Chapter 2

Murk Empire, kung saan nakatayo ang malaking kastilyo nito sa tagong parte ng Absilyon. Madilim ang lugar na kinatatayuan nito. Maraming mga matutulis na punong-kahoy ang pumapaligid dito. Gawa sa batong kulay itim ang nasabing kastilyo. At may mataas itong dalawang tore.

Nakaupo sa trono ang Emperor ng Murk Empire. Nakasuot ng kulay itim na pang-haring kasuotan ito at may mahabang puting buhok. Medyo may edad na ang itsura nito dahil may maaaninag na ang wrinkles sa mukha nito.

Makikita sa paligid ang mga lampara nakadikit sa  magaspang na dingding at nagmimistulang mga ilaw ito. May katamtamang laki naman ang mga bintana dito.

Nakatingin ang Emperor sa malaking bilugang salamin. Mula sa salamin ay makikita ang naglalakad na mga Knight Magician sa kakahuyan. May kakayahang makita ng mahiwagang salamin na ito na parang CCTV Camera na kahit sa malalayong lugar.

"Mahal kong Emperor Zyke. Totoo bang nandito na ang mga itinakdang maging Knight Magician?" Pasok sa malaking pintuan ng tanglawan ng isang magandang babae na maala-Cleopatra. Sobrang bango ng pabango nito kaya't maaamoy ito sa buong paligid. Nakasuot ito ng magarang pang-reynang kasuotan na kulay ube. Nakapuson ang kulay brown na buhok nito. May kasama itong dalawang alagad na babae.

"Oo, mahal kong Empress Soriah. Nandito na nga ang mga Knight Magician." Sagot ni Emperor Zyke.

"Hindi maaari ito! Kailangan natin silang magapi sa lalong madaling panahon! Hadlang sila sa ating mga plano!" Nagngingitngit sa galit si Empress Soriah nang makita nya sa mahiwagang salamin ang mga Knight Magician.

"Ipapadala ko ang ating hukbo upang tugisin sila." Sabi ng Emperor.

"Hindi sila sapat upang magapi ang mga Knight Magician! Ayon sa propesiya, may tinataglay silang mga kapangyarihan!" Giit ng Empresa.

"Kung sabagay, tama ka nga, Empress Soriah." Sang-ayon ni Emperor Zyke sa kanyang asawang si Empress Soriah.

"Ako nang bahala sa kanila, Emperor Zyke." Mungkahi nito at bumaling ito sa dalawa nyang mga alagad. "Marigona, Odessa! Humayo kayo't tugisin nyo ang mga Knight Magician!" Utos nito sa kanyang mga alagad.

"Masusunod po kamahalan!" At nagpalit anyo ang dalawang alagad mula sa pangkatulong na kasuotan ay naging baluting pangdigma. Lumabas ang tila pakpak ng dragon sa likuran ni Marigona at mga kalamay naman ng tila sa oktopus ang kay Odessa. At naglaho sina Marigona at Odessa ng parang bula.

---------------------------------------------------------------------------------

"Gutom na 'ko, Ryle. Meron ba tayong kahit na anong makakain dyan?" Reklamo ng sikmura ni Madel.

"Kinalulungkot ko, Madel. Pero manghuhuli pa tayo ng isda dito sa may ilog para makakain tayo." Sabi ni Ryle.

"Ano ba yan?! Anong petsa na! Tirik na mga mata ko sa gutom bago pa tayo makahuli ng isda!" Banas ni Madel.

"Pwede ba, Madel? Wag kana magreklamo dyan! Eh kung nagsisimula na tayong maghuli ng isda para makakain tayo kaagad!" Bara ni Rochelle kay Madel at naghahanda na ito sa panghuhuli ng isda.

"Ok fine! Manghuhuli na nga ako noh!" Yamot ni Madel.

Lumusong si Rochelle sa malamig na tubig ng ilog. Tirik ang araw pero hindi naman gaanong mainit ang panahon dahil sa masarap ang simoy ng hangin.

Malinaw ang tubig kaya't madaling makikita kaagad ang mga lumalangoy na isda. Ginamit ni Rochelle ang dalang net na panghuli ng isda. Ngunit bigo syang makahuli dahil mabilis makatakas ang mga hinuhuling isda.

Nilingon ni Rochelle ang mga kasamahan na abala rin sa panghuhuli ng isda.

"Buti pa sila nakahuli na ng isda. Samantala ako, nganga!" Sabi ni Rochelle sa sarili.

At sa 'di kalalimang parte ng ilog ay may nakitang nagkukumpulang maraming isda si Rochelle.

"Wow! Jackpot!" Tuwa ni Rochelle sa nakita.

Huhulihin na sana ni Rochelle ang mga isda nang lumabas ang malaking isda na mayroon matutulis na mga pangil. Agad syang dinakma nito at hinihila pailalim ng tubig sa ilog.

"T-tulong!" Sigaw at hingi ng saklolo ni Rochelle sa mga kasama.

"Rochelle!" Dali-daling pumunta silang lahat sa kinaroroonan ng nalulunod na si Rochelle.

"Anong klaseng nilalang yan?" Gimbal ni Paolo sa halimaw na isda.

"Mag-ingat kayo! Isa yang Berberoka!"* Babala sa kanila ni Ryle.

"Anong gagawin natin para mailigtas si Rochelle?" Alala ni Madel.

Pilit pa rin kumakawala si Rochelle sa paghila sa kanya ng Berberoka kasabay ng mga wilasik ng tubig sa ilog.

"Magsitabi kayo, Paolo at Madel!" Utos ni Ryle at tumabi sa gilid ang dalawa.

Pumikit si Ryle at tila biglang lumakas ang ihip ng hangin at namuo ito sa kanyang mga palad. Winagaspas nito ang kanyang kamay papuntirya sa Berberoka. "Amihan's Breeze!"° Wika nito sa kanyang kapangyarihang hangin na may wangis ng isang agila.

Umatake ang hangin na agila mula sa Berberoka at naging ipo-ipo ito kaya't tumilapon si Rochelle pakawala sa halimaw.

Kumalat sa tubig ang kulay berdeng dugo ng Berberoka sanhi ng pagkawasak ng parte ng katawan nito. At ligtas na yumakap si Rochelle kay Ryle dahil sa pagligtas nito sa kanya.

"S-salamat sa pagligtas mo sa akin, Ryle." Maluha-luhang pasalamat ni Rochelle dito.

"Walang anuman, Rochelle. Katungkulan kong iligtas ang kapwa ko Knight Magician." Yakap din nito kay Rochelle.

---------------------------------------------------------------------------------

Sumapit ang gabi at tanging liwanag ng buwan at bonfire na kanilang ginawa ang makikita sa madilim na paligid. May maririnig na mga kuliglig. At naglalabasan na ang mga alitaptap na parang ilaw ng christmas lights.

"Sabi nila kapag may alitaptap daw sa isang lugar, ibig daw sabihin nun ay malinis daw ang hangin dito. Dahil sa malinis lang na hangin nabubuhay ang mga alitaptap." Kwento ni Paolo habang nakaupo at nakapalibot silang lahat sa may bonfire.

"Ah? Kaya pala wala na kong nakikitang mga alitaptap sa may Maynila dahil puro polusyon na dun." Sabi ni Rochelle.

"Hindi pa ba tayo matutulog? Inaantok na ko." Hikab ni Madel at sabay higa sa madamong lupa.

"Sige, matulog kana, Madel. Ako nang bahalang magbantay sa inyo dito." Sabi ni Ryle.

"Ang sweet mo naman, Ryle. Kaya hindi ako magtataka kung may mahuhumaling sayong mga kababaihan. Diba, Cheng?" Tukso ni Madel kay Rochelle.

"Dhel, wag ka ngang ano dyan!" Namula sa hiya si Rochelle.

"Sus kunwari ka pa! Alam ko namang bet na bet mo si Ryle noh?" Prangkang sabi pa ni Madel.

"Tumigil ka na nga dyan, Dhel! Nakakahiya naman kay Ryle!" Irap ni Rochelle.

"Oh sya sya! Goodnight na! I need beauty rest na okay."

"Rest lang, Madel. Walang beauty!" Pagbibiro ni Paolo kay Madel.

"Hoy! Mr.Tagalag! For your information, naging Muse kaya ako nung highschool!" Pagmamalaki ni Madel.

"Weh di nga? Mamatay man buong angkan?" Pang-aasar pa ni Paolo.

"Charot lang noh! Actually, treasurer ako nung highschool. Ano? Masaya kanang bwiset ka!" Pag-amin ni Madel.

Tawanan silang lahat sa biruan nila.

Ligid sa kanilang kaalaman ay may lihim na nagmamasid sa kanila sa paligid. Isang pulang mga mata na nanlilisik.

---------------------------------------------------------------------------------

*BERBEROKA

The people from Apayao, Abra and Ilocos Norte believe in and fear a swamp creature called Berberoka. It lures victims by sucking water in the pond enough for a number fish to come to the surface. When the potential victims get attracted to the school of fish, the Berberoka drowns them by hosing water and swallowing them afterwards.

°AMIHAN

Amihan is a genderless deity that is depicted as a bird in the Philippine mythology. According to the Tagalog folklore, Amihan is the first creature to inhabit the universe, along with the gods called Bathala and Aman Sinaya. In the legend Amihan is described as a bird who saves the first human beings, Malakas and Maganda from a bamboo plant. Amihan is also a word used to describe monsoon weather which occurs early in the year in the Philippines.

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play