Knight Magician (Tagalog)

Knight Magician (Tagalog)

Chapter 1

Isang gabi habang nakasakay sa bus ang isang babaeng nakasuot ng oversized sweater, leggings at flat shoes. May mahabang buhok ito at balingkinitan ang pangangatawan.

Malalim ang kanyang iniisip habang nakadungaw ito sa bintana ng nasabing bus.

 

"Hay! Kailan kaya ako magkaka-jowa?" Buntong hiningang sabi nito sa sarili.

Huminto ang kanyang sinasakyang bus sanhi ng matinding trapik. At natanaw nya ang isang malaking naka-display na balloon na itsurang isang manok sa may labas ng Puregold dito sa kahabaang mainroad ng Moonwalk, Las Piñas.

Samantala, sa isang dyip na nasa may tagiliran ng bus kung saan nakasakay ang isang chubby na babae na may maigsi ang buhok. Nakasuot ito ng printed t-shirt, pencil skirts at platform sandals. Abala ito sa paglalaro sa kanyang cellphone ng Mobile Legends.

"Putik! Sayang grandmaster na sana ako! Bwiset!" Dismaya nito sa kanyang nilalarong games. At napadungaw na lang ito sa bintana ng dyip at nakita nya ang malaking balloon na manok.

At sa di kalayuan ay naglalakad ang isang lalaking nakasumbrero at nakasuot ito ng stripes polo, jeans at rubber shoes. Patawid ito sa mga nagsisiksikang sasakyan sa kalye.

"Lagot ako! Late na ako sa gigs namin ng mga kabanda ko." Madali nito sa pagtawid at bumungad sa kanyang harapan ang nasabing manok na balloon.

Napatitig ang tatlo sa nasabing chicken balloon at maya-maya'y tila nagkabuhay ito at winagaspas pa ang mga pakpak nito. Nagulat sila sa kanilang nasaksihan. At unti-unting lumiwanag ang buong katawan ng chicken balloon at bumalot ang liwanag nito sa buong kapaligiran.

"H-ha?! Anong nangyayari?!" Sabay-sabay na sabi ng tatlo sa nakakasilaw na liwanag.

At sa isang iglap ay natagpuan na lamang nilang tatlo ang kanilang mga sarili na nakasakay na pala sila sa noo'y chicken balloon na ngayo'y isang tunay na dambuhalang malaking manok. Ang kinaibahan lamang ay naging makulay na ang mga balahibo nito kumpara sa dating puting kulay nito. Kasalukuyang lumilipad ito sa malawak at mahanging himpapawid at hindi nila alam kung saan sila nito dadalhin.

"Nasaan na tayo? At kayo? Sino kayo? At ano 'to?" Takang-taka na tanong ng babaeng may mahabang buhok sa dalawang kasama nya ngayon.

"Aba malay ko? Tanungin ba kami? Hindi ko nga rin alam kung bakit tayo nandirito ngayon?" Pameywang na sagot ng babaeng may maigsing buhok.

"Uy, tignan nyo!" Turo naman ng lalaking nakasumbrero.

Mula sa umagang kalangitan na nababalot ng mga makakapal na ulap ay tumambad sa kanilang paningin ang magandang tanawin. Makikita mula sa ibaba ang kulay asul na karagatan. May malaking nagyeyelong bundok sa 'di kalayuan. At makikita ang luntiang kagubatan.

"Paano tayo napunta sa ganitong klaseng lugar?" Muling tanong ng babaeng may mahabang buhok.

"Pwede ba? Wag kanang tanong ng tanong dyan? Dahil parehas mo hindi rin namin alam ang sagot sa mga tanong mo!" Bulaslas ng babaeng may maigsing buhok.

"Tama ka dyan." Sang-ayon ng lalaking nakasumbrero sa babaeng maigsi ang buhok. "Ang mabuti pa'y magpakilala muna tayo sa isa't isa." Suwestiyon nito.

"Korek! Anyway, ako nga pala si Madeleine Atienza. Just call me na lang Madel for short." Pakilala ng babaeng may maigsing buhok.

"Ako naman si Rochelle Rambongga. Tawagin nyo na lang ako sa nickname kong Cheng." Pakilala naman ng babaeng may mahabang buhok.

"At ako naman si Paolo Tagalag. Nice to meet you guys." Ngiting pakilala rin ng lalaking nakasumbrero.

Lumapag ang malaking manok sa kagubatan malapit sa may ilog. Agad na bumaba ang tatlo at muling lumipad palayo ang malaking manok.  Sinalubong sila ng isang matipunong lalaki na may kulay bughaw na kasuotan na pang mandirigma. Magkahalong bakal at tela ang baluti nito. Nakasuot ito ng leather boots. Medyo may kahabaan ang buhok nito.

Nagsalita ang nasabing lalaki ngunit hindi nila maintindihan ang sinasabi nito dahil ibang wika ang binibigkas nito.

"Ano raw? Hindi ko maintindihan ang sinasabi nya?" Kunot noo ni Paolo.

At nilapitan ito ni Madel. "Tao ba 'to o bagay? Nakikita ba 'to sa kusina?"

"Sira! Pinoy Henyo naman yang ginagawa mo!" Batok ni Rochelle kay Madel.

Lumapit ang lalaki kay Rochelle at agad syang hinalikan nito sa kanyang mga labi.

"Manyak!" Sabay sampal ni Rochelle sa pisngi ng lalaking humalik sa kanya ng walang paalam.

"Aray ko! Ang sakit nun ha? Bakit mo ko sinampal?" Napahawak sa pisngi nitong sabi kay Rochelle.

"H-ha? Naiintindihan ko na ang sinasabi nya ngayon?" Gulat ni Rochelle.

"Kami rin Cheng, naiintindihan na din namin ang kanyang sinasabi." Biglang sabi ni Paolo.

"Talaga, Pao? Pero pa'no?"

"Nang dahil siguro sa halik nya sayo kanina?" Sagot ni Paolo.

"Tama ka binata. Kaya ko sya hinalikan upang magkaintindihan ang ating mga wika. At dahil sa iisang mundo lang kayo nagmula kaya't kahit hindi ko hinalikan ang bawat isa sa inyo ay sapat na ang halik ko mula sa magandang binibining ito dahil kunektado kayo sa isa't isa." Paliwanag nito sa kanilang lahat.

"Sayang dapat pala ako na lang hinalikan nya kanina! Gusto ko pa namang makatikim ng foreigner!" Hinayang na sabat sa kanilang usapan ni Madel.

"Ingitera!" Asar ni Paolo kay Madel.

"Tse!" Irap ni Madel kay Paolo.

"So, ikaw pala ang dahilan kung bakit kami nandirito ngayon?" Taas kilay na hinarap ni Rochelle ang misteryosong lalaki.

"Oo ako nga." Pag-amin nito.

"At anong dahilan mo, aber?" Pameywang ni Rochelle.

"Dahil kayo ang dinala ng mahiwagang Sarimanok* dito sa Absilyon at ang ibig sabihin nun ay kayo ang tinakdang maging Knight Magician." Siwalat nito.

"Anong sabi mo? Absilyon? Knight Magician? Hindi ko maintindihan? Teka nasa Pilipinas pa ba kami?" Maraming tanong ni Rochelle dito.

"Nandito kayo sa planetang Absilyon." Diretyang sagot pa nito.

"What?! Niloloko mo ba kami?!" Kinuwelyohan ni Rochelle ang lalaking mandirigma.

"OMG! Tambak pa yung mga labahin ko sa bahay! Pa'no ba tayo makakauwi kaagad!" Sabat naman ni Madel.

"Ano ka ba naman, Madel? Yung mga labahin mo pa inaalala mo sa sitwasyong ito!" Bulaslas ni Paolo.

"Hindi ko kayo niloloko. Kung gusto nyong makabalik sa dati nyong mundo ay kailangan nyo munang tapusin ang inyong misyon bilang mga Knight Magician." Paliwanag nito.

"Weh di nga? Seryoso?" Hindi pa rin makapaniwala si Rochelle sa mga sinasabi nito.

"Seryoso ako!" Sigaw nito sa kanilang lahat at natahimik silang tatlo. At malungkot na muling bumaling ito sa kanila. "Kaya ko kayo dinala dito dahil kailangan ko ang inyong tulong laban sa naghahasik ng lagim ng mga taga Murk Empire. Pakiusap, tulungan nyo ako."

Patlang…isang mahabang katahimikan. Huminga ng malalim si Paolo.

"Kung yan lang ang tanging paraan para makabalik muli kami sa dating naming mundo, sige pumapayag na ako." Payag ni Paolo sa kanilang misyon.

"Ako rin pumapayag na din." Sang-ayon din ni Madel.

"Sige na nga, payag na rin ako." Napilitang pumayag na rin ni Rochelle na sumama sa misyon.

"Salamat sa inyong pang-unawa mga Knight Magicians. Sya nga pala, ako si Ryle Patterson. Isa rin ako sa mga Knight Magicians tulad nyo."

 

*SARIMANOK

A Sarimanok is a magical, mythical flaming bird who brings good luck to anyone who are able to catch it. Some say it is a pet of Engkantos. A Sarimanok known as Magaul is associated with the legend of Malakas and Maganda. Magaul was the Sarimanok bird that pecked the bamboo from where Malakas and Maganda were born from.

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play