"Here is your medicine, sasabihan ko lang ang katulong sa baba na pagdalhan ka ng tubig---"
"Wag na, may galit kasi sakin yung mga katulong eh, baka mapag-isipan lang nilang lasùnin ako kaya ako na lang ang kukuha." Ani ko sa kaniya nang hindi siya tinitignan.
"Eh pero nahihilo ka di ba? Baka mahulog ka sa hagdanan." Pagrarason niya naman.
"Eh kung okay lang naman sayo, pwede bang ikaw na lang ang kumuha? May tiwala kasi ako sayo, alam kong di mo ipapahamak ang kapatid ng gf mo." Saad ko at umayos na ng upo, tumingin siya sa relo niya. "Pero okay lang din kung hindi, mawawala naman 'tong sakit mamaya eh."
"Sige ako na, may oras pa naman, wait lang." Pagdeklara niya at binaba na ang kamay niya sa tamang pwesto.
Ngumiti ako nang matamis, "Arigatou," tinanguan niya na lang ako at nagmamadaling lumabas ng kwarto ko.
He will never like what he's gonna see once he comeback here.
Tumingin ako sa alarm clock ko sa lamesa sa gilid ng kama at napangisi nang may natitira na lang siyang 30 minutes bago ma-late sa date nila.
Gusto ko yung mag-aaway sila nang matindi.2 "Hazel, nandito na ang tubig mo." Dinig kong boses ni Philipian. "Nasaan ka na?" Tanong niya pa.
Wala na kasi ako sa higaan ko, nagkukunwari akong naghahanap ng damit sa closet ko.
"Holy shìť!" Pati ako'y natural na nabigla sa boses niya kahit inaasahan ko naman na iyon kanina pa.
"Wait I'm sorry I didn't know that you are that fast to take water, please I'm searching for a comfortable lingerìe." Pakunwaring natataranta kong sambit at tinabunan ang dibdib ko sa pagharap sa kaniya.
Nakasuot naman ako ng black brà at black underwear kaya walang kaso sakin 'to, mahilig akong maligo sa beach nang naka-swimsuit.
"Hello?" Pagkibo ko nang nanatili siyang nakatulala pero nakangisi na ako sa aking isipan.
Loyal ba talaga 'to?
"Akala ko ba masakit ulo mo?" Pagtatanong niya rin sa wakas.
"Yes but I badly want to change clothes, baka mas umayos ang pakiramdam ko kapag mas komportable ang suot ko." Pagrarason ko at binaba na ang mga kamay ko.
Nahuli ko pa ang pag-alon ng adam's apple, "Inumin mo na ang gamot mo." Aniya at inalok ako ng tubig.
Man, look at my eyes.
"Thanks, pero please pakihanapan na rin ako ng maisusuot?" Pakiusap ko at lumapit sa kaniya para kunin ang baso, sinigurado kong di ko pinalagpas ang paghaplos ng nga kamay ko sa kamay niya nang kinuha ko ito. "Look up," baritono kong sambit na ikinaklaro niya ng lalamunan niya.
"Y-yeah, ano nga ulit ang sinabi mo?" Utal niyang tanong.
"Pakihanapan ako kako ng pantulog na damit, iinumin ko lang ang gamot ko." Ngumiti ako nang matamis sa kaniya at tila wala siya sa isip na tumango sa akin. "Thanks,"
Lumagpas na ako sa kaniya dala-dala ang baso ng tubig papunta sa higaan ko.
Naupo ako sa gilid at kinuha ang tableta sa bedside table, pero imbis na isubo ito ay salisi ko itong tinapon sa trash bin sa gilid at nagkunwaring may sinubo pa rin bago ako lumagok ng tubig.
"Sorry, hindi ako komportable riyan eh."
"Sorry, pero hanap ka pa ng iba."
"Okay na sana eh, pero yung malambot sana ang tela."
Ilang beses ko siyang pinabalik-balik sa pagpili ng damit na pantulog ko at nagkunwaring di ko gusto ang mga napipili niya hanggang sa di niya na namalayan yung paglipas ng oras ng date niya.
Nang makita ko siyang paparating na ay bumaba ako ng higaan at pinusod ang buhok ko sa mataas na ponytail bago lumingon sa kaniya na nakalapit na nga sa kama ko.
Despite the dim light of my room I can still see his eyes scanning my body and I think that's already too much for my liking.
Lumapit ako sa kaniya at kinuha ang damit na hawak niya, "I like this, ito na ang susuotin ko." Nakatitig siya sa mukha ko at tumango.
"Good to know," baritonong komento niya.
Umatras na ako sa kaniya upang isuot ang damit ko.
"Hindi na masyadong masakit ang ulo ko, maraming salamat." Pagpeke ko ng pasasalamat ko at ngumiti pa.
"No worr---oh shíť yung date ko!" Tila kakabalik niya pa lang sa realidad at dali-daling lumagpas sa akin.
"Ay nakalimutan mo? Bakit? Ano bang nasa isipan mo all along?" Nais kong matawa pero naghimig concerned pa rin ako.
"Y-yung sakit mo," pahabol niyang sagot.
"Uh akala ko katawan ko," walang preno kong sambit na ikinahinto ng kamay niya sa pagpihit ng doorknob.
"No way," pailing niyang sagot na kinibitan ko na lang balikat.
I simpered when he left completely, leaving my door slightly ajar.
Talagang pina-alis ko na siya, mag-iisang oras naman na siyang late sa date nila at sapat na 'yon para awayin siya ni Lizel unless makikinig 'yon sa excuses ni Philipian.
Alangan namang sabihin ni Philipian na na-late siya kasi in-assist ako? Syempre mas lalo silang mag-aaway so I'm sure magbibigay siya ng ibang excuse.
2 weeks of full plasticity towards my family, I just don't know why but I can't be genuinely happy around them.
Lagi akong na a-out of place kapag magkakasama kaming apat dahil si Lizel lang naman ang kinakausap nila.
Or maybe I simply don't really like to talk a lot.
Dahil siguro sa katagalan ko nang di sila kasama ay di na pamilya ang pakiramdam ko sa kanila.
I prefer being alone, actually.
"Lizel, naayos mo na ba yung mga papeles?" Tanong ni mama kay Lizel habang kumakain kami ng hapunan.
"Yes ma,"
"Maaasahan talaga 'yan si Lizel, eh si Hazel ba?" Pagpaparinig ni papa sa akin.
"May sarili na akong kumpanya," baritono kong sagot.
"Kailan ka ba aalis dito?" Parang naiirita niyang tanong sa akin.
Galit pa rin siya sa akin, at naiintindihan ko 'yon, wala pa akong valid reason sa iniisip niyang paglalayas ko.
"Aalis ako bukas," may nabili naman na akong apartment, at parang hangin din naman ako rito kaya mas mabuting lumipat na lang ako.
"Bakit ka aalis anak? Ayos naman dito uh?" Pagtatanong ni mama.
"Bibisita na lang ako Ma, gusto ko rin bumukod talaga eh." Malumanay kong sagot.
"Oo, tama yan, umalis ka na lang at wag na bumalik, wala namang nag-aantay sayo rito, wala akong anak na rebèlde." Saad pa ni papa.
Oo nasabi ko nang manhid na ako sa masasakit na salita pero bakit nakaramdam ako ng kaunting kirot?
Ayaw ko sigurong galit sa akin ang ama kong mahal na mahal ako noon pero hindi pa ito ang tamang panahon para sabihin ko ang totoong rason.
Tumingin ako kay Lizel na tahimik at painosenteng kumakain, halatang takot magsalita at baka mabunyag ko lang ang kawalang hiyaan niya.
"I'm sorry Ma, Pa, pero dahil nagbalik na ako nang may alam sa larangan ng negosyo, baka pwede na akong mamahala ng ibang business natin?" Baritono kong tanong at tumingin kay mama't papa.
Nahuli ko sa gilid ng paningin ko ang paninigas ng katawan ni Lizel na nagpangisi sa akin nang bahagya.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 14 Episodes
Comments