Episode 4

Nagshopping ako para sa room decoration ko, nagpatulong ako sa guard sa pag-aakyat ng mga mabibigat na gamit.

Ngayon ay may dark themed bedroom na ako, lumaki kasi akong mas komportable na sa dilim.

I bought a dim light, black desk, black cabinet, black rolling chair, black headset and keyboard with mouse, black bedside table, black star wall decor that I pasted everywhere on my wall and paired it with a star decoration on ceiling that will make it look like a night sky, black doormat, black plushy inside slippers, black bathrobe and towel, and of course, black bedsheets, pillowcase, and blanket.

In fact, I couldn't name everything that I bought, basta lahat ay kulay itim.

Bago sumapit ang gabi ay nakaligo na ako at nakapagsuot ng pambahay na damit.

Wool shorts and oversized shirt, at itinali ang buhok ko nang hindi mahipid.

Naghahanda pa lang sila ng hapunan pero naisipan ko na ang bumaba para tumulong kahit papaano, gutom na kasi ako.

"She's doing great in our business that's why I trust her, and I trust you." Nasa huling hakbangan na ako ng hagdan nang magbukas ang pinto at pumasok si papa na katabi ang pamilyar na lalaki para sa akin.

"Thank you, hindi ko kayo bibiguin." Sagot ng pinagkakaalaman kong nobyo ni Lizel.

"Pa, good evening," bati ko at tuluyan nang bumaba ng hagdanan, nabaling naman sa akin ang atensyon nila.

"Evening," maikling balik niya.

"Good evening din sayo," ani ko nang nakatingin sa katabi niya.

"Good evening, may kapatid pala talaga si Lizel? Bakit hindi kita nakilala noon?" Takang tanong niya.

"I studied in Japan," ani ko naman na bahagyang ikinalaki ng mga mata niya nang panandalian.

"Hontou?-- I mean, really? So, you must have known many things about our country." Nabigla rin ako sa rebelasyon na 'yon pero nanatiling blanko ang mukha ko.

"Hai, anata no gengo mo." Mukhang namangha pa siya sa ekspresyon niya.

"That's good, not only the language you mastered, yung accent din." Balik niya na ikinangiti ko...

nang peke.

"Japanese ka pala?"

"Japanese yung nationality ko but Pinoy na Pinoy in blòòd." Oh so, doon lang siya pinanganak pero Pilipino pa rin siya.

"I see, eh ano namang pangalan mo?" Kunot-noong tanong ko at nagboses hindi interesado.

"Philipian," isahang sagot niya.16. "Ikaw, ano bang pangalan mo?" Balik niyang tanong.

"I'm Hazel," baritono kong sagot.

"Enough of introduction, we have to eat dinner now." Pagputol ni papa sa amin.

"Sure, we must." Pagsang-ayon ni Philipian at binigyan ako ng tight-lipped smile.

"Btw, nasaan nga pala si ate? Di niyo ba kasama?" Kunwaring tanong ko dahil sa kuryusidad.

"She's still at work, masipag kasi talaga 'yon." Sagot ni Philipian na naka-ani ng pagsimangot ko.

"Aww, yeah so hardworking." Pakunwaring papuri ko pa. "Too bad she isn't here."

Joke, that's actually great.

"I know pero tara na, kumain na tayo." Ani ni Philipian na tinanguan ko naman.

Nauna na si papa sa pagtahak ng kusina, at ako nama'y pinantayan ang paglalakad ni Philipian.

"Are you married to my sister? Gaano na kayo katagal?" Tanong ko sa mababang boses.

"No, mag-bf at gf pa rin kami, and 2 years." I feigned interest and nodded.

2 years? Bf and gf?

That's a weak foundation for me.

"Hmm okay, pero ano palang trabaho mo? How did you meet each other?" Pagtatanong ko ulit.

"I'm an architect but also a businessman, at naging business partners kami, and she was just charismatic so yeah." Padighay niyang sagot habang ako naman ay pinigilan ang maduwal.

"I see," komento ko na lang at nanahimik na.17. Walang topic na nabuksan sa hapag habang kumakain kami dahil iyon ang mannerism ni papa, wag magsalita kapag kumakain.

"I've done eating, susunduin ko na muna si Lai." Saad ni papa at tumayo na mula sa upuan niya.

"Oh, should I go with you?" Tanong ni Philip at uminom ng tubig atsaka kumuha ng tissue para punasan ang labi niya.

"No no, ubusin mo na lang din ang pagkain mo, you can go anytime." Sagot ni papa sa kaniya at marahang tinapik ang balikat niya.

"Uh," nakatangong sambit ni Philipian.

Pinanood ko na lang na umalis si papa at nanatiling tahimik sa pag kain ko.

"Erm, Philipian?" Tila nahihiya kong pagtawag sa kaniya.

"Hmm?" Sagot niya at uminom ulit ng tubig.

"Di ba architect ka? I just wonder kung okay lang sa'yong samahan ako? Pakicheck naman ng kwarto ko kung ayos yung design oh, di kasi ako magaling." Ani ko pa na kunwari'y nahihiya. "Pero kung ayaw mo naman, okay---"

"Wala namang problema, let's go?" Pagputol niya sa akin na ikinangiti ko nang malawak at tinanguan siya.

"Let's go," tumayo na rin ako sa upuan ko at naunang maglakad.

Side-eyeing while a smirk is crept on my face.

Wala, naiisip ko lang na hindi magiging mahirap para sa akin ang unang pasakit na matatamo sa akin ni Lizel.

But no, everything will be taken slowly.

Mauuna ang pagbawi ko sa mga pamanang dapat ay sa akin bago ko gagawing manlolokò ang boyfriend niya, and I'll make sure na walang kasalang magaganap bago mangyari 'yon.

Just imagine, breaking down because of the properties that were taken away from you and then being broken-hearted because your beloved someone cheated on you.

So satisfying.

Pinagbuksan ko siya ng pinto at inantay siyang makapasok muna bago ako sumunod at isinara ang pinto.

"Maganda naman ang kwarto mo, it's well-arranged but maybe lagyan mo ng kaunting light colors." Komento niya matapos kilatisin ang buong kwarto ko.

Well, I really like darkness.

"Oh you think so? Hmm, then okay." Ani ko at naglakad palagpas sa kaniya.

"Yeah, so aalis na ako uh." Aniya na ikinatigil ko.

I should think of something that would make him stay for a while.

"Uhm, may pupuntahan ka ba?" Tanong ko sa mababang boses at humawak sa ulo ko.

Lumingon ako sa kaniya na tatalikod na sana pero tumingin ulit sa akin, "May date kami ni Lizel in an hour,"

Dapat hindi siya makarating sa date nila sa tamang oras.

"Uh sorry, ang sakit kasi ng ulo ko eh, hindi ko alam ba't ako nalulula." Pagpapanggap ko at mabagal na humakbang habang nakahawak pa rin sa ulo ko.

"Do you know meds? Sasabihan ko yung katulong sa baba." Pagtatanong niya.

Naupo ako sa gilid ng kama at nakapikit na sumandal sa headboard.

"No need, mawawala rin 'to." Iling kong saad.

"My first-aid kit ka ba? Wag mong hayaang tumagal ang sakit ng ulo mo." Aniya pa na ikinangisi ko sa aking isipan.

"Yes, nasa bathroom yung first-aid kit." Pakuwanri pa akong dumaing para magmukhang mas lumala.

"Okay, I'll get it."

"Thank you sa concern mo." Pahabol ko nang maglakad na siya.

"Don't mistake it as anything, I'm just concerned because you're a sister of my girlfriend." Baritono niyang bigkas at tinahak na ang banyo.

Does he think that he's a man that I would drool over?

Lol, but I liked the idea that he's concerned because that's the prior to my success.

Pumanik ako sa higaan at umayos ng sandal sa headboard atsaka ipinikit ang mga mata ko habang nag-iintay sa kaniya.

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play