Undying Devotion
︵‿︵‿୨♡୧‿︵‿︵
“So, eto ang gagawin natin…” eto na naman tayo, kasama na naman sa mga performance..when will this end??
The class bell rang as all the students started walking to the cafeteria. Hindi na ko sumama dahil wala naman akong gusto dun. I was simply drawing anything that I had in my mind on my sketchbook ‘till one girl talked to me.
“Hala, nagdraw-drawing ka rin pala?” ang tanong niya sa akin. Nagtataka ako kung bakit siya nagtanong at bakit ‘rin’ ang gamit niya. Tumango nalang ako tsaka nagpatuloy sa aking pagguhit. Nakita ko siyang nakatingin habang ako ay nagawa, kinabahan ako ng unti pero go pa rin sa ginagawa ko. Bigla siya ulit nagsalita “Alam mo, meron kaming exhibit sa foundation day, pwede kitang isali dun!” napatingin ako sa sinabi niya. I mean I can’t miss this opportunity right? So I agreed to her suggestion.
Natapos na ang recess namin at nagsibalikan na rin ang mga teammates ko. Foundation day kasi namin next week so we are preparing our performances for that day. Wala naman masyadong nangyaring memorable or kahit anong kababalaghan kanina kaya pagkatapos nun ay nagpahatid na ako sa aking tatay.
Pagdating ko sa bahay, dali-dali kong kinuha ang mga aking art works para ipakita dun sa babae na nakausap ko kanina. Sinabi niya na rin kanina kung ano ang fb niya. Sinearch ko na ito at chinat ko na rin siya.
^^^Ataraxia: Hello, good evening po^^^
Kish: Hello! So dto mo papasa mga art works?
^^^Ataraxia: Yes po^^^
Kish: Sge sge, send mo lng
^^^Ataraxia: Sent 16 photos^^^
Kish: Halaaa, ang gaganda nmn nito, sge send mo lng din toh kay Ma’am, siya magsasabi kung okay na
^^^Ataraxia: Sge po, thank you!^^^
Pagkatapos ko isend kay Ma’am ang mga gawa ko, iniligpit ko na ang mga ito at nilagay sa isang lalagyan para dalhin bukas.
Kinabukasan ay gumising ako ng maaga para pumasok. Dinala ko na ang mga gamit ko at mga artworks ko na ipapasa. Nagpasundo na rin ako. Pagdating dun ay pinuntahan ko na ang room namin. Pagbukas ko ng pinto nakita ko si Ate Kish, ayun yung pangalan ng kinausap ko kahapon.
“Good morning, Ataraxia!” Ang bati nito sa akin.
“Good morning din po” ang bati ko pabalik habang inilalapag ko ang aking gamit. Kinuha ko na ang aking mga artworks at ibinigay ito sa kanya.
“Sige, mamaya puntahan natin si Ma’am para maplano na” tumango na lang ako sa kanyang sinabi bago umupo sa upuan. Again, katulad kahapon, practice uli namin ngayon kaya wala akong masyadong makwekwento dun.
Dumating na ang oras para magsi-uwian, pero sabi sa akin ni Ate Kish na magstay daw ako muna dahil aayusin namin ang exhibit. Pumunta kami sa 3rd floor para tawagin si Ma’am sa auditorium. Habang nakadungaw kami sa bukas na pintuan, may naramdaman akong may pataas kaya lumingon ako sa likod. Nakita ko ang isang lalaki na nakahoodie na para bang hacker ang dating. Ipinatong niya ang hintuturo sa harap ng bibig niya. Napalingon din si Ate Kish at napasabi “Hui! Luan! Nandyan ka pala” ahhh Luan pala pangalan neto…
“Dapat hindi ka na lumingon eh” ang sabi nito sa akin. Medyo pabiro ang pagsabi niya nito. Napaisip ako dahil napaka mysterious ang dating niya, naka face mask din siya kaya hindi ko makita ang kanyang buong mukha.
“Ay Ataraxia, Eto si Kuya Luan mo, magaling yan sa digital art, pwede kang magpaturo diyan” napatingin si Luan sa’kin at bumalik ng tingin kay Ate Kish.
“Sige, sige, tama yan” binatukan ni Ate Kish si Luan dahil sa kanyang kakulitan. Natawa na lang ako sa nangyare, napaisip tuloy ako kung meron silang special connection or relationship as they call it.
At sa wakas ay natawag na namin si Ma’am at bumaba na sa 1st floor para ayusin yung room na gagawing exhibit. Pagkatapos naming magmeeting, umalis na muna si Ma’am at naiwan kaming lima. Kung nagtataka kayo kung bakit lima, may iba pa kasing mga kasamahan na artists, may tatlo na hindi nakasali sa meeting dahil umuwi na.
“so, ayun lang gagawin noh?” Ang sabi ni Ate Kristine, siya ay isang artist din at kasama sa arts and design strand. Tumango naman si Ate Mic at si Ate Kish. Habang si Luan ay nagiging makulit uli, lagi siyang ganun, parang bata ba ang atake, pero nakakatuwa naman siyang panoorin. Dahil sa kakulitan niya kinutusan nanaman siya ni Ate Kish.
“Hay nako Luan, mas makulit ka pa sa bata eh, buti yung anak ko hindi ganyan” ang tinutukoy na “anak” ni Ate Kish ay ako, dahil nga magkasama kami sa iisang team tas pareho rin kami ng interests, tinuring niya na akong anak at tinuturing ko na rin na nanay ko siya.
︵‿︵‿୨♡୧‿︵‿︵
Eto na nga, araw na ng aming foundation day. Inayos muna namin ng unti ang exhibit bago pumunta sa aming mga teams. Nagparada ang iba’t ibang mga teams, kami kasi ay Team Red Phoenix, while the others are, Yellow Falcons, Green Mighty Wolves, and Blue Orcas.
Matapos ng parada ay pumunta na kami sa kanya kanya naming tent each team. Nang matapos ang national anthem, at iba pa ay oras na ng kompetisyon para sa mass demo. Ang mass demo ay sayaw na parepareho ang song each team pero iba’t iba ang style o pagkasayaw nila neto, iba’t iba rin ang props na ang kanilang gagamitin. Katulad ng amin, as a Red Phoenix, ang aming props ay mga pamaypay.
Unang nagpakita ng kanilang mass demo ay ang green team, sunod ay blue team at ang next ay kami, habang patapos na ang mga Blue Orcas. Nag-ayos na kami kasi kami ay ang susunod. Nasa labas kami or nasa main entrance ng school para dun sayawin ang mga performance. Ilang mga minuto ay nagsimula ng umambon, pinoproblema na ang aming team dahil dito. Pero sabi ng iba ay go pa rin kahit na ambon na. So after the Blue Orcas’ performance, it's our turn. We were getting wet because of the rain but we didn't mind it and continued. The music played as we started dancing but, a few minutes later the music stopped and it was announced na sa auditorium na lang ituloy yung sayaw. Pumunta na kami sa parang shelter pa punta sa auditorium which is at the third floor. I was getting my jacket from my seat, I was slightly wet, kasi nga yung ulan.
Nagulat ako ng may humawak ng aking likod “magpunas ka pagkatapos ah, baka magkasakit ka niyan” tumalikod ako ng makita ko si Luan. Yung kaibigan ni ate Kish at yung digital artist. Tumango na lang ako habang nakita ko syang naglakad pataas. Namula ang aking mga pisngi, i don't know why. Am i having a crush on him just because of that small interaction???
To Be Continued•••
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 15 Episodes
Comments
Muhamad Ali
Please keep this story alive, author. You have a dedicated reader here!
2024-03-11
0