002

Distraction

Naramdaman ko ang ngawit sa kaliwang binti, nakapatong ito sa armchair ko. Ang likod ay nakasandal sa likod ng bangko. Hindi ko parin binago ang pustura at nagpatuloy lang sa pagtipa sa cellphone.

"Tanga! Sa'kin na nga yan," rinig kong sigaw ni Dianne sa likuran ko.

"GG. Boss!" Akbay ni Cane'D sa'kin na kakagaling lang sa pagkakaupo niya sa sahig.

"Kainis naman!" Ngiyaw naman ni Carlos.

Kabit ko ng balikat. "Pabuhat lang kayo eh." Tanaw ko namang ngiwi ni Dovie bandang pintuan. Nagtagpo ang tingin namin pero iniwas niya kaagad ang mga mata.

Nawala rin naman atensyon ko doon nang pinitik ako ni Cane'D sa pisngi. Ang tingin ay nasa harap ng ako'y lumingon. Bubulyawan ko na sana pero nakita ko si Avya na papasok sa classroom.

Sandaling umangat ang dalawang kilay kasabay ng paglitaw ng ngiti.

Napaayos kaagad ako ng pagkakaupo galing sa position ko kanina. Cane'D was unintentionally pushed aside by my fleeting shift. Umiling ito ng may ngisi sa labi.

Rinig sa buong bayan ang hiyaw ng pabibong si Oreo suot ang nanunuksong ngisi. Nagpapacute kay Avya.

Bouncing a little with a stretched smile, he stood beside her while waiting to be noticed. Palipat-lipat ang mata sa kay Avya at sa'kin. He's giving me a knowing grin.

Close ang dalawa ih, sanaol. Pasapak nga!

"Mamaya na nga lang." Naka tingin si Avya sa kung sino man ang nasa labas ng bintana.

Ni hindi ko alam kung saan itutuon ang mga mata ko dahil sa pagkataranta. Pinipigilan ko pa ang mukha kong hindi mangasim dahil sa kaliwa kong paa.

Angat baba naman ang mga kilay ni Jev at Carlos, nanglalaki ang mga mata sa akin.

Alam na ba ha?! Mga mokong to, pinagt-trippan na siguro ako sa mga isipan nila. Ay, pake ko? Astig ko nga pala.

"Sa lunch or uwian ba?" Rinig kong mahinhing tanong nung nasa labas.

"Lunch na," tango ni Avya rito.

Bumaling naman siya kay Oreo dahil sa hindi magkamayaw na mapaglarong awra nito. Nang nalipat na sa'kin ang tingin ni Oreo sumunod doon ang nagtatanong niyang mga mata.

Brown doe eyes. Tumitig lang ako sa mata nito at nawala ng ilang segundo.

Pumaroon sa Mars.

"Oh! Ayan, recess pa lang parang bagyo na rito. Class, ayos-ayos naman sa surroundings n'yo!" Putak ni Ms. Meb na ikanagulat niya- namin pala.

Kawawa naman kung siya lang kaya sinali na ang lahat.

Nasira ang mga pagtitipon sa loob ng classroom. Ayos ng upuan dito, pulot papel at wrapper naman doon. Si Hanabi ay nagsimula ng maglinis sa sahig gamit ang kinawawa ng ilang dekadang walis.

Huy, private school pa naman to. Anu ba 'yan!

Umikot pa nga ang bibilog sa mata ni Lussie at bumalik sa upuan gaya ng iba. Ewan ko ba kung nainis siyang mahiwalay kay Dianne o dahil hindi nila natapos ang bardagulan nila.

"Grance, card mo ba tapos na permahan?"

"Tapos na Ma'am!" Nagtagpo ang mga mata namin sa maliksing pagtayu ko papunta kay Miss Meb. Nagulat ko siguro, nasisiyahan talaga ako kapag nat-tyempuhan ko ang mga reaksyon niya.

Anu ba naman kaseng mukha 'yan.

"Thank you," wari ni Miss Meb pagkaabot ko. Natural curls framed her face.

Malumanay na ang lakad ko pabalik sa upuan.

Nakatingin siya ngayon sa likuran ng silya kong nasa harap niya lang. May kalmadong ekspresyong nakapaskil sa mukha.

"Grance, pahiram nga ng activity sheet mo kahapon," stern na pagkasabi ni July.

Alam ko na kaagad kung ano ibig sabihin noon.

Lumipad sa ere ang maputing kamay ni Pres. Inabot ko kaagad nang matagpuan ang tinutukoy na activity sa tambak na papel at libro sa desk ko. Di ko napasok sa locker.

Lumingon si Gwen para tanawin si Avya. Parang nasasabik na ewan.

"Naglalayag ba?" Parang umaarte na sabi ni Avya sa likuran. Base sa tono niya siguradong nanggagago na naman 'to.

"Ano ang ibig mong sabihin? Ang barko?" Sinabayan naman siya ni Gwen na parang kinakapos ng hininga at hindi makapaniwala sa nangyayari.

Are they teasing us again?

Napatawa naman si Avya ro'n. Tumalim ang mata ni July sa kanila. Alam naming kami ang tinutukoy ng dalawa. Nagtaray naman si Gwen at inangat niya ang isang kilay, 'di nagpapatalo kay July.

"Ano ba mali mo?" Tanong ko na para 'di na umabot sa kung ano ang titigan ng dalawa.

"Wala, I was just wondering kung saan ka nagkamali," she said as she scan through the sheet.

Mahinang bungisngis naman ang narinig ko kay Avya na binaling nalang ang tingin sa labas ng bintana.

Bumulong siya. "Aguy, July ha."

____    ___________   ____

"Yes!" Halos pasigaw na sabi ni Avya matapos naming marinig ang bell na naghihiwatig na lunchtime na.

Napatayu ang iba sa'min at nag-unat ng mga butong naninigas na. Dali-daling kinuha ni Avya ang lunch at utensils sa bags. Umismid si July na sinundan lang ang pag-alis ni Avya.

Pake mo pre?

Ang mga babae ay nagsimula nang bumuo ng maliit na bilog at nagtipon. Hatak-hatak ang mga bangko nila. Sabay-sabay silang kumain as usual.

Gwen collected her things but unlike Avya, she did not seem too excited. Nakatingin si Oreo sa pag-alis niya.

"Rose, dito ka sa tabi ko!" Lambing ni Hanabi, katabi na ang settled na na mga babae.

"To na, papunta na." Hatak ni Rose sa silya niya.

'Di gaya ng mga bababe, halos kanya-kanya lang kaming mga boys sa upuan.

"Basketball na! Sa'n na 'yon?" Linga-linga ni Cane'D.

"Kumalma ka nga. Atat na atat to," puno sa pagkain ang bibig ni Carlos habang nagsasalita.

Kumain na kasi noong AP. Nasa likuran kase ang upuan kaya kampante ang loko.

Napasulyap ako sa paanan ko at matagpuan ang bola na ginagamit naming magtotropa. Di namin alam kung kanino. Kailangan bang alamin?

"Tsaka na kung tapos na ang lahat para tuloy-tuloy ang laro. Pupunta pa nga tayo sa kabila," wari ko.

"Mmh. Punta pa sa kabila," irap ni Jev, may pinupunto.

Huy, wala.

"Naks," Ngiti ni Rose sa'kin.

"Para ayain ang iba," pagtatama ko kunwari. Tumaas pa ang tono ng boses.

"At para makita siya ulit!" Si Carlos iyon.

Tumawa pa sila. Ang saya daw.

Nag-iwas ako ng tingin at pinagpatuloy ang pagkain. Abala si Oreo sa harap ko, nilalabas ang chocolates at baon niya. May paper bag pang parang bagong bili. Nagtaka ako pero pinanuod ko lang siya.

Tina-transfer niya ang chocolates doon sa paper bag.

"Punta ako sa baba wala kayong ipapabili?" Tanong ni Oreo ang mata'y nakadiritso sa akin.

Ah oo. Nangdo'n na sa baba para kumain mag-isa ang bebe.

"Susundan mo lang eh," panunudyo ni Dovie.

"Ay hala! Nani?" Napahinto sa pagkain si Rose.

"Ah sus, iba talaga Gwen natin," si Hanabi.

"Lintik!"

"Kaya pala ang daming chocolates!" Ini-nform naman ni Jev ang lahat. Baka nakita niya rin 'yon kanina.

Doon na nakitaan ng interest, lumingon na ang iba.

Kanya-kanya kaming asar sa pandak. Nahiya at namula naman kaagad si Oreo dahil sa'min.

Ang pangit naman, nagmumukha tuloy na malalandi ang mga taga RSAC.

"Di uy!!" Umalis kaagad si Oreo pagkakuha niya sa pagkain niya.

"Gwen, susundan ka ng bebe mo!" Sigaw ni Dianne kahit alam niyang hindi na abot ng boses niya ang canteen.

At sa isang hinga pa namin ay nakarinig kami ng katok galing sa registrar. Kahoy lang ang pagitan non at rinig talaga kami.

Nang natahimik ang lahat, maliit na usap-usap nalang ang nangingibabaw sa room.

Seconds later we heard a chorus of laughter next door, sa Immaculate. May sumigaw pa kasunod non.

"Sino cleaners ngayon?" Si July. Ang mga mata ay nakafocus lang sa kinakain.

"Kami. Ngayon. Group four," busy sa pagnguya ang aming matangkad na Jev.

"Kayo nila Avya?" Dagdag tanong niya.

Parang automatic namang nakuha ang buong attention ko sa pagkakabanggit niya sa pangalan ni Avya.

"Oh."

"Halos do'n na mamalagi dapat nga magpatransfer na siya sa kabila. Well, we should just be thankful because 'di niya pa nakakalimutan responsibilities niya dito. Buti nga 'di pa dumating sa araw na maglilinis na rin s'ya do'n."

Nangasim ang mukha ko sa linyahan ng mahal naming Pres. A spoon with mashed potatoes stopped midway before even getting inside my mouth.

"Hindi natin siya masisisi kung mas gusto niya do'n," si Lussie.

Kahit isang conversation sa ibang kaklase ay wala. Kaming lahat ay bakante, libre ang pandinig sa kung ano mang ingay.

She scoops a lock of her hair and flipped it back. "May pinagsamahan din kayo pero nasan ka ba? Dito, kumakain kasama kami," Si July, nakatingin lang sa pagkain niya.

"Iba ang bond ko sa bond ni Avya kina Lucky at Drey," depensa ni Lussie.

"Attach na attached, hindi makapagmove on from last year," irap pa nga ni July. Kunot ang nuo nito.

Daming kuda ah.

"Bakit ba i-m-move on kung pwede pa naman kayong maging friends?"

Nagpeke pa ng tawa si July. "Friends?"

Dianne and Lussie shared a look. Tahimik lang sila Rose at Hanabi patingin tingin sa kung sino ang nagsasalita. Awkward silence dominated the room nang hindi na nag-abala si Lussie na sumagot.

Baka nakita niyang "bothersome" lang kung ipagpapatuloy pa niya ang pagsagot. Pero 'di na natapos si July do'n.

Umay, Pre.

"She doesn't even know kung totoo-"

I quickly search for something that'll turn her attention towards me at hindi naman ako nabigo. Ang lakas kong pagdribble sa bola na alam kong ayaw na ayaw ni Pres.

Pinapatungan lang 'yon kanina ng mga paa ko. Bilin ni Miss na 'wag maglaro ng bola sa loob dahil dinig ito sa baba, sa computer lab.

Tanga, baka nandon siya ngayon!

"Ano ba, Grance?! Lunchtime, siguradong nasa baba si Miss Meb!" Si July na natataranta.

Hindi ko siya pinansin at nagligpit na ng pinagkainan. The left corner of my mouth went up for a split second.

Huminga ako ng malalim. "Tara na, basketball!" Linga ko sa mga lalaki.

"Tengs we do para kay crush," kutya ni Cane'D.

Nagbingibingihan ako roon.

"Ayaw mong tapusin ang baon mo, Boss?" Si CaneD na nagtataka.

"Anliit ng kinain neto," riklamo ni Carlos, tinuro pa nga ako.

"Ikaw na naman ang atat," si Jev.

"Hindi pa nga kami tapos," nagmamadali na si Dovie.

Tumawa nalang ako at lumabas para mag-aya sa Immaculate. Sumunod sa akin si Cane'D.

"Oh, intay kami sa baba," sabi ko sa pintuan ng lmmaculate.

Hindi ko na ipaliwanag kung ano ang tinutukoy ko dahil hawak ko ang bola sa kanang kamay.

"Wala pa nga akong nasusubong pagkain," pagbubukas ni Jian sa tupperware niya.

"Problema mo na 'yan boi," tawa ko nang binatukan pa siya ni Nuie.

Napatingin sa akin ang iilan at kabilang na si Avya do'n. Binalik niya rin ang mata kay Chezter na katawanan niya.

"Pasalamat si Chezter may Lucky siya," mahina kong sambit kay Cane'D.

"Kung wala? Patay," dugtong niyang naka tingin kina Avya.

"Aga mo ngayon?" Kunot noo ni Nuie.

"Basta. Sa baba lang kami mag-hihintay," sabay alis ko sa tapat ng Immaculate.

"Penge!" Kumuha si Rose ng ulam sa baon ni July at base sa reaksyon niya ay parang sanay na ito sa nangyayari.

"May tubig ka?" Si Lussie naman na binubuksan ang bag ni Rose.

"Ewan ko. Ay, kunin mo yung kechup sa bulsa! May na snatch ako sa kunisa kanina."

Panatag na ako nang narinig ko 'yon. Buti nga't hindi na siya ang pinag-uusapan ng mga babae.

Ramdam ko ang pagkabitin ng sikmura ko sa kinain. Kakainin ko nalang 'yon sa hapon o kapag tapos na kami sa laro.

Nagkatinginan kami ni Rose at sumulyap siya kay July at ibinalik kaagad saakin ang mga mata. Tumango ako nang naintindihan 'yon.

Napabuntong hininga nalang ako at nagpatuloy sa baba.

___________________________

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play