Chapter 3

...

...

Mahimbing sa pagkakatulog ang mga Knight Magicians nang gumulantang sa kanila ang mapanghalinang huni ng isang hindi malamang nilalang.

"H-ha? Anong tunog yun?" Naalipungatan na bumangon sa pagkagising si Rochelle sa kalaliman ng gabi.

"Magsihanda tayong lahat! Nasa panganib tayo!" Babala ni Ryle kay Rochelle.

"Anooo!" Tuluyang nagising ang diwa ni Rochelle sa sinabi ni Ryle sa kanya. Agad nyang ginising sa pagkakatulog sina Paolo at Madel.

"Anong meron, Cheng? Ang ganda-ganda ng panaginip ko, ginising mo pa ako! Kokoronahan na nga sana ako bilang Miss Universe. Panira ka talaga!" Kamot ni Madel sa kanyang ulo.

"Bakit? May problema ba?" Usisa ni Paolo.

Na sinagot naman ni Ryle. "Oo, malaki! Sobrang laki! Kailangan na nating makatakas dito ngayon din!"

At biglang lumitaw sa kadiliman ng kagubatan ang isang dambuhalang ahas.

May mabalahibong sungay ito, may mahabang dila at kulay pula ang parteng noo nito.

"Ito ang kinakatakutan ko. Ang makaharap natin ang Marcupo!"*

Bumuga ang Marcupo ng berdeng likido.

"Magsiilag kayo!" Ilag ni Ryle sa nasabing likido ngunit natamaan ang isang paa nito ng kamandag ng Marcupo.

"Ryle!" Alalang sigaw ni Rochelle sa nangyari kay Ryle.

"Wag nyo kong alalanin! Kailangan nyong magapi ang Marcupo bago pa tuluyang kumalat ang kamandag nito sa buong katawan ko!" Namimilipit sa sakit si Ryle sanhi ng kumakalat na kamandag nito.

"Hindi namin alam ang gagawin? Wala kaming kapangyarihang gaya mo, Ryle!" Sabi ni Rochelle habang umiilag silang tatlo sa kamandag na likido mula sa Marcupo.

"Pa'no natin ito matatalo? Wala tayong kahit na anong armas man lang." Pangamba ni Paolo.

"Oo nga!" Tumatakbong ilag ni Madel sa mga likido na parang asido.

"Gamitin nyo ang puso't isipan nyo. Doon lalabas ang tunay nyong kapangyarihan." Napahiga si Ryle at nanghihina na ng tuluyan.

Natamaan ng kamandag na likido sina Paolo at Madel. At hinampas ng buntot ng Marcupo si Rochelle kaya't tumilapon sya sa damuhan.

Namilipit sa sakit sina Paolo at Madel kaparehas ng nararanasan ni Ryle.

Muling tumayo si Rochelle. Tuliro at hindi nya malaman kung anong gagawin para iligtas ang mga kasama nya. Hindi nya matiis ang paghihirap ng mga ito.

"Anong gagawin ko? Kapag hindi ako kumilos? Maaring katapusan na naming lahat ito?" Sabi nya sa sarili at inalala ang mga sinabi ni Ryle upang ilabas ang kanilang kapangyarihan.

Pumikit si Rochelle. Ginamit nya ang kayang puso't isipan. Pilit nyang inaalis sa isip ang nangyayari sa paligid. Ilang sandali, tila may nararamdaman syang init sa loob ng kanyang pagkatao. Umaalab ito na parang nag-aapoy na damdamin.

"Minokawa's Flame!"° Nasambit ni Rochelle. At biglang lumabas ang nag-aalab na apoy sa kayang mga palad at lumikha ito sa hugis na tila isang Phoenix.

Winagayway nya ang kanyang kamay papuntirya sa halimaw. Umatake ang nag-aapoy na Minokawa sa Marcupo. Nilamon ito ng malakas na apoy at tuluyang naging abo.

Biglang nawala ang mga kamandag na kumakalat sa katawan kina Ryle, Paolo at Madel matapos maglaho ang Marcupo.

"Binabati kita, Rochelle! Isa kanang ganap na Knight Magician." Galak na lumapit si Ryle kay Rochelle.

"Salamat!" Ngiti nya at hanggang ngayon ay hindi pa rin sya makapanilawa sa pangyayari.

---------------------------------------------------------------------------------

"Maglalayag tayo patungo sa bayan ng Marville." Sabi ni Ryle habang tinutulak nito ang kanilang bangka sa may dalampasigan.

"At ano naman ang gagawin natin sa Marville?" Tanong ni Rochelle.

"Hahanapin natin ang kilalang Panday doon upang gawan tayo ng ating mga armas pangdigma.

"Ah ganon ba? Sige arya na!" Sabat sa usapan ni Madel na kanina pang nakasakay sa bangka.

"Langya yan? Kaya pala mabigat 'tong bangka kasi nandyan ka!" Bulaslas ni Rochelle kay Madel.

"Tara na! Nang matapos na natin kaagad ang misyong ito." Sakay ni Paolo sa bangka.

Inabot nila ang kalagitnaan ng karagatang Sipiko at pagod na sa pagsagwan sina Ryle at Paolo.

"Magpapahinga muna kami ni Paolo sandali" Pahinga ng dalawa.

"Wala na bang ibang paraan para makarating tayo sa Marville? Dyosko! Aabutin tayo ng taon dito sa laot bago tayo makarating sa pupuntahan natin!" Dismaya ni Madel.

"Sa pagkakataong ito. Sumasang-ayon ako sa sinabi ni Madel. Wala bang shortcut na pwede nating daanan?" Sabi ni Rochelle.

"Meron naman kaso delikado." Pag-amin ni Ryle.

"Paanong kadelikado? Buwis buhay ba?" Iritang sabi ni Madel.

"Oo, kailangan lang naman nating dumaan dun sa buhawing tubig." Ngusong turo ni Ryle sa hindi kalayuang Bermuda Triangle.

"H-ha? Wag mong sabihing kailangan nating lumusot dyan sa loob ng Bermuda Triangle?" Gulat ni Rochelle.

"Tama, walang halong biro." Tiyak na sagot ni Ryle sa kanila.

"Diosmio! Parang pagtitiwakal na ang gagawin natin kapag lumusong tayo dyan! No way!" Pagtataray ni Madel.

"Ako gusto kong subukan." Matapang na sabi ni Paolo.

"Whattt?! Nasisiraan kana ba, Pao?"

"Hindi ako nasisiraan ng bait, Madel! Kaso, kung ito lamang ang tanging paraan para makarating tayo sa Marville ng mabilisan. Hindi ako magdadalawang isip na tumuloy sa Bermuda Triangle!" Giit ni Paolo.

"Oh tama na yang bangayan nyong dal'wa dyan." Awat ni Ryle kina Madel at Paolo. "Nakapagpasya na ako. Lulusong tayo sa buhawing tubig na yan dahil pagod na pagod na'kong magsagwan!" Diin nito.

Walang nagawa sila Rochelle at Madel kundi sumunod sa binabalak nila Ryle at Paolo. At sinagwan ng dalawang lalaki ang kinaroroonan ng nasabing Bermuda.

"Amanamin sumasalangit ka sambahin ang ngalan mo!" Dasal ng natatakot na si Madel.

"Heh! Tumigil kana nga dyan sa dasal mo, Madel! Mas lalo lang akong natatakot sa pinag-gagagawa mo!" Gigil ni Rochelle.

"Eh magagawa ko! Mukhang katapusan na natin 'to!"

"Katapusan? Hoy! Kakaakinse palang noh! Kakasweldo ko lang kaya nung nakaraan!"

"Cheng, wag kang patawa seryoso ako!"

"Hindi ako patawa, shunga!"

"Mas shunga ka!"

At nagsabunutan ang dalawang pobreng babae.

"Kumapit kayo, lulusong na tayo!" Handa sa pagkapit ni Ryle sa bangka.

"Ahhhhhhhhh!" Tili nina Rochelle at Madel kasabay ng mga malalakas ng alon sa dagat pailalim sa nakakatakot na mata ng Bermuda Triangle.

Para silang sumakay ng rollercoaster. Paikot-ikot at hindi malaman kung saan sila dadalhin ng agos. Nakakakilabot ang tunog ng pag-agos ng tubig sa dagat. Halos nakapikit at hindi humihinga sa takot sila Rochelle at Madel.

Narating nila ang pinaka-sentro ng Bermuda. At tumilapon silang lahat sa lakas ng impact nito at nawasak ang lunan nilang bangka. Natagpuan nila ang mga sarili sa isang maputik na kweba.

"Nakarating din tayo sa wakas!" Bangon ni Ryle mula sa pagkakatumba.

"Eto pala yung pinakaloob ng Bermuda Triangle?" Suri ni Paolo sa paligid.

"Ano na namang klaseng lugar 'to?" Medyo masakit ang katawan na lumakad si Rochelle.

"Wala na bang katapusan itong paghihirap na pagdadaanan natin?" Reklamo ni Madel.

"Wag kayong mag-alala. Ito ang lagusan patungo sa bayan ng Marville." Sagot ni Ryle.

---------------------------------------------------------------------------------

*MARCUPO

A Marcupo or Makupo is a giant serpent in Philippine mythology (specifically among the Hiligaynons). Its characteristics include a prominent red crest on its head, a long tongue with thorn like hairs, sharp tusks, and a forked tail. It is said that the Marcupo can spit venom much like a cobra. Moreover, the Marcupo is also known to sing sonorously during quiet days. Its main habitat is in heavily forested mountains.

°MINOKAWA

Minokawa is a giant, dragon-like bird in Philippine legends. Early people believed this creature is so big that it can swallow the sun to explain the occurrence of eclipses.

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play