Baseline
May mga tao talagang parang off limits kayo. Na para bang hindi na hihigit pa ang kung anong meron kayo. Feelings na 'di mo matukoy kung ano. At pagpilit konti kase malay mo ba. Diba?
Ice cream
August | Grade 8
"Ano ba yan," humihikab kong reklamo. "Magkaklase na nga tayo tas nagchat pa tayo kagabi. Umay na."
Napalingon si Rose sakin at nanlaki ang mga mata.
"Uy. It was unexpected seeing you here, Humot."
Tumutulo pa ang buhok niya.
Naliligo pala to?
"Ay sino ka?" Tumabi na ako sa kanya para bumili ng illustration board para mamaya.
"Ikaw din nagpledge sa illustration niyo?" Pagtanggap niya sa binili.
"Oo, tangik. Muntik ko na ngang makalimutan," tingin ko pababa sa kanya.
Niyakap niya ang naka cellophane na illustration at umalis sa tabi ko.
"Buti nga't muntik lang, Nak." Ngiti ng kunti ng may-ari sa akin.
Sinuklian ko ito ng ngiti.
"Salamat, Nay," matapos kong inabot ang bayad.
Nagsimula na kaming maglakad pagkatapos non. Medyo mataas ang lalakarin dahil sa bandang palengke pa kami bumili. Where in fact was both far away from our houses.
Bat nandito 'to?
Kinuha ko ang binili niya at ako ang nagdala noon, hindi naman siya umangal.
"Ikaw, buti at naalala mo. Diba wala tayong vacant mamaya?" ani kong inipit ang binili namin sa armpit ko.
"Omsim, hindi tayo makakalabas mamaya kase last subject natin si Ma'am sa morning." Tango niya sa akin.
"Mmm... Bat dito ka bumili?" tinanong ko na siya sa pinagtataka ko mula pa noong nagkita kami.
Tinignan niya muna ako. Akala ko sasagot na pero iniwas niya lang ang tinginan namin.
"Diba may nagtitinda ng schoolsupplies sa lugar niyo? Tapat pa nga sa mismong bahay niyo," dagdag ko pa.
Nagsasayang yata to ng oras sa buhay eh.
"Hindi naman tapat! Oa naman, Grance," sabi niya natatawa kuno.
Wala akong sinabi para maawkard siya at ilang segundo pa...
Inangat niya ang tingin mula sa baba ng nilalakaran patungo sa'kin.
"Ano... kase dito ang ruta ni John nuon pa man. Tsaka makapag salita ka parang sa ibang baranggay pa ako nakatira!" She hesitated but still explained why.
Umawang ang bibig ko dahil sa sinabi ng kaibigan. Not paying much mind to whatever her second sentence was.
We were left silent.
What the ****?
"Jusko. Hanggang may apo na ba ako hindi ka pa makakapagmove on?" Parang nadidiri kong sambit sa kanya. Umakto pa akong pumapagpag at lumayo sa kaniya.
Napairap si Rose doon at umismid sa akin.
"Sana di ko nalang sinabi, gago ka," marahan niyang tulak sa akin.
Nabasag ang kalmadong estado naming dalawa ng may malakas na bumusina sa amin mula sa likuran. Marahan lang ang tulak niya pero sadyang hindi lang kami tumabi sa daanan kaya na50-50.
"Huy gago. Baka ma deds ako, Bulak!" Sigaw ko pa.
"Ay, ipagpatawad mo sana," sarkastiko niyang sagot. Inaangat niya ngayon ang kamay para may pantabon sa sumisikat na araw.
Umiling nalang ako at planong manahimik sa paglalakad namin. Palagi kaming walang kwenta mag-usap pero patuloy na nag-uusap.
Pero iba takbo ng isip niya ngayon. May biglang naalala. May pumasok na hindi maganda. Na-remind siguro sa nangyari kahapon.
"Wala kana talagang planong magconfess? Like hahayaan mo nalang yan mawala sa loob mo?" kunot-noo niya.
Wow pake niya.
Inangat ko ang illustration para hindi kami mainitan, mas lumapit pa ako para siguradong hindi maiirita ang singkit niyang mga mata sa liwanag na araw.
"Sabi pa nga diba mawawala daw kung magawa mong sabihin. Pero hindi naman din 'yon sa lahat, pili lang ang ganoon," ani niya pa sakin.
"Hiyang-hiya naman ako sa kalagayan mo," mahina kong banggit. Ang tingin ay diretso lang sa harap.
"Di, seryoso kasi. What if magsettle down 'yan instead na mawala unti-unti?" Huminto siya sa paglalakad hinahabol na rin ang mga mata ko.
"Mmm, parang undying feelings mo sa kanya?" Loko ko pa.
Natawa ako nang nawalan ng gana ang pagmumukha niya.
"Move on na nga," buga ko ng malalalim na hininga.
Nagmura lang siya at nagpatuloy sa paglalakad. The humid morning air surrounded us.
"Pero seryoso, Bulak. Parang huminto talaga yung puso ko, Gago."
"Huy gags!" Sipa niya ng hindi kalakasan. "Baka iba na yan Grance ha?" Ngiti niyang tinitignan talaga ang mga reaksyon ko.
Nagkibit ako ng balikat. Ngumingiti habang unti-unting bumababa ang tingin.
Ewan, iba na nga siguro.
"Anyways..." Bigla niyang salita.
"What?" Angat ko ng ulo.
"May assignment sa math diba?" Lingon ni Rose.
"Oo," parang alam ko na kung saan 'to tutungo.
"Pakopya naman, Grance kong mahal."
Sabi na.
"User!"
____ ___________ ____
Cane David mention you in a comment.
Kita kong notification galing sa facebook.
"Ngi, chosera mo Grance!" singhal ni Dianne.
"Bakit sayo pa?" Paungol na basa ni Carlos sa post ko.
"Bakit?" tanong ni Dovie.
"Nag-update si Grance ng status niya sa Fb," tumawa pa si Dianne.
"Palagi naman diba? Ano ngayon?" Pinasilip naman ni Dianne sa cellphone n'ya kay Dovie.
Naglilinis na ang mga cleaners para sa araw na 'yon at nasa pintuan lang ako nags-selpon. Nakatambay.
Vincentnyomafia:
Sure ba
Cane David:
Oo nga 😆😭
Dianne P:
Bakit nga ba, Kai?
Comments nito as of now.
Maganda ang panahon ngayong hapon. Masarap sa balat kahit nakabilad ako rito sa entryway ng klase. The sunset was facing the front of our classroom, including Immaculate's too.
Bago lang din binalik ang mga gadgets ng mga students kaya nakapag status pa nga. Wala lang. Nagpaparinig lang sa shared posts, status, at mga stories.
Wala akong magawa, hindi rin niya mapapansin na siya pinaparinggan ko don. Kung mapapansin niya man parang hindi rin niya s-seryosohin. Pero hindi yan, tiwala lang.
And after all this time just looking at her from afar, I discovered one major thing. Manhid siya. I'm not talking about the shits I've been posting but the advances that I did, manhid talaga siya. Good thing tho. Haha buti nalang.
Mas maganda na rin 'yon kase di pa ako handa kung malalaman niya na. Hindi ako magiging handa.
"Huy, ang init, Grance."
Parang biglang may init sa batok ko na unti-unting bumaba patungo sa dulo ng daliri ng mga paa at kamay ko. Nanigas ako ng panandalian.
Patay na.
"Pumasok ka uy," dagdag niya pa.
Lumunok ako at lumingon nalang noong hindi na nagloading ang nervous system ko.
Nang nilingon ko na siya ay tila mas naging depinado ang mga kulay na nakikita ko.
Namumula ang mga pisngi ni Avya. May pawis sa noo at pahingal-hingal siyang nakatingin sa akin. Ang buhok ay tila bagong ligo dahil sa pawis. Mas naging itim ang kulay ng buhok dahil basa.
Ilang tumbling ba ginawa nito?
"Di ko feel na mainit, may hangin kase rito. Fresh ko pa nga," taas ko sa dalawang kilay ko.
Kinagat ko ang dila ko. Tanga, bat ko sinabi yon?
Sumandal ako sa nakabukas na pintuan at sinuksok ang dalawang kamay sa bulsa. Naglakbay ang tingin niya sa kabuoan ko at tumango.
Ayay, agree yan.
"Naol fresh po," sabi niya at naupo patago sa balustrade para di masikatan ng araw.
Bwesit, Grance.
Nilikom niya ang saya at inipit iyon sa pag squat niya. "Can't relate. Tumakbo kami nila Chezter dito hanggang sa 7/11 ng gas station. Para sa 'ting masarap na ice cream. Buti nga hindi kami nakita ni Sister."
"Ay, pati pabalik pala, takbo rin." Hawi niya sa buhok niyang nililipad.
Di ka naman tinatanong eh.
"Tapos mo na yung ice cream mo?" Tanong ko nalang. Nag effort pa naman siyang magsalita.
Nakakasilaw ang araw ngayong nandoon na siya sa harapan. Gago hindi naman ganto kanina.
"Oo." Tawa niyang tila may naalala.
"Di namin na enjoy noh! Fake news ni Rina. Nakain ng buo yung ice cream, nagchat ba namang nakita raw kami ni Sir Al. Joke lang pala, tarantado," pagmamaktol niya.
Huy, sige. Di ako mauumay.
"Nabulunan nga si Vincent kase pinasok niya sa bunganga. Tawang-tawa kami talino ba naman."
"Yung malaking ice cream ba? Yung bente?"
"Oo! Sinubo ng buo. Ayan tuloy, hubak! Ubo ng ubo on the way namin." Mustra pa sa pagsubo.
Gago to.
"Nataranta kaming lahat. Di alam ni Vincent ang gagawin sa pagmamadali, ayon gustong lunuking ang lahat."
Natawa na rin ako, nakakahawa ang mga ngiti niya. Parang sinabunutan ang buhok na loose lang ang pagkakatali. Jacket sa ibabaw ng uniform, ang careless na ngiti at hindi steady na kilay.
Expressive niya tuloy. Ganda ng view.
Ay nuba yan! Nagmumukha naman akong hulog na hulog neto.
"Mmm!" Aggressive na pagpaparinig nila sa loob ng room.
"Oh, piso pusta ko torpe parin, " biro ni Rose.
"Balato mo na yan tol," singit ni CaneD
"Shut up, David!" Sagot ni Carlos with an accent.
"Charizz!" Tawa ng mga anak ni Lord sa loob.
"Hindi ba kayo makaintay sa pagkatapos ng flag ceremony? Takas talaga?" Nilipat ko pa ang mga mata ko sa office ni Sister.
Makikita ito mula sa classroom namin. Noon katabi lang pero lumipat si Sister malapit sa library, sa kabilang building .
"Nako! Diba naalala mo yung nakaraang hapon? Nagkaubosan, wag kang lamya-lamya kung gusto mo. Edi ayon takbuhan kami wala naman ng klase."
"Kayong lahat? Parang di naman tatakbo si Drey." I doubt that.
"Ay, wala nagpachill lang sila ni Lucky. Kami lang nila Fin ang nakisabay sa boys."
Drey isn't someone that would run for fun or for something like that.
"Oh! San ka pa ba?" Tanong ni Oreo na nasa dulo ng hagdanan, hingal na hingal rin.
"Gagi Nak. Kamusta si Vincent?"
Ang hingal na si Oreo halos hindi maka hinga pinatawa pa. Tawang bigay na bigay. Sinabayan pa nga nitong isa.
Kanchaw kaayo ay.
"Yung pagmumukha niya talaga nong na realize niyang malamig pala yung ice cream," yakap ni Avya sa tiyan niya.
"Pangit," buga naman ng tawa ng dalawa.
"Parang humagod sa lalamunan noh?" Tanong niya kay Oreo.
Tumango ito at pumapadyak padyak.
"Expert siguro sumubo noon, Ma. Na train na sa mga bading na pinagmamalaki niya." Hirap na pagsasalita ni Oreo pero kinaya para lang mangloko.
"Gags! Wampepteh"
"Wampepteh!" Sabay nilang sambit sa sikat nilang kataga sa amin.
Pasapak nga, isa lang.
"Nakakain ka rin Oreo?" Tanong ko sa kanya.
Walang sagot ang pandak at lumalaban lang para mabuhay.
Rinig naman ng buong school ang pag-ring ng bell.
Umiling na lang ako at pumasok ng buo sa classroom at hinanda ang gamit ko habang nandoon pa ang dalawa nilalabanang hindi mamatay sa kakatawa. Ang iba naming kakaklase ay lumalabas na rin.
"God, help!" Rinig kong sabi ni Avya.
Kinuha ko na rin yung sa kanya. Fortunately, wala ng ipapasok sa bag dahil malinis na ang arm chair niya o ni isang librong dapat ilagay sa locker.
"Naku, iba 'yan," comment ni Gwen.
Paglabas ko nakita ko siyang pababa na ng hagdanan. I closely followed behind Gwen.
Sa malayong dako makikita na ang pagtitipon para sa dismissal ng buong school. They were loud, some students are senselessly moving around. Ang iba ay tumitingin sa mga bagong dating.
"Av," tawag ko.
"Huhdoken?" Tanong niya sa kanyang paglingon.
"Dinala ko na bag mo since nasa likod lang naman yong bangko mo sa akin." Abot ko.
Nag-explain pa nga.
"Yung aken, Boss?" Epal ni Oreo nang ito'y lumingon na sa gawi namin. Naroon na s'ya sa harap ng mga linya ng iba't ibang grades.
My eyes went from Oreo's hand which was pointing to his stupid face and to the people who are looking at us.
"Alaka," rinig ko kay Carlos sa likod ko, bagong dating lang din.
Nanglamig ang pakiramdam ko doon lalo na sa mga kamay ko.
"Luh. Thank you, Grance." Ngiti niya na walang ngiping pinapakita. Sinuot niya ito. Sinabit sa isang balikat lamang.
Huy, wala. Napadaan lang talaga sa bangko mo, ahaha.
"Galawang Kai."
"Agreeculture, galawang Kai."
Avya joined our grade's crowd and lined based on her respective gender. Separate ang babae at lalaki sa linya.
Two volunteers from Grade 10 found places for themselves and started taking lead in praying for all of us.
The Principal, si Sister naman ang pumunta sa harapan para magsalita ng kung ano. Nawawala na ang attention namin usually kung hihigit sa isang minuto siyang nasa harap.
Pero sa sandaling ito parang galit siya at nakakrus pa ang mga braso.
"That's all for today, is what I wanted to say pero, Grade 7," tawag niya.
Matik, damay na kami nito. Hindi man kami ang pinagsasabihan pero parang pinarusahan narin.
"A standing ovation and stop, look, and listen na naman ba ulit?" Wari ko at lumingon sa banda niya.
Kalmado at lumilingon-lingon lang si Avya kay Sister at sa mga grade 7. Umaalon alon ang saya at buhok dahil sa ragasa ng panghapong hangin.
"Parang ganon na nga," sagot ni Vince.
"Don't want to close my eyes, I don't want to fall asleep," kanta bigla ni Oreo.
Nasa harap ko lang ang pandak at bulong lang ang pagkanta niya.
"Cause I'd miss you baby and I don't want to miss a thing," sabay naman ni Vince sa gilid ko.
"But we meant the opposite," ani ko.
"Ano bang ginawa noong decorations sayo Mr. Lapanta? What was the reason? And girls, hindi niyo lang ba pinagsabihan?" Sister starts the nagging.
Tanaw namang napayuko si Zander at ang mga kaklase. Anong kalokohan na naman ba Zander?
"What was the reason? What was the reason?!" Vincent turned to face our way while whispering hysterically while hiding behind Marcus.
Parang sa ginawa niya may naalala ang mga tao.
Everyone who was name-dropped in Avya's story laughed. Vincent who's mocking the Head and mimicking a tiktok audio creased his forehead. But a sweet smile grew from his lips.
Si Chezter umaktong nabulunan habang mahinang tumatawa. He bended his knees para hindi obvious kay Sister. Mas tumawa sila nang nakita iyon. Struggling to suppress the laughter they want to emit.
Avya's imperfect and crocked nose was disturbed in its calm state due to laughter. She clapped her hands as she always does when she laughs.
Tinabunan niya ang mukha gamit ang dalawang kamay, pulang-pula na.
Chezter's act really fanned the flame. Ngumisi nalang si Vincent tila ay wala lang at nasayahan rin. Kung hindi lang yan si Vincent hiyang-hiya na siguro ito at kung malas man magagalit o maiinis din. But luckily it was Vincent, our happy-go-lucky boi, Immaculate's class clown.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments