Episode 2

Naglakad na ako patungo sa loob ng elevator, sana lang at hindi pa nagbabago ng opisina ang CEO rito.

I pressed the number 7 button and relaxed as the elevator elevated until it dinged and the door of it started to split in two.

Nang sapat na sa akin ang espasyo ay lumabas na ako at nilakad ang tahimik na hallway. Tahimik ang mga nasa opisina, ganoon naman talaga dapat.

But I guess after she sees me, we must have a welcome party.

'C.E.O Office'

Napangisi ako nang mabasa ko ang nakasulat sa pintuan, at naglakad palapit doon.

Kumatok ako nang tatlong beses pero walang sumagot kaya kumatok ulit ako ngunit wala pa ring sumagot.

I knocked repeatedly and more loudly, "Ano ba!? Sino ba 'yan? Kung sino man 'yan, you're fired!"

I can say that, that was my sister's voice so I smirked and knocked even more to piss her off.

Kakatok pa sana ako nang biglang magbukas ang pinto at bumungad ang lalaking magulo ang buhok at lukot ang polo, pati ang necktie ay tabingi pa.

Nahuli ko ang inis sa ekspresyon niya na bigla niyang blinanko.

"Ano bang kailangan mo? You're fired na nga raw." Baritono niyang sambit, ang lalim ng boses niya.

Tinignan ko siya nang taas-baba at bahagyang tumango.

May taste rin pala si ate sa lalaki, maskulado, gwapo, at nakaka-akit ang boses.

"Oh did I just interrupt something?" Retorikang tanong ko.

"What? Ang sabi ko, sisante ka na kaya umalis ka na." Balik niya na inirapan ko lang.

"Well, I'm not an employee, neither an applicant, get off the way." Saad ko sa parehong tono at walang pasabing pinagilid siya upang makadaan ako.

"Hon, napa---why did you come---"

"You're so unprofessional," inalis ko ang salamin ko at isinabit sa kwelyo ko. "Kahit pa nasa gitna ka na ng karurukan, alamin mo pa rin kung sino 'yong kumakatok."5. Tila naistatwa siya sa kinauupuan niyang sofa at bahagyang napaawang ang bibig habang tinititigan ako nang mabuti.

Siguro familiar ang mukha ko sa kaniya pero sino ba namang hindi nagpu-puberty? Given that iniwan niya ako noong 14 pa lang ako, syempre nakalimutan niya na ang itsura ko sa 11 years na wala ako.

"Who are you to tell me that?" Inis niyang singhal.

"Just a sisterly advice, Lizel." Sagot ko at tumingin sa office desk, pasimple akong naglakad patungo roon at nagcross arms sabay sandal sa gilid ng mesa. "Kaya siguro kahit sa 11 years na wala ako, ay wala pa ring big progress 'to, alam ba ng pamilya natin 'yang pamamahala mo?"

Her face became pale as if she has just seen a ghost...

well, multo naman na talaga ako kung hindi lang ako nakaligtas doon.

"H-Hazel?" Di niya makapaniwalang usal.

"The one and only," balik ko at nagplastar ng pekeng ngiti.6. "Hon, kilala mo ba siya?" Tanong ng lalaking kasama namin pero tulala pa rin si Lizel kung kaya't hindi siya nakasagot.

Tila pinoproseso pa ng utak niya ang mga nangyayari.

"Hon," tawag ulit nung lalaki.

Walang gana akong umayos ng tayo at dumighay, "Syempre kilalang-kilala ako niyan, nag-iisang kapatid niya ako eh, di ba ate?" Ani ko na pinipilit palambingin ang boses.

Hindi ko na muna babanggitin ang kawalang hiyaang ginawa niya sa akin, we should take it slowly para hindi magcrash ang senses niya.

My vengeance will be smooth as butter that will give her a slow burn, that's better.

Matagal akong naghirap kaya matagal din dapat siyang maghihirap sa mga kamay ko.

I've been in pain for too long, and that's why I'm gonna give her pains too.

Naglakad ako patungo sa swivel chair at simpleng naupo, bumalik ang paningin ko sa lalaking nagtataka pa rin sa katahimikan namin.

Kinikilatis ko siya habang pinapanood ang bawat galaw niya; hinalikan niya sa noo si Lizel at nagsabing,

"Babalik na lang siguro ako bukas hon, goodnight, talk to me later on phone." Paalam niya sa babaeng nakatulala pa rin.

Sinundan ko ng paningin ko yung nobyo ni Lizel hanggang sa maisara niya na sa likuran niya ang pinto.

I don't know what has gotten into my mind as I stare at the door blankly, deeply thinking of a possible and easiest way to get back at Lizel.

Ngumisi ako sa aking isipan habang inuuga ang mga hita ko.

Mukhang playboy pa ang nakuhang nobyo nitong tangang kapatid ko, pero mas maayos na 'yon, madali kong maaagaw.

Agaw? Alangan namang isumbat niya sa akin ang bagay na siya ang nagsimulang gumawa?

If I ever snàtch her man away from her then that's only to hurt her, nothing more.

"Bakit ka pa bumalik?" Nagsalita na rin siya sa wakas.

"What do you mean, bakit? Syempre, babalik at babalik ako sa pamilya ko." Baritonong sagot ko at hinawakan ang ballpen na nakapatong sa lamesa.

"Dapat namàtay ka na di ba? Bakit ka pa bumalik? Para kunin ang lahat ng sa akin!?" Yes, including your man.

"Kalma ka lang, dapat ba pàtay na ako? Anong magagawa eh, nabuhay nga." Balik ko. "Atsaka ano bang sayo? Yung mga pagmamay-aring dapat ay sa akin?"

Natahimik siya sa sinabi ko pero kitang-kita ang galit sa mga mata niya, pansin ko rin ang pagkumo niya sa mga kamao niya.

Iyan ang gusto ko, walang konsensya sa ginawa sa akin, nang sa ganoon, mas magkaka-motivation akong maghiganti nang walang pagsisisi.

-Running away from crimes only to feign forgetfulness proves your pettiness.-

"Anong sinasabi mong sa'yo? Walang sa'yo, puwede bang umalis ka na lang dito!?" Mukha ngang bumalik na siya sa tamang pag-iisip...

I mean, sa wisyo niya, dahil wala naman siyang tamang pag-iisip.

"Bakit naman ako aalis eh pamilya ko 'to?" Balik ko at tumayo rin kasabay niya.

"Hindi ka puwedeng makita rito ni papá! Aatakihin siya sa puso!" Sigaw pa niya na inirapan ko na lang at umalis na sa lamesa.

"Aalis naman talaga ako, pero yung makita ako ni papá? Natural lang talaga na makita niya ako ulit, at wag kang mag-alala, hindi ko sasabihin ang kasamaang ginawa mo." Baritono kong sambit at naglakad na patungo sa pinto ng opisina. Lumingon uli ako sa kaniya, "Hmm, depende pala sa sitwasyon kung kailangan bang sabihin o hindi." Ani ko pa at nagplastar ng pekeng ngiti.

"Anong kailangan mo? Pera? Kumpanya? Ano, sabihin mo!"

Ang maghiganti ang kailangan ko.

"Ibibigay ko ang gusto mo, wag mo lang kaming guluhin, masaya na kami eh!" Dagdag pa niya na ikinahinto ko sa paghakbang.

Tumikhim ako at muling lumingon sa kaniya, "Anong kailangan ko? Ang bumalik sa pamilya ko, at bawiin ang mga kinuha mo."

"Wala akong kinuha---"

"Buhay ko, Lizel. Kinuha mo ang buhay ko, sa pamamagitan ng pag-iwan sa akin sa islang 'yon, kinuha mo ang pangarap ko." Pagputol ko sa kaniya at pinihit na ang busol atsaka binuksan na ang pinto.

"Huh, akala mo ba 'pag nakita ka nina mama't papa ay tatanggapin ka pa nila? Kinamumuhian ka na nila, hindi ka na nila mahal kaya 'wag ka nang bumalik." Pahabol niya pa na nginitian ko na lang bago tuluyang lumabas ng opisina at isinara ang pinto.

Bakit naman nila ako kakamuhian? Hindi ba nila iniisip na namàtay ako?

Ano namang pakulo ang binigay ni Lizel para magalit sila sa akin?

Either way, I don't really care, I just came back to make her suffèr.

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play