Chapter 03: Shadow
Jeremy's Point of View
Kahit saang liko ang gawin ko sa gitna ng gubat na ito, hindi pa rin ako nilulubayan ng dambuhalang ahas.
Hanggang sa makakita ako ng isang nakatayong kahoy sa harapan ko mga ilang metro ang layo mula sa akin, agad kong mas hinigpitan ang hawak sa aking espada.
Nang dalawang metro nalang ang pagitan nung katawan ng kahoy, agad akong tumalon tungo dun at nung lumapag ang dalawang paa ko rito malakas naman akong bumalik na tumalon tungo sa ahas na handa na sana akong kagatin, pero dahil sa bilis ng kilos ko nagawa kong lampasan ang bibig niya at diretsong tinusok ko ang espada tungo sa kaliwang mata nito dahilan para humiyaw ito ng napakalakas.
Tumalsik ang dugo mula rito at nagwala ang ahas kaya't tumilapon agad ako papalayo sa kaniya.
Tumama ang likod ko sa isa pang kahoy kaya't nakita ko sa view ko ang pagkabawas ng health bar ko.
Shadow
Lvl. 1
Health Power: (5/100)
Damage: 10
Ang laki ng bawas!
Parang nabali ata buto ko sa lakas ng impact nayun.
Tumingin ulit ako sa ahas at may nagpakita ng hologram sa uluhan nito na kanina ay wala pa. Siguro kapag nasugatan mo lang ito makikita.
Jungle Python
Lvl. 15
Health Power: (1300/1500)
Damage: 150
Ano daw? Level 15 ba yung basa ko? Pano ba ako nahanap ng ahas na ito?
Mabuti nalang talaga at natapon lang ako. Kung nakagat ako nito o nasagi ng katawan niya ng tuluyan malamang naglaho na ako ngayon.
Napansin kolang na 200 yung nabawas ko sa ahas.
Siguro dahil sa mata ko ito tinamaan kaya't malaki din ang naging damage nito.
Nag sign ako ng B sa ere kaya lumabas naman ang bag na hologram sa harap ko. Kinuha ko yung isang max potion at mabilis na ininom.
Bumalik sa 100 ulit ang HP ko at sakto naman na nakita ulit ako nung ahas ay sinugod niya ako ulit.
Tumakbo ako at nasa likod kona naman ang ahas na ito na hindi na masyadong nakakatakbo ng mabilis dahil natamaan ko ang mata niya.
Parang totoo talaga ang lahat ng ito ah. Parang ang realistic na masyado ng game.
Pinagmasdan ko ang espada ko at tamang dugo lang talaga ang nandun. Ang sariwa pa nitong tingnan.
Napagulong agad ako ng matantiya kong susunggaban ako nito mula sa likod. Hindi na ako nakatakbo ulit dahil nakaikot na ang katawan nito sa paligid ko na dadaanan ko sana. Shit!
Wala na akong kawala nito. Dahan-dahan na ang galaw ng ahas dahil alam niyang wala na talaga akong kawala ngayon sa kaniya.
Naghihintay lang ito ng tyempo na atakihin ako.
Hinawakan ko ng mahigpit ang espada.
Mabilis na kumilos ang ahas na sinugod ako kaya ginawa kong barricade ang katawan niya na nasa likod ko para mas makatalon ako ng mataas kaya hindi ako nasunggab ng tuluyan ng bibig niya.
Habang nasa ere tuluyan konang sinunod na tinusok ang kanang mata nito, kaya't ng matamaan ko nga ang mata niya. Mabilis din itong nagwala kaya natapon na naman ako.
Pero salamat nalang at hindi ako gaanong nasaktan dahil medyo hindi naman mataas ang pagkakahulog ko.
Nawalan na ito ng paningin kaya't nahihirapan na akong makalapit sa kaniya. Nasagi ng katawan niya ang isang puno, kaya natumba ito papalapit sakin at mabilis naman akong napaatras bago pa ako tuluyang tamaan ng natumbang kahoy.
May bigla namang lumapit na tatlong level 2 na lobo sakin kaya dahil sa pagkabigla ay napatrigger ako ng skill.
“Spinning blade!” I did a quick round spin at nang makalapit sakin ang tatlong lobo agad silang naglaho at namatay.
May skill pala akong ganun?
You killed a level 2 jungle wolf
You killed a level 2 jungle wolf
You killed a level 2 jungle wolf
Exp gained
Metal sword damage: 20 — 35
You have leveled up.
You have leveled up.
Shadow
Lvl. 3
HP:(300/300)
Damage: 30
Wooden Bow available in the Town Store
New skill acquired: Spinning Arrow: A skill obtained only by an archer type. After being shot the arrow automatically spins with intense speed and velocity that pierces through everything in it's way.
Halos mahilo ako sa sunod-sunod na pagbukas ng mga hologram sa vision ko. Isinet kona lang ito sa setting na maliit lang ang hugis na hologram ang magpakita sakin sa susunod para hindi sagabal sa vision ko.
Tumingin ako sa nagwawalang python at nandun pa rin siya sa posisyon niya at hindi ito mapakali na parang nilalanggam.
Siguro dahil wala na itong vision ngayon, hindi na niya nagawang umalis. Siguro parte yun ng game. Hindi ako sure.
850 pa ang average HP nito habang yung sa akin ay 300 naman.
Kaya ko 'to. Malakas akong nagbuga ng hangin tsaka mabilis na tumakbo tungo sa ahas. Umiwas ako ng talon para hindi masagi ang paa ko sa buntot na bahagi nito.
Lumapag ako sa nakakadiri niyang katawan kaya mabilis na akong tumakbo tungo sa ulo niya.
Malikot ang katawan niya kaya hindi ako nakabalanse agad at mahuhulog na sana ako pero naitarok ko agad ang espada ko sa katawan niya kaya napahiyaw ulit ito.
Mabilis ko ring inangat ulit ang katawan ko at mabilis na tinusok tusok ang katawan nito kaya dahan dahan ring nababawasan ang HP nito.
Nawalan ulit ako ng balanse pero bago pa ako tuluyang mahulog ulit tumalon na ako tungo sa leeg ng ahas at mabilis na gumawa ng skill.
"Spinning blade!" Sigaw ko at paikot akong umatake sa leeg nung ahas.
Dahil sa bilis agad naputol ang ulo nung ahas mula sa leeg nito at puno ng dugo ang katawan at espada ko ng lumapag ako muli sa lupa.
Mabilis ko namang binalik sa scabbard sa likod ko ang espada kasabay ng paglaho ng walang ulo na ngayong ahas.
You have killed a level 15 Jungle Python
Exp gained
Metal sword damage: 35 — 85
You have leveled up
You have leveled up
You have leveled up
You have leveled up
Shadow
Lvl. 7
HP: (700/700)
Damage: 70
Spinning blade Skill Leveled up :Lvl.1 — Lvl.2
Skill damage: 50 — 55
Map acquired
Sandali. May map na ako. Salamat naman at makakaalis na rin ako sa lugar nato. Siguro malayo pa ako sa Village na malapit dito kaya kailangan konang maglakad ngayon palang
••••
Gaya nga ng sinabi ko. Malayo pa talaga ako sa village na malapit sa mapa. Ang gubat pala nato ay ang pinakadelikado at pinakamalawak na gubat sa buong lugar ng laro.
Tumaas narin ang level ko hanggang Lvl. 8 dahil bawat madaan ko ay may lumilitaw na mga wolf na level 2 o di kaya ay level 3.
Tumingin ulit ako sa mapa at napansin ko ang oras sa may bandang bottom na bahagi ng map. 11 pm na pala.
Kailangan konang mag log-out dahil may klase pa ako bukas. Next time kona lang to itutuloy patungong Village.
“Gaano ba kalawak ang gubat nato?”
Binalik ko sa bag ang map at nag-sign ng letter 'L' sa ere at sabay bigla nalang para akong hinigop na naman ng kakaibang pwersa mula sa likod ko at tuluyan ng dumilim ang paligid.
•••
Agad konang tinanggal ang nerve gear sa ulo ko at mahinang napabuntong-hininga habang nakahiga parin.
May kakaiba talaga sa nerve gear na ito. Something is bothering me kung ano ba talaga ang past ng nerve gear na ito.
Instead of thinking about it nagpasya nalang muna akong matulog na dahil mag aalas-dose na at wala pa akong proper-sleep.
Bumangon ako mga alas kwatro dahil magluluto pa ako. Nagpaalam kasi si Ate kagabi na kailangan niyang mag overtime sa work kasi may hindi daw inaasahang balita na naganap sa game ng ROW online. Aksidente kumbaga.
Hindi nila alam kung ma fi-fix paba nila ang bug na naganap. Mas lalo lang daw magpapahirap nun sa game kung hindi naaayos. Pero yun naman talaga ang goal nila diba? Ang pahirapin pa ng pahirapin ang game.
Matapos kong maligo agad nadin akong nagbihis ng plain white na T-shirt lang at shorts. Bumaba na ako ng kusina at nagluto ng ulam tsaka nagsaing nadin ng kanin habang hinihintay kong maluto ang kanin nagbabasa lang ako ng favorite kong novel ni Conan Doyle.
Magandang magbasa ngayon dahil tahimik ang paligid at nag kakaroon tayo ng peace of mind.
Nang maluto na ang kanin nagumpisa narin akong mag breakfast at pagkatapos ay nagbihis na ako sa kwarto ng uniform ko. I'm walking casually patungong school ng may biglang tumapik sa kanang balikat ko. Napalingon ako rito.
“Kumusta ang birthday boy. Nag party ba kayo sa bahay nyo? Nag pool party?” Sandra said in a hyper-tone.
“Wala kaming pool.” Sagot ko naman na ikinatawa lang niya.
Sumabay na siya sa paglalakad kasama ko. Nilagay ko sa magkabilang bulsa ng pantalon ko ang dalawang kamay ko habang si Sandra naman ay nagcellphone lang.
“Jeje. Tingnan mo 'to.” Agad naman akong napalingon sa kaniya ng tumigil siya at pinakita sa akin ang screen ng phone niya.
“Ano yan?”
“Basahin mo. News yan sa ROW online. Kakapasok lang niyan ngayon.” Paliwanag ni Sandra kaya wala na akong sinabi pa at binasa nalang ang nakasulat sa news na sinabi niya.
ROWofficeNews
Just now.
Breaking news. An unexpected monster bug in the ROW online game had been eliminated by a mysterious new player in a jungle. The gaming artist proclaim's that this monster bug is not supposed to be in the game because its not an ordinary monster in the game. But a bug is a bug. And thankfully, a new unregistered player help the management to completely eliminate the bug in the game. Who is this unknown player?
2.1K likes 2.0K comments 1k share
“Grabe. After 3 years of working in this game ngayon pa talaga sila nagkamaling maglabas ng monster bug sa game? Na bo-bore naba sila dahil wala man lang silang top 10 sa larong 'to?”
“Anong monster bug naman kaya ang aksidente nilang nailabas sa game?” Kalmadong tanong ko at naglakad na ulit kami.
We reached the school gate and passes through the guards na nagmamasid sa dumadaan.
“Ang sabi dito, Jungle Python daw yun. Level 15.”
Agad akong natigil sa paglalakad kaya muntik ng may makabangga sa likod ko nang bigla akong tumigil.
“Anong problema?” Takang tanong ni Sandra.
Jungle Python yung naging monster bug sa game?paanong... Hindi ko naisip na bug pala yun. Kaya pala kataka-taka talaga ang level power ng monster nayun.
“Naisip kolang bigla.” Ako naman ngayon ang napatingin kay Sandra. “Sino naman kaya yung new player na nakatalo sa Bug na yun. I'm sure level one palang siya nun pero na manage pa rin niyang talunin yun.”
Naglalakad na kami ulit habang nag-uusap. Kita ko sa mata ni Sandra na hangang-hanga talaga siya sa player nayun kahit sa simpleng news lang na nalaman niya.
“Paano mo naman nasabing player 1 pa nga siya nung matalo niya ang monster nayun?” I asked.
Baka kasi cheater siya o kaya marami talaga sila dun at isa lang ang pinakilala nilang player na tumalo. Pero imposible namang mangyari yun. Kasi first of all, hindi ako cheater. Pangalawa, ako lang ang nandun. Hindi sa pagmamayabang pero hindi ko maiwasang humanga talaga sa sarili ko ngayong naging usapan na ang aksidenteng laban kong yun.
How did I manage to kill that thing? Honestly speaking, nabigla rin ako dun.
Pati sa loob ng room naging tsismis na ang breaking news na nilabas sa internet kanina lang.
Naupo kami sa upuan namin ni Sandra at tila wala paring tigil ang bulungan.
“Baka cheater siya. O di kaya hindi gumagalaw yung monster sa game dahil bug nga lang siya kaya naging madali lang sa player na yun ang pagtalo sa monster.”
“Posible nga yun.”
“Hindi naman ganun yun eh.”
“Ha. Anong hindi?”
“Guys. Guys! Tingnan nyo. Maraming Clan's ang naghahanap na ngayon sa misteryosong player na yun. Balak ata nilang e-recruit sa grupo nila.”
“Tama ka. Hindi malabong yun nga ang pakay nila.”
“Ano ba ang Clans?” Bulong ko kay Sandra na nag susurf din sa phone niya.
“Clans? Hindi mopa alam yun?”
“Magtatanong ba ako kung oo?” Nagbuntong-hininga nalang siya bago ako sinagot.
“Parang guild lang siya na sasalihan mo sa laro. Kung may Clan ka, pwede kanang sumali sa mga tournaments o competitions sa loob ng laro. Pero pwede ka rin namang gumawa ng sarili mong clan kung gusto mo. Yun ay kung level 25 kana.”
“Anong Clan kaba nabibilang?” Tanong ko.
“Sa BlueFire Clan ako.” She answered.
BlueFire? Ang ganda ah.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 11 Episodes
Comments