Kinabukasan, nakadungaw si Rochelle sa may maliit na bintana ng attic ng bahay nila Cherwina. Pinagmamasdan nya ang magandang tanawin dito. Mula dito ay abot tanaw ni Rochelle ang buong kalahatang bayan ng Marville.
May mga ibon syang nakitang lumilipad sa kalangitan. At sa may bukid ay makikita ang mga baka at kambing na kumakain ng damo.
Wala rin palang pinagkaiba ang mundo nila sa Absilyon. Maging mga tao dito'y kapares din nila ng itsura. Ang pinagkaiba nga lang ay ang kanilang pananamit. Ang kasuotan nila'y maiihambing mo sa lumang panahon gaya sa Noli Me Tangre na obra ni Dr. Jose Rizal.
"Rochelle? Anong ginagawa mo dyan mag-isa?" Basag sa katahimikan ni Rochelle ni Ryle nang pumanik din ito sa may attic.
"Wala naman, Ryle. Pinagmamasdan ko lang itong Buong Marville." Malungkot na sabi nya.
"Ganon ba? Eh ba't mukhang malungkot ka?" Lapit ni Ryle sa kanya.
Gusto sanang magsinungaling ni Rochelle pero sinabi rin nya ang totoong nyang nararamdaman. "Nami-miss ko na kasi ang aming mundo. Ang mga kaibigan ko, kapatid ko, mga magulang ko at pati mga alaga kong aso't pusa namimiss ko na silang lahat."
"Hayaan mo, Rochelle. Gagawin ko ang lahat upang maibalik ko kayo sa dati nyong mundo." Pangako ni Ryle kay Rochelle. At dito lang napagtanto ni Rochelle na mas gwapo pala sa malapitan si Ryle. May pagkakahawig ito sa crush nyang artistang si James Reid. Ang mapupungay nitong mga mata ay nakakabighani.
Umiwas sya ng tingin kay Ryle upang hindi mahalatang kinikilig sya kapag kasama nya ito.
"And speaking of makabalik kami sa dati naming mundo? Kapag natapos na ba namin ang misyon ay agad-agad ba kaming makakabalik?" Tanong nya.
"Hindi, dahil kailangang mapasainyo muna ang Bertud* na syang susi ninyo sa lagusan ng inyong mundo." Saad ni Ryle.
"At saan naman natin matatagpuan yang Bertud na sinasabi mo?"
"Sa kastilyo ng Murk Empire. Ito kasi ang nagbibigay kapangyarihan sa ating mga kalaban kaya't naghahasik sila ng lagim dito sa Absilyon." Siwalat nito.
Biglang bumukas ang pinto. "Uy! Anong ginagawa nyo dyan? Kakain na raw tayo sabi ni Cherwina." Sabi ni Madel nang pumanik din ito sa may attic.
"Oo susunod na kami ni Ryle."
"Sumunod na kayo sa ibaba, Cheng. Tama na yang landian nyo." Tukso ni Madel sa kanila.
"Sira ka talaga, Madel! Hindi kami naglalandian noh!" Natatawang sabi ni Rochelle.
---------------------------------------------------------------------------------
Nasa may hapag-kainan silang lahat upang kumain ng kanilang almusal. Panay prutas at gulay ang nakahanda sa may lamesa.
"Kumain na tayo." Alok sa kanila ng pagkain ni Cherwina.
"Wow! Lakas maka-vegetarian ng mga foods nyo dito. Kaya pala ang kikinis ng mga kutis nyo, bakla." Puri ni Madel kay Cherwina habang kumakain ito.
"Bawal kasi dito sa Marville ang kumain ng karne. Kung hindi nyo maitatanong? Ang Marville ang pinaka-mapayapang lugar dito sa buong Absilyon." Lahad ni Cherwina.
"Talaga, Cherwina? Pero matanong ko lang? Buti hindi ito sinusugod ng mga taga Murk Empire?" Usisa ni Rochelle.
"Magandang katanungan, Rochelle. Dahil hindi gumagana dito ang kahit na anong uri ng mahika o kapangyarihan maliban lang sa tuktok ng bundok Deoleto. At isa pa, ang Marville ay ang sentro ng pandayan kaya't maraming kaming mga armas panglaban kung sakali mang lusubin kami ng mga kalaban." Mahabang paliwanag ni Cherwina sa kanila.
"Maiba tayo, Cherwina. Mamaya ay aalis na kami at aakyat ng bundok upang hanapin ang mahiwagang metal. Ano bang itsura nito?" Iba sa usapan ni Ryle.
"Para itong isang malaking kristal, Ryle. Kaya nga ang tawag ng nakakarami dito ay metal na kristal. At gaya nang nasabi ko kahapon ay mahirap itong hanapin. Tanging puso't isipan nyo lang ang makakapagsabi kung saan ito naroroon." Saad pa nito.
"Sus! Ang hirap palang hanapin yang metal na kristal na yan, Cherwina. Parang lovelife ko lang, mahirap matagpuan!" Biro ni Madel.
"Hashtag hugot!" Alaska nila Paolo at Rochelle kay Madel.
---------------------------------------------------------------------------------
Naghanda na sa pag-alis ang mga Knight Magicians. At ngayon ay nakasuot sila Rochelle, Paolo at Madel ng pangdigmang baluti gaya ng suot-suot ni Ryle na pinaghalong bakal at tela. Kulay Pula ang baluti ni Rochelle. Samantalang kulay berde naman ang kay Madel. At kulay abo naman ang kay Paolo. Ginawa ni Cherwina ang kanilang kasuotan bilang proteksyon nila sa pag-akyat sa bundok ng Deoleto.
Umakyat sila sa matarik at malubak na bundok. Nagpasikot-sikot sila sa mga halaman at puno na nadaanan nila sa paligid. Ilang oras din silang nag-tyagang maglakad makapunta lang sa may pinaka-tuktok nito.
"Teka, sandali! Magpahinga naman tayo." Hingal na huminto sa paglalakad si Madel.
"Oo nga nakakapagod kaya?" Sabi naman ni Rochelle at naupo sa isang trosong nakalapag sa may gilid.
"Kung kailan malapit-lapit na tayo dun pa kayo napagod?" Takip-balikat ni Paolo.
"Haller! Ilang kilometro din nilakad natin Paolo noh? Daig pa nga nating sumali sa marathon!" Angal ni Madel.
At mula sa itaas ng bundok ay natanaw nila ang sobrang layo na pala nila sa bayan ng Marville.
"Grabe, akalain mong ganito na pala tayo kalayo sa Marville?" Tanaw ni Rochelle sa nasabing bayan.
"Tayo na mga kasama. Kailangan na tayong magpatuloy. Wag tayong mag-aksaya ng oras." Nagpatuloy muli sa paglakad si Ryle.
"Alam mo, Cheng? Gwapo sana itong si Ryle, kaso nga lang ungentleman! Wala man lang malasakit sa'ting mga girls!" Napatirik na lang ng mga mata si Madel.
"Hayaan mo na, Madel. Parte kasi ito ng ating misyon kaya ganon." Pagtatanggol ni Rochelle kay Ryle.
"Okay fine, whatever!" Nagdadamog na sumunod sa paglakad si Madel kila Paolo at Ryle.
---------------------------------------------------------------------------------
Narating nila ang tuktok ng Deoleto. Sobrang lamig dito at nababalot ng nyebe ang buong paligid. Puro puting yelo ang maaninag sa kapaligiran at tanging mga puno na walang mga dahon at sangasanga lamang ang madadaan dito.
"Yehey! Nakakita rin tayo ng snow!" Parang bata na naglaro si Rochelle sa nyebe.
"Oo nga! Na-miss ko tuloy kumain ng Halo-halo." Dinampot ni Madel ang parang buhanging yelo.
"Hoy sali ako!" Binato ng nyebe ni Paolo sila Rochelle at Madel. At gumanti rin ang mga ito kay Paolo. Hanggang sa naglaro silang tatlo sa gitna ng mga nyebe.
"Ehem! Nandito tayo para hanapin ang metal na kristal at hindi para maglaro ng nyebe dito." Pasaring ni Ryle sa kanila.
"Ang K.J. mo naman, Ryle! First time kaya naming makakita ng snow sa talang buhay namin! Alam mo bang nagtyatyaga lang kaming mga pinoy sa yelo ng freezer ng ref namin makakita lang ng snow!" Katwiran ni Madel.
At biglang lumitaw sa harapan nila sina Marigona at Odessa.
"Kamusta mga Knight Magician! Alam namin na dito kayo tutungo kaya't dito namin kayo inabangan." Sabi ni Marigona.
"At sino naman sila?" Kunot noo ni Rochelle.
"Sila sina Marigona at Odessa. Ang mga alagad ni Empress Soriah!" Sagot ni Ryle.
"Kaya humanda na kayo't tatapusin na namin kayo!" Banta ni Odessa.
---------------------------------------------------------------------------------
*BERTUD
Bertud or agimat or anting-anting, is a Filipino word for "amulet" or "charm". Anting-anting is also a Filipino system of magic and sorcery with special use of the above-mentioned talismans, amulets, and charms. It is part of a wider South-East Asian tradition of tribal jewelry, as "gantung" (meaning "hanging") inIndonesian/Malay and "anting-anting" (meaning "ear pendant") in Javanese.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 23 Episodes
Comments