005

Titingin Pero Walang Nakikita

Practice doon, practice dito. Ang iba ay nagdadaldalan lang.

"Cane with a big D!" Tawag bigla ni Dianne kay David.

"Di mo sure Dianne," nanunukso niya pang minata si Dianne.

Nang nakalapit ay minustra niya ang kamay sa harap ni David tila may hinihingi rito.

"Ayaw mo non?" She nonchalantly asks, creasing her forehead.

David scan through the pile of papers in his hand and pulled out 3 to 4 sheets. Lyrics na siguro namin 'yon?

Wala na ang mga cellphone namin sa mga oras na ito. Maliban lang sa Grade 10 dahil may performance sila sa Friday. The head was considerate enough to inform us that. Buti nalang kundi papatulfo namin siya.

Tumutogtog pa nga ang kanta ni Celine Dion, yung sa Titanic.

"Gusto rin naman." David tacks his non-existing hair behind his ear. Umirap si Dianne doon.

Ang dalawa ay nasa likuran ng pagtitipon tipon nila Avya. The group is chatting like their usual lunchtime kwentuhan. Drey, Lucky, Chezter, Vincent, Marcus, and Avya.

"Grance, anong kakantahin mo? Yon na talaga?" Tanong ni David sa akin nang ito'y nakalapit.

Kasalukuyan kaming nakaaligid sa electric fan ng Immaculate. Ang init ngayong araw lalo na at galing pa kami sa field, matapos maglaro sa tanghaling tapat.

"Oo," sagot ko. "Ikaw ba?"

"Okay, tapon ko na tong isa. Hindi ko pa memorize yong aken, Amen." Tapon ni David sa lyrics ng isang  kanta ko.

"Tiwala nalang ako sa suwerte ko ngayon." Nilingon ko si Nuie habang dinadahan dahan ang pagbigkas sa mga salita.

Gumagaralgal ang boses ko dahil sa electric fan. Nuie, holding the ends of his P.E shirt up to make way for the fanned air.

"Oo nga, tiwala lang. Sana hindi sa attendance magb-base si Sir." Sang-ayon ni Nuie.

"Manganganib tayo kung ganon." I turned to him again, chuckling.

Nuie leaned his back against the big window.

"If sequence yung gagawin malayo pa ako kung sakali." I added.

"Lalaki tas babae ganon ba?" Abot ni David saakin ang bond paper. Binangga ng loko ang likod sa pader na katapat ko.

Nasa likod niya ang useless na cr naming mga grade 8. Nalalagi iyon sa classroom ng Immaculate. Nagagamit naman pero bigla nalang bumabara tas wala pang sapat na supply ng tubig. Hala!

"Oo, gaya nung recitation sa health."

"Ay, oo," ani Nuie.

Di na kaya uhaw na uhaw na ako tas kakanta pa mamaya.

"Jian, bili mo nga ako ng tubig. Alam mo na gusto ko." Nilingon ko si Jian na

hiningingal pa rin at kasalukuyang naka upo. Kasama ito sa laro kanina.

Ang medyo duling na mata'y napunta pa sa banda ni Cane'D at Nuie.

Para ka namang may mahihinging tulong sa kanila.

Iminuwestra ko pa ulit ang kamay kong may pera. "Bilis." Pag abot ko rito.

Lumipad ang kamay niya at kinuha na ito. Ang tingin niya ay nasa kamay ko lamang. Gago, ni hindi man lang ako inimik. Nang binalik ko na ang aking pagkakaharap sa electric fan nasulyapan ko ang tagos sa sahig ang titig ni Cane'D.

"Hindi naman, sakto lang..." Si Drey.

"Sure ba? Akala talaga namin nag-enjoy ka dun. So, sa ibang kainan nalang tayo sa susunod?" linga-linga pa ni Avya sa mga kaibigan. Ginulo niya naman ang buhok ni Vincent na nakabukaka at nag-e-ml lang sa tabi.

Pasapak.

I sighed. The school's bluetooth speaker is playing Tahanan now. Galing ang sound sa building ng grade 10. Practicing again on their spare time.

Sa araw-araw

Tanging ikaw ang palagi kong hinahangad

Laging tanaw

Sa 'yo ang ilaw na nagsisilbi kong liwanag

"Oks lang sa'kin kahit saan pa pero mas maganda sana kung don tayo sa tita ko," wari ni Marcus ng unti-unti habang focus sa pagd-drawing

"Wala, tamad ka lang eh. Gustong uwi agad after gala." Hagikhik pa nga ni Drey while looking up kay Marcus sa tabi niyang naka tambay sa bintana.

"Ngg, hindi baka hinuhuhutan tayo," bangga ni Chezter sa binti ni Marcus. Ngiting pilit tinatago ang mga ngipin.

Labis ang ngiti kapag ika'y kaharap

Ramdam ko ang pagmamahal, giliw

Namumukod-tangi ka at walang katulad

Ikaw lang ang para sa 'kin

Ayan na naman siya. Rinig ko na si Nuie, doing his magic even with the most melodic songs, may pabeat talaga ang loko. Creating some bop beats, di lang bibig pati na rin mga kamay at paa. Sana ginawa nalang whole body, Pre.

"Bilin nila, eh. Para mas dumami pa bibili sa amin, gipit kami boi." Yakap ni Marcus sa kahoy na mullion ng bintana.

Bumaba ang mata sa notebook niya. Waring naiiyak.

Naging malamlam ang expressions nila after Marcus changed his tone.

"Ay, larga Dzong, kahit whole fortune pa ni Papa igagastos ko," turo ni Avya kay Marcus sabay may patango-tango pa.

"Sige, doon na tayo every afternoon," sabi ni Lucky kay Chezter.

"Huy, agreeculture kaya yang isa jan?"  Pagpaparinig ni Avya.

"Sama ba yan?" Habol na kutya ni Audrey.

"Wag na, parang di lang naman din natin kasama yan." Dinagdagan pa ni Lucky.

"Oh. Sus, sabi lang kayo." Sabi ni Vince, cellphone pa din.

Sa tagal na namin ni Nuie sa harapan ng electric fan nawala na rin yung init kanina. Nagsisimula ng manglamig ang mga earlobe ko tsaka ang dulo ng aking ilong pero hindi lang rin kami umalis sa harap nito.

Sa 'yo lang, sa 'yo lang ako uuwi

Kaya naman

Dito ka sa piling ko

Oh, dito ka lang, dito ka lang

Mejo natahimik ang classroom roon at maliliit lang na pag-e-ensayo nila Lovely at Finla ang pumaimbabaw.

Bumabagal ang ikot ng mundo

Kapag ika'y nariyan, oh, aking tahanan

Ta, ta-ta-ta-ta, tahanan

"Dito ka lang, dito ka lang, dito ka lang," bulong-bulong ko sabay sa kanta.

Oh, aking tahanan

Naku, sino yan?!

Si...

Ese, wala.

Nagsikap namang magchange topic si Chezter habang suot ang hilaw nyang ngiti.

"Sa bawat sandali na tayo ay magkayakap nang mahigpit. Taglay mong init ang bumabalot sa 'king nilalamig na damdamin." Sabay kong pagkanta sa tugtog at kay Nuie.

Galaw-galaw at giling-giling pa ng upper body kong tila dinadama ang mga binibigkas.

Kunot ang noo ni David sa pinanggagawa ko. Pero ako'y patuloy lamang sa buhay and this time tumingin na ako sa banda niya.

At pinagpatuloy ang pag-awit.

"Tayong dalawa'y pinagtagpo ng tamang pagkakataon.

Hindi maitatanggi na sa akin, ikaw ang tanging tiyak, ahhh," kanta ko habang dinadama ang hangin.

Pabalik-balik ang tingin ko sa kanya at sa electric fan. Malaki ang ngisi ni Nuie at ang mga mata ay nangungusap, nanunukso.

David snickered at my furtive glances. Umiling ito at nagkati sa likod ng kanyang ulo.

I turned to see if may iba pa bang posibling audience. May mga pips pero harap ang mga likuran nila sa amin, nagpr-practice at nagm-memorize. Ang mga ulo ay nakayuko sa kani-kanilang mga lyrics at kumakanta.

"Ikaw lang, ikaw lang ang tinatangi, ikaw lamang ang tinatangi ko. Ikaw lang at ako ang naaaninag, naaaninag." Pagbalik ng aking tingin sa kanilang dako ay may pagsulyap na ang mga kaibigan ni Avya sa'kin.

Sumenyas naman akong 'tahimik lang' sa mga nakangising pagmumukha ng mga anak ni Lord.

Weirdo but I heeded and took the pronunciation and singing seriously.

"Sa gitna ng paraiso na ating sinimulan. Oh, aking tahanan," hawak ko pa nga sa dibdib ko at nginuso siya.

Napangisi naman ang mga audience ko at iba ay parang kinikilig.

Kayo ba kinakantahan, ha?!

With random hand movements para sagad ang kalokohan.

Nagperform pa nga. Confident na akong tumingin sa kanya habang kumakanta. Haha... hindi naman kasi lumilingon.

"Pinapawi lahat ng iyong mga ngiti

Negatibo na nakadikit sa 'king labi" Halaka, Pre.

Ang ganadong magkwentong si Avya ay nagtataka na habang nakatingin sa kanila Chezter.

Mga tarantado naman kasi kapag tumitingin na sa'kin tudo na ang ngisi. Kilig amp? Kawawa na naman ako 'pag tumingin na 'yan, aatras na naman atay ko.  

Palipat-lipat na ang tingin. Ang litaw na litaw na kilay gawa ng kaputian ng kutis niya ay nagkatagpo na. Napakati pa si Avya sa braso gamit ang tandang tanda ko pang sobrang ikli ng trim na fingernails niya.

Lumingon siya sa katabi na selpon pa rin ang atupag. Nang walang napala kay Vincent ay...

"Huli ng iyong ngiti ang aking kiliti, Katoto—"

Shit...

Tumingin na!

One month before.

July | Grade 8

Nakatingin na siya.

Pre, wag.

"Owa wa ohh," si Jev.

Nandito kaming mga alipores ko sa harapan ng classroom ng Rosary.

"Ano?" Dakip sa aking line of sight ang natatawang paglinga ni Cane'D kay Jev.

"Nanananah," si Carlos na naka Hinata hands pa.

Si Oreo ang may hawak ng speaker na kinuha ko pa sa tindahan namin.

Nakakakaba. Tarantado, bat kumagat pa ko sa ganto. Nagtatagpo na kilay niya oh. Halaka, Pre!

"Mayro'n akong tinatago, 'di ko lang maamin. Pagdating kasi sa 'yo ako ay mahiyain." Hindi na nga pakanta parang sinasabi ko nalang ang lyrics.

Ayun bungisngis na si Rose na nasa harap lang namin at bahagya tumingin kay Avya.

"Hala! Aamin ba 'yan?" Tanong ni Dianne kay Rose.

"Kakanta," Rose answered, covered her mouth with her right hand and mouthed "paparinig".

"Ano daw?" Pagtataka ni Dianne at tumingin kay Lussie.

"Ewan, papatinik?"

"Tangik naman, ayusin mo, Boss. Nakatingin oh." Si Cane'D na bumubulong sa'kin, nakatalikod siya sa maliit naming audience.

Mabilis lang din ang pagtalon ng tingin ko nang natagpuan ang sa kanya. Ayan na nanglalamig na ko.

Sikat na sikat ang araw at umiihip ang hangin, gawa nito ang paglipad ng kurtina ng classroom namin. Ayos na ayos ang mga silya at nakapwesto na ang mga kaklase ko para sa next subject.

May epal pang kurtinang para mo namang binayaran para sa special effects. May palitaw-litaw ito at pasayaw-sayaw sa harap at likod ni Avya, gawa ng nakapwesto siya ginta ng malaking bintana.

"Pero kahit anong oras mo ako tawagin darating ako, sobrang lakas mo kasi sa 'kin, yeah." Medyo lumalakas na luob ko.

Sila Hanabi at Rose ay panay sulyap kay Avya. Si Avya naman ay nginingitian lang sila. Jusko naman, di kayo obvious no? Sana di ko nalang pinagsabi kung ganyan.

"Gago. Twerk tayo Lods, tatawa si Avya pusta pa ko ng one hundred." Pabulong at pangd-demonyo pa ni Carlos sa akin.

"Kahit nasaan pa 'yan, asahan mo na nand'yan ako," kelan ba? "Woh oh!" Wala na akong oras na pag-isipan pa ang kalokohan ni Carlos sadyang tumagilid nalang agad ako ang nag-twerk habang ang mic ay hawak ko parin bandang bibig.

Sumabog naman sila, lalo na tong mga mokong na kasama ko.

"Naks, otso otso." Tawa ni Bulak.

"Bat parang ako yong nahihiya?" Si Gwen pero tumatawa din.

Ayun... saya daw.

Nu ba yan. Tumawa nga si Avya. Napapadyak pa nga. Lakas ng tawa habang ang kamay ay tinatago ang bibig. Pulang pula na.

Pati si Pres napa facepalm nalang.

Tumawa sila Carlos at Jev nung ginawa ko nga. "Pota nauto," Hagalpak nila. Abay, nag-apir pa ang mga mokong.

Tarantado, nadog show pa nga.

Unti-unti namang sumulong ang mga taga Immaculate sa amin kaya dumilim ang isang bahagi ng classroom ng Rosary sa pagsilip nila sa bintana at pinto.

Hala, ang pagtataka nila ay nawala nang nakita nila ang nangyayari. Gets agad sa pagngiti nila sa'kin.

"Ngayon pala 'yon?" Linga ni Vince kay Nuie.

"Seryoso pala si Grance nong sinabi niyang kakanta siya para kay—" Tanong ni Lovely.

Sige sabihin niyo, tatalon ako pababa ng bintana kahit hindi ako aabot ng oratio imperata. Siguradong baling buto lang mapapala ko pero arat talaga. Sige ituloy niyo!

"Tandaan mo na wala nang mas mahalaga pa sa 'yo, Kaya hindi ako mawawala sa 'yo," pinipilit ko talagang tumingin sa kanya pero nangangatog talaga mga binti ko. Kahit nakakasayang isipin na ngumingiti at tumatawa siya sa kagaguhan ko.

Dahil sakin... ngumingiti siya.

Ayun, hinampas na ang kurtina. Naunsa na nis Avya uy.

Sana sunod hampas kilig na.

Hindi ko kakayanin tumingin sa kanya habang kumakanta. Baka malaman niya, mareject pa ko. Gago! Para naman malalaman niya sa tingin lang, manhid nga diba? Manhid.

Pero gusto ko talaga siya since grade 7 pa. Maganda na nga, mabait pa, galing sumayaw, pero yung ngiti talaga. Yung ngiting ngiti talaga. Kita ang medyo malalaking unahang mga ngipin. Ang isa pa doon sa dalawang ngipin na 'yon ay may maliit na biyak. Mga ngiting nakakahawa at nagdadala ng liwanag sa silid.

Ang mahaba at itim na itim na buhok na hulog na hulog pa kesa sa'kin. Ang pagiging totoo niyang tao. Halatang walang peke at huwad sa kilos. Honor pa! Avya lang 'yan.

Nag-iba din pananamit niya this year. Bagay sa'kin. Haha, de kasi bagay talaga sa kanya. Ganda ng putik. Sarap kasama, sabay na sabay. Walang ka-kj-kj, minsan nga ay siya pa ang pasimuno ng mga kalokohan ng mga anak ni Lord. Kasundo ng lahat.

Yon nga lang, palaging wala sa classroom dahil pinupuntahan ang mga kaibigan sa kabila. Naiinis na nga ang iba. Well, ako din, bat di malagi sa amin diba? Kakainis na. Lipat ka nalang sa kabila kahit di ka na bumalik eh.

"Pero kapag nawala ka ay magwawala ako," tuloy ko pa sa lyrics.

Patuloy lang isinasayaw ni Oreo ang speaker na gamit namin para sa tugtog. Parang dancer lang sa Wowawin amp, sinasabay pa nga sa music ang kembot.

"Luh, Av." Lapit ni Lucky at Audrey sa kanya.  

"Sana all, Avya." Huy pota, anong sanaol wag mong sabihin, Drey!

"Ay, inagahan niyo sana noh? Nag-otso-otso pa naman si Grance kanina di niyo nakita." Hinampas niya na talaga ang kurtina at tinali ng marahas.

Haha! Inis siya eh.

Malaki ang bukas nito kaya pwedeng-pwede pumasok ang mga ulo nila, doon na nagsiksikan ang iba.

"Huy, baka may pinaparinggan yang si Grance ah." Waring mustra ni Lucky sakin.

Matik na

"Ano ba kanta niya?" Tanong ni Marcus.

"Gagi, Nandyan Agad Ako... lam na dis," sagot ni Chezter.

"Yong lyrics Av napakinggan mo?" Patay malisyang tanong ni Drey.

"Hindi, haha nakakatuwa kasi sila ang k-kengkoy, nakakadistract tuloy. Tas ang hina kumanta ni Grance parang bulong."

Ay, ok, sabi ko nga. Napahiya pa nga. Buti nalang manhid to. Alam ko naman na, tagal na nga pero iba kasing alam na ng mga nakapaligid sainyo na may gusto ka. Nakakakaba baka ibuko ka sa maling panahon.

"Nandito na si Ma'am!" Sigaw ni Nuie.

____    ___________   ____

"Benellope, anong lulutuin niyo next monday?"  Pukaw ko sa tulala niyang mga mata.

Sa pag-angat ng tingin ni Ben sa akin ay syang unti-unting paghulma ng nanunuksong ngisi. Ang morenang babaeng 'to ay nagbibigay ng maalam na tingin.

Nu ba, Pre!

"Naano ka, Ben? Anong putahe niyo para sa Nutrition Day?"

Nagkatagpo ang dalawang kilay niya sa tanong ko. "Ewan. Adobo, I guess... Babe!" Linga niya sa likod, gawa nito ang paglipad ng mahabang buhok.

"Ha?" Sagot ni Lovely sa kaibigan. Nagliligpit siya ng activity sheets sa locker nilang nadistino sa likuran ng silid.

"Ano putahe daw sa monday?" Pinaikot-ikot ni Ben ang maarteng hair tie gamit ang dalawang kamay. Titig na titig siya roon.

"Leche, ano sabe?" Rinig ko sa Lovely sa unahan. "Ano' lang narinig ko, Love," sabi ni Rina.

 

Napakamot nalang ako sa batok ko. Pinatong ko ang isang tuhod sa bangkong katabi ni Ben at pinagkrus ang braso.

"Chicken kare kare, Grance." Si Vince, halos pabulong niyang sabi nang nilagpasan ako sa likod.

"Nako po! Auditor na auditor pa naman tayo, Ma'am." Pabagsak niyang sandal sa upuan niyang katabi ng kay Ben. Harap niya ang babae.

"Tsk-tsk tsk-tsk..." Dahan-dahan at sinabayan niya pa ng iling. Ang mga mata'y nakafocus lang kay Ben. Ang babae naman ay patuloy lang iniikot-ikot ang hawak na tali.

Hinahangin ng marahan ang buhok ni Benellope gawa ng pagkakabukas ng higanteng bintana sa likod ni Vince pero hindi 'to sapat para makita ni Vince ang buong mukha ng babae.

Mula sa pagkakasandal ng pwet ni Vince sa writing arm at ang brasong nakapatong sa top rail ng banko niya, gumalaw siya at nagtanong. "But you did write it all down, noong meeting, right?"

Lumingon na si Ben ng tuluyang nang nakita ang nakayukong Vince. Tila'y sumisilip si Vince kay Ben dahil sa pagkakatabon ng mahabang buhok nito.

Umatras ng kaunti si Ben. "Ah, oo nga noh?" Tawa niya bahagya.

Natanaw kong nalaglag ang ngiti ng loko sabay ang paglaki ng mga mata niya. Nalaglag rin ang pwet nito sa silya niya. Gumalaw ang dibdib nito parang huminga ng malalim. Naging malasalamin ang mga mata nito, parang nanubig na ewan.

Huy, Pre...

Napahigpit ang kapit ko sa bangkong tinatambayan. My whole body still facing Lovely's direction maliban lang sa mga mata kong sinusubaybayanan ang ganap ng mga ferson.

Nagtaka rin si Benellope doon. Ilang sandali akong nakatingin sa parang naistatwang Vince at nakakiling na ulo ni Ben. Tumayo ang lalaki nang nagdaan ang ilang segundo. Ang patpating katawan nito ay naglakad ng may pagmamadali.

Muntik pa silang magbanggaan ni Finlang papasok pa sana sa Immaculate.

"Tarantado, parang nainlab yun ah!" Tulak ko sa bangko at umatras.

"Ikaw ang inlove, sana all kinantahan diba?" Si Finla habang pilit tinatali ang maikling buhok.

"Huy Finla, walang ganon," I said while my hands went to my hips, nakasandal na sa board.

"Ay oo, kakapasa lang ni Jev sa'kin sa magandang balita," pagmamadali naman ni Marqui patungo sa tapat ko.

Good job, Jev.

"Magandang chismis..." Singit ni Marcus.

"Matagal ko ng napapansin noh. Pero bakit nagladlad ka ngayon Grance? Atapang atao na?" Si Lovely na may sweet na expression.

Nakakabilib ba, Lovely?

"Ay matagal na?" Tumaas ang boses ni Finla doon.

"Proud ako eh. Edi ipagkalat." Ehe!

"So hindi ka proud noon?" Tanong ni Marqui habang kinakati ang matangos niyang ilong at tamad na nakaupo.

"Ilalaglag ka na ba namin sa kanya para for the future na?" Nanunukso na ang masisingkit na mata ni Lovely.

"Forda ferson!"

"Jian Jean wag ka nga."

"Marami na bang may alam, Grance?"

Peymos ko talaga.

Kinabahan ako bigla sa tanong ah. Naramdaman kong nanginit ang likod ng tiyan ko patungo sa likod ng ulo ko at hanggang sa buong katawan.

"Wag muna uy. Kapag ready na ako gusto kong ako lang din ang aamin. Bale sa'kin lang nanggaling." Tango-tango ko habang nagsasalita. Hindi ko na napag-isipan at nasabi ko nalang kaagad.

"Hmm. That sounds promising." Comment ni Finla sa tabi ni Marqui.

Siko ni Lovely kay Ben. "Naks, good shit ah!" Lovely raised her eyebrows, showing her approvement.

"Oo, syempre," sabi ko pa.

"Pangit, walang bukingan sa pamilyang 'to," sabi ni Marqui. Nagpout pa nga.

"Dukutin ko yan eh!" Sabay action kong dukot.

"Hingatan ba naman! Walang ganon, be gentle." Nakaangat ang dalawang kamay niya sa ere para bang it should stop me from getting closer.

Lumapit na ako ng tuluyan at hinawakan ang mga braso niya sa isang kamay, dinukot ang nguso niya gamit ang kaliwang kamay ko para dama niya.

"Pero oo nga bakit naglaladlad ka sa'min ngayon, Grance?" Rinig ko ang malumanay na tinig ni Ben.

Tinigilan ko si Marqui nang na proseso ang tanong at naglakbay ang alaala ko. I signed and pulled away. Nawala sa bardagulan namin ng loko ang atensyon ko. Tumingin ako sa kanila.

"Napag-alaman ko kasing naka move on na siya kay Diego."

Sinang-ayunan 'yon ni Marcus.

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play