“Jervis . . .” sambit ko habang papikit-pikit.
Bumalik ang diwa ko nang hinila ako paalis sa TV ni Aling Minda, binatukan ako at sinabihan na bingi. Napangiwi ako sa sakit ng pagbatok niya. Mabilis na pumunta akong mesa at agad na umupo habang hinilot ang ulo ko.
Mas lalo ako nagiging bobo sa ginagawa ng malditang babae.
Anong mayroon sa pangalang Jervis? Na parang apektado ako. Wala naman akong kakilala na Jervis pero ang lakas ng impact sa akin.
Hindi ko na dapat iniisip ito, marami akong gagawin ngayon at mag-focus sa utos ng malditang babae.
Pagtatrabaho sa bahay, sakit sa tainga ang sigaw at nakakapikon na panlalait ni Aling Minda at pagkain ng ulam na may sama ng loob ang eksena mula hapon hanggang gabi.
Kailan kaya ako lalayas sa nakakainis na bahay na ito?
Inayos ko ang higaan, nakahilata sa kama at nanalangin sa Panginoon na sana maging maayos ang lahat at ilayo kami sa kapahamakan at sakit. Natulog na ako pagkatapos.
Pagmulat ng aking mga mata una kong nakita ang mga taong nagsisigaw sa saya, nakataas ang light sticks na nagsisilbing makulay na ilaw sa paligid at nagpe-perform sa stage. Nakakasilaw ang liwanag at video sa likod ng mga taong nagpe-perform. Limitado ang bilang ng tao na makapasok dito.
Sasabog na ang puso ko sa excitement. Nandito ako sa concert at ito ang pinangarap kong okasyon na gusto kong mapuntahan. Ang maganda pa ay nasa VIP seats ako kaya up-close ko silang pinapanood. Dati sa TV ko lang ito nakikita. Pero may isa pa akong napapansin hindi Tagalog ang salita ng mga tao rito at pati sa sulat ng tarpaulin ay ibang lenggwahe. Nasa bansang Thailand ako kung saan nakatira ang actor na crush kong si Mario Maurer. May ilan-ilan na Pilipino akong nakikita rito sa VIP seats. OFW na teacher ang nagtuturo rito sa ilang bahagi ng Thailand.
Ang naintindihan ko lang ay Still 2gether live on stage. Ang Still 2gether ay Boys Love or BL genre na dalawang lalaki ang nag-iibigan sa isa’t isa. Nakita ko na ito sa patalastas sa TV pero hindi napanood kasi gabing gabi na ipapalabas tapos ayaw ni Aling Minda na magpuyat sa panonood ng TV.
Sa simula ang theme song ng series.
Pagkatapos ng pag-perform sa isang set ay tumitigil muna sila tapos nag-uusap ang buong cast.
“Mahal kita!”
Lumingon ako sa kanan, malayo sa akin iyong sumigaw no’n at hindi masyadong malinaw iyong narinig ko dahil sa lakas ng hiyawan ng mga tao. Inulit ng isang grupo iyong sigaw nila.
“What?” tanong ni Bright.
“I love you!”
“I love you, I love you too!” sagot ni Bright.
For sure nahimatay na sa kilig iyong grupo na sinabihan no’n.
Natawa ako sa banggaan ng miyembro ng Music club at Cheerleading club tapos habang nag-acting ay kumakanta sila. Ang guwapo ng lalaking mala-manika ang mga mata at morenong si Bright tapos ang cute ng singkit at mestizo na si Win. Ang mga cast naman mala-anghel sa gwapo at ganda. Sumasayaw ang makukulay na ilaw na nagpatingkad sa dilim ng stage. Sa kabuuan ng concert ay tungkol sa kwento ng Still 2gether at 2gether the series nina Sarawat na ginampanan ni Bright at Tine as portrayed by Win. Mga low-key na panliligaw ni Sarawat kay Tine, lihim na pagtingin, sweet moments, pinagdaanan nila as a couple at nakakakilig na pag-perform ng side couples. Ngumiti ako ng malapad, parang kinukuryente ang buong katawan ko, at impit na sumigaw at tumalon-talon sa tuwa nang totoong nag-kiss ang BL couple. Iba rin ang atake ng chemistry ng BrightWin, high-level talaga!
Napatigil ako sa pag-jamming sa kanta nang may malamig na kamay na humawak sa balikat ko. Lumingon ako sa likod at nakita ang lalaking malabo ang mukha. Weird, hindi naman malabo ang mga mata ko pero bakit ganoon hindi malinaw ang pagkakita ko sa mukha niya, ang mas weird pa ay hindi nakaramdam ng takot na sanay na sanay na makakita ng ganiyang hitsura.
“Bakit?”
Wala siyang sinabi instead itinapat ng lalaking walang mukha ang salamin sa mukha ko.
“Hala! Anong nangyari sa mukha ko?” Nanlaki ang mga mata ko at napanganga sa natuklasan ko.
Ang nakikita sa salamin ay straight ang buhok, singkit, medyo matangos ang ilong at heart shaped lips, ibang-iba sa tunay kong mukha.
“Don’t panic babalik ka rin sa totoo mong katawan. Nag-travel ang kaluluwa mo sa ibang lugar at since nag-fit ang kaluluwa mo sa katawan niya ay puwede kang magpalit ng katawan pero kapag gumising kayong dalawa ay ang memories ng babae matandaan ninyo pareho ang ganap ngayong gabi.” Nag-crossed arms siya habang pinapaliwanag iyon.
Nagkabuhol-buhol ang isip ko sa explanation niya. Hindi ko ma-gets.
“Alam kong nahihirapan ka i-process ang paliwanag ko so don't overthink and just enjoy the night.” Hinawakan niya ang dalawa kong balikat at pinaharap sa stage.
Sumunod ko ang sinabi niya na parang hindi ako naguguluhan sa nangyari. Sinulit ko ang sandaling mapanood ng harapan ang performance, ito ang matagal ko nang pangarap at sana sa paggising ko ay nakatatak pa rin sa isipan ko ang experience na minsan lang mangyari sa buhay ko.
Iwinagayway ko ang aking kamay sa hangin habang sumasabay sa kanta. Maya’t maya ay itinaas namin ang light stick na kung titingnan sa itaas ay parang bituin na kumikislap sa lupa. May mga tarpaulins din akong nakita nakasulat na loveteam ng main couple at side couple tapos ang iba picture ng wolf, bunny at fox.
“After ng concert . . .” Lumingon ako sa kaniya, “Puwede ba tayong mag-usap?”
“Sure pero saglit lang kasi hihintayin ka ng kasama ng babaeng ka-switch mo ng katawan.”
“Maasahan ko iyan,” sabi ko sabay tingin ulit sa stage.
Worth it iyong pagkapaos ko ng boses at pangangalay ng mga kamay at paa ko. Ang pinakamasaya sa lahat ay nagkaroon ako ng chance na magpa-picture kasama ang cast. Ang swerte ko na katabi ko ang BrightWin. Malapad ang ngiti ko no’n.
Sa labas naman ay naghihintay kami na dumaan ang mga artista. Halos sumigaw kaming lahat nang makita naming sasakay ng kotse si Win at iba pa.
Gosh! Kitang-kita ang kagwapuhan at kagandahan ng mga nilalang na ito!
Tinapik ako ng isang babae naka-rebond nasa palagay ko ay kaibigan ng babaeng ka-switch body ko. Naku! Sana kapwa ko Pilipino ito.
“Tara na! Baka ma-stranded tayo sa nag-ra-rally sa daan.”
“Rally? Bakit anong nangyari?”
Hindi sinagot ang tanong ko bagkus ay hinila niya ang braso ko paalis sa lugar.
Anak ng! Mag-uusap pa kami ng lalaking walang mukha. Lumingon ako sa paligid, hinahanap ko siya.
Nakita ko siyang nakatayo sa gilid ng kotse. Ginalaw niya ang apat na daliri na sabay na ang ibig sabihin ay umalis ako. Tumango ako bilang sagot kahit na naguguluhan. Sumakay kami ng babaeng naka-rebond sa taxi at umuwi sa tinutuluyang apartment.
Pinilit akong mag-shower ng babaeng naka-rebond na pabirong nagsasabi na ang baho ko na raw. Sinunod ko ang sabi niya kasi baka magtataka siya sa akin. Pagkatapos ng mabilis na maligo ay ipinagluto ako ng pagkain, nagtataka ang babae kung bakit mabilis kong maligo e samantalang dati raw inaabot ng twenty minutes. Ang palusot ko naman ay para makatipid sa tubig, naniwala naman ang babaeng naka-rebond sa akin.
Natulog ako after ng hapunan at magsipilyo.
“Jenny,” pagtawag ng baritonong boses sa pangalan ko.
Nagmulat ako ng mga mata, una kong nakita ang lalaking walang mukha nakaupo sa bangko ng study table na naka-crossed legs.
“Bakit?”
“Tumingin ka sa paligid,” utos niya.
Mga sinaunang kagamitan ang mga nakikita ko sa kuwarto. Imbes na ballpen ang nakalagay sa study table ay ink at isang pakpak ng manok.
May design pa iyong mga bangko at study table.
Nailipat ang atensyon sa aking damit. Kulay puti, mahabang manggas at nakapalda ang pantulog ko na pareho ng damit ng gothic doll. Inalis ko ang kumot, binaba ang paa ko sa sahig, nagsuot ng tsinelas at tumayo. Excited kong tinaas ang bintana.
“Ang ganda rito!” sambit ko na pinagmamasdan ang ulap na tinatakpan ang buwan.
Itinaas ko ang dalawang braso at dinamdam ang malinis na hangin.
“Ito ang panahon na napanood mo na cartoons na Judy Abbott.”
Hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala siya. Ang tahimik niyang lumakad. Humarap ako sa kaniya habang nakahawak sa ibabang gilid ng bintana.
“Sandali! Narinig ko na yata iyang cartoons sa kung saan.”
“Naalala mo na? So alam mo na ang pangalan ko?”
“E ano nga pala ang pangalan mo?”
Nag-crossed arms ang lalaking walang mukha at umiling-iling. Nagbuntong-hininga siyang nagsalita, “What do I expect from the forgetful like you?”
“Hoy! Maka-forgetful naman ito!” Nilakihan ko siya ng mata at nag-crossed arms.
“Sabihin mo na kasi ng direkta ang pangalan mo hindi iyong paligoy-ligoy ka pa.” Tinaas ko ang chin ko na parang hinahamon ko siya.
“Ok lumabas muna tayo.”
“Bakit? Hindi puwede rito? Tayo lang naman nakakarinig,” sabi ko sa demanding na tono.
“Basta sumunod ka na lang.” Inilaw niya ang gasera na nasa study table.
Lumabas kami ng kuwarto. Dahan-dahang naglalakad sa mahabang pasilyo ng tila boarding house sa panahon na ito. Yari sa kahoy ang mga pintuan ng kwarto na katulad ng sa modern world pero medyo makaluma. Sementado rin ang pader at haligi ng bahay.
Lumabas kami sa entrance ng boarding house. Sa entrance naman ay may dalawang pintuan na magkatabi at ang dalawang haligi nito ay design ng katulad sa haligi ng Ancient Greece.
Sa labas ay sementado ang straight na daan na ang dulo nito ay ang gate. May mga damo sa gilid at bulaklak.
Napatigil kami nang may nag-uusap na lalaking blonde at nakatirintas na babae. Naka-formal suit ang lalaki tapos ordinaryong damit ng babae na may bukol sa manggas.
Inilapit ng walang mukha ang bibig niya sa tainga ko at bumulong ng, “Kapareho ko ng pangalan ang lalaking blonde hair.”
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 11 Episodes
Comments