Chapter #02: Welcome!
Jeremy's Point of View
"Happy birthday, Jeje!" Nag pout lang ako sa kaniya ng batiin niya ako. Ka video call ko ngayon si Sandra at nandito ako ngayon sa kwarto ko.
"Grabe ka ha. Hindi mo man lang ako sinabihan na birthday kona pala. Tapos may pa regalo pa si ate sakin." Oo. Yung package na natanggap ko ay mula sa gaming company na pinagta trabahuan ni ate.
Utang nga lang siya kasi bago palang si ate sa kompanyang yun kaya hindi pa malaki ang nakukuha niyang sweldo. Kaya nagpasya ako na hati kami sa pagbabayad but she refused.
She said that It's my birthday so I should just enjoy it. She's a great sister, is she.
"Surprise nga siya diba? Sabi sakin ng ate mo yun sakin na wag ko raw sabihin kasi nga masyado kanang matanda na kahit birthday mo hindi mona matandaan."
"Anong matanda? Kaka debut mo nga lang a year ago diba, so sino na ang matanda satin?" Pang-aasar ko rito. Base sa background niya, nasa cafe shop siya ngayon naka upo sa isa sa mga sits.
"Uy, Jeremy. Happy birthday pala. Sana nagtagal kapa dito para masulit natin birthday mo!" May lumabas sa view ng video call ni Sandra at binati ako. Kasamahan namin siya sa cafe shop at may dala dala itong mop.
"Salamat, Sheno." Bati ko naman sa kaniya at nag salute lang ito bago nawala ulit sa view ng video call.
"Oh. Jeremy. Nabuksan mona ba yung package. Ano daw ang laman. Siguro nerve gear yun ano?" Sabi sakin ni Sandra at kumakain ito ng cupcake.
Oo nga pala. Hindi kopa nabuksan yung package. Nung pumasok kasi ako sa kwarto ko nag video call agad si Sandra kaya nalimutan kong buksan.
Hindi naman sinabi ni Ate kung ano ang laman pero sigurado akong. Alam nyo na? Sasabihin paba yun?
"Teka. Bubuksan ko muna." Nilagay ko sa study table ko ang phone ng nakasandal ito sa dingding para kita parin ako ni Sandra sa phone.
Kaharap lang naman ng kama ko ang study table kaya kita parin ako ni Sandra na nakaupo sa kama ko habang binubuksan yung package.
Siguro bagong version ito ng nerve gear kaya pautang lang ang bayad niya. Hindi ako makapaghintay. Eto na.
"Anong laman?" Excited na tanong ni Sandra sakin ng tila napako na ang tingin ko sa laman ng box.
Totoo ba talaga to? Kunot-noo lang ang nasa itsura ko ngayon. Hindi to ang ine-expect kong makita.
Nilabas ko sa box ang laman at pinakita kay Sandra ito. Halata rin ang kunot ng noo nito at parang hindi rin nito inasahan ang laman ng box.
"Ano yan?" Takang tanong nito.
"Nerve gear?"
"Pero bakit ang luma? Baka na scam kayo?" Sabi ulit ni Sandra na halata ang pagkagulat at pag-aalala.
"Hindi naman siguro."
Tama ang basa nyo. Isa ngang nerve gear ang laman ng package, pero ang pinagtataka namin ni Sandra, ay bakit parang ang luma naman ng version na ito.
Hindi sa nag iinarte ako, but this nerve gear is somewhat. So old.
I think It's the very first ever prototype ng nerve gear ngayon dahil siguro sa hugis at date ng nakalagay dito.
Hindi ako dissapointed. Maybe that's what Sandra is seeing on my face through the video call pero hindi ganun.
It's so majestic na kung ito man yung prototype ng lahat ng nerve gear na nagawa sa game na ito, malamang maganda ang quality nito. Kahit na luma siya nerve gear parin ito at hindi siya masyadong mahirap gamitin.
Minsan. Old things are better than new. Yun ang naiisip ko ngayon. Katulad ng mga nasa museum. Napakagandang tingnan at malaman na yung mga gamit o imbento ng mga taong nabuhay noong hindi pa uso ang apoy hanggang sa dumating tayo sa modern times ay nandito parin at nakikita natin.
Parang nababalik tayo sa past kapag nakikita natin ito and It's just so extraordinary feeling.
Kuha nyo ba?
Isa lang talaga ang masasabi ko, nagustuhan ko ang regalong ito.
"Bakit hindi mo sabihin sa ate mo yan? Baka pwede pa yang mapalitan." Sandra suggested but I already made up my mind.
"Hindi na yun kailangan. Baka mas mahal pa yung ibigay ng kompanya at baka malubog lang kami sa utang ni Ate. Masaya na ako sa prototype na ito." Sagot ko naman habang sinusuri pa rin ang nerve gear na hawak ko.
May tag pa ito at mukhang luma narin. Hindi ba natanggal ang tag nito mula ng gawin ito o bilhin?
May kunting scratch pa ang bandang ulo nito na para bang pinwersa talagang tanggalin.Teka. Pinwersang tanggalin? Sinabi koba yun?
"Sige na, Jeremy. Manonood pa ako ng tournament sa WOR online sa mall ngayon. Sama ka?" Yaya ni Sandra sakin pero umiling lang ako habang sa nerve gear parin ang tingin ko.
Na curious kasi ako bigla sa scratch at sa sinabi ko? Para kasing may naging mali dun o di kaya ay may tama sa sinabi ko.
"May project pa akong gagawin eh. Next time nalang siguro." At tumingin na ako kay Sandra sa video call. Napansin ko naman sa mukha ni Sandra sa video call na mukhang kanina niya pa ako pinagmamasdan.
At ng tingnan ko siya bigla agad siyang napaiwas ng tingin pero huli na dahil napansin kopa rin yun.
Wala namang mali sa ginawa niya pero bakit na conscious siya bigla. Weird.
Nagpaalam na siya sakin kaya nag wave nalang ako bago niya pinatay ang tawag. Mukhang pupunta siya ngayon sa event sa Mall na sinasabi niya. Yung tournament ata.
Nilagay kona muna sa box ulit yung nerve gear at nagpunta na sa study table para ituloy yung project namin sa arts.
Natapos ko naman yun sa wakas at tumingin ako sa wristwatch ko. 9:30 pm.
Siguro success naman yung project kaya ipapasa kona yun bukas. Nagmadali akong tapusin yung project kasi parang hindi na ako makapaghintay na e-test na yung nerve gear na regalo ni ate sakin.
Medyo kabado ako ng kunti dahil dun sa scratch na nakita ko sa nerve gear pero I should think positive.
Baka nasagi lang yun ng matulis na bagay ng hindi inaasahan kaya ganun.
Wala man lang itong ka color color. Plain black lang ang kulay nito at medyo may na-a out-of-color narin ito dahil dun sa scratch.
Pinagmasdan ko muna ang nerve gear bago sinaksak ito sa outlet namin.
Wag kang kabahan, Jeremy. Ok lang yan. Mali ang nasa isip mo kaya cool kalang.
Humiga ako sa kama at maingat na isinuot ang nerve gear sa ulo ko. Parang nasa Gundam ako nito.
Ang sabi sa manual nito. Kapag nasaksak kona ang nerve gear at naisuot kona ito sa ulo. Sabihin kolang daw ang katagang ito.
"Server start!" Saad ko at sa hindi inaasahang pangyayari bigla nalang dumilim ang paningin ko at bigla ding lumiwanag ulit.
Parang isang ipo-ipo ngayon ang paningin ko na halos mahilo na ako sa sobrang lakas ng sensasyon kaya napapapikit ako pero hindi rin naman yun nagtagal at bumalik sa normal ang lahat.
Pero iba na ang vision ko. Isang black room ngayon ang kinatatayuan ko kaya nagpakalinga linga ako sa paligid ko.
"Welcome, player!"
Isang hindi ko kilalang boses ang nagsalita pero hindi ko alam kung saan ito nanggagaling kaya palinga linga ako sa paligid.
Wala namang speaker sa room na ito kaya ako lang mag-isa nang nandito.
"Kindly choose your gender!"
May nagpakitang hologram sa harap ko na may dalawang pagpipilian. Pinindot ko ang male at muli na namang may nag pop-up na bagong hologram.
"Choose your avatar!" Muling saad ng boses na tingin ko ay ang NPC kaya ginawa ko naman ang sinabi niya.
Maraming avatar ang nasa hologram kaya't hindi ko maisip kong sino ang dapat na piliin ko. Maganda sila lahat but then a certain one caught my eyes.
Pinindot ko ito ng walang pagdadalawang-isip kasabay nun ay unti-unti naring nagbabago ang kasuotan ko hanggang sa parang ako na nga talaga yung perpektong itsura ng avatar na pinili ko.
"Please state your name, player!"
Ang name ko? May nag pop-out na namang letters sa harap ko para dun ko ilagay ang name ko. Ano nga kayang ilalagay ko? Dapat yung simple lang.
Ng makaisip na ako, agad ko yung tinype sa hologram at sabay pinindot ang 'done' sa ibaba nito.
"Congratulations! You may proceed now to the beginner's venue. Goodluck player!"
Parang may portal na biglang lumitaw sa likod ko kaya mabilis ako nitong nahila papasok nito. Nahihilo ako. Parang mabilis na umiikot ang napasukan ko ngayon at hindi ko magawang magmulat ng mata sa hindi ko malamang dahilan.
Hindi rin nagtagal ang pagkakahilo ko dahil ng imulat ko ang mata ko, nasa gubat na ako, nakatayo. Ganun ba talaga kapag pumapasok ka sa portal? Kung tumagal pa siguro ang pagkakahilo ko sa portal nayun baka tuluyan na akong nasuka ngayon.
Pinagmasdan ko ang dalawang palad ko. Ang braso ko. Hinawakan ko ang katawan at mukha pati ang buhok ko. Nasa game na nga talaga ako.
"Ssssssss....."
Bigla akong natigil sa pag-iisip at agad na napalingon sa aking likuran. Tunog ahas ba yun? Sobrang lakas naman ata. Huwag nyong sabihing may anaconda dito?
Kakapasok kopa lang sa laro, mapapalaban na agad ako. Gaano ba talaga kahirap ang larong ito?
Tama nga ang nasa isip ko. Isang malaking ahas nga ang nasa harapan ko ngayon.
Matutulis ang mga ngipin niya na parang kasong kapal ng dalawang braso ko. Mabangis ang mga berde nitong mata at sa akin lang ito naka tutok.
Palabas labas ang dila nito na parang sarap na sarap ito ngayon sa nakikita niya.
Ano bang gagawin ko? Halos kasing tayog siguro siya ngayon nung poste namin sa bahay.
Wala akong dalawang armas. Teka. May biglang nag pop-out na hologram sa harapan ko.
Beginner's Manual guide:
1.) In order to gain a beginner's weapon, you can summon a metal sword by writing 'B' in the air.
2.) 'B' represent's Bag and choose the metal sword inside it.
3.) You have 3 max potions in your bag so make sure you can go to a Town nearby to buy more potions to survive.
4.) Initial's summoning pattern.;
•'B' - Bag
• 'S' - Setting
• 'M' - Manual
• 'P' - Profile
• 'I' - Inventory
• 'N'- Notification °Messages
°Item Trading
°Friend request
°Dueling
°Announcement etc.
• 'L' - Logging out
5.) Goodluck for your adventure, player!
Binabasa ko to habang tumatakbo ako. Grabe. Ang bilis ko palang tumakbo. Parang ang layo na kasi nung ahas sakin eh. Hindi kona siya makita sa likod ko—ay putek! Papalit na pala siya dito! Dapat hindi kona lang binagalan pa ang takbo ko eh!
Base sa nabasa kong manual. Honestly, yung dalawang guide palang talaga yung nabasa ko dahil tumatakbo na ako nun.
Nag write ako ng 'b' sa ere habang tumatakbo ako.
Pero hindi naman umepekto kaya inulit ko naman ang pagsusulat sa ere ng 'b'.
Bakit ayaw!? Natataranta na ako dito ah. May sira na ba ang Nerve gear nato kaya ayaw gumana?
Malapit na talaga yung ahas sakin at mukhang tatlong metro nalang ang pagitan ng ngipin niya sa likod ko. Kalalaro kopa lang mamatay na agad ako? Wag naman sana!
Nag-isip ulit ako. Ngayon ay sinubukan ko namang magsulat sa ere ng letter 'B' sa ere at nagulat ako ng may nag pakitang hologram sa harap ko. Ini slide ko ito hanggang sa gilid kolang kasi natatabunan nito ang vision ko.
Bag na nga ito. Grabe naman sila. Dapat talagang kapital na B ang isulat ko para lang gumana. Kaya pala hindi gumana kanina dahil maliit na 'b' lang ang sinulat ko. Gaano ba talaga kahirap ang larong to.
Hinanap ko ang metal sword sa bag na ito at ng mahagilap ko na ay mabilis ko naman yung pinindot at parang may nag-materialize naman na scabbard sa likod ko kasama na ang espada nito.
I tap the 'x' button in the hologram kaya naglaho narin ito sabay bunot ko ng espada sa likod ko.
Tamang-tama lamang ang bigat nito kaya hindi naman naapektuhan ang pagtakbo ko.
Lumiko ako ng mabilis sa bandang kanan kaya't sumunod din yung ahas. Hindi kona alam kung saan na ako papunta ngayon.
May kahoy na nakaharang sa tatakbuhan ko ngayon mga sampung metro ang layo nito sakin.
Kung makaka atake ako, ito na ang pagkakataong yun. Hindi ako papayag na mamatay nalang dito.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 11 Episodes
Comments
Lou
Very interesting! Do you happen to have any social media or fan page i can follow? I want to support you :D
2022-07-11
0