nang matagal sa hospital dahil wala nang sustansya sa katawan ko at kinailangan kong magpataba ulit.

Ang babait ng mga taong tumulong sa akin.

Kinupkop ako ni nurse Kei, nang malaman niyang wala akong mauuwian at dahil survivor lang ako. Malaki ang utang na loob ko sa kaniya dahil ginawan niya pa talaga ako ng VISA para maging legal resident sa bansa nila.

Kaya ipinangako ko sa kaniyang paghanda na ako ay ibabalik ko ang lahat ng nagastos niya para sa akin.

My sister really wanted me dead but I guess, it's not my time yet, rather hers.

"Ma'am, your flight to Philippines is already booked." Saad ng empleyado ko.

Pinag-aral pa ako ni Kei nang limang taon at naging sapat na iyon para makapag-isip ako ng negosyo na di ko naman inaasahang lalago nang ganito sa loob ng tatlong taon.

From a 14-year old lost girl to a 25-year old businesswoman in Japan.

"Arigatou," pasasalamat ko sa kaniya.

"Dou itashimashite," balik niya naman at saglit pang yumuko.

Nginitian ko na lang siya at pinanood na lumabas ng opisina ko atsaka ko ipinalibot ang swivel chair ko paharap sa glass wall.

Napaka gandang titigan ng kalangitan...

at pabalik na ako sa buhay mo Lizel para magdala ng kapaitan.3. -Being fake won't make you take the cake.-

Stepping my feet back on the ground where I used to live is bringing back a lot of memories.

My heels are clicking as I walk on the airport's floor while pulling my suitcase.

Nakasuot ako ng black tight jeans, white loose long sleeves, habang ang black blazer ko ay nakapatong lang sa mga balikat ko, dark round glasses, and black heels.

Dumiretso ako sa black BMW na binili ko pa noong nasa Japan ako para may masasakyan ako pag nakarating na ako rito.

The plate number is mine so I took the car keys from the valet, binigay niya naman sa akin agad ang susi dahil ako yung nasa picture na hawak niya.

Inilagay ko muna sa backseat ang maleta ko bago ako pumasok sa driver seat ng kotse ko at sinimulan ang makina.

Sa hotel muna ako magse-stay ngayong gabi tapos bukas ay bibili ako ng apartment.

Ilang minuto rin ang tinagal ko sa pagmamaneho para matunton ang 'Sain Co.', hindi nagbago ng pwesto sa maraming taong nawala ako.

May kaunting renovation pero parang di naman sapat 'yon sa tagal na ng kumpanya na 'to, dapat din ay mas lumaki pa pero nanatiling pareho lang noon.

Iba talaga kapag tanga ang namahala.

Inayos ko ang pagpaparada ng sasakyan ko sa parking lot at binuksan na ang pinto ng kotse ko para bumaba.

I licked my red lips before pacing the floor towards the glass door; after the guard has pat me down, I pushed the door open enabling me to get inside.

It's been 11 years, my family, and I'm back on track.

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play