Gumalaw
"Rosary, Fuse," Silip ni Sir Raja sabay senyas sa kabilang section.
Pabilisan naman ang pagkuha ng libro sa locker para makauna sa kabila. May apat na bakanteng upuan sa kabila. Ang iba ay hindi na nag-abalang magmadali at binuhat nalang ang bangko naming mabibigat.
Isa si Avya sa tumakbo para sa mga bakanteng upuan. Papasok pa lamang siya sa pintuan ng Immaculate ay pinagbangga ko ang braso namin.
"Ay gagi," at ayun na nga at nakuha ko ang attention niya.
Napatagpo naman ang mga kilay n'ya, nakatingin sa akin.
"Sorry, sikip ng pinto."
"Mmm.." angat isang kilay ni Vincent, nakatingin sa akin.
Kung maririnig lang ang mga pinag-iisip niya siguro nagkabukingan na. Wala namang karea-reaksyon ang iba naming kaklase at kung mayroon man sinarili nalang siguro.
"Ay!" Agaw ni Avya sa silya na kukunin sana ni Diane.
"Ingay ah?" Tugon ni Sir na nakahilig sa bintana palipat-lipat ang pahina sa librong hawak. Ang salamin ay suot-suot niya.
Napatakip ng bibig, namumula ang buong mukha ni Avya na nasa tabi na ni Drey.
Pumunta na rin ako sa bangko na binabantayan ng mga alipores ko para lang sa akin.
Nang maka settle na ang lahat nagsimula na ang klase namin. Naka separate palagi ang mga lalaki sa babae ayon sa kagustuhan ni Sir Raja. Second subject namin sa araw na 'to.
"Kita kong nagkabangaan kayo kanina," mahinang sabi ni Marqui sa tabi ko.
"Alam mo yung salitang sinadya?" Ngisi ko sa kanya.
"Naks naman lods," puna ni Nuie.
"Ay gagi 'to," mahinang tawa ni Marqui.
Patuloy lang kami sa pagkopya sa sinusulat na activity sa board.
"Bat di ka pa umamin sakanya, Grance? Lampas na ng one year mo s'yang gusto diba," pag-aalala ni Chezter.
"Gago ka ba? Di mo 'ko madadaan sa ganyanan no, at ayokong mareject," pangangatwiran ko naman.
"Maybe you don't like her enough para magtake ng risk?" singit ni Vincent
Serious daw, pre?
"Sumasapaw ka na nga nag-eenglish ka pa at anong pinagsasabi mong hindi enough?" si Marqui.
"I mean why hold back diba? Hindi mo naman talaga masisiguradong ire-reject ka n'ya," mahinang sabi n'ya na sakto lang para marinig namin.
Medyo natigilan kami lahat roon at tumingin naman silang lahat sa akin. Nag-aantay na rin sa isasagot ko roon.
Oo nga, how would I know if I won't even try?
"Iba ako sayo boi 'wag mo akong itulad sayo. Taas naman kase ng confidence level mo eh,"
Nilingon nila si Vince sa sinabi ko.
"Oo parang wala lang, open na open ka lang sa pagpapakita sa emotions mo sa kanya," si Marcus naman sa likod namin.
"Omsim pare, kahit harap-harapang rejection eh," ani Chezter.
"Patay na patay nga daw," dagdag ko.
"Sinabi mo ang dapat kong sabihin, Kai." Linga ni Marqui sa'kin.
Ang tukmol naman hindi na namansin at patuloy lang sa activity.
"What's this noise all about?" napatigil si Sir sa pagsusulat at ang mga apat na mga mata ay naparito sa dako namin.
Naramdaman na siguro iyon ni Vincent na paparating, matulis.
Anong nakain ni Vince? Bat hindi nag-iingay?
Pagkatapos nuon ay hindi na kami nagkwentuhan at nakinig nalang para wala ng gulo pa.
____ ___________ ____
"Ano bibilhin mo?" Patalong akbay ni Avya kay Marcus.
"Tss." Pasapak nga.
At dahil mas maliit siya unti-unti ring nahulog ang braso niya sa likod ni Marcus. Recess na at naglabasan kaming mga grade 8.
Pangit. Nagmumukha tuloy na tinatapon niya sarili niya don. I mean, yeah, her love language is physical touch but...
"Aguy, Kai." Linga ni Dovie sa akin habang siya ay nakatambay sa bintana ng Rosary.
Wow, nakakatulong.
"Congrats," buntong ko pa ng hininga.
Hindi ako nagtuloy-tuloy sa pagbaba at huminto nalang sa tapat niya. Ayaw ko nang makita kamanhiran nong babaeng yun.
"Oks lang yan boss!" Pagpapagaan ng loob ni Cane David.
Lapit nila Cane'D at Carlos kakagaling sa Immaculate.
"Uy! Sana may fried chixs pa." Bangga ni Carlos sa braso ko at akmang hahatakin ako while his arm is around my neck.
Kumawala ako at tumingin ng deretso sa kaniya. Namilog ang mga mata matapos may maalala.
"Ano?" My face slightly went downward as my brows went up.
"Sana may fried chix pa para lunch, mahirap ng maubusan."
"Sure mo na?" I bob my head.
Kita ko ang pagsulyap ni Carlos kay David at Dovie, hindi ito sumagot dahil sumingit si David. Lumabas naman si Dovie sa classroom namin.
"Chill lang, Tol." Pahatak niyang akbay niya sa'kin. "Wag mong bagsakan si Carlos niyan," he pokes my chest.
Umiling nalang ako.
"Meron pa 'yan! 'Di pa nagbe-break ang lower grades," Rinig kong wari ni Dovie.
"Beng-beng na naman ba Avya?" malambing na tanong ni Aling Mapi.
Nakababa na kami sa second floor at pumila na sa canteen.
"Sarap mo talagang ka bonding 'Ling Mapi! Bigyan mo nga po ako ng dalawa," nakahawak sa rehas ng tindahan si Avya na parang presong bagot na.
"Ay ako rin po isang beng-beng rin," si Finla sa tabi ni Avya.
Lumingon si Avya kay Fin at nag-drama.
"Aba'y gaya-gaya ka ah!" Tinapunan niya ng matatalim na tingin si Fin.
Tinawanan lang ito ni Finla at umiling. Suminghap si Avya at sinapo n'ya ang dibdib na parang nasasaktan na naiinsulto. Hawak-hawak niya pa rin ang rehas ng tindahan sa isang kamay.
"Isa lang naman gusto ko Avya, sharing is caring," sabi ni Fin na may inaayos sa damit.
"Ngi, sharing." Hawak pa rin ang rehas, nakatingin diretso kay Finla na walang expression.
"Ling Mapi, yong energen nga isa, chocolate para astig!" Naiinip na si Nuie.
"Oh, saglit lang mga mahal ko," sabi ni Aling Mapi sa loob.
Pinaghahalo n'ya ang mainit na cup noodles na order ni Finla. Ingay lang kami ng ingay habang nasa tapat ng maliit namin na canteen. Galing sa tatlo hanggang naging apat na ang linya. Chaos ang nabuo ng mga nag-iintay para bumili.
"Ano bang mga movie yong nasa laptop mo, Rina?" Naka tingin si Lovely sa katabing si Rina habang nakahug kay Ben.
Sunod kay Avya ay si Ben na naglalaro sa cellphone.
"Yung bago lang, Khuda Haafiz," sagot ni Rina sa harapan ko.
"Maganda ba 'yan, Rin? Hiram kaya ako speaker kay Chezter siguradong marami na naman tayo mamaya n'yan," si Finla naman na nag-iintay nalang sa kabarkada.
Kengkoy naman nagjogging si Avya sa harapan.
"Avya, anak, bayad mo?"
"Ehhh? Sabi ko bigyan mo ko dal'wang beng-beng, ih. Binigyan mo naman ako kaya kala ko go na." Panggagago ni Avya sa matanda.
"Nako 'tong batang 'to."
Tumawa siya at nag-abot naman ng bayad. Napailing nalang kami sa kalokohan ng magandang babaeng nasa harapan.
Kahit nakaalis na sila Lovely nandito pa din ito umaaligid sa amin. Di pa kasi nakakabili sila Drey at Lucky kaya nasa tabi lang sila ni Marcos at tahimik kumakain. Nakatitig sa sahig, parang ilalabas na ang mga mata.
What is she thinking?
Ako naman ay tapos ng bumili at iniintay na lang ang mga kaibigan.
And our gaze met. Naramdaman niya ang tingin ko. Inangat niya ang mga kilay tila ay greeting niya na iyon. I responded like a pro.
This always happens.
"Pre..." pabulong na tawag ni David sa akin.
"Singit din tayo sa papanoorin nila," anyaya ni Carlos.
Tumango ako nang marahan at kinalas ang pagkakrus ng mga braso.
"Yuck! Ganyan ka kano choice sa buhay?" nandidiri ang mukha ni Avya.
Nginuya muna ng maigi ni Marcus ang kinakain bago niya ito sinagot. "Aw sorry, 'yon lang palabas sa tv namin. Alangan namang don ako sa pangit diba?"
"Ano ba ganap sa Probinsyano?" tanong ni Chezter.
"Ewan... "
Napatitig sila kay Marcus. "Sarap mo kausap."
"Ay ngi. Makapagsalita parang may alam eh, no?"
"Tara na," malambing na usal ni Lucky at niyakap ang braso ni Chezter.
Tapos na rin si Drey doon kaya lumakad na sila patungo sa Finance, nasa loob lang rin ng campus.
"Pipiw wipipipiw~" kanta pa nga ni Avya sa pag-alis.
Umahon ang dalawang sulok ng labi ko sa narinig. Umalis ako kasama sila CaneD na tila ay wala akong kinainisan kanina.
"Piwpiw."
Kyut.
"Rina the great, makiwatch rin kami!" Magiliw na wari ni David pagpasok namin sa Immaculate.
"Kuha kayo upuan niyo," sabi ni Rina.
Nakaharap kaming lahat sa mesa ni Miss Sarah dahil nandoon ang laptop ni Rina. Connected na rin ito sa speaker ni Chezter kaya medyo malakas ang audio ng palabas.
"Walang delay 'to kung sakali." Upo ko sa tabi ni Rina.
"Wednesday nga pala ngayon?" Jev walked away to check our sched.
Kanya kanya rin ang mga cellphone ng iba o kaya'y kwentohan ng kung ano.
"Huy, lakas ng audio niyo. Baka nasa kabilang building si Sister," kabadong sabi ni Marqui.
Sa sinabi niyang iyon agad namang pinahinaan ni Ben ang speaker sa harap n'ya.
I snap m fingers. "Uy, natrauma 'yan last week no'ng bigla nalang sumulpot si Sister." Tawa ko.
He's sitting at the edge of his chair, pinagtuturo kami. "Dehado ako non! Mga salot kayo, parang ako lang talaga ninja non ah? Eh lagat tayo nagtago ng selpon non!"
"Akala ko talaga maiiyak na si Marqui eh." Ayos ni Ben sa hikaw niya.
"Ganyan talaga para mabuhay, hugas kamay." Finla flipped her hair. Nakatingin lang sa laptop.
"Walang kampihan sa pamilyang to!" Sabi pa ni Jev habang pumwepwesto sa tabi ko ng nakatayo lang.
"Edi wow." Si Marqui.
Ilang sandali pa ay napasarap ang panonood ng palabas hanggang sa hindi namalayang nasa kalagitnaan na kami nito.
"Anyways, dahil don nga na fell out of love na siya. Sad," rinig ko sa tinig ni Avya pintuan ng classroom.
"Panong sad?" Si Lucky.
"Leche ka, Bhe."
Nilingon ko sila, kausap niya si Chezter na nakaholding hands pa rin kay Lucky. Sumunod naman si Drey at Marcos sa likod tahimik na nag-uusap. Tapos na siguro ang pakay sa baba.
Nahihila ngayon ni Lucky ang kamay ni Chezter papuntang locker sa tabi lang namin. Kaya ang nagku-kwentong Avya ay nabaling sa amin ang tingin.
"Luh, nu yarn?" Umangat ang mga kilay niya at kumislap ang mga mata dahil sa pagkaka-angle sa ilaw ng room.
Napasulyap ang iba sa mga bagong dating.
"Indian movie, Av. Nangangalahati na kami," tugon ni Ben na hindi tumitingin kay Avya.
Lumapit siya at tumayo sa tabi ko. Sa maluwag na banda ng pagtitipon na 'yon.
"Ang ganda nito, Av. Sayang 'di mo nasimulan," ngumunguya pang sabi ni Rina.
"Upo ka sa armchair ni Kai," mungkahi ni Lovely. Eyes are filled with malice.
Kapag may nangyari sa'kin that's all on Lovely.
Hindi ako nakapag salita nang nakita si Avya ay papalapit na sa inuupuan ko.
Umupo siya sa armchair ko. Unti-unti ng kinabahan ang boong pagkatao ko sa simpleng pagtabi niya. Naconscious ako bigla, buti nga hindi pa kami nakakapaglaro.
Binaba ko ang vest ng uniform ko at inayos unti-unti ang pagkakaupo. Unti-unti para hindi obvious sa kanya at medyo nilalayo ko na rin sa kanya ang sarili.
Inangat baba ni Dianne ang kilay niya habang naroon sa silya niya kanina, nakaharap ito sa amin.
Tumikhim pa si Marqui.
Hindi ko na tinignan ang lahat na tumingin sa reaksyon ko nang nakita nila ang nangyayari.
Nagtagpo ang mga mata namin ni Marcus. Akala ko talaga ay aasarin niya ako gaya ng ginagawa ng iba pero binaling niya lang ang mata kina Lucky.
Wala na ang konsintrasyon ko sa pinapanuod namin. Nakalipas ang ilang mga minuto nandodoon lamang siya. Amoy ko pa ang konting cologne na may halong pawis.
Kalmang-kalma lang hindi kagaya ko.
Hindi ko magawang iangat ang aking tingin dahil sa kaba. Pula puwet nito kaya may pag-asang hindi na siya magtagal at umalis din.
God, I trust you.
"Mm," halos mapatalon pa ako ng nagreact si Avya.
Napakurot pa nga ako sa braso ni Jev na nasa likod ni Rina.
Interesting siguro para sa kanya kase kung hindi umalis na ito at nakipag kwentohan sa mga kaibigan.
Lah, it caught her attention talaga oh. Maayos ang pustura
With her maintaining her good posture while tilting her head, you know she's all eyes.
Kung hindi niya ikakasaya, maikli attention span niya dito. Kung gusto niya kahit magdamagan pa. Kilala ko 'yan, Avie ko 'yan.
Ramdam ko ang higpit ng pagkakasara ng aking bibig. Titig na titig ako sa ibabaw sa laptop. Medyo umingay ang classroom.
Gumalaw.
Humawak ang kaliwang kamay niya sa kaliwang balikat ko parang nakaakbay. Ipinatong niya ang isang hita sa isa niya pang hita. Medyo nadepena ang bigat ng upper body niya sa akin.
Kino-komportable ang sarili.
A gush of heat emerged from my shoulder. The shock went to every part my body.
Pansamantalang nagrecess ang blood cells ko sa katawan. Parang nahinto ang kabuuhan ng respiratory system ko sa sandali iyon.
Hindi lang mata ko ang lumaki doon. Malakas ang singhapan ng ilang kaklase.
"Hala, kinakabahan siya?"
Napabitaw na ako kay Jev.
"Huh?" salita ni Avya.
Inangat ko ang ulo at nakitang si July ang pumuna sa reaksyon ko. Hawak ang magkabilang dulo ng lamesang nilalagyan ng laptop, naka tanga siya at mangha kaming minamata ni Avya.
Nakaharap siya sa aming mga nanunood.
Nilibot ni Avya ang tingin niya sa mga kasama at tinignan ako pagkatapos. Inosente niyang inalis ang kamay sa balikat ko at inayos ang pagkakaupo sa normal na paraan.
Nagtataka pa rin ang mga mata niya, patalon-talon lang sa lahat ang naguguluhang sulyap. Nang nagtagpo ang mga mata namin ay doon ko na s'ya tinigilang pagmasdan.
"Sorry, anong meron?" tanong ni Avya.
Napatulala nalang ako sa kamay ni Rina sa tabi ko at inaalala ang init ng palad niya sa balikat ko kani kanina lang.
Hindi s'ya nagtanong ulit dahil to the rescue si Rose sa akin. May random na tanong si Rose at hinatak papalabas si Avya.
Ramdam pa rin ang init ng aking mga mukha. Napatulala nalang sa kawalan at pinakiramdaman ang panlalamig ng mga paa.
"Gagi lods!"
"Pano?"
"Amen, end of the world na ba?" ani Dianne.
"Congrats Boss!" Maligalig pang bati ni Cane'D.
Nakigaya na rin ang iba, congrats daw pota.
Naka awang lang ang mga bibig ko. Thrilled silang lahat eh. Kayo ba inakbayan?
"Pre, muntik akong mapatay," lingon ko kay Jev.
"Ramdam ko, lods."
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments