Chapter 4

Binaybay nila ang mahaba at medyo madilim na lagusan ng kweba. At nadaanan nila ang mga bangka at barko na wasak-wasak. Ito ang mga sasakyang pangdagat na nahigop mula sa loob ng Bermuda Triangle. May makikita ring mga kalansay ng tao na nakakalat sa buong paligid.

"Nakakatakot naman dito." Takot ni Madel at naapakan pa nya ang isang bungo. Nag-e-echo ang kanilang mga tinig sa kulum ng nasabing kweba.

"Ganyan ang mangyayari sa atin kapag hindi tayo makalabas dito." Siryosong sabi ni Ryle.

"Teka sandali, Ryle? Alam mo bang labasan dito?" Tanong ni Rochelle.

"Sa katunayan, Rochelle. Hindi ko alam dahil ngayon lang ako unang napadpad dito." Pag-amin ni Ryle.

"H-ha?! Akala ko nakapunta kana dito dati pa kaya't nagdisisyon tayong pumasok sa Bermuda Triangle na ito? My god! Paano tayo makakalabas dito?" Gulat ni Rochelle sa sinabi ni Ryle.

"Pero may mga nakapunta na rin dito noon. At nakalabas naman sila ayon sa mga testimonya ng mga nakaligtas sa buhawing tubig." Paglilinaw pa nito.

"Talaga lang ha? Ilang percent naman kaya ang chances na maka-survived tayo dito aber?"

"Siguro mga sikwenta porsyento." Tantya ni Ryle.

"So, 50-50% pala tayong pwedeng makalabas dito? Naku kung alam ko lang na ganito mangyayari edi sana nagtiis na lang tayo sa may laot!" Dismaya ni Rochelle.

"Gurl, kalma! May nakita kaming liwanag ni Paolo dun sa parteng yun." Turo ni Madel sa isa pang daanang lagusan ng kweba na puno ng pasikot-sikot na daan.

"Dalian natin. Kailangan nating makalabas dito sa lalong madaling panahon." Naunang pumasok si Paolo sa nasabing lagusan.

Hindi pa sila nakakalakad ng ilang kilometro nang tumambad sa kanilang harapan ang isang higanteng alimango.

"H-ha ano yan?" Bigla ni Rochelle.

Sumagot si Ryle. "Yan ang Tambanakawa."*

"Mukhang mapapalaban muli tayo." Inihanda ni Paolo ang sarili sa magaganap na aksyon.

"Dati ulam ko lang yang alimango pero ngayon, mukhang tayo naman ang uulamin nito." Biro pa ni Madel.

Inatake sila ng mga sipit na kamay ng Tambanakawa. At agad silang umilag sa malakas na hampas nito. Nagkahiwalay-hiwalay sila ng pwesto dahil sa mga nagbagsakang mga bato sanhi ng pagkatabig ng mga sipit nito.

"Rochelle! Sabay nating gamitin ang ating mga kapangyarihan upang masugpo natin kaagad ang Tambanakawa!" Hiyaw ni Ryle kay Rochelle.

"Sige, Ryle!" Sang-ayon ni Rochelle sa balak ni Ryle.

Bibigkasin na sana ng dalawa ang kani-kanilang kapangyarihan nang sinabuyan sila ng Tambanakawa ng malagkit at madikit na dagta mula sa bibig nito.

Napadikit sa may batuhan sina Rochelle at Ryle. At hindi sila makawala sa sobrang dikit ng dagta mula sa Tambanakawa.

Nalagay sa alanganin sina Paolo at Madel. Tarantang hindi nila malaman kung anong gagawin. Dadakmain na sana ng sipit si Madel ng Tambanakawa ngunit tinulak sya ni Paolo para sagipin. Kaya't si Paolo ang nahuli ng Tambanakawa imbes na si Madel.

"Saklolo!" Pilit na kumakawala ni Paolo sa kamay na sipit ng Tambanakawa.

"Pao!" Sigaw nilang lahat sa pangalan ni Paolo.

"Hindi maaari ito! Ako na lang ang tangi nilang pag-asa! Kailangan kong lumaban para sa kanila!" Sabi ni Madel sa kanyang sarili.

Pumikit sya at malalim ang inisip. Dinama nya ang nilalaman ng kanyang puso. Ilang sandali ay nadama nya ang nanginginig na kalamlan na nagmumula sa loob ng kanyang katawan.

"Makiling's Quake!"° Bigkas ni Madel sa salita na dinidikta ng kanyang utak.

Lumabas mula sa kanyang mga palad ang mga baging at ugat ng iba't ibang uri ng punong-kahoy. At lumitaw ang isang malaking puno sa hugis ng isang babae na maala-diwata.

Winagayway ni Madel ang kanyang kamay papuntirya sa kalaban. Gumapang na inatake ng kanyang kapangyarihan ang Tambanakawa. Inipit ng mga baging at ugat nito ang halimaw na parang ahas hanggang sa madurog ito.

Nakawala na ng tuluyan si Paolo. At nalusaw ang mga dagta na dumikit sa katawan nila Rochelle at Ryle.

"Wow ang taray? May powers kana sa wakas, Madel." Tapik sa balikat ni Madel ni Rochelle bilang pagbati dito.

"Naman! Diba, ang bongga ng kapangyarihan ko noh?" Bilib sa sarili ni Madel.

"Tama na yan. Mukhang nakita ko na ang tamang daan para makalabas na tayo dito sa kweba." Sabi ni Ryle habang tinatanggal ang isang malaking bato na nakaharang sa lagusan.

Nang matanggal ang nasabing bato ay una nilang naramdaman ang malamig na simoy ng hangin mula sa labas ng kweba. At natanaw nila mula sa itaas ng bundok ang isang bayan na maraming naglalakihang mga windmills.

"Mga kasama. Nandito na tayo sa Marville!" Galak na sabi sa kanila ni Ryle.

---------------------------------------------------------------------------------

Namangha sila Rochelle, Paolo at Madel sa magandang bungad ng bayan ng Marville. May bilugang waterfountain ito katapat ng isang malaking simbahan. At makikita ang mga bahay na animo'y kahawig ng mga lumang tahanan ng mga taga Europa. Masayang naglalaro ang mga kabataan sa paligid at abala naman ang mga may edad na sa pamimili sa palengke nito. Malulula ka sa sobrang taas ng bundok nito kung saan nagyeyelo ang pinakatuktok nito. At naglalakihan ang mga windmill dito.

"Ang ganda-ganda naman dito, Ryle." Mangha ni Rochelle sa bagong lugar na napuntahan nila.

"Sinabi mo pa, Cheng. Ang sarap sigurong tumira dito noh?" Nilibot ni Paolo ang paningin sa buong paligid.

"Korek ka dyan, Paolo. Feeling ko tuloy ako si Princess Sarah." Pikit ni Madel at damang-dama nya ang pagiging turista.

"Kung ikaw si Princess Sarah? Eh sino ako?" Tanong ni Rochelle kay Madel.

"Ikaw si Becky. Tutal mukha ka namang beki!" Biro ni Madel kay Rochelle.

"Ay grabe sya!" Taas kilay ni Rochelle.

"Charot lang noh!" Bawi ni Madel sa kanyang biro.

"Tayo na! Puntahan na natin ang bahay ng panday na si Cherwina." Nauna nang lumakad sa kanila si Ryle.

Nakarating sila sa tahanan ng sinasabi nilang panday. Kumatok sila sa pinto ng dalawang palapag na bahay nito.

Pinagbuksan sila ng isang baklang nakasuot ng pambabaeng bestida. Bulaklaking may kulay dilaw na sunflower ang desenyo ng kasuotan ng panday.

"Akala ko ba sa panday tayo pupunta, Ryle? Di mo naman sinabing sa parlor pala talaga tayo pupunta?" Puna ni Madel kay Cherwina.

"Pssst! Tumahimik ka na nga lang dyan, Madel!" Siko ni Rochelle sa tagirilan ni Madel.

"Cherwina! Si Ryle ito. Kamusta?" Bati ni Ryle kay Cherwina.

"Uy, ikaw pala, Ryle? Nadalaw ka? Halikayo sa loob." Papasok sa kanila sa loob ng bahay nito.

Tumambad sa kanila ang magulong mga gamit pang panday ni Cherwina. Nagkalat ang iba't ibang uri ng mga bakal sa may mesa nito.

"Paumanhin sa inyo kung magulo ang bahay ko." Paumamhin ni Cherwina sa kanila.

"Ay okay lang yan teh. Kami nga yung nakakaistorbo."  Magandang loob ni Rochelle.

Ngumiti si Cherwina kay Rochelle. "Sino nga pala sila, Ryle?" Tanong na baling nito kay Ryle.

"Sila ang mga kapwa ko Knight Magicians na sina Rochelle, Paolo at Madel." Pakilala ni Ryle sa kanilang tatlo.

"Syanga? Kinagagalak ko kayong makilala mga Knight Magician. Ako si Cherwina Doyle, ang punong panday dito sa Marville." Pakilala rin nito sa kanila.

"Sya nga pala, Cherwina. Sumadya kami dito dahil kailangan naming magpagawa sayo ng Kampilan^ bilang armas na aming gagamitin laban sa mga taga Murk Empire." Diretyang sabi ni Ryle sa layunin ng pagpunta nila dito.

"Pero, Ryle? Alam mo namang mahirap matagpuan ang metal na kinakailangan sa pag-gawa ng Kampilan. Hindi pwedeng ordinaryong bakal lamang ang gagamiting armas ng mga Knight Magicians.

"Kung magkaganon? Saan ba namin maaaring matagpuan ang uri ng metal na sinasabi mo, Cherwina?" Tanong pa ni Ryle kay Cherwina.

"Matatagpuan nyo ito dyan sa tuktok ng bundok ng Deoleto."

"Naku gurl? Akala ko naman sobrang layo yang lugar na tinutukoy mo. Dyan lang pala sa mismong bundok ng bayan nyo ito matatagpuan." Singit sa usapan ni Madel.

"Oo nga malapit lamang ito. Kaso gaya ng nasabi ko kanina, mahirap matagpuan ito." Paglilinaw ni Cherwina.

Napabuntong hininga na lamang si Rochelle sa usaping ito. "Hay buhay! Pwede ba? Ipagpabukas na lang natin yang paghahanap sa metal na yan. To be honest, pagod na ako at gusto ko nang magpahinga." Iritableng sabi naman ni Rochelle at naupo ito sa sofa ng bahay.

"Kung sabagay tama nga si Rochelle. Sa dami nang  pinagdaan namin bago makarating dito ay kakailanganin namin ng sobrang pahinga." Sang-ayon ni Ryle sa sinabi ni Rochelle.

"Sige, maaari nyong magamit ang ekstrang kwarto ko dito upang kayo'y makapagpahinga na ng lubusan. Ipagpabukas na lang natin ang usapin ito." Unawa ni Cherwina sa kanila.

---------------------------------------------------------------------------------

*TAMBANAKAWA

The Mandaya and the Bukidnon people once believed that the lunar eclipse was caused by the Tambanakawa or Tambanokano, a gigantic crab in the sea, as it tried to devour the moon.

Aside from lunar eclipse, it was also believed to create the sea’s tides and big waves by scuttling around. The Bukidnon people believe this huge crab from the mountains caused the great deluge by plugging the world’s navel in the sea.

°MAKILING

Maria Makiling is the guardian spirit of the mountain, responsible for protecting its bounty and thus, is also a benefactor for the townspeople who depend on the mountain's resources. In addition to being a guardian of the mountain, some legends also identify Laguna de Bay — and the fish caught from it — as part of her domain. She was sent by Bathala to aid the people of the area in their everyday life.

^KAMPILAN

The Kampilan is a type of single-edged long sword, traditionally used by various ethnic groups in the Philippines archipelago.

The kampilan has a distinct profile, with the tapered blade being much broader and thinner at the point than at its base, sometimes with a protruding spikelet along the flat side of the tip and a bifurcated hilt which is believed to represent a mythical creature's open mouth.

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play