Chapter 7: Am I bothering him?

...︵‿︵‿୨♡୧‿︵‿︵...

Hays, makabalik na nga sa klase. After I went back to my classroom, naghintay muna ng ilang minutes after the class started. Wala namang naganap sa mga time na yun. I still can't take my mind off of him kahit nasa klase na. I don't know, hindi masyado akong makapag focus, especially when my thread is forming its color…a pink…dammit! I hope he’s the right person…or else…my mission will fail..

“Goodbye class” hindi ko napansin na tapos na pala ang klase namin, well, all that thinking made me lose focus, oh well…

I was waiting for our next class, nandun lang ako nakaupo sobrang dami ng iniisip. Paano kung dare lang din naman pala yung pag reply niya sakin? What if napilitan lang siya dahil baka masaktan ako kapag hindi niya sinagot? Ganun ba siya ka-friendly? 

Dumating na ang sunod naming teacher, nakinig naman ako kaso wala talaga eh. I will just lose my focus all the time, nasa harap pa ko niyan ah. I was panicking, hindi naman sa panic na natataranta ng sobra, what i mean is, hindi ko na siya maalis sa utak ko. Is this what my friends mean na in love? No it can’t be…why?...Is just a simple interaction made me lose my control? My feelings? It has been overflowing….

“Ataraxia..Xia…Xia!” Nawala ako sa pag-iisip ko nung tinatawag na pala ako ni Ma’am.

“Ah…yes, Ma’am? Sorry” napabuntong hininga si Ma’am at pinasagot ako. Nasagot ko naman ng tama kaya no problem. Sa wakas, natapos na rin ang last naming klase, which means uwian na. I packed my bags and went downstairs. Umupo ako somewhere na nakikita ko yung gate ng school. Nagkataon din na nandoon siya, nakikipag-usap sa..uh…isang matandang lalaki? About ata sa bike niya. 

I decided na, kailangan ko na ng bagong pics niya sa gallery ko, so ayun i took pictures of him kahit nakatalikod lang siya…ACKKK GWAPO NIYA PAR!

Nakailang take ako ng picture kaya satisfied nako. Dumating na rin ang aking sundo kaya nakauwi na rin ako. Pag-uwi ko, nagpalit ako and then went straight to my phone to see if he is online. Of course, hindi pa siya online, nasa school pa siya eh. I was thinking kung ano ang ichachat ko. I'm not used na mag first chat hehe. 

I remembered his hair. Ang cute nga pala nun, so might as well say it right? It’s risky, but it's not bad  to try diba

^^^Ataraxia:^^^

^^^“Totoo nga na kaya mo iipit, cutie nung hairstyle🥹”^^^

Shit shit shit!!!! Sinend ko nga, ang tapang ko naman par, pero WAHHHHHHHH nakakahiya, naku po, ayoko na. Bakit ba kasi ang risky ko gumalaw?

He didn’t reply yet so I went to wash the dishes. Hindi naman ako yung gumamit pero ganun talaga. What if he thinks I'm weird? Well weird naman talaga ako, napagsabihan nako niyan ng mga kaibagan ko pero its different when it comes from him, parang ang sakit masabihan nun kung galing sa kaniya.

Notifications:

Luan: “huiii waggg”

I checked my phone and saw his reply. Natatawa ako sa cuteness niya, grabe naman. Inopen ko na yung message then I replied

^^^Ataraxia:^^^

^^^“Why naman?”^^^

^^^“Totoo namn kasii”^^^

Luan:

“Ihhh ba naman kasii, naa-ano akoo WHAHAHAH”

Naa-ano? Kinikilig? Ay wag maging assuming i repeat wag maging assuming!!!

^^^Ataraxia:^^^

^^^“Ayyy WHHAHAAHHA”^^^

Luan:

“Kinakabag ako sayo!! WHAHAHAHAHA”

Ay grabe naman siya, pati ako kinikilig eh ay. Anyways, nag-usap kami ng as in ang tagal hindi ko aakalain yun.

Nakatapos na rin pala ako kumain kaya bumalik ako sa pag cha-chat sa kanya bago mag hugas.

^^^Ataraxia:^^^

^^^“Tapos ng kumain”^^^

Luan:

“Ako rin”

^^^Ataraxia:^^^

^^^“Ano ulam mo?”^^^

Luan:

“Sinigang na miso”

^^^Ataraxia:^^^

^^^“Hala ako rin”^^^

Magkapareho ng ulam ah, grabe yan

Luan:

“Hala, ano kulay?”

^^^Ataraxia:^^^

^^^“Yung orangish na whitish basta yun”^^^

Luan:

“Hala same!” 

^^^Ataraxia:^^^

^^^“Halaaa pure coincidence”^^^

Luan:

“Pure coincidence of authors”

Oo nga pala, pareho rin kaming author na wala pang napupublish, dami naman naming similarities. 

As usual, hanggang madaling araw kami nag-uusap. Ang ganda ng flow ng communication namin paiba-iba topic eh, parang hindi nawawalan.

So ayun, naghihintay lang ako ng chat niya tas pag dilat ko umaga na. NATULUGAN KO SIYA?!? 

...   3:40am...

Luan:

“WHAHAHAHAHAH” 

Naku nga naman, second day ng pag uusap namin natulugan ko, ayus yan.

^^^Ataraxia:^^^

^^^“Sorrryy nakatulog”^^^

Wala naman siyang response. Siguro nasa school na toh, maybe noh

Nakalipas na rin ng ilang oras, pumasok na ko sa school. Gusto ko pang matulog. Oh diba kakapasok pa lang antok na, pero pag gabi todo puyat, ayus din eh.

As always nasakit ulo ko sa mga threads na palipad lipad. Ba’t pa kasi ako binigyan ng kakayahan na ganto?

Pumasok na ko sa aming room at naghintay mag start ang klase. As usual, boring lang, kaya naisipan kong mag drawing pero nakikinig parin syempre

Pag dating ng oras ng break time namin, sinamahan ko sila Aina at Gem sa canteen. Sana makita ko siya…

Unfortunately, wala siya, kaya nakipagkwentuhan na lang kaming magka-kaibigan.

 Dumating na ang susunod naming guro kaya nag paalam nako sa kanila. 

“Okay class, do you understand?” Tumungo lahat kami para matapos kagad ang klase kaya break time na uli. Hindi ko siya nakita na naman kaya hintay ulit ako hanggang sa mag-uwian na.

Pagbaba ko sa usual spot na hinihintay ko ang aking tatay, nakita ko siyang nakaupo sa parang stand ng hoop nung basketball, nakaipit din uli siya kaya its not bad to take another pic diba? Kaya…click…click….click

Naka-ilang pictures ulit ako…hehe cutieeee

Pag-uwi ko ay nakarecieve ako ng message from the Author GC, yung samin nila Aina at Gem.

Binuksan ko ito at nakita ang mga pictures ni Luan. Pinicturan pala nila siya para sakin. Ay ang babait naman…

Nakangiti na naman ang ferson, napatingin din sa kamay ko. May kulay pink na thread na nga na nagfo-form. Masyado na ata akong nafafall…

Pinag-isipan ko rin kung ichachat ko ulit siya, kaso ako lagi nag fifirst move, kakairita! Eme joke lang

^^^Ataraxia:^^^

^^^“Ang cute mo uli kuys!”^^^

Lumipas ng ilang oras bago niya replayan ang message ko, pero parang pagod siya or naiirita ba? DIKO ALAM!

Luan:

“Seryoso uli ako eh kaya ganun”

^^^Ataraxia:^^^

^^^“Ahhh kaya”^^^

Luan:

“Masakit din ulo ko”

^^^Ataraxia:^^^

^^^“Ahh, pahinga ka”^^^

After that, hindi niya ko nireplayan. I mean baka nagpapahinga na, or naiinis lang siya sakin? Kaya ayoko mag first chat eh….

What if he thinks I'm annoying?

What if I'm just bothering him?

What if galit siya sakin na chat ako ng chat?

Dami na namang what ifs, sumasakit na rin ulo ko kaya itinulog ko muna.

I better sleep muna I guess….

To Be Continued•••

Hot

Comments

Luan Azrael

Luan Azrael

My rest~

you're stories are so good keep it up!

2024-04-04

0

See all

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play