Chapter 05: Non-Player Character

Chapter 05: Non-Player Character

Jeremy's Point of View

“Server Start!”

Isang nakakahilong sensasyon ulit ang naramdaman ko ng papasok palang ako sa game.

Grabe. Hindi ko kaya ang portal na 'to. Naisip ko tuloy na baka yung tinutukoy nilang hardcore sa game. Eh ang nakakahilong log-in portal na ito.

Mahigit 3 seconds ata ang itinagal bago ako tuluyang nakapasok na sa game at nasa gubat parin ako ngayon. Ito yung beginner's venue kung tama ang pagkakatanda ko.

"Welcome back, player!"

Bungad na bati agad sakin ng NPC kahit na hindi ko ito nakikita.

"Thank you." Kahit na para akong baliw sinagot ko parin ang NPC habang naglalakad na ako.

"Your welcome, player!"

Bigla akong napatigil sa paghakbang ng sumagot ulit ang NPC. Parang may mali. Naisip ko kung mali ba ako o tama ng pagkakaintindi pero parang. Hindi normal sa isang NPC ang sumagot sa mga player.

Baguhan ako oo. Pero hindi mawala sa isip ko na kinakausap ko ang NPc ng larong ito.

"You can talk to players?" Hindi ko alam kung sasagot ba ito ulit pero sana sumagot man lang ito. Gusto kong may mentor sa laro. And this is the perfect opportunity I guess.

"Indeed I can." Sagot nito kaya't mas lalo akong na excite sa nadiskubre ko. This is a new discovery I guess.

"Sa lahat ng player? I mean. You can talk to all players just like what we are doing now?" I can't completely believe this. Parang gusto kong magtatatalon sa tuwa dahil sa nangyayari, but luckily I controlled my poise before I can actually do that.

"The answer's the same, player!"

"Wow." Namamangha talaga ako dito.

"I believed that you are now excited, player! I'm glad you are!"

Alam niya rin na excited ako? Another wow! So posible ko nga na maging mentor ang NPC nato. Bakit hindi nilagay sa manual na pwede palang makipag-usap ang mga NPC saming mga player?

I mean. This is just great!

Nagpatuloy ang pag-uusap naming dalawa ng NPC, at sobrang nakakatuwa dahil hinayaan niya akong bigyan siya ng pangalan dahil mahirap kung laging NPC lagi ang itawag ko sa kaniya.

He agreed to my suggestion and sobrang nakakatuwa talaga na naging magkasundo kami nito. Kahit na NPC lang siya. At oo. Lalake ang NPC nato. Ayun narin yun sa boses niya.

"So, what should I call you? Hmm.." nag-iisip ako ng ipapangalan sa friend NPC ko and sobrang hirap mag-isip.

Hindi ko alam kung paano ko i-be-base ang pangalan dahil first of all, NPC lang siya. A none- playable character.

I sucks at giving names, kaya't hindi ko talaga alam ang pwedeng ipangalan.

Bigla akong natigil sa pag-iisip nang may marinig akong nag-uusap sa may di kalayuan sa akin. Are there a new player here also? Hindi ako lumapit sa kanila at inoobserbahan kolang sila.

Nakatago ako sa isang malaking puno, at kitang-kita ko ang likod nung dalawang player na mukhang seryoso ang pinag-uusapan.

Somethings bothering me na hindi sila dapat lapitan dahil hindi kopa sila lubos na kilala. Gaya ng nabasa ko sa forum. Avoid rogue hunter players. Pero hindi lang naman rogue players ang

dapat kong iwasan dahil a stranger is a stranger.

Also, because I need a low-profile. Baka ako na nga ang hot-target ng mga rogues ngayon eh.

"Masyado nang matunog ang unregistered player nayun ngayon. At baka nga nakuha na niya ang item drop na matagal na nating hinahanap dahil dun sa monster bug na napatay niya." Saad ng isang player.

Ako ata ang pinag-uusapan nila.

"Kung mananatili sa player nayun ang item malamang talo na tayo sa war tournament na mangyayari. Mabuti pa siguro—"

"Wag tayong mataranta agad, Linux." Nagsalita na sa wakas yung isang player.

Base sa itim na scarf at red cape na suot nila pareho, there's no doubt na sila nga ang rogue hunters at mga RedSoul Clan member's.

"Pero, DarkGrim. Wala na tayong oras para maging kalmado pa. Dapat ay sa susunod na linggo pa ilalabas ang monster na yun pero aksidente nila itong nailabas sa game bilang bug!" Tugon ng player na ang pangalan ata ay si Linux.

DarkGrim? Kung ganun, nandito ang pinuno ng RedSoul Clan?

"Wag tayong magpanic agad. Mga rogue hunter's tayo. Hindi magtatagal mapapasatin rin naman ang item nayun in just a short while. A test is what should we do to this player. Kaya nga nandito tayo sa gubat para hanapin siya diba? Let's try hunting this Shadow." Saad ni DarkGrim with calm and stoic voice.

Ano daw? Hunting this Shadow? Are they referring to me!

"Their planning a hunting party against you, player."

"Why did you just tell me that now!" Hindi na ako nagsayang pa ng oras at mabilis na tumakbo papalayo sa dalawang player.

I should get out of this jungle as quickly as possible, dahil baka tuluyan na nila akong mahuli.

"NPC like us is not programmed to interfere with player's conflict just like what you are experiencing right now. We are just here to be a mentor to the players not to help them win a fight."

"Nag explain kapa talaga?" Tumatakbo akong sumagot sa kaniya. Todo ingat naman ako sa mga hakbang na tinatakbuhan ko, dahil sabi nga ng NPC at nung si DarkGrim hina-hunting nila ako dito.

"I guess I just did, player. Explaining is what as NPC's do. To let players understand everything about this game."

Tumigil ako saglit sa pagtakbo and I squatted down on the ground to examine my surroundings.

"Pwede mo bang sabihin sa akin ang mga locations ng mga kalaban?" Bulong ko sa NPC.

"English please?"

I rolled my eyes after hearing his answer. Nakalimutan ko na hindi pala ito nakakaintindi ng tagalog. And I guess english is the only programmed language they can say.

"Can you show me the rogue hunter's location around me?" Ulit kong tanong.

"I'm sorry but your question is invalid to be answered. Please try another."

Kung ganun mentor lang talaga ang isang 'to. They can helped me other things and that is limited. There are question they can answer and there are not.

May namataan akong movement sa isang makakapal na bushes sa may kaliwa ko kaya't doon natuon ang atensiyon ko.

Kung ganun, napapalibutan na nila ako? That's fast!

May narinig akong yapak mula sa itaas ng mga matatayog na mga puno kaya't doon na naman ako napatuon.

They are really a rogue hunters because of there fast movments. I can't escape here kung mananatili lang akong nakatunganga.

"NPC, can I—oh. Just...never mind my asking. Hindi mo naman masasagot ang tanong ko eh." Itatanong kolang sana kung saan ang pinakaligtas na daan paalis ng gubat pero naisip ko din na hindi rin naman yun programmed na sagutin ng NPC kaya't hindi kona lang tinuloy.

"The last thing you said is not english so can you said it again, player?"

Napapikit nalang ako sa sobrang inis. Ang hirap din palang maging kaibigan ang computer minsan.

Bigla akong naalarma nang may paparating na palaso sa direksiyon ko mula sa itaas, kaya't mabilis akong nagpagulong paabante. Muntik na ako dun ah?

"A hunter is attacking you from above."

Sobrang late na siyang mag inform. Naiinis na talaga ako!

Mabilis akong bumangon dahil may paparating na namang palaso na rumaragasa sa ere tungo sakin. Hinugot ko ang metal sword sa likod ko at mabilis na sinangga ang mga palaso in an extreme speed.

Pabilis ng pabilis ang bulusok ng palaso sa akin kaya't I'm left with no other choice kundi ang i-activate ang first skill ko.

"Spinning blade!" Mabilis na umikot ang katawan ko at mabilis na nasangga ang halos lahat ng mga palaso.

From their positions and the actual change of speed ng pagbubulusok ng palaso sa akin, malamang tumatakbo sila sa 'kin habang pinapana ako.

Tumigil ang pagpapaulan nila ng palaso at mabilis na akong tumakbo paalis dun. May bitag akong natapakan sa lupa kaya't mabilis na may pumulupot sa dalawang paa ko na tali at inangat ako nito paitaas.

Pero hindi kona yun pinatagal at mabilis ko itong pinutol gamit ang espada ko. Nakalapag ako muli sa lupa at may bumulusok ulit na palaso sakin kaya't muli na naman akong napatakbo para iwasan lang akong matamaan.

May isang maliit na deer akong namataan apat na metro ang layo mula sakin. Napalingon ako sa likod at patuloy pa rin ang pagpapaulan ng mga palaso sakin, kaya't naisip ko na kargahin ang deer sa bisig ko nang madaanan ko ito. Ilang segundong pagtakbo nilapag kona sa isang ligtas na lugar ang deer at mabilis na lumihis ng daan para hindi ito tuluyang madamay sa patuloy na pagsunod sakin ng mga palaso.

"That was an act of kindness you did back there, player!"

Kahit na pagod ako sa kakatakbo hindi ko mapigilang mapangiti. Seriously. Napansin yun ng NPC?

"Thanks?" Sagot ko sa pagitan ng pagtakbo.

"Your always welcome, player!"

Mas lalo lang akong ginanahan sa pagtakbo at sa tingin ko, hindi na ako mukhang napapagod ngayon dahil sa simpleng palitan lang namin ng sagot. I still can't believe na nakakausap ko ang NPC na ito.

Nang makaliko ako, agad naman akong napahinto ng makita ang nakaabang na pala sakin sa may di kalayuan kong posisyon.

A black scarf, a red cape and a stoic face. There's no doubt this player is a rogue hunter member.

"NPC, can you identify the player infront of me?" Saad ko ng tutok parin ang tingin sa lalake. Ganun din naman siya and no one dares to blink even a second.

"He is a rogue hunter, player."

Alam ko naman yun.

"I mean his IGN. What is his IGN?" I asked again.

"I'm afraid I can't tell you that, player. It is one of the forbidden rules we NPC's cannot disobey. If you really wan't to know his IGN you should ask for a handshake from him. In that way, you can surely see his IGN."

Nag suggest pa talaga siya. Hindi ba niya alam na kalaban ko ang isang 'to.

"You should not be afraid, player. I'm not here to hunt you." Biglang nagsalita ang lalaki.

"Oh, is that right? Kaya pala muntik na akong mamatay sa mga palaso at bitag mo kanina." I sarcastically answered back.

Napatawa siya and that just make his stoic and calm face more intimidating than usual.

"I'm sorry. I just can't help to control my laughter~" he said while supressing his evil and mysterious smiles.

Hindi ako nagsalita at nanatili lang na nakatitig sa kaniya.

"I think his crazy, player."

"Just call me Jeremy ok?" Bulong ko rito.

"Copy that, jeje."

Nabigla ako sa tinawag sakin ng NPC. Sinabi ko namang Jeremy ang itawag niya sa 'kin diba? Bakit ngayon naging 'jeje' na?

Sumasabay na siyang tawagin ako ng ganun? Alam niya kaya na jeje rin ang tawag ng mga kaibigan ko sakin sa real world? Imposible yun.

"I had a one condition for you."

I-co-correct kona sana ang NPC sa pagtawag niya sakin ng jeje pero nauna ng magsalita itong kaharap ko. Bumalik sa pagiging kalmado ang boses at mukha niya.

I think he is just younger than me or siya ang matanda sakin ayun narin sa avatar niya.

White long hair na medyo abot sa pisnge ang bangs nito sa sobrang haba.

Samantalang yung sa akin ay wala man lang ka bangs bangs.

"I don't have time for your game." Sagot ko at akmang aalis na ng bigla ulit siyang magsalita.

"Oh, I'm sure you will." He said again.

Naiinis ako sa lalaking to.

"One million kapalit ng item drop na binigay sayo ng monster bug ng jungle python. Pwede na rin diba? Think of that as my cheapest offer." Seryoso niyang sambit with a very intimidating aura na nakatitig sakin.

He talks about the item drop na binigay daw sakin nung matalo ko ang jungle python.

But I wonder kung bakit wala naman akong natanggap na ganung klase ng notif na magsasabing may natanggap nga akong item drop.

"NPC, can you search from my bag if I have an item drop from the jungle python, please?" Agad kong bulong.

"Just a moment...Oh. Truly there is a locked notification here which is the item drop from your defeated jungle python. I believe this is what your looking for, master."

Kanina jeje, ngayon master naman. Pero mabuti nalang siguro kung master nalang ang itawag niya sa 'kin. Mas hindi ako na ci-cringed kapag yun ang sinasabi niya.

"So what's your answer, Shadow." Saad muli nito sakin.

"I believe he just called you by your IGN, master. Did you do the handshake procedure I said?"

"No that's not what happened." Sagot ko. "He really knows me beforehand."

"Oh. I see. So what's your play now?"

Para siyang partner ko na lagi lang sumusunod sa mga desisyon ko.

"May locked notification ako rito pero hindi kopa yun kayang buksan. I believe baka ito na nga yung item drop na hinahanap niyo."

Mukhang naintriga agad siya sa sinabi ko pero seryoso pa rin ang mukha niya.

"A locked notification means... You have to achieve a certain three required things to unlock it, tama ako diba?" Tanong nito sa 'kin which is tumango lang ako.

Nalaman ko sa forum ang about sa locked notification na ito. Nangyayari ito kapag yung isang player ay may natalong monster at nabigyan siya ng item drop mula rito. Mapupunta agad sa locked notification ang item drop nayun.

Ma-a-unlock lamang ang item drop nayun sa tatlong requirements na ito;

                  1.) A player with a locked notification should go to the near town to register his IGN account to be an official player of ROW online.

                 2.) A player with a locked notification must attend or participate a certain and official  tournament's events. (3) tournaments should be done to unlock the said locked notification.

               3.) A player with a locked notification should be a lvl 20 player and one of the top ten of the local ranking. Without this requirements, a player can't open the locked notification and after 6 months, this item drop will dissapear if not opened.

Ganun yung nabasa ko.

Rare case na rin ang magka-locked notification kapa dahil sa tagal na ng larong ito. Kaya naman nabigla ako ng sabihin ng NPC na may locked notification nga ako.

Matapos ng ilang segundo ay umalis na rin ang mga rogue hunters sa paligid para huntingin ako.

Ano pa nga ba ang magagawa nila kung locked notification nga ang item drop na ito. Wala silang magagawa kundi maghintay hanggang sa matapos ko ang tatlong requirements.

"This is exciting. Master."

Napangiti naman ako. "Sure it is."

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play