Sa pagbukas ng aking mga mata una kong nakita ang asul na langit at ang mga kalapati na sabay-sabay lumilipad sa himpapawid. Nakahiga ako sa mga bulaklak na ang lambot sa likod. Ang gaan ng pakiramdam ko na payapa at walang iniisip na problema. Pumikit ako na ninamnam ang simoy ng hangin na amoy lavender. Hinahaplos ko ang mga bulaklak. Napaigik ako sa sakit nang natusok ang daliri ko ng tinik ng kung anong halaman. Sinipsip ko ang sugat sa hintuturo ko. Minulat ko ang aking mga mata at tumingin sa halaman na iyon. Pinitas ko ang red rose at sinusuri ang bawat petals nito. Paboritong bulaklak ito ni Mama. Sa aking malalim na pag-iisip naalala ko ang masasayang kahapon na kasama ko pa ang aking ina, binibigyan ko siya ng red rose tuwing Valentine’s day, Mother’s day at Birthday niya. Namuo sa aking mga mata ang tubig na unti-unting umaagos sa pisngi ko. Parang naglipana ang insekto sa puso ko sa kirot na nadarama.
“Mama,” tanging sambit ko habang buong ingat ko na hinahaplos ang petals.
“Hindi ko na po kaya Mama, lagi na lang ako sinasaktan ni Aling Minda. Naging mabuti naman akong kamag-anak sa kaniya. Porket bobo ako ay ganyan ang trato niya sa akin. May pakiramdam po ako, nasasaktan sa pinangagawa niya sa akin kahit hindi ko pinapakita. One time na nakipag-tsismisan siya sa ibang tao, tinawag niya akong Maria Clara na malandi, kahit kailan hindi iyan sinasabi ng mga tao sa akin dahil alam nilang hindi ako ganoon.” Sumisinghot-singhot ako habang binabanggit ang masasamang ginawa sa akin ni Aling Minda.
“Jenny...”
Napatigil ako sa pag-iyak at nanlaki ang mga mata ko. Lumakas ang tibok ng puso ko sa kaba. Mabilis na umupo ako at saka tumingin sa likod, kanan, at kaliwa para makita kung sino iyong tumawag sa akin.
Nakakakilabot ang baritono at malalim na boses na iyon.
“S–Sino ka?”
Ilang minuto pa ay nakarinig ako ng yabag ng paa na palapit sa akin. Hindi ako makagalaw at nanginginig ang buo kong katawan. Nakikita ko ng malinaw ang kabuuan ng katawan niya na payat, medyo maskulado, moreno, 5’7 ang tangkad, itim na itim ang buhok pero malabo ang mukha. Nakasuot ng sky blue na jumper, puting jeans at blue at white na sneakers.
Mas lalong lumakas ang kabog ng puso ko nang isang hakbang ang layo namin ng lalaking walang mukha.
Umupo siya sa harapan ko at malumbay na sinabing, “Nakalimutan mo na ako.”
Paanong nakalimutan ko siya ni hindi ko nga siya kilala.
Pagkatapos ng sinabi niya nagkaroon ng hamog ang paligid na unti-unting natatakpan siya nito. Lumabo ang paningin ko at nandilim.
Unti-unti kong minulat ang aking mga mata. Una kong napansin ang puting kisame.
Pumasok sa isip ko ang panaginip na hindi ko na maalala. Ewan, gustung gusto ko matandaan ang panaginip na iyon sa hindi malamang dahilan na para bang napaka-importante no’n. Huminga ako ng malalim sa iniisip ko. Dapat hindi iyon ang iniisip ko kundi ang kalagayan ko ngayon.
Tiningnan ko ang paligid, base sa nakikita ko nandito ako sa clinic dahil sa puting kurtina na nahahati sa dalawang kwarto.
Ginalaw ko ang mga kamay at paa ko. Aakma na sana akong umupo nang nagsalita ang lalaking nurse, “Huwag mong puwersahan ang sarili mo umupo, hindi pa maayos ang pakiramdam mo.”
Nakasuot ng facemask, face shield, gloves, sobrang puti, matangkad, malaki ang katawan at blonde ang buhok ng lalaking nurse.
“Ano po ba ang nangyari?” tanong ko sa namamaos na boses.
Inalalayan niya akong umupo at isinandal ako sa head board ng dahan-dahan bago sumagot sa tanong ko, “Nagka-heat stroke ka kaya ka nahimatay at thirty minutes ka nang walang malay.”
Malamyos ang boses ng lalaking nurse na parang napapakalma ka kapag naririnig mo siya.
Pinainom ako ng lalaking nurse ng tubig at pina-breathing exercise ako ng tatlong beses para maging maayos daw ang daluyan ng hangin sa katawan ko. Maya’t maya pa ay pumasok ang doktora sa kwarto para i-check ang blood pressure ko. Normal naman ang bp ko. Sinabi sa akin ni doktora ang mga dapat gawin ko para hindi na maulit ang nangyari at puwede na raw ako umuwi sa amin after ng ilang minuto kong pagpapahinga.
Shete! Ano kaya mangyayari sa akin pagkauwi ko mamaya? Parang gusto ko na lang dito mag-stay kaysa umuwi sa bahay ng alagad ng apoy. Sa totoo lang matagal ko nang gustong lumayas magpakalayo-layo baka sakaling mas maging maayos pa ang buhay ko.
Ewan, gusto yata ni Aling Minda na maging katulong ako at ayaw na umangat ako sa buhay kaya nasasabi niya na wala akong pag-asa na makatrabaho. Alam ko namang pandemic ngayon pero seryoso iyong iba riyan na pumapayag na makahanap ng trabaho ang kadugo nila basta sumunod sa health protocols e ako araw-araw naranasan ko ang pasakit at maanghang na salita mula kay Aling Minda. Kahit nga bago pa ang pandemic ay ganyan na siya sa akin.
Nagbuntong-hininga ako na kinuha ang pinamili ko, nagsuot ulit ng facemask at face shield, umalis sa clinic.
Alas singko ako nakarating sa bahay, as usual pinagalitan naman ako na hindi tinatanong kung anong nangyari sa akin. Sumasakit ang ulo ko sa putak ng putak ng malditang babae. Dapat pala umalis na lang ako.
Mga alas sais na inutusan ako na magsaing ng kanin pagkatapos ng pinatrabaho niya sa akin na gawaing bahay.
Kumain na kami ng hapunan. Naghugas ako ng plato at ibinalik ito sa lalagyan. Dumiretso ako sa kuwarto at humilata agad sa kama, hindi na ako nag-abala magpunas ng katawan dahil sa pagod. Nanghihina pa rin ako, pinipilit ko lang magtrabaho sa bahay para hindi naman ako pagalitan. Ipinikit ko ang aking mga mata.
Sa hindi inaasahan biglang may sumagi sa isip ko ang malabong mukha ng lalaking itim ang buhok. Napamulat agad ako ng mga mata.
Pucha! Bigla akong kinalibutan. Hindi kaya alagad iyon ng apoy?
Umiling ako sa iniisip ko. Pumikit ako’t mabilis na hinilot ang sentido ko.
Siguro dahil sa pagod kaya kung ano-ano nasa isip ko. Napabuntong hininga ako at tumingala sa kisame. Kailangan kong matulog ng maaga kundi para namang dragon sa lakas ng boses si Aling Minda sa paggising sa akin, nakakasira pa naman araw na ka-aga-aga aburido agad siya.
Bumigat ang talukap ng mga mata ko sa tagal ng tingala ko sa kisame. Ilang minuto ng mahimbing na pagtulog ko nakarinig ako ng huni ng ibon. Nakapagtataka konti lang ang ibon sa siyudad pero ba’t parang marami sila.
May kung anong hayop na dumapo sa ilong ko.
“Ano ba iyan!” Tinapik ko ang hayop na iyon sa inis.
“Kalilinis ko pa lang at nag-spray ng disinfectant sa kwarto may mga insekto naman ang istorbo sa pagtulog ko!” Naalimpungatan akong minulat ang aking mga mata.
Sa una malabo ang paningin ko kaya kinukusot ko ang mga mata ko hanggang sa malinaw na iyong nakikita ko sa paligid.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 11 Episodes
Comments