War Of Ranks Online 1

War Of Ranks Online 1

Chapter 01: Clankton

Chapter 01: Clankton

Jeremy's Point of View

"Isang breaking news sa umagang ito. Hindi na mabilang ang mga tao ngayon sa loob ng SM mall kung saan nag-uunahan ng makabili ng bagong labas na nerve gear mula sa larong War of Rank's online na talaga namang sikat na laro sa buong mundo ngayon. Sinasabi kasi ng Gaming company president na ang bagong nerve gear daw na ito ay isang espesyal na version na sinasabing mas malaki daw ang magiging average of chance na makakapasok ka sa top 10, ng larong nabanggit. Alam naman nating lahat na sa tinagal-tagal na ng larong ito ay wala paring napiling player na maaaring bumuo sa top 10 ranking nitong laro..."

Nagising ako dahil sa ingay ng tv kaya't pupungas pungas akong tumayo at humihikab. Tumingin ako sa oras ng relo ko at isang oras nalang pala ay magsisimula na ang klase namin kaya nagmadali na akong umakyat sa kwarto ko.

Dumiretso ako sa bathroom at mabilis na naligo. Ako pala si Jeremy Clankton. 18 years old na ako at isang fourth year highschool sa isang school malapit samin.

I'm 15 years old when our parents died. Kasabay lang silang dalawa. Kaya't si Ate nalang ang kasama ko dito sa bahay namin.

Pero kahit na kami nalang dalawa ang natira, hindi parin kami napilitang 'wag ng mag-aral. Nagta trabaho ako sa isang cafe shop malapit sa school namin kada 4:30 pm hanggang 7:30 pm.

Mabait kasi ang owner nung shop kaya maikling  oras lang ang working hours ko sa kaniya. Kasi, kaibigan ko yung anak niya. Si Sandra. Oo. Babae siya.

We've been friends since and I can tell you that she is really a good and true friend figure. Nahiya nga ako dahil yung ibang empleyado sa cafe shop nila ay parang nainggit pa sakin dahil nga maikli lang ang working hours ko.

At mabuti nalang at nareduce ng kunti ang working hours ng mga kasama ko dun na nag reklamo kahit na hindi parin ganun ka ikli sakin pero okey nalang man daw yun sa kanila.

It's really nice to be working with them, kasi nagkakaisa kaming lahat sa cafe shop at lagi kaming nagrerespituhan sa isa't-isa kaya't masaya talaga ako na nakilala ko si Sandra.

Matapos kong makaligo nag bihis narin ako ng uniform namin at sinukbit na sa likod ko ang bag ko bago muling bumaba at naabutan ko si ate Jenny na nagluluto ng agahan namin.

Tapos na si ate na mag-aral dahil scholar naman siya nun kaya't ako nalang ang tinutulungan niyang makapagtapos narin. Isa siyang I.T. graduate at nagtatrabaho siya ngayon sa isang kilalang gaming company sa lugar namin.

Ang kompanya kung saan ginawa ang larong War of Rank's online na talagang tinaguriang ang pinakamahirap na mmorpg na laro sa buong mundo. Kasi nga, kahit na tatlong taon na ang larong ito ni isa wala paring nakalagay na player sa slot ng sampung ranking position overall.

Unbelievable right? Gaano nga kaya kahirap ang larong yun? Bakit hindi man lang nagawang makabuo ng sampung malalakas na player ang admins ng game. Hindi kopa nasusubukan ang larong yan pero baka kapag may pera na kami ni ate na pambili. Maybe If I have time I can try it too.

"Sa sofa kana naman natulog kagabi no? Tapos hindi mopa napatay yung tv bago ka man lang natulog. Nagsasayang ka ng kuryente eh." Bungad agad ni ate sakin. Kumuha ako ng sandwich at nilagyan ito ng palaman.

"Ate naman. Pasensya na. Nakalimutan kolang talagang patayin yun kagabi kasi nga may project akong ginawa. Promise hindi na yun mauulit." Sabay taas kopa ng kanang kamay ko na may hawak ng peanut butter bottle.

Nilapag na ni ate ang niluto nitong ulam namin pagkatapos ay nagsandok narin ito ng kanin  naming dalawa at nag-umpisa na kaming kumain ng sabay.

Buhay prinsipe ako dito eh kapag nandyan si ate. Hindi niya ako pinapayagang magluto ng sa sarili ko dahil responsibilidad daw niya ako. Minsan tinuturuan niya akong magluto dahil may times na hindi siya nakaka uwi galing sa trabaho kaya nasasanay na ako sa ganitong buhay.

Were also not rich so hiring a maid is just a hassle for us.

"Thanks for the food! Alis na ako, ate."

"Sige. Ingat ka." Sagot naman ni ate tsaka hinalikan ko siya sa noo bago nagtatatakbong umalis ng bahay.

"I'm not a child anymore."

Ng kakabukas kopa lang sa pinto namin bumungad na agad ang mukha ng kaibigan ko kaya't binati niya ako ng good morning ng makita niya ako. "Good morning!" Bati sakin ni Sandra ng may kasama pang ngiti. Mas lalo siyang gumanda ngayon ah.

"Bakit parang nag-iba ang routine mo tuwing aabangan moko. Dati sa entrance kana ng school natin nag-aabang sakin. Ngayon naman sa mismong pintuan na namin." Bungad ko agad rito at nag-umpisa na kaming maglakad papuntang school.

"Grabe ka ha. Wala man lang akong natanggap na 'good morning din, Sandra'. Peymus kana?" Biro nito sabay sinondot ang tagiliran ko pero tumingin lang ako sa kaniya. Alam naman niyang hindi ako kinikiliti diyan eh. But I know she is.

"Good morning din, Sandra! Oh ayan. Are you happy now?"

"Wala ka talagang kwenta kahit kailan. By the way. Hindi moba alam kung anong araw ngayon?" Tanong niya sakin.

Maikli akong nag-isip kung ano nga bang araw ngayon. Wala akong maisip na event or special day. Lumingon ako sa kaniya ulit at napansin kong nakatitig parin pala siya sakin. Hinintay niya talaga ang sagot ko.

"So what. May naisip ka?"

"Hmm. Nothing? I think it's just an ordinary day. Is it? Baka merong special event ngayon sabihin mo naman sakin." Sagot ko sa kaniya sabay tanong narin.

"Huh? W-wala naman. Baka lang kasi." Then she walks ahead of me kaya napabilis narin ako ng lakad para maabutan ulit siya.

We arrived at school ten minutes early before mag sa start ang first period.

And as I thought, this WOR online is the talk of all our classmates everywhere. Kahit na yung napapadaan sa hallway ng room namin ganun ang pinag-uusapan.

I sitted in my assigned chair na katabi lang din ni Sandra from my right side.

"Hi, Sandra. Wan't to team up with me later? Mag qu quest kami mamaya sa dungeon of wolves sa War Of Ranks. Pwede ka naming tulungan sa pag le level up mo para makasali ka sa mga tournament."

"No thanks. Kayo nalang, busy ako mamaya eh." My friend suddenly answered without even looking to the guy she is talking to.

"Ah ok. Maybe next time nalang." Walang nagawa ang kaklase namin na umalis narin sa harap ni Sandra na nag me make up na ngayon.

Ganyan yan si Sandra sa iba kapag hindi niya ka close. Pero iba naman kapag ako ang kausap niya.

Ang sabi niya sakin, hindi daw siya pala kaibigan.

Pero bakit naging kaibigan naman niya ako?

Tsaka isa pa, hindi rin daw siya kumakaibigan ng mga lalaki dahil alam nyo na.

Pero bakit nga niya ako naging kaibigan eh lalaki naman ako.

Parang may mali talaga sa babaeng to. Hindi naman sa ayoko siyang maging kaibigan pero tingin ko kasi, nagiging tsismis na kami lagi dito sa school kung bakit si Sandra at ako ay laging magkasama.

Natural mag kaibigan kami, pero yung mga utak ng mga tao sa paligid parang bakuran ng kapitbahay namin. Ang dumi.

"Jeremy. Gusto mo ba ang larong War of Rank's?" Bigla namang tanong ni Sandra sakin kaya napalingon ako sa kaniya. Ano nga ba? Hindi kopa kasi nasusubukan ang larong yun kaya hindi ako sigurado kung gusto koba o hindi.

"I'm not sure. Siguro, dahil hindi kopa yun nasusubukang laruin kaya hindi ko matiyak If ever nagustuhan ko siya." I answered then she gave me a nod.

"If ever, may time kang maglaro. I ta try mo ba?" Tanong niya pa ulit.

If ever may time? Oo naman. Bakit hindi?

Wala palang talaga akong masyadong sapat na naiipon para bumili ng nerve gear at isa pa. Masyadong marami ang bumibili at nagkaubusan na sa mga store.

Tumango ako. "Sure. Why not. Ayokong mapag iwanan ng panahon ano. Wala lang talaga akong time at hindi sapat ang sahod ko para bumili ng ganun." Sagot ko.

Wala pa talaga sa average amount ang pera ko para bumili ng ganun, tsaka mas mahalaga ang pagbabayad ng bills at gastos sa pagkain namin ni ate sa bahay. Ayoko kayang maging pabigat kaya naghahati kami ng babayaran sa kuryente, tubig at minsan. Ako ang namamalengke.

Marami nga diyang tao sa kalsada ni wala man lang pambiling pagkain o matutuluyang bahay. Kaya gamitin natin ang pera sa mas makabuluhang bagay.

Nagsimula ang class namin ng medyo late na ng 10 minutes dahil may urgent meeting daw kasi ang faculty members.

Pinaalala lang naman samin ng guro na dapat ang gaming ay hobby lang. Isang larong pang-aliw bilang isang estudyante at teenager's pampalipas lang ng stress mula sa academics. Hindi yung maging full priority na talaga namin ito buong buhay namin.

Pero thank goodness nalang din dahil ni isa sa section namin ay wala pang nababagsak kaya proud parin ang guro samin ang teacher namin.

Inamin niya nga na adik din siya sa larong yun dahil baka palarin rin siyang manalo ng one million kapag nakapasok siya sa top 10.

Sabi nga ng guro namin. Wag lang isiping stress ang pag-aaral. Enjoyin mo ang pagkatuto at siguradong magiging successful ka.

Nag klase lang kami ng nag klase hanggang sa dumating ang lunch break namin kaya isa isa na nga kaming nagsilabasan ng classroom patungo sa cafeteria.

"Doon tayo oh." Yaya sakin ni Sandra kaya't tumango lang din ako.

Ang lagkit ng tinginan talaga ng iba ngayon kay Sandra. Mapababae man o lalaki. Isn't it obvious? Kasi ang ganda ng kaibigan ko. Dapat ilibre niya ako dahil pinuri ko siya.

Umupo kami ng magkatabi ni Sandra at nilingon ko ang tingin sa paligid. Wala ata siya dito?

"Ako bang hinahanap mo?" Bigla namang may nagsalita sa likod ko kaya't nilingon ko agad ito pati si Sandra ay napalingon narin.

"Joshua. Akala ko hindi kana makakalabas sa ospital. Nabigla ako sayo." Biro ko dito. Umupo naman siya sa harap ko.

Siya si Joshua Canon. Mestiso at mahaba ang bangs nito na talaga namang marami ang patay na patay rin dito dahil nga tisoy ang tukmol.

"Nagdadasal kaba na hindi na ako gumaling? Ganyan kana pala ngayon Jeje ha." Sabi naman ni Joshua sakin na may kasamang pang-aasar.

Masyadong mahaba pa ang pila sa counter kaya't maghihintay nalang muna kami dito. Nag-usap kaming tatlo at naging topic namin ang pagiging terrible driver nitong si Joshua.

Naibangga niya kasi yung kotse niya na sa isang street light kaya malaki laki din ang nabayaran niya. Isama pa ang pang ospital niya.

"Ng dahil sa asong yun, hindi sana ako napagalitan ng papa ko. At hindi sana binawasan ang credit card ko. Grabe na sila. Lalapain ko talaga ang asong yun kapag nakita kopa siya ulit."

"Hindi ka naman siguro makikipag suntukan dun." Biro naman ni Sandra dito kaya natawa lang kaming tatlo.

Umorder narin kami ng pagkain na sa wakas ay maliit nalang ang nakapila. Nagpatuloy kaming mag kwentuhan habang kumakain ng mapunta sa WOR online ang usapan namin. Para tuloy akong ewan dito dahil silang dalawa lang ni Sandra at Joshua at nagkakaintindihan.

Kung alam nyo lang. Mag pinsan ang dalawang yan kaya wag na kayong magtaka kung close din sila niyan.

Nagsimula ang ulit ang klase namin tsaka maaga kaming pinauwi ng guro dahil may meeting na naman sa faculty at sinabihan lang kami na ipasa yung individual project namin sa arts this upcoming friday which is two day's nalang starting tomorrow.

"Oh ano. Kita nalang tayo ulit bukas." Sabi sakin ni Sandra tsaka ako tumango.

"Ingat ka sa daan." Paalala ko rito.

"Ang liwanag pa ng paligid. Wag kang eksaherado." Tsaka na naglakad paalis sakin si Sandra at sinundan kolang siya ng tingin bago nagpatuloy sa cafe shop kung saan ako nag ta trabaho.

At dahil medyo maaga ang naging simula ng working hours ko medyo maaga narin akong nakauwi sa bahay.

Nadatnan ko si Ate sa sofa na may ginagawa sa laptop niya. Siguro ang hirap talaga ng trabaho niya ngayon. Ilang baso na kaya ng kape ang naubos niya ngayon?

"Ate. Nandito na ako!" Sabay halik ko sa noo nito.

"Mabuti at nandito kana. Bakit ang aga mo yata?" Tanong niya sakin ng nasa laptop parin ang tingin niya. Napakabilis niyang mag type sa keyboard.

Baka ang keyboard pa ang sumuko sa ginagawa niya ngayon, hindi yung mga daliri niya.

"May urgent meeting ang mga guro sa school kaya maaga akong nakapagsimula sa working hours ko sa coffe shop. Kaya nandito ako ngayon." Sagot ko naman.

"Ah ganun ba? Magbihis kana at bumalik ka dito."

"Sige po." Pupunta na sana ako sa taas ng may nag doorbell bigla sa labas ng bahay kaya napatigil ako.

"Buksan mona muna." Hindi na ako nagsalita pa at nagtungo na sa pinto at nang mabuksan ko ito ay bumungad sa harap ko ang isang lalaking naka sombrero na nakangiti bumati sakin.

"To Mr. Clankton po sir? Dito po ba siya nakatira?"

Sabay pinakita niya sakin ang malaking kahon na dala dala niya sa dibdib niya.

"Ako ang taong yun. Bakit po?"

"Ah. Kayo po pala siya. Package delivery lang po para sa inyo. Paki sign nalang nitong paper para sa reciever's signature."

Matapos kong pumirma ay binigay niya sakin ang kahon tsaka nagpaalam narin ito at umalis na.

Binasa ko ulit ang naka enclosed na note sa kahon.

"To Mr. Jeremy Clankton. From the Gaming company?"

Sa gaming company galing ang package nato?

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play