Chapter 3

Sumagi sa isip ko ang mukha ni Mama na masayang pinagmamasdan ang palubog na araw noong ten years old pa ako. Pinilit niya akong matutong lumangoy. Natakot ako noong sumuong kami sa alon pero hinawakan niya ang kamay ko para mawala ang takot ko. Marami akong nainom na tubig no’n na halos umubo na ako pero hindi kami tumigil sa paglangoy hanggang sa matuto ako na hindi na siya umaalalay.

“Umiiyak ka naman,” mahinang sabi ng lalaking walang mukha.

Pinunas ko ang luha sa aking pisngi matapos niyang sabihin iyon.

Umupo ang lalaking walang mukha at lumapit pa lalo sa akin. Umakma sana na hawakan niya ang buhok ngunit umiwas ako. Tinapik ko ang kamay niya, dumistansya, at pinutol ko ang damo saka ko binato sa lalaking ito.

“Feeling close ka rin, ‘no? Dyan ka lang! Huwag kang lalapit!” Maasim ko siyang tiningnan at nag-crossed arms.

“I’m sorry,” tanging sambit niya saka yumuko, itinaas ang dalawang binti at niyakap ito.

Sus! Ang drama ng lalaking ito!

Bumalik ang tingin ko sa kalangitan. Unti-unting nang dumilim ang paligid at ilang minuto pa ay bumungad na ang buwan at nagsilabasan na ang kumikislap na mga bituin. Kumikinang sa liwanag ang dagat. Dumampi sa balat ko ang lamig ng hangin na nagpataas ng mga balahibo ko sa katawan. Itinaas ko ang binti ko at niyakap ito.

“Pumasok muna tayo sa Cottage,” paanyaya niya.

“Saan ba iyon?”

“Sumunod ka sa akin.”

“Sandali, alam kong out of topic ang itatanong ko sa ‘yo pero. . . Ilang percent na masasabi mong mapagkatiwalaan kita?”

“One hundred percent Jenny at papatunayan ko ito habambuhay. I know from the start na pinagdudahan mo ako pero ibabalik ko ang tiwala mo sa akin simula nang nakalimutan mo ako.”

“Paanong nakalimutan? Ni hindi nga kita kilala.”

Naririnig kong nagbuntong-hininga siya at napakamot ng ulo.

“Fine! Hindi mo ako kilala but can we go to Cottage? Kasi ayaw kong magkasakit ka sa lamig.”

Tumahimik lang ako at naunang naglakad. Naririnig ko ang yabag ng paa niya na sumunod sa akin. Tinuro niya ang daan patungo sa sinasabi niyang lugar. Medyo malayo ang nilakad namin makarating sa Cottage. May mga puno na naka-straight line sa gilid, tanging lumilipad na mga firefly at ang ilaw sa paligid, at nanuot sa ilong ko ang mabangong bulaklak. Light brown at konkreto ang istraktura ng Cottage. May balkonahe sa labas at nakasabit ang kawayan na may tanim na Rosas de alas dose sa dingding nito.

Tinulak ng lalaking walang mukha ang pintuan. Nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako o hindi. Tumingin sa akin ang lalaking mukha, naka-stretch ang kamay niya at nakabukas ang palad na nagsasabing pumasok na ako sa loob. Umiling ako sa alok niya, ang ginawa ko ay pumunta ako sa may sulok ng balkonahe at umupo sa bench. Hindi umimik ang lalaking walang mukha kaya pumasok na lang siya sa loob samantalang ako ay niyakap ang sarili para makaramdam ng konting init sa lamig sa labas. Maya’t maya pa ay lumabas ang lalaking walang mukha dala ang blanket. Inabot niya sa akin iyon na agad kong tinanggap. Binalot ko ang blanket sa katawan ko.

Umupo siya sa tabi ko at dumistansya naman ako sa kaniya na para bang may nakakahawa siyang sakit.

“I’m not bite Jenny. I assure na mapagkatiwalaan ako kaya please huwag mo naman akong iwasan.”

Bumaling ang tingin ko sa kanya. “Asa ka! Hindi mo ako mapipilit sa gusto mo.”

Yumuko siya’t ipinatong ang mga kamay sa legs niya. “Alam mo noong mga bata pa tayo madali sa ‘yo magtiwala sa tao kahit walang kasiguraduhan na totoong mabuti sila sa ‘yo. Do you remember? Na kinuwento mo sa akin na nakikipag-usap ka sa matandang lalaki tapos sabi ng Mama mo na hindi ka dapat magtiwala roon pero binigyan mo siya ng candy kinabukasan kasi nagugutom iyong matanda.”

Nakikita ko sa peripheral vision ko na tumingin siya sa akin. “What happened to you? To be honest hindi na ikaw ang Jenny Madrigal na nakilala ko.”

“Tsk! Noong nabubuhay pa ang Mama ko kapag reunion ang babait ng relatives ko na akala mo wala silang problema sa ‘yo pero noong namatay ang Mama ko iyong tulong nila sa ‘yo isusumbat nila na kesyo na pinag-aral ka naman pero bakit hindi ka makapagtrabaho kaagad para masuklian ang tulong nila, kesyo nakatapos ng pag-aaral pero sobrang tanga pa rin kesyo pabigat lang kami ni Mama sa pamilya. Tama nga ang sinasabi ng iba na huwag kang magkautang loob para wala silang masumbat sa ‘yo. Akala lang natin na totoong mabuti sila pero kapag nakatalikod tayo marami na silang nasabi na masama. Bihira lang ang taong totoong nagmamalasakit, the rest mga plastic o goma na.”

“How about isa ako sa totoong nagmamalasakit sa ‘yo. Papasukin mo ba ako ulit sa buhay mo?”

Umikot ang mga mata ko sa tanong niya, “Madrama ka kuya. Ano ngayon kung wala akong tiwala sa ‘yo, ikamamatay mo ba iyan?”

“No, pero gustong gusto ko maibalik ang dati na comfortable tayo sa isa’t isa.”

Tumayo ako sa bench at nag-walk out. Pabalang na binuksan ko ang pintuan ng Cottage.

Nagising ako sa mala-alarm clock na boses ni Aling Minda. Ke-aga aga high blood naman ang malditang babae. Nasisinghot ko iyong panghe at basa ang kutson ko. Kinapa ko ang shorts ko. Basa rin at ang baho. Namula ako sa kahihiyan dahil sa edad kong bente uno ay nakakaranas pa rin ako ng ganitong experience.

“Kainis! Ang baho-baho ko. Ang hirap maglaba nito!” Itinago ko ang mukha ko sa unan at pigil na pigil ang sigaw ko doon.

Dali-dali akong naligo ng labing limang minuto.

Pagkatapos ng trabaho at pag-almusal ay umalis si Aling Minda para sa lutuing tanghalian. Mabilis na nilabhan ko ang kutson at damit ko. Ayaw ko malaman ng malditang babae na umihi ako sa kama kundi malilintikan ako. Sa likod ng bahay ko sinampay ang mga nilabhan para hindi ako mabuking.

Pagdating ni Aling Minda ay kinuha ko ang binitbit niya.

“Birthday ngayon ng yumao mong ina kaya magluluto ngayon ng pansit.”

Muntik ko nang makalimutan iyon.

Napakamot ako sa ulo ko. “Ay! Oo nga po pala, ‘no.”

“Heh! Ang bata-bata mo pero makakalimutin ka na. Ipasok mo na iyang pinamili ko, ang tagal mo kumilos!”

Matagal din siya kumilos a. Tingnan mo kanina pa siyang alas otso na umalis e malapit lang ang binilhin niya tapos mag-ala una na umuwi. Malamang nakipag-tsismisan ang malditang babae sa kapwa niya tsismosa. For sure bida naman ako sa topic nila.

Niluto na ang pagkain at nanalangin kami ni Aling Minda para sa namayapa kong ina.

Ang panalangin ko sa Panginoon na bantayan si Mama sa kung saan siya naroroon at maging maayos siya sa kabilang buhay.

Pagkatapos ng panalangin ay kumain na kami.

Gustung-gusto ko bisitahin ang puntod ni Mama sa probinsya pero dahil sa pandemic pahirapan ang pagbiyahe at wala kaming sapat na pera.

Mahirap na nga ang buhay bago ang pandemic mas mahirap ngayon dahil maraming nawalan ng trabaho at naluging negosyo.

Sa hapon naman ay inutusan ako na bumili ng miryenda. Pumunta ako sa tindahan ni Ate Doraine. Binili ko ang bananaque. Niluto niya ang bananaque sa kumukulong mantika sa pan.

Habang naghinhintay na maluto ang in-order ko nakikinig ako sa TV nila Ate Doraine na mas malakas pa sa boses ko. Naagaw ng atensyon ko ang pangalang Judy Abbott sa hindi malamang dahilan.

Ewan parang narinig ko na yata ang pangalan na iyon.

Natapos ng five minutes sa pagluto ng in-order ko, binayaran ko at kinuha ang naka-plastic na bananaque.

Pag-uwi ko sa bahay pinagbuksan ako ng gate ni Aling Minda. Nilagay ko ang bananaque sa mesa. Inutusan ako na buksan ang TV. Pagbukas ko ng TV ay inilipat ko ng channel gamit ang remote.

Ang palabas ay isang cartoons na Judy Abbott. Sa pag-intindi ko ng kuwento ay hinintay ni Judy ang tito ni Julia tapos may dumating na lalaking blonde ang buhok, maganda ang tindig at mahaba ang legs.

Hindi ko alam kung bakit interesado ako sa palabas na ito. May parte kasi sa isip ko na tila naghahanap ako ng sagot.

Ngunit anong sagot?

Natulala ako sa screen ng TV nang marinig ang pangalan ng lalaking blonde na hindi alintana ang reklamo ng malditang babae sa pagharang ko.

Bakit parang pamilyar sa akin iyon?

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play