Whole And Broken (Tagalog)
Pinalo ako sa braso ni Aling Minda ko matapos niyang makita ang nawalis ko na dumi sa sala. Si Aling Minda ang malayong kamag-anak na kumupkop sa akin matapos namatay ang aking ina. Kung bakit Aling Minda ang tawag ko sa kaniya ay dahil kinakahiya niya akong maging kamag-anak.
Hiyang hiya naman ako sa iba pa niyang kadugo e mas mabait pa nga ako kaysa sa mga iyon!
Maasim ang mukha niya akong tiningnan at sinigawan ng, “Ito ba ang tamang pagwawalis mo ha Jenny? E ang daming dumi sa ilalim ng sofa oh!”
Pagod na pagod na ako sa sama ng ugali ng babaeng ito. Kapag pumapalpak ako parang kriminal na akong ituring ng mga kasama ko sa bahay. Narindi na ako sa sermon, nasasaktan ako sa tuwing sinasabihan ako na wala na akong pag-asang makapagtrabaho dahil ang bobo ko. Nawawalan ako ng pagpapahalaga sa sarili sa tuwing minumura, pinapalo ako at inaapak ang kumpiyansa ko.
“Umalis ka muna sa harapan ko, nabubwisit na ako sa ‘yo.”
“Sige po.”
“Puro ka na lang sige po, opo.”
E iyon naman talaga ang gusto niyang marinig! Kung tumanggi man ako magagalit naman siya o sasabihing nagtatampo ako.
Tumalikod ako sa kaniya at lumakad papasok ng kuwarto para kunin ang facemask ko. Pagkatapos ay kinuha ko ang walis tingting at dustpan, nagsuot ako ng facemask para makaiwas sa Covid-19 virus na kumakalat sa buong mundo. Lumabas ako ng bahay at nagsimulang magwalis sa bakuran.
Habang nagwawalis ako panay reklamo ni Aling Minda sa ginagawa ko, kesyo madumi pa kesyo palpak naman kesyo ewan ko sa kaniya! Maayos akong magtrabaho kundi dahil sa kamalditahan niya. Nakawalang gana magtrabaho sa bahay kung iyan lang din ang kasama mo.
Matapos namin mag-almusal ay naligpit ko na ang pinagkainan namin. Sinabihan ako ni Aling Minda na hugasan ko ng mabuti ang pinagkainan kundi ay malintikan ako.
Nakasalubong ang kilay ko at napailing sa sinabi niya saka ko inilagay sa lababo ang hugasan. Sinimulan ko na ang paghuhugas at lumapit siya sa lababo para matingnan niya ng mabuti kung paano magtrabaho.
Duda pa ang malditang babae na ito!
Pagkatapos kong maghugas ay panay ang reklamo niya na nakikita pa ang dumi sa mga plato kaya inulit ko ang paghugas tapos inilagay ko sa lagayan ang mga gamit.
Ok lang na maging perfectionist si Aling Minda pero kung lagi naman e nakakasira ng ulo. Lahat yata nakikita niya sa akin ay mali tapos kung makasigaw at utos akala mo katulong ako.
Pagkatapos ng paghugas ng pinggan ay naligo na ako. Nagsuot ng Polca dots na puting blouse at shorts.
Tumingin ako sa half body mirror na malapit sa kama ko. Nakasimangot akong nakatitig sa salamin.
Ako ay pandak, maputi ang balat, medyo kulot ang buhok ko, makapal ang kilay, bilugan ang mga mata, pango at down turned ang bibig.
“Pangit mo pa rin Jenny Madrigal kahit maayos ang hitsura mo,” bulong ko.
Na-i-stress na ako sa buhay nakaka-stress pa ang mukha ko.
Kinuha ko ang cellphone sa kama at lumabas ng kwarto. Inutusan ako ni Aling Minda bumili ng sliced bread, recipe para sa lutuing tanghalian at sabong panlaba sa malapit na department store. Binigyan niya ako ng pera at inilagay ko iyon sa bulsa ng shorts ko. Uminom ako ng tubig. Nagsuot ako ng facemask at face shield at saka ng hugas ng kamay, hindi ako papasukin ng department store kapag hindi ako nakasuot ng protected equipment, mahigpit ang health protocols sa pandemic dahil mabilis na kumakalat ang mabilis kumpara noong isang taon.
Nagdala ako ng payong para makaiwas sa heat stroke since 41°c ang temperatura rito sa Metro Maynila. Naglakad lang ako papuntang department store at tagaktak ang pawis ko na makarating doon. Na-su-suffocate ako sa tela na facemask at naduling ako sa face shield.
Bago ako pumasok ay nagpahinga muna ako saglit. Nang maayos na ang pakiramdam ko ay pumasok na ako roon. Ini-spray ni Manong Guard ang palad ko, tinapat ko ang pulso ko sa temperature tool at lumabas sa screen ang body temperature ko. Doon sa mesa sa katabi ng temperature tool nakalagay ang maliit na form ng personal information ng customer. Kinuha ko ang ballpen at sinulat ang personal information ko sa form saka inilagay sa box. Iniwan ko ang payong sa customer’s baggage at binigay sa akin ng lalaking nagbabantay ang number.
Kinuha ko ang basket sa gilid ng counter at pumuntang wheat apartment, nakaramdam na ako ng paghilo sa pagkuha ko ng tinapay. Hinilot ko ang sentido ko para mawala ang paghilo ko, huminga ako ng malalim at hinanap ko ang iba ko pang bibilhin.
After 20 minutes na pag-ikot ko sa department store nakuha ko na ang mga kakailanganin. Pumila ako sa counter na 1 meter ang layo sa customer na nasa harap ko. Sa mga oras na iyon nagdilim na ang paningin ko na parang TV na nawawalan ng signal, nanlalamig ang mga kamay ko at pinagpawisan ng malamig pero kaya ko pa naman makontrol ang panghihina ng katawan ko. Huminga ako malalim at hinilot ulit ang sentido ko. Nang nabayaran ko na ang pinamili ko dahan-dahan akong lumakad paalis dala ang dalawang plastic bag.
Binalik sa akin ng lalaki ang payong at nagtanong kung ayos lang ba ako, tumango lang ako bilang sagot. Papalabas na ako ng Departmento Store nang tuluyan na dumilim ang paningin ko.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 11 Episodes
Comments