003

Kakanta

"Kuya! Pa-hot spot nga," bukas ng pangit kong kapatid sa pinto ng kwarto ko.

Hinampas-hampas pa ang pintuan gamit ang tsinelas niya.

"Aga-aga nangbubwesit ka," antok kong sambit.

"Iyong ang aking obligasyahn sa buhay mo kase kapatid mo ko." Yelling the 'syan' a little.

Pumasok siya at niyogyog ako. Nakasuot pa rin ito ng pajamas niya. Mukhang hindi sila magsisimba nila Mama ngayon.

"Hindi pa nakakapagload ulit si Papa sa wifi!" Ingay pa ng babaeng to.

Tumalikod ako ng pagkakahiga kay Frey at tinabon ang kumot sa buong katawan ko. Sa ikasasaya ko ay nainis si Frey doon. "Caterpillar lang?" sigaw nito at tumalon-talon sa kama ko.

"Sige na, kuya. Ako maghuhugas ng pinggan para sayo sa agahan," tarantado, bini-business pa ko.

Wala pa akong energy.

"Huy," tawag niyang hindi na nagtatatalon.

Ayaw kong sumagot sa ibang sperm ni Papa.

Naramdaman kong lumapit si Frey at sinilip ang mukha ko. Umatras ito pagkatapos niya akong makita.

Pogi ano?

And she bit my arm.

"Agay!" Bumangon ako at tinulak ang ulo niya.

Mas nanggigil siya nang sumigaw ako. Tarantado.

"Frey, bitaw ka na!" Pwersa kong tulak sa kanya.

"Ngg?" Pagpapakabobo niya pa.

"Nandon sa cabinet, naka charge!" Bumitaw siya doon at lumakad na patungo sa cabinet kong nasa kwarto ko lang rin.

"Ah, kala ko hinihigaan mo na naman eh."

Hinaplos ko ang kinagatan niya at napabangon ng tuloyan sa nahawakan. Pumunta ako sa CR at sinabon ang brasong may maraming laway ng magaling kong kapatid.

"Tangina ka," sabi ko na hindi siya tinitignan.

"Laro ka kase ng laro! Kahit pagbangon lang ng maaga eh," pindot-pintod niya sa cellphone.

"Hanggang 12 lang uy. Tampo ka lang di kita ni-invite kagabi," sulyap ko sa kanya.

"Heh!" sagot niya at tinapon ang cellphone ko sa kama.

Napakamot nalang ako ng ulo na mas nagpagulo ng buhok ko.

"Connected ka na ba?"

"Of C, kuya. Alam na alam ko password mo. Av-yuh lang naman." Pag-arte pa niya sa 'yuh' niya. Nakapwesto na ito sa sofa sa salas.

"De wow! Good morning, Ma." Bati ko sa nags-selpon kong Ina sa kusina.

"Oh, good morning Kai. Magsibak ka na ng kahoy," ani ni Mama.

"Sanaol pinagsisibak, Ma." I chuckled.

I stepped closer to see what she was making for breakfast.

"Handa mo na ang hapag, kuya," utos n'yang binitawan ang cellphone.

Tumango lang ako nang tumingin siya. Pumasok ako sa cr ng kusina at naghugas ng kamay pagkatapos umihi.

"Saan si Papa, Ma?" Hinahanda na niya ang kanin at sabaw nuong nakalabas ako kaya ginawa ko na ang parte ko sa hapag.

"Ayun bumili ng Coke. Frey! Kain na dito."

Sa pag-upo naman namin ay tiyempo sa pagdating ni Kalibre bente kwatro.

"Great timing malabs!" Bati ni Papa sa amin.

"Kain na tayo," busy na si Mama sa pagkuha ng kanin niya.

Tumayo si Frey at kumuha ng mga baso para sa aming lahat.

"Anong oras ka natulog unang anak?" tanong ni Papa sa unang subo niya sa kanin.

"Mga 1 siguro, Pa. Rank eh." Patuloy ko sa pagkain, hindi na nag-abalang mangamba.

"Sabi 12?" Hindi ko pinansin.

"Eh kung irankeh ko yang mukha mo? Palagi ka nalang puyat." Ani ni Papa na ngumunguya.

Hinaplos ni Mama ang baba ni Papa. Ginagawa niya 'yon kapag nagsasalita si Papa ng puno ang bibig o showering.

"Ano?" Singit ni Frey.

"Ewan. Paabot nga ng sili, nak," Balewala ni Papa doon.

Minustra niya ang siling abot kamay lang ni Frey. Inabot iyon ni Second Child. Hinampas ni Mama bigla ang asawa at sinamaan ng tingin.

"Ray! Grabe na talagang pangmamaltrato 'to." Reklamo ni Papa.

Hinihimas-himas pa ang bandang hinampas ni Mama. Hindi iyon malakas pero pabibo lang talaga ang ama ko.

"Kaya nakakampante 'yang anak mo kase kinukonsinte mo! Paano nalang kung palagi kang ganyan?" Irap ni pa ni Mama.

"Uy, alam ko namang lumugar. Para naman yan sa kanya, para mafeel niya ang teenage life. As long as hindi araw-araw puyat oks lang 'yan." pangungumbinsi nito kay Mama.

"Sus. Spoiled mo masyado panganay mo." Iling-iling pa nga ni Mama.

"Ibang usapan si Frey. Syempre babae bunso ko eh. Apir nga!"

Magtatagpo na sana ang mga kamay nila pero iniwas ni Papa ang kaniya. Dismayado si Frey doon at may hilaw na ngiti sa labi. Bumagsak ng balikat ng Mama sa nangyari.

"Sike!" Tumawa pa nga.

Pero syempre ako din.

"Kai! Ano ba yang pinagtuturo mo sa Papa mo?!" Manenermon na to.

Itinigil ko ang pagngiti at nag-iwas nalang ng tingin.

"Luh. Ako na naman may ano jan." Reklamo ko at sumulyap kay Papa.

"Hay. Frey, 'yong coke nga." Buntong-hininga ni Mama.

____ ___________ ____

"Ayan gago, matik na talaga. Mga tanga, ano na ako na dito?!"

Ang bobobo.

Napalingon sila Rina sa akin. Hindi ko nga lang pinansin at ipinagpatuloy lang ang ginagawa.

"Shit." Tumayo si Vincent.

Ay tarantado malapit nang matapos tas na lowbat pa. Kasamahan ko si Vince sa laro. Humigpit ang hawak ko sa cellphone at pinagpipindot nalang ito.

"Tangina bahala na." I said, not giving a **** about what would happen.

Ramdam ko ang sulyap nila. Nakita ko pang nagtagpo ang mga tingin ni Marcus at Chezter.

"Ayan na naman," bulong ng kung sino.

Nakapatong ang paa ko sa silyang nasa harapan. Nadudumihan pa ang kung kay sino man ang backpack na naroroon.

"Tsk." Patuloy kong maktol.

"Tapos na ni Lussie, maganda daw. Di ko lang memorize ang author, ang hirap naman kasi ng username nun." Rinig ko, si Drey na papasok sa classroom ng Immaculate.

"Kilala ko na ba?" Tanong ni Lucky.

"Oo, may nabasa na tayo na story niya noon. Pakita ko para i-type mo nalang."

Preskong hangin galing sa nakabukas na bintana sa likurang bahagi ng classroom. Nakaharap ang aming building sa centre ng campus at nakatalikod ito sa private cemetery.

Suddenly, I felt a sequence of calm air fanning on my neck. Hindi ko na pinaglaanan ng oras na lingonin pa ang kung sino man ang nasa likod.

Bat ko naaalala si Avya sa sandaling to?

The boys and I are starting another so focus na ako. Pabalik na sana ako sa lungga pero may nagtanong sakin.

"Pano ba talaga yan, Grance?"

Napabangon ako roon. Hindi pala imagination ang bango niya kanina.

Nilingon ko si Avya nang narinig ko ang boses niya. Patong ang dalawang braso sa headrest ng silya ko.

Namamahinga sa upper arm niya ang baba pero bumangon ito nang lumingon ako. Kung hindi niya inalis ang pamamahiga ng baba niya ang lapit siguro ng mukha namin.

Nagpakawala ito ng maliit na ngiti at umangat ang mga magagandang kilay. Parang iyon ang pagbati niya sa akin.

Na conscious na naman ako bigla. Knowing I have no existing grime in my body, my brain left me assured I'm all good. Nagkuskus naman ako ng maigi.

Patay, mabango pa kaya ako? Nag laro kami sa field kanina. Bahala na uy!

"You're not into this kind of stuff, Avya." Balik ko sa pagkakasandal sa upuan saktong tanaw lang siya sa gilid ng mata.

Hindi niya binalik ang baba sa nakahawak niyang braso sa kinauupuan ko.

"Ay, alam na ba, Bhe?" Hawak niya pa sa bandang dibdib pang emphasize kuno sa emotion niya.

Hindi ko siya nilingon dahil focus animo ako sa ml. Tanaw lang 'yon ng peripheral vision ko.

"Di ka gamer type noh. Dyan kana sa watpad at kipap mo." Tawa ko pa, malambing naman pagsasalita ko para di siya maoffend.

"Leche neto," patampo niyang tono sa pagsasalita.

"Pero may point ka naman Minecraft, Crowd City, or Slendrina lang level ko. Yon lang din kaya ng cp ko, partido nagl-loading na jan selpon ko ha?" Tawa niya.

Haha bwesit. Pwede ka namang maglaro sa selpon ko.

Palipat-lipat ang mata ko sa selpon at sa kanya.

"Paturo ka?"

"Ml o 'yong isa?" Kahit ang mga kilay at mata ay nagtatanong.

"Anong isa?" Describe mo, Avie.

"Yong nilalaro mo na baril-barilan naman." Angat ng kilay niya.

Huy sanaol. Bakit mo alam?

Patuloy lang ang pagtipa ko sa selpon,

ihahagis ko na nga eh para sa priority pero nakakahiya namang bakante ako masyado sa kanya.

"Ah, call of duty."

"Ewan ko, basta Cardo." Ngisi niya.

Ngumiti narin ako. Tumayo siya ng ilang segundo at pumunta sa kinaroroonan nila Drey.

Di ba naman nagpaalam!

"Nandito na si Sir!" Sigaw ni Nuie.

Gaya ng kung anong araw, bantay si Nuie sa mga paparating. Hindi niya trabaho sadyang malapit siya masyado sa nauupuang bintana.

Lahat naman ng mga grade 8 ay kanya kanya ng pagpwesto. Ako rin ay umupo nalang sa kinalalagyan ng bag ko.

"Class, sa thursday, after noon tayo diba?" Tanong ni Sir pagkatapos namin sa one hour Health.

Tumayo dahil doon si Rina at binasa ang schedule na nakadikit sa pintuan ng Immaculate. Isang hakbang pakaliwa niya lang 'yon.

"Yes po. Music siya and 1 pm." Rina confirmed.

"Ah... geh. Akala ko kase mali rin yung schedule na naprint sa akin." Ani Sir Primo, inaarrange ang compiled papers ng buong grade namin.

"Cheer up, Sir Primo." Sabi ni Rose.

Napilit lang naman si Sir Primo na magturo sa amin ng MAPEH kahit di siya pamilyar dito. Pag grade 7 namin sa school nato bagong salta lang rin siya. Fresh grad, English Major.

Kulang kasi ng teachers kaya napipilitan ang iba. Naaawa nalang kaming mga students sa kanila and vice versa. Ayun, nagkaawaan kami.

"Ano gagawin natin sa Music, Sir?" Tanong ni Lucky na nasa tabi nila Drey.

"Okay. Ready kayo kase you'll be performing in front of the class. Kakanta kayo, so pipili kayo ng kanta somewhere in the 70s to 90s." Patango tango pa si Sir samin.

Anu kaya kakantahin ni Avya?

"Kakanta, Sir?" Sintu-sinto talaga tong si Jean.

"Oo Jian Jean, in-di-vi-dua-ly," nginitian ni Sir si Jian at klinarong pahinto-hintong binigkas ang individualy.

Aawitan ko na naman yung isa dyan.

Ang bait niya talaga pero minsan nagiging unapproachable dahil sa stress. Its kind of getting in his head.

"Individual?!" Sabog ng buong klase.

"Hala ka."

"Pwede may instrument na dala?" Si Pres pabida. De jok.

"Tangina..."

"No profane words, kids." Hindi nasagot ni Sir Primo si July dahil doon.

"Pano kung pangit ang boses?" Pahabol ko.

"Problema niyo na yan. Joke, hindi required na maganda boses and may instruments. But if there's someone who has a great voice or tutugtog pa, then congrats plus points. What's important is how will you perform, with confidence ba or nagmemorize lang ng lyrics?"

Naghahakot na si Sir, gigil na maglayas.

"Pano nalang ang buhay..." Si Hanabi sa bandang kanan ko.

"Lucky, ikaw expert sa ganito. May mga kanta ka na ba sa mind mo?" Lingon ni Avya sa kaibigan.

"Madami namang magaganda kaya idk muna." Bigay ni Lucky ang buong atensyon sa dalawa.

"Kaw ba Drey? Kakantahin mo yung kapangalan mo?" Tanong niya naman kay Drey.

Si Drey ang palaging nasasalang kahit for me, personally, hindi talaga maganda ang boses. Hindi masyadong pakitang gilas ang halos lahat sa amin kaya hindi kita ang sariwang potential ng bawat isa.

Si Drey ang naka pwesto sa gitna, as usual.

"Ewan, don't give me ideas I might consider it." Busy sa calligraphy si Drey.

"It's not weird kaya." Comment ni Avya regarding their topic.

"Oo nga. Someone wrote a song for you." Lucky chuckled at her own joke.

Agree si Avya doon at nagpakawala ng maikling tawa.

"Ibig sabihin nun. Common lang ang pangalan ko."

"Makapag search nga." Salita ni David sa mismong tenga ko.

Naputol ang eavesdropping ko sa tatlo.

"Ano ba? Kaya ka walang jowa, Lods." Nilingon ko sila ng buo.

"Oks lang di priority. Kanina ka pa tinatanong kung nong kakantahin mo." Iling niya.

Anong kanta ba ang magandang kantahin? Gagi katakot naman.

"Nu kaya kakantahin ni Avie?" Tanong ko.

Naging maasim ang mukha ni Cane David dahil don.

"Ako ba nagd-desisyon?"

"Hindi nga."

"Maganda rin kaya boses non?" Tanong ni Cane'D niyugyog ang braso ko.

"Siya na 'yon, syempre."

"Ngiti naman siya." Ismid kuno ni Cane'D sa'kin sabay atras ng kaonti

"Ramdam ko nga yong pisngi ko."

Tarantado, akala ko ba nakakatakot bat parang excited na.

"Ikalma mo, Boss," ani Cane'D.

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play