Chapter 2

“Anong lugar ito?” Agad akong umupo sa gulat.

Napapaligiran ako ng mahalimuyak na jasmine flowers. Malalagong puno at halaman sa paligid. Lumilipad na mga butterfly sa paligid ko at ang mga ibon ay nasa bird’s nest sa tuktok ng puno na tila kumakanta.

“Ang ganda. . . para akong nasa ibang bansa,” sambit ko na malapad ang ngiti sa nakatitig sa paligid.

Tumayo ako at minamasdan ang kagandahan ng lugar na ito. Naagaw ang atensyon ko sa nagkumpulan na butterfly sa bandang kanan, iba-iba ang kulay na nagmukhang bulaklak sa kalayuan.

Lumapit ako roon pero agad na lumayo ang mga ito nang lumitaw sa harap ng mga butterfly ang isang pigura ng tao.

“Mama . . .” sambit ko habang tinitigan ko siya ng maigi.

Iyong paborito niyang damit na kulay pulang t-shirt at puting shorts, maikling buhok na hanggang tainga ang haba, at adult version ko siya.

Nangingilid ang luha ko nang makita siya, mahigit limang taon na hindi ko makita ang mukha niya. Sa picture ko lang nakikita si Mama tapos half body pa iyong pagkakuha pero ngayon, kitang kita ko ang tindig at kung gaano siya katangkad.

Pumaikot sa amin ni Mama ang simoy ng hangin na parang pinapalapit kaming dalawa. Ang mga butterfly ay lumilipad paikot. Naamoy ko ang halimuyak ng sampaguita.

Itinaas ni Mama ang kaniyang braso nagpapahiwatig na sumama ako sa kaniya, nakikita ko sa kaniyang mga mata ang galak na muli naming pagkita. Matamis na ngumiti ako sa kaniya, itinaas ko ang dalawa kong kamay na parang tatlong gulang na bata na gusto magpabuhat.

“Sasama po ako sa inyo! Hinding hindi na tayo maghihiwalay!” sigaw ko na tumatakbo palapit sa kanya.

Ngunit napatigil ako nang biglang sumulpot sa daan ko ang isang lalaking walang mukha.

“Huwag kang sasama sa kaniya!”

Nagkasalubong ang mga kilay ko at nakasimangot ko siyang tinaasan ng boses, “Umalis ka riyan! Huwag kang makialam sa gusto kong sumama kay Mama!”

“May mga pangarap ka pang gustong gawin sa buhay Jenny! Nakalimutan mo na ba iyon?”

“Wala na akong pangarap simula nang namatay ang Mama ko at napunta sa malditang babae! Naging miserable ang buhay ko dahil kay Aling Minda at sa mga taong sakim!”

Tuwing nagtatangka akong makalusot sa daan ay mabilis na lumipat ng pwesto ang lalaking ito! Para kaming naglalaro ng patintero sa ginagawa namin.

“Umalis ka sa harapan ko!”

“Makinig ka naman sa akin o gusto lang kitang tulungan pero paano kita tutulungan kung nagmamatigas ka.”

“Hindi kita kilala! At kung gusto mo akong tulungan ngayon din ay sundin mo ako!”

Napatigil ako sa pagsalita nang unti-unting naglaho si Mama. Gaya ng pakiramdam ko rati na nalagutan siya ng hininga na nagiging manhid ako at tumigil ang pag-ikot ng mundo ko.

“Mama huwag mo akong iiwan! Mama mahal kita sasama po ako sa inyo! Please Mama!”

Pinipilit kong abutin siya sa pamamagitan ng kamay ko pero imposible na maabutan ko siya. Sumabay sa hangin ang pagkawala niya na hudyat ng pagbuhos ng luha sa aking pisngi.

“Bakit mo ako pinigilan? Katulad ka ba ng mga taong sa paligid ko na masaya sa pagiging miserable ko? Sinasamantala ang pagka-bobo ko?”

“Hindi. . . Hindi iyon Jenny.”

Nagsimula nang gumaralgal ang boses ko, “E bakit? Ayaw ko na sa buhay ko pero dahil sa ‘yo mas lalo akong nahihirapan.”

“Huwag mo namang isipin ang mga bagay na iyan. N–Nasasaktan ako para sa ‘yo.”

Mas lalo akong naiinis sa pinagsasabi niya. Heto na naman ang isa pang tao nagbait-baitan sa una pero sa huli ay nililinlang lang ako.

“Wala kang karapatang masaktan dahil hindi naman kita kaano-ano.”

“May karapatan ako dahil simula pagkabata ay magkasama na tayo. Alam kong hindi mo ako naalala Jenny pero sana ay makinig ka sa akin.”

Hinablot ko ang bulaklak na may tinik saka ko binato sa dibdib niya.

“Sinungaling!”

Mabilis na umalis ako sa lugar na iyon. Walang tigil ang pagdaloy ng luha sa aking pisngi. Parang may mga insekto sa puso ko sa kirot na naramdaman ko. Pumikit ako ng mariin at hinayaan ang mga paa ko na dalhin ako sa kung saan.

Malayo sa lalaking walang mukha na tiyak kong hindi mapagkatiwalaan.

Napamulat ako sa aking mga mata.

“Konti lang ang tulog ko.” Pumikit-pikit ako na nakatingala sa kisame. Matamlay na bumangon ako sa kama.

Ginulo ko ang buhok at pabagsak  na pinatong ko ang aking kamay sa tuhod. “Matagal naman akong makatulog nito, maaga pa ako bukas.”

Humiga ulit ako, nagmuni-muni sa kawalan, at pilit na makatulog. Nag-side ako sa kanan at niyakap ang unan pero lumipat ako ng pwesto nang hindi effective ang ginawa ko.

Dumapa ako sa higaan at niyakap ang unan na nasa ulo ko.  Nakakatulog ako sa ganitong posisyon pero hindi ako makahinga ng maayos nito kaya humiga ako ng maayos at tumingala ulit sa kisame. Gaya ng dati nakatulog ulit ako pagkatapos.

“Jenny. . .” May baritonong boses akong naririnig nagpagising sa mahimbing kong diwa.

Minulat ko ang aking mga mata at bumungad sa aking paningin ang orange na kalangitan at ang yellow na sinag ng araw na tumatama sa pisngi ko.

“Mabuti’t gising ka na. Kumusta ang pakiramdam mo?”

Ginalaw ko ang ulo ko sa kaliwa. Prenteng nakaupo ang lalaking malabo ang mukha sa gilid ko. Nakayakap siya sa isang nakataas niyang tuhod sa paa at ang isa naman ay naka-stretch sa damuhan.

“Bago ko sagutin ang tanong mo ay magpakilala ka muna.” Nakataas ang isa kong kilay at matalas ko siyang tiningnan.

“Ok, ang clue ay pangalan ng crush ni Judy Abott.”

“Alam mo dapat direkta mo na lang sabihin ang pangalan mo kaysa naman sa nagpapahula ka,” sabi ko sabay crossed arms.

“Dali na! Madali lang naman iyon. Favorite cartoon character mo siya.”

“Hindi na ako bata para matandaan iyan.”

“Ganito,may isa pang clue nagsisimula siya sa J.”

“Johan? Jordan Jace? Jerrick? Jerald? Ano nga? Sabihin mo na!” Malakas na tinapik ko ang braso niya at nagkasalubong ang kilay ko, tumawa lang ang siya sa reaction ko.

Huminga siya ng malalim at mahinang nagsabi ng, “Nakalimutan mo na talaga ako.”

Humiga ang lalaking walang mukha sa tabi ko. Ginawa niyang unan ang kanan niyang braso, naka-side siya paharap sa akin.

“Balik tayo sa topic natin kanina. Kumusta na ang pakiramdam mo?”

“Uulitin ko, hindi ako sasagot sa tanong mo kung hindi mo sinasabi sa akin ang pangalan mo.” sabi ko sa madiin na boses.

“Hangga’t hindi mo ako maalala hindi ko sasabihin.”

“Sige! Suko na ako.” Itinaas ko ang dalawa kong kamay.

“Ayos lang ako. Obvious naman di ba?”

“Sure ka ba? After ng pag-iyak mo sa garden e ayos ka lang talaga?”

“Anong umiyak ako kanina? Wala naman ako matandaan at saka anong iniiyakan ko?”

Anong pinagsasabi ng lalaking ito? Ako umiyak? Kailan?

Hindi siya umimik. Patihaya siyang humiga at tumingin sa kalangitan.

“Ang ganda ng view dito. Nakaka-relax.”

Nag-iba naman siya ng topic. Ibang klase ang lalaking ito, nakalilito siyang kausap. Umupo ako sa damuhan at pinagmamasdan ang lumulubog na araw. Doon ko napansin na nasa cliff kami at sa ibaba nito ang dagat na walang alon na humampas sa mga bato.

Naamoy ko ang almond mula sa damuhan na nanunuot sa ilong ko. Lumilipad ang buhok ko sa hangin.

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play