︵‿︵‿୨♡୧‿︵‿︵
“So, eto ang gagawin natin…” eto na naman tayo, kasama na naman sa mga performance..when will this end??
The class bell rang as all the students started walking to the cafeteria. Hindi na ko sumama dahil wala naman akong gusto dun. I was simply drawing anything that I had in my mind on my sketchbook ‘till one girl talked to me.
“Hala, nagdraw-drawing ka rin pala?” ang tanong niya sa akin. Nagtataka ako kung bakit siya nagtanong at bakit ‘rin’ ang gamit niya. Tumango nalang ako tsaka nagpatuloy sa aking pagguhit. Nakita ko siyang nakatingin habang ako ay nagawa, kinabahan ako ng unti pero go pa rin sa ginagawa ko. Bigla siya ulit nagsalita “Alam mo, meron kaming exhibit sa foundation day, pwede kitang isali dun!” napatingin ako sa sinabi niya. I mean I can’t miss this opportunity right? So I agreed to her suggestion.
Natapos na ang recess namin at nagsibalikan na rin ang mga teammates ko. Foundation day kasi namin next week so we are preparing our performances for that day. Wala naman masyadong nangyaring memorable or kahit anong kababalaghan kanina kaya pagkatapos nun ay nagpahatid na ako sa aking tatay.
Pagdating ko sa bahay, dali-dali kong kinuha ang mga aking art works para ipakita dun sa babae na nakausap ko kanina. Sinabi niya na rin kanina kung ano ang fb niya. Sinearch ko na ito at chinat ko na rin siya.
^^^Ataraxia: Hello, good evening po^^^
Kish: Hello! So dto mo papasa mga art works?
^^^Ataraxia: Yes po^^^
Kish: Sge sge, send mo lng
^^^Ataraxia: Sent 16 photos^^^
Kish: Halaaa, ang gaganda nmn nito, sge send mo lng din toh kay Ma’am, siya magsasabi kung okay na
^^^Ataraxia: Sge po, thank you!^^^
Pagkatapos ko isend kay Ma’am ang mga gawa ko, iniligpit ko na ang mga ito at nilagay sa isang lalagyan para dalhin bukas.
Kinabukasan ay gumising ako ng maaga para pumasok. Dinala ko na ang mga gamit ko at mga artworks ko na ipapasa. Nagpasundo na rin ako. Pagdating dun ay pinuntahan ko na ang room namin. Pagbukas ko ng pinto nakita ko si Ate Kish, ayun yung pangalan ng kinausap ko kahapon.
“Good morning, Ataraxia!” Ang bati nito sa akin.
“Good morning din po” ang bati ko pabalik habang inilalapag ko ang aking gamit. Kinuha ko na ang aking mga artworks at ibinigay ito sa kanya.
“Sige, mamaya puntahan natin si Ma’am para maplano na” tumango na lang ako sa kanyang sinabi bago umupo sa upuan. Again, katulad kahapon, practice uli namin ngayon kaya wala akong masyadong makwekwento dun.
Dumating na ang oras para magsi-uwian, pero sabi sa akin ni Ate Kish na magstay daw ako muna dahil aayusin namin ang exhibit. Pumunta kami sa 3rd floor para tawagin si Ma’am sa auditorium. Habang nakadungaw kami sa bukas na pintuan, may naramdaman akong may pataas kaya lumingon ako sa likod. Nakita ko ang isang lalaki na nakahoodie na para bang hacker ang dating. Ipinatong niya ang hintuturo sa harap ng bibig niya. Napalingon din si Ate Kish at napasabi “Hui! Luan! Nandyan ka pala” ahhh Luan pala pangalan neto…
“Dapat hindi ka na lumingon eh” ang sabi nito sa akin. Medyo pabiro ang pagsabi niya nito. Napaisip ako dahil napaka mysterious ang dating niya, naka face mask din siya kaya hindi ko makita ang kanyang buong mukha.
“Ay Ataraxia, Eto si Kuya Luan mo, magaling yan sa digital art, pwede kang magpaturo diyan” napatingin si Luan sa’kin at bumalik ng tingin kay Ate Kish.
“Sige, sige, tama yan” binatukan ni Ate Kish si Luan dahil sa kanyang kakulitan. Natawa na lang ako sa nangyare, napaisip tuloy ako kung meron silang special connection or relationship as they call it.
At sa wakas ay natawag na namin si Ma’am at bumaba na sa 1st floor para ayusin yung room na gagawing exhibit. Pagkatapos naming magmeeting, umalis na muna si Ma’am at naiwan kaming lima. Kung nagtataka kayo kung bakit lima, may iba pa kasing mga kasamahan na artists, may tatlo na hindi nakasali sa meeting dahil umuwi na.
“so, ayun lang gagawin noh?” Ang sabi ni Ate Kristine, siya ay isang artist din at kasama sa arts and design strand. Tumango naman si Ate Mic at si Ate Kish. Habang si Luan ay nagiging makulit uli, lagi siyang ganun, parang bata ba ang atake, pero nakakatuwa naman siyang panoorin. Dahil sa kakulitan niya kinutusan nanaman siya ni Ate Kish.
“Hay nako Luan, mas makulit ka pa sa bata eh, buti yung anak ko hindi ganyan” ang tinutukoy na “anak” ni Ate Kish ay ako, dahil nga magkasama kami sa iisang team tas pareho rin kami ng interests, tinuring niya na akong anak at tinuturing ko na rin na nanay ko siya.
︵‿︵‿୨♡୧‿︵‿︵
Eto na nga, araw na ng aming foundation day. Inayos muna namin ng unti ang exhibit bago pumunta sa aming mga teams. Nagparada ang iba’t ibang mga teams, kami kasi ay Team Red Phoenix, while the others are, Yellow Falcons, Green Mighty Wolves, and Blue Orcas.
Matapos ng parada ay pumunta na kami sa kanya kanya naming tent each team. Nang matapos ang national anthem, at iba pa ay oras na ng kompetisyon para sa mass demo. Ang mass demo ay sayaw na parepareho ang song each team pero iba’t iba ang style o pagkasayaw nila neto, iba’t iba rin ang props na ang kanilang gagamitin. Katulad ng amin, as a Red Phoenix, ang aming props ay mga pamaypay.
Unang nagpakita ng kanilang mass demo ay ang green team, sunod ay blue team at ang next ay kami, habang patapos na ang mga Blue Orcas. Nag-ayos na kami kasi kami ay ang susunod. Nasa labas kami or nasa main entrance ng school para dun sayawin ang mga performance. Ilang mga minuto ay nagsimula ng umambon, pinoproblema na ang aming team dahil dito. Pero sabi ng iba ay go pa rin kahit na ambon na. So after the Blue Orcas’ performance, it's our turn. We were getting wet because of the rain but we didn't mind it and continued. The music played as we started dancing but, a few minutes later the music stopped and it was announced na sa auditorium na lang ituloy yung sayaw. Pumunta na kami sa parang shelter pa punta sa auditorium which is at the third floor. I was getting my jacket from my seat, I was slightly wet, kasi nga yung ulan.
Nagulat ako ng may humawak ng aking likod “magpunas ka pagkatapos ah, baka magkasakit ka niyan” tumalikod ako ng makita ko si Luan. Yung kaibigan ni ate Kish at yung digital artist. Tumango na lang ako habang nakita ko syang naglakad pataas. Namula ang aking mga pisngi, i don't know why. Am i having a crush on him just because of that small interaction???
To Be Continued•••
...︵‿︵‿୨♡୧‿︵‿︵...
After our mass demo, the next team to perform was the Yellow Falcons. Pumunta na kami sa gilid para makapag sayaw sila. Hindi pa rin nawawala ang init ng aking mga pisngi sa nangyari kanina. Why did he tell me that? I know it's normal to be concerned about someone but..hindi naman kami masyadong close..
Nang natapos ang performance ng Yellow Team, nag announce na ang principal to eat first before moving on to the next part of the program. Habang palabas ako sa auditorium, nakita ko na naman siya. Kausap niya si Ate Kish at natawag din niya ako. “Galing niyo kanina ah!” He said to us. I was trying to remain calm. I was not like this before, I didn't get nervous around him yesterday…but now??
“Ay, red yung shoes ko oh! Team Red din ako!” ang patawa niyang sabi, natawa rin ako ng unti sa sinabi niya kaso hinila nako ng aking pinsan palabas ng auditorium para kumain. Si Ate Geli ang aking pinsan, since my parents won’t come, she would act as our guardian and taga video rin. Sinamahan ko siya papuntang canteen kasi nga nahihiya pa siya sa mga tao.
“Dami namang tao, nakakahiya!!” Ang bulong nito sakin. Napaka-oa niya na naman, ay eme. I just sighed and agreed bago ko siya samahan bumili ng pagkain.
Habang hinihintay niya ang kaniyang pagkain, nagulat siya nang may tumapik sa braso niya. “Ate, ang ganda niyo raw” ang sabi ng isang lalaki sabay turo sa isa pang lalaki, siguro tropa. Nagulat ako sa sinabi niya kay Ate Geli. “A-ay, thank you” Ate Geli said while smiling shyly. Nako nga naman!
Pagkatapos niyang kinuha ang kaniyang pagkain, naghanap na kami ng mauupuan. Umupo na rin kami tas kumain. Habang nakain biglang nagsalita si Ate Geli. “Nakakagulat yun ah, hindi ko expect” sabay nguya niya ng pagkain. Tumango na lang ako sa kanyang mga sinasabi, halatang halata nga na kinikilig siya ng unti. Well I can’t blame her, sinong hindi kikiligin dun?
After we ate, we went to the room where the art exhibit was being held. Hindi muna pinapasok si Ate Geli kasi aayusin pa namin yung loob. Syempre nandun din si Luan, inaayos yung mga drawings niya. Ang gwapo niya naman…Ay!! Ba’t ganto yung naiisip kooo!!! Naku naman self!!! Kalmaa!!
...︵‿︵‿୨♡୧‿︵‿︵...
Dumating na ang second day ng foundation day namin, puro sports ang gaganapin sa day nato kaya pumunta nako ng exhibit para mag-ayos. Again, bawal pa pumasok si Ate Geli dahil hindi pa ito tapos. Nakita ko uli siya na nag-aayos ng mga gamit dun. Nakatingin lang ako sa kanya habang nag-aayos siya. Napatingin siya sakin at ngumiti, naka mask man siya pero kitang kita na ngumiti siya. Cute mo naman par! Pumunta na ko sa part ko ng room tas inayos na rin ang mga drawings ko; nag help din.
After maayos ang mga dapat ayusin, inopen na namin ang exhibit, which means pwede na nilang puntahan. Syempre naunang pumasok is si Ate Geli kasi atat na atat na eh. Pagpasok niya, she compliments all of the arts that are displayed there. Tiningnan ni Ate Geli yung sketchbook ni Luan na nasa table.
“Wow naman” ang sabi ni Ate Geli, ifi-flip niya sana kaso biglang nagbago isip niya. Baka daw kasi bawal hawakan kasi nakalagay sa wall Do not touch. Nakita ito ni Luan. “Okay lang, sige iflip mo, pwede naman siya hawakan, just ask permission, hindi naman ako nangangagat” natawa kami ni Ate Geli sa kanyang biro. Naglagay din siya ng note malapit sa sketchbook niya para hindi magdalawang-isip ang titingin.
Habang nagsisi-pasukan ang mga tao, i took pictures of the exhibit. Right timing dumaan si Luan sa pinagkukunan ko ng picture kaya napicturan ko siya, nagpose rin siya, ay…may picture na siya sa gallery ko…haysss titingnan ko toh araw-araw, cutie niya talaga…
Makalipas ng ilang oras, walang masyadong ginagawa sa exhibit kaya dun sa nakadisplay na parang lights na pwedeng maging speaker, i connected my phone to that to play songs. I opened my spotify and played the song “Sway by Michael Bubbles”. Si Luan ay nakahiga lang sa sahig pero parang naririnig ko siyang kumakanta? Naku nga naman, ang deep ng boses ah…
Si Ate Jah which is isa rin sa kasama sa exhibit ay nakiki-kanta rin, yung speaker na ginagamit ay may ilaw diba, meron din itong isang feature na kapag nag clap ka mag babago ito ng kulay kaya ayun ang ginawa nila Ate Jah at Luan. Para silang bata na naglalaro ng laruan, ang cute naman nila.
May mga sports na nangyayari sa labas kaya nakisali kami sa cheering. We cheered for the green, blue and red team pero hindi sa yellow kasi di ko alam, hindi sila good terms sa lahat ng team lalo na ang team ko, Red Phoenix.
Pagkatapos ng mga ilang oras sa pagcheer, bumalik na ako sa loob ng exhibit. Gumuguhit lang ako sa aking sketch pad kasi walang magawa kaya eto. Hindi na rin tumutugtog yung phone ko dahil low battery na. Nakarinig na naman ako ng nakanta, deep na naman yung boses, kaya pag lingon ko sa likod nakita ko si Luan gumuguhit din. Grabeng boses yan…
Nakalipas ng tatlong oras, pinapunta ako sa auditorium para maging substitute sa badminton. Dapat dun lang ako sa exhibit kasi walang kasama si Luan, pero kailangan daw eh. Naging third place kami sa badminton doubles, gabi na rin nang matapos ang laro kaya ang nagsundo sa akin nun ay ang aking nanay.
Dumating ang last day ng aming foundation, last day rin ng exhibit. Nag announced na nga ng mga winners, ang nakakuha ng 3rd place was the Green team, 2nd place for Yellow, 1st place for us Red team, and the champion was the Blue team. Hindi man kami ang champion at least nakapag-enjoy ang lahat. After all of that, we ate in our team rooms, some roamed around to get other foods from other teams while we stayed.
That was the last day I saw him…damn..meron pa namang normal school days..sana makita ko pa rin siya….
To Be Continued•••
...︵‿︵‿୨♡୧‿︵‿︵...
Author’s note: When you see this symbol “♪” you can play it on spotify or any music platform so your experience will be great. Thank you!
...︵‿︵‿୨♡୧‿︵‿︵...
Haysss ano ba yan, normal school days na naman…
Nang pagpasok ko sa aming silid-aralan, may nakita akong bagong estudyante. Siguro transferee. Tinanong ko ang aking pinsan na si Varia kung sino ito. “Varia, sino yun?” Napatingin siya sa kanya. “Ahh si Silver yan, bagong student, kasama namin sa yellow team yan kaya kilala ko na” Tumango na lang ako sa kanyang sinabi. Bigla namang lumapit si Jan at nagsalita “Luh, hindi kami informed ah, president natin hindi alam, pati ako rin syempre” Ako kasi yung president sa aming classroom, tama nga naman siya, hindi ko alam na may papasok na bago kahit ako yung pres pero pinabayaan ko na lang.
I decided to approach her kasi why not? I tapped her shoulder and she looked at me. “Hi, uhm…do you read books..?” Ang aking tanong. Syempre yun ang una kong sasabihin, para naman may ka-same ako.
“Ay…mga au lang po..” tumango naman ako sa kanyang sinabi. K-pop fan? Don't worry ako din. I smiled at her before going back to my seat. Pinag-isipan ko kung bibigyan ko siya ng position sa Student Council. Since wala pa kaming vice president, ayun na lang ang ibinigay kong position sa kanya. Tinanong ko muna siya for consent. She agreed naman kaya siya na yung VP ng classroom.
Makalipas ng ilang oras, break time na namin kaya naglibot-libot muna ako. Habang naglalakad papuntang canteen, nakita ko si Luan…siya ba yun?...grabe baka hindi siya yun…baka nag hahalucinate lang ako dahil miss ko na…Pero tama nga hinala ko, siya nga yun! But hindi ko naman malapitan kaya hanggang admiring from afar muna..
Bumila na rin ako ng makakakain bago bumalik sa classroom. I took a quick glance at him before going upstairs. Ahhhh! Gwapo niya talaga…pero mukhang admiring from afar lang kakayanin ko…
Nang matapos ang araw umuwi na ako na ang laman sa isip ay siya…how can you make me feel this way?!? Then that's when I started to think of him..always…
...︵‿︵‿୨♡୧‿︵‿︵...
One month later, tamang scroll at sharedposts lang sa fb dahil walang magawa at wala rin namang klase kasi sabado eh. While I was just scrolling, I received a notification. It was a HAHA reaction to my shared post and when I knew who it was, I was shocked…IT WAS LUAN! Di ko expect na mapapansin niya mga shared post ko…finollow ko kasi siya nung last day ng foundation day kasi just in case lang diba? Napaka assumera ko naman…
I was kicking the air feeling giddy. Ano yun? Kinikilig dahil nag react? iba ka rin ate ko.
After that day, I always receive notifications from him, reacting to my posts and shared posts. What if may gusto siya sakin kahit konti lang? Napaka delulu ko naman, kaya ayoko mainlove eh pero here we are falling slowly…I tried to deny that i don’t have a crush on him but the effects are taking in.
A few days later, mga 12am kaka 18 lang ng december, again i was just scrolling through facebook, and for the first time, i got a comment from him at one of my shared post...FROM LUAN?!? ACKKKK
The shared post was a video where it said there na “when it is 3am and your family is asleep but the enemies just became lovers” and a girl in that video was screaming silently, it was quite funny that's why i repost it.
Binuksan ko yung notification at i read his comment:
Luan:
“What if lovers to enemies naman?”
Natawa ako nang mabasa ko ito kaya nag HAHA react ako tas syempre rereplayan ko.
^^^Ataraxia:^^^
^^^“@Luan maiiyak na talaga ako🤧”^^^
Luan:
“@Ataraxia tapos namatay yung isa then they realized that they still love each other”
Luh, mapanakit, mukhang author din toh ah. I was an author kasi pero wala pang napapublish, diba ang galing?
^^^Ataraxia:^^^
^^^“@Luan tama na please, kakatapos ko lng umiyak sa binabasa ko😭”^^^
Nag HAHA react na lang siya sa comment ko habang ako ay naikot-ikot na sa higaan dahil sa kilig. Akalain mo yun, madaling araw kinikilig, nako nga naman.
At that time, i was listening to “♪Nahuhulog Na Sayo by Noah Alejandre” sakto na sakto yung lyrics sa mga nangyari kanina:
♪ Pero itatanong ko muna kung
Di ka ba nababahala na
Unti unti
Na akong nahuhulog sa iyo?
Baka di gusto pero..
Napapangiti mo ako
Kahit ‘la ka namang ginagawa
Parang di na to nakakatuwa
Nahuhulog na sayo…
...︵‿︵‿୨♡୧‿︵‿︵...
Dec 20, it was our christmas party, everyone was getting ready to get on stage, and me too. Kinakabahan ako kasi, nakita ko si Luan…i saw him in the crowd. Kailangan ma perfect ko yung performance namin! Ahhh! Bakit kasi nagustuhan siya? Yan tuloy manginig-nginig ako sa kaba…
After the performance, hindi ko matangal ang aking tingin sa kanya, hindi ko alam kung bakit…eto ata effect pag in love eh, sabi ko i wont fall in love with anyone! but what now? Hindi nasunod promise ko ano ba yan…
Nag announce na rin ang host na bumalik sa aming respective classrooms. Nang makabalik na kami ng aking mga kaklase, i started the program me and Jan had planned. Bago kasi nag start ang Christmas party, ang sinabi ng aming adviser na gumawa kami ng mga palaro ganun ganiyan at mga mag peperform pero dahil nga mga hindi sumusunod yung iba kong mga kaklase hindi nagawa ang ibang nakalagay sa program at nawalan din ako ng gana maghost. Takteng yan, ang hirap maging president…
Nang matapos ang araw, nag stay muna ako sa school para panoorin si Varia, nag mamajorette kasi siya kaya why not watch her diba? Kasama ko rin pala si Ate Geli manood ng practice nila.
Pagkatapos ng kanilang practice, umuwi na rin kami. Masakit ang aking ulo nun, hindi ko maiwasang mabadtrip sa mga kaklase ko, pasko na pasko eh hinahigh blood ako.
Wala namang masyadong nangyari nung dumating ako sa bahay, badtrip lang talaga kaya pag punta ko sa aking kwarto, hinayaan kong bumagsak ang aking katawan sa higaan dahil sa pagod.
Naalala ko na summer break na namin, wala nang pasok which means hindi ko na muna siya makikita?!? Ano ba yan! Mamimiss ko siya….
Nakalipas ng tatlong araw ay pumunta kami sa Vista Mall para mamili ng mga pang-regalo. Nagsimba muna kami dun sa mall na yun kasi every sunday meron silang mass. Pagkatapos ay kumain kami sa isang japanese restaurant, syempre ako pumili niyan.
Nung nakahanap na kami ng mauupuan, pumunta muna ako sa restroom para mag picture sa salamin. Oh diba, napunta lang sa CR para mag selfie, ayus din eh, pero pang profile pic ko naman so okay na yun.
Natapos ang araw, mga 6 na kami nakauwi kaya medyo pagod ako. Pagkatapos ko gumawa ng chores, i went straight to my bedroom to lay down and decided to change my profile picture on fb. Pinili ko yung picture na kinuha ko kanina sa restaurant kasi ang astig eh.
A few minutes passed, may mga nag comment at nag react sa profile ko:
Jahnel:
“Prettyyy <3”
Riel:
“You look fantastic!”
Kish:
“Ganda naman ng anak ko❤️”
Liela:
“Ganda naman ni Ate Ataraxia”
Pero the comment and the reaction i liked the most was:
Luan reacted ❤️ to your photo
Luan:
“Aesthetic!!!”
Nakakakilig nga naman na mapansin ni kuya, hays, what if talaga? What if pareho kaming may nararamdaman? Nahihiya lang siya? Naku, ingame na naman sa pagiging assumera at delulu…
To Be Continued•••
Download MangaToon APP on App Store and Google Play