Chapter 04: Forum

Chapter 04: Forum

Jeremy's Point of View

We only had class until half day and that makes me had more time para mag grocery dahil wala ng stock ang ref namin ngayon.

Good timing talaga ang pagkakabusy ng faculty kaya i'm so excited to go home.

Nakalimutan kong dalhin yung finished project ko para man lang magka-additional points man lang. Pero anong magagawa ko kung hindi ko nga nadala.

Napansin kolang na sobrang busy ng araw nato sa school namin. Ni hindi na nga nag-ka-class hanggang afternoon. Tapos sa monday ay holiday dahil birthday ng principal ng school. Optional lang naman kung papasok kaba o hindi. Mayroon pa namang ibang guro na mag-lo-look out sa mga papasok pero sigurado naman akong mag lilinis lang kami kung dadating kami dun.

Kaya hindi ako papasok. Hindi naman siguro ako babagsak kung wala ako dun.

Just like yesterday, sabay kami ni Sandra na umuwi at ng nasa hiwalay na daan na kami, we bid our goodbye's. Kita daw kami sa Firurian Town mamaya pagkatapos ng trabaho ko sa cafe.

Oh, I forgot. Ang Firurian Town ang lugar sa WOR online kung saan ako magpapa register para maging official na akong manlalaro sa game.

Remember nung napatay ko ang monster bug nung kakapasok kopa lang sa game? Lumabas lang sa news ay ang pagkamatay ng monster bug pero hindi nila nalaman ang username ng player na pumatay dun—which is me.

I'm very grateful naman dahil yun ang nangyari. Baka kapag nakuha ko ang atensyion ng iba, baka hindi kona ma enjoy ang game na ito.

Wala akong choice kundi ang magpa-register dahil mawawala ang account kong ito kung sakaling may bug mang mangyari o mag-update ang laro.

What I need is enough time lang para mawala na ang breaking news tungkol sa nangyari. On the contrary, imposible namang mahagilap ng admins ang account ko dahil wala namang saksi sa labanan na naganap. So wala pa rin akong dapat ikabahala.

Naka uniform pa ako na nag-go-grocery ngayon dahil may pera naman akong dala and katabi lang ng cafe shop nina Sandra ang store na 'to.

Kumuha ako ng hotdog packs at nilagay sa cart at naghanap pa ako ng kakailanganin ko para sa ref namin.

“Hoy girl. Alam nyo ba ang balita? May isang unregistered player daw na nakatalo sa isang level 15 na monster bug sa WOR online. Siguro ang galing ng player nayun ano? Nakakabilib!”

Rinig kong mahinang tumili yung isang babae sa may counter banda. Tumingin ako rito at naka uniporme rin ito gaya ko. Pareho kami ng school.

Nakikinig ako sa kanila habang tinuturo turo ang mga paninda sa harap ko.

“Huy. Late news na yan. Ang mas bago ngayon ay nalaman na daw ng mga game admins ang username nung player nayun.”

“Huy, talaga?”

Ang ingay naman nila. Grocery store to hindi cafeteria.

“Oo. Tama ang sinabi ko. Siguradong hinahanap na ng lahat ngayon ang player na may username na 'Shadow' sa game.”

“Teka. Bakit nga ba nila hinahanap ang Shadow na yan ha. Monster bug lang naman yun. It's not a big deal.” Bigla namang may sumabat sa usapan nung dalawang babae na isang lalaking pataas ang buhok. Estudyante rin ito.

“Eh kasi. Hindi naman pangkaraniwang monster bug lang yung napatay ng Shadow nayun. May item drop yung monster nayun na talagang napakahalagang item na matagal ng gustong mahanap ng mga player.”

“Teka. Yun ba yung—”

“Hoy. Magbayad na nga kayo. Marami pang nakapila sa likod nyo oh. Dun sa labas nyo ituloy ang tsismisan nyo. Hay ang mga batang 'to.” Bigla naman silang sinita nung cashier na matanda sa harap nila kaya't hindi natuloy sa sasabihin yung lalaki sa kasama niya.

“Pasensya na po.” Paumanhin nung lalaki matapos magbayad at umalis na kasama ang pinamili nila.

“Oh, yung sunod na.” Saad ng cashier sa nakapila kaya't pumila na rin ako.

Nakauwi na ako ng bahay dala ang mga binili ko which is ang dami pala.

Muntik maubos yung two month's na sweldo ko. Mabuti nalang talaga at hindi nangyari yun.

Matapos kong magbihis bumalik ako sa kusina para ilagay yung mga pinamili ko sa ref.

“2:00pm” basa ko sa relo ko matapos mailagay ang mga groceries sa ref.

“Oh, Jeremy. Nag grocery kaba?” gulat akong napatingin sa likod ko at nakitang si Ate pala ito.

Ba't maaga ata siyang nakauwi ngayon?

“Ba't ang aga yata ng uwi nyo ngayon, Ate? Crush ba kayo nung boss nyo?” Biro ko dito.

“Oo.”

Ako naman ngayon ang nagulat.

“Joke lang! Eto naman. Ang dali-dali talagang mauto. Haha.” sabay humagalpak ito ng tawa.

“Ewan ko sayo, Ate.” Hindi ako tumawa sa joke niya kaya tumigil narin ito.

“Hindi naman tumalab eh. Hindi na kaya ako bata.” Sita ko naman rito.

“Wow. Sure ka? Kung ganun, hindi kana takot sa ipis?”

“H-hindi na nga! Kasasabi kolang diba?” sagot ko.

Tinaasan lang ako ng kilay nito kaya umismid lang ako. Alam niya talaga ang kahinaan ko.

“Sigurado kang hindi kana takot?” pang-iintriga pa niya sakin.

“Oo nga.” Parang may mali talaga sa titig niya eh. Hindi ko tuloy maiwasang magduda.

“Eh ano yang nasa balikat mo?”

Agad naman akong napalingon sa balikat ko at napatindig narin dahil sa sinabi ni Ate. Kumakabog talaga ng mabilis ang puso ko kapag ipis na ang pinag-uusapan.

“Oh ano na. Akala koba hindi kana bata?”

“Ewan ko sayo, ate. Nakainom ka yata eh.”

Tumawa lang ulit si ate kaya mas lalo lang akong nainis. Mukhang good mood siya ngayon ah. Ako pa talaga ang naisipang-pagtripan.

Ilang sandali ay natapos na ito sa kakatawa. Maybe stress talaga siya sa trabaho kaya siya ganito. I'm guessing she is just tired-work kaya siya ganito.

Kilala kona si Ate noon pa. Minsan nga nag-iinuman kami dito sa bahay ng kami lang. Masyado daw kasi siyang minamaliit ng mga katrabaho niya noon dahil baguhan palang siya.

Minsan naaawa na nga ako sa kaniya eh. Hindi man lang niya na enjoy ang pagiging teenager dahil todo trabaho siya noon kahit na nag-aaral pa siya, maalagaan lang ako.

She's a good and caring sister simula noon pa kaya sobrang mahal na mahal ko talaga siya. Ang dami na niyang pinagdaanan nun.

“Hoy Ate. Hoy.” tawag ko rito dahil mukhang hindi na ito nagsasalita at nakayuko lang sa couch na kaharap ko. “Huy. Tulog kaba?” tanong ko ulit.

Narinig ko nalang na humihilik na ito. Tulog nga siya. Siguradong hindi naman siya nakainom dahil hindi naman umaalingasaw ang amoy ng alak kung meron man.

Sigurado akong pagod lang talaga ito sa trabaho. Baka pinauwi lang siya dahil baka nag si-sleeping beauty na ito sa opisina niya. Baka hindi ito natulog hanggang kanina.

Binuhat ko nalang si Ate sa kwarto niya at dun pinahiga. Kinumutan ko siya at hinalikan sa noo dahilan para mapaungol lang siya at siya na mismo ang nagtalukbong ng kumot sa buong katawan niya.

“I love you, Ate.” malambing kong sabi rito.

“Love you too.” she muttered back.

I smiled bago sinara ang pinto ng kwarto niya. Knowing the thought na parang ako pa ang nagiging kuya niya, parang sumasaya tuloy ako.

Nagbabasa ako ngayon ng forum sa internet tungkol sa WOR online at marami talaga akong nalaman.

Gaya ng tungkol sa game and rules nito. About guides kung paano makahanap ng mga good mentor sa game at kung papano umiwas ng mga rogue hunter's sa game.

Ang rogue hunter's ay mga player din at isa sila sa mga bad reputation na clans sa buong game. Blood hunters ang tawag sa kanila. May suot-suot silang black na scarf at red-colored na cape na hanggang tuhod ang haba. Sila ang bumuo ng RedSoul Clan. Isa sa pinakamalalakas na Clan sa buong game. At ang nalaman kopa, si 'DarkGrim' daw ang username nung pinuno ng Clan nila.

Nabasa ko rin ang iba pang Clan nila. May tinatawag na DarkBlind Clan, BurnCreed, BlueFire—ito yung sinasabi ni Sandra na Clan niya daw. At marami pang iba.

Siguradong magugulat kayo pero talagang lampas sa isang libo ang mga Clan's na nabuo sa larong ito. Yung iba unactive na ang Clan pero yung iba naman talagang active pa talaga, at sobrang competitive dahil hindi sila tumitigil sa kakapost ng mga update nila sa Clan nila.

Hmmm. Nakaka intriga pala talaga ang mga tao sa game nato eh. Warm-up palang yung ahas. Haha.

Pinag-aralan ko halos lahat ng mga nangyayari sa game. Noon at ngayon. Marami rin akong nagugol na oras sa pag-aanalisa lang sa mga bagay nayun at hindi ko namalayan na alas kwatro na pala ng hapon.

Kailangan kona palang pumasok sa trabaho sa cafe shop. Inoff kona ang laptop ko at bumalik sa kwarto ko sa taas.

Umuulan nang papunta palang ako sa cafe shop. Siguradong marami ang customer ngayon dahil malamig ang panahon.

Hinayaan kona lang muna si Ate na makapagpahinga sa bahay. Siguradong mamaya pa ang gising nun mga 9:00 siguro. Maipagluluto kopa siya mamaya pagbalik ko.

“Oh, Jeremy. Maulan ngayon sa labas, mabuti at nandito kana.” bungad agad sakin ng kasamahan kong si Jerry. Siya ang Cashier namin dito. Matangkad siya sakin ng kunti at may bangs din ito na hanggang sa ibabaw lang ng kilay ang haba. Moreno at matangos ang ilong. Siya ang isa sa dahilan kung bakit palaging maraming customer kaming babae dito.

“Nasaan pala si Sheno? Ba't ikaw ang nag ma-mop diyan?” tanong ko bago nilagay sa tabi ang basang payong na dala ko.

“Nandito na yun maya't-maya. Wala pa namang customer kaya ganito muna ang ginagawa ko.” sagot naman niya.

“Nandito na ako! Uy, Jeje. Ba't ang aga mo yata ngayon ng 1 minute?” bungad agad ni Sheno sakin kaya napatawa nalang ako sa huling sinabi niya.

“Oh. Sheno. Magbihis kana at simulan monang mag linis sa sahig. Siguradong marami tayong customer ngayon.” utos ni Jerry rito at hinagis kay Sheno ang mop.

“Bihis na tayo, Jeje.”

“Pwede ba, Jeremy naman ang itawag mo sakin kahit minsan lang.” saad ko at naglakad na pauna sa kaniya.

“Ang cute kaya ng Jeje.” pang-aasar pa niya habang nakasunod sakin.

“Ang laswa kaya pakinggan. Para naman akong grade 1 niyan.”

“Maiba tayo. Diba naglalaro kana ng WOR online?” tanong bigla ni Sheno sakin.

Napatigil naman ako at tumingin sa kaniya.

“Paano mo nalaman na naglalaro ako?”

Tumingin naman siya sakin. “Siyempre, narinig ko kayong nag vivideo call ni Sandra nung birthday mo. So ano nga.”

“Oo. Naglalaro ako.”

“Sali ka ng Clan namin ni Jerry. WhiteBeast Clan yung samin.” aya niya sakin. “Ako magiging mentor mo sa game. Siguradong lalakas karin kagaya ko.”

“Kasama kayo ni Jerry sa Clan?”

Tumango lang siya sakin bilang tugon. Bumalik na kami sa counter at talaga namang marami na ang tao sa loob.

“Ibigay mo to sa table 1 at 2." Agad na saad ni Jerry sakin kaya mabilis din ang naging kilos ko.

“Pag-isipan mo, Jeje.”

Tumango lang ako rito at nagsimula narin siyang maglinis habang ako ay pabalik-balik na rin sa counter para sa mga order ng mga tao.

Katulad nga ng sinabi ni Jerry at nasa isip ko, marami nga ang mga tao ngayon sa cafe.

Gabi na ng makauwi ako, at sobrang pagod na ng katawan.

Hindi na rin umuulan nang nasa daan pa ako pauwi, at unti-unti ng lumilinaw ang kalangitan kahit na gabi.

Nagluto ako ng hapunan para kay Ate, at sakto namang nagising ito nang maluto ang hinanda ko, kaya sabay na kaming kumain at pumasok na rin ako sa kwarto matapos.

Naisip ko na maglaro muna bago matulog, kaya kinuha kona ang nerve gear ko at agad na sinuot yun sa ulo ko. Makakabalik na ulit ako sa game.

“Server Start!”

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play