Chapter 4

Bumaba ako ng kusina pagkatapos kong maghilamos. Ayokong dalhan pa niya ako ng pagkain sa taas gayong kaya ko naman. Nakakahiya iyon. At isa pa, bumuti-buti narin naman ang pakiramdam ko. Kaya ko namang maglakad at hindi naman ako nalumpo.

 

Naabutan ko siyang nagluluto sa kusina. With just an apron on and his dark gray shorts, he looked so smoking hot.

 

Matagal ko nang inamin sa sarili kong gwapo naman talaga si Zane. Sa tingin ko nga nasa kanya na ang lahat. Kung hindi ko nga lang alam ang mga ginagawa niya siguro’y matagal ko na siyang minahal.

 

But no! He's a manwhore! A jerk! An asshole! Hindi ko na mabilang kung ilang babae pa ang nagdaan sa buhay niya habang kasal na kami.

 

Malamang! You can't expect him to be loyal when all he got from you is nothing. Hindi niya nakukuha ang pangangailangan niya sayo! Asawa ka nga, wala ka namang kwenta. Asawa ka lang sa papel pero hindi mo naman kayang gampanan ang mga pangangailangan niya kaya wag ka nalang mag-reklamo!

 

I felt guilty though. But I was so young then. 18? Gosh! Anong alam ko sa bagay na yan? At labag sa loob ko ang pagpapakasal kaya hindi niya rin ako masisisi.

 

Gayunpaman, I feel like I am ready to stand on my own now without him by my side. Pangit man pakinggan na parang ginamit ko lang siya para makapagtapos ako ng pag-aaral, pero gusto ko nang makaranas ng normal na buhay.

Iyong hindi ganito na limitado lang ang kayang gawin. Gusto kong i-pursue ang career ko. Gusto kong mag-trabaho at kumita ng sarili kong pera. I want to become independent. At hindi ko iyon mararanasan habang kasal kami ni Zane. If I want to grow as a woman, I should not have a man by my side. Paano ko ba ipapa-intindi sa kanya iyon?

 

Tumikhim ako upang makuha ang atensyon niya. Kumunot naman agad ang kanyang noo.

 

As usual! Hayss.

 

“I said stay in your room, Andromeda. Bakit ang hirap mong paintindihin?”

 

“Hindi ako baldado Zane! Kaya kong tumayo at maglakad. And besides, I'm okay now. Salamat sayo.” Sabi kong unti-unting hinihinaan ang boses.

 

Tinitigan niya lang ako at hindi na nagsalita. Nang mapansin kong tapos na siya sa kanyang niluluto ay nagpresinta na akong maghanda ng lamesa.

 

“You need to visit Dr. Lopez' clinic tomorrow. Ihahatid lang kita. Kailangan ko nang pumasok bukas.”

 

“Kaya ko naman Zane. Hindi mo na ako kailangang ihatid. Ibigay mo nalang sa akin ang address ng clinic niya.”

 

“Whatever. Kumain ka na.” 

 

Napangiti naman ako dahil hindi na siya nakipag-argyumento pa. Naupo ako sa pwesto ko at nagsimula ng kumain. In fairness masarap siyang magluto.

 

“Siya nga pala,” kinakabahan na naman ako. Paano ko ba sasabihin sa kanyang gusto kong mag-trabaho? More than a year na akong graduate at natapos ko narin ang Master's degree ko. Kating-kati na talaga akong gamitin naman ang natutunan ko.

 

“Pagkatapos ko sa clinic pupunta sana akong university.”  Panimula ko.

 

“For what?”

 

“For an interview. Gusto ko sanang mag-trabaho, Zane.”

 

He stopped eating at tiningnan ako ng marahan. “So this is it all about.” he concluded.

 

“Huh?”

 

“You could have just told me that you wanted to work. Hindi naman kita pipigilan. Bakit kailangan mo pa ng divorce?”

 

I was dumbfounded. Hindi ako makasagot.

 

“Alam mo ba kung gaano kahabang proseso iyon? And we married in the US, Andromeda. I have no time to travel back there just to process it. If you want to work, then go on. But no divorce. That’s just a waste of my time.”

 

Napanganga ako. That’s good news right? Hahayaan niya na akong mag-trabaho. Pero bakit parang hindi parin ako masaya? I want more than that.

 

“I want to be independent Zane. You can never understand that.”

 

“Oh really? Then I’ll buy you a condo so you can live on your own.”

 

“That’s exactly why I wanted to get a divorce Zane. Gusto kong tumayo sa sarili kong mga paa. Gusto kong kumita ng sarili kong pera at tumira sa sarili kong bahay na galing mismo sa mga pinaghirapan ko. At hindi ko magagawa yon habang asawa kita."

The words just came out smoothly. I don't know but I feel like his more than willing to listen to me now.

 

"Alam kong hindi mo maiintindihan yon dahil naabot mo na naman ang mga pangarap mo. What about mine, Zane? I have my dreams too. I want to pursue my career. I want to build my name. Naiintindihan mo ba yon?” I let go of a deep sigh. Nakaka-frustrate palang mag-explain ng mga bagay na gusto mong gawin.

 

Alam ko wala akong karapatan na humingi ng kahit ano sa kanya dahil hindi ko naman mararating ang mga narating ko na kung hindi rin dahil sa suportang ibinibigay niya sa pag-aaral ko. But I so wanted to live my life.

 

At para rin naman sa kanya ito. Alam kong mas magiging masaya rin siya kapag naghiwalay na kami. Wala namang mawawala sa kanya diba? Kaya hindi ko talaga maintindihan kung bakit ayaw niya akong pagbigyan.

 

“Yan ba talaga ang gusto mo?”  nagulat nalang ako ng marinig iyon mula sa kanya. Does he had a change of heart? Agad akong tumango.

 

“Then my condition still remains the same.” Wika niya with finality.

 

I swallowed hard. One month, Ada. One month on his bed then you're free.

 

“Fine! One month it is. Kailan ba natin sisimulan?” I said while keeping a straight face.

 

He hissed habang napapailing. “When you’re well.” Sagot niya.

 

Muli akong napalunok. “Okay.” Sabi ko habang ang totoo'y hindi ko na maipaliwanag kung anong klaseng kaba itong aking naramramdaman.

 

Kinabukasan, I felt really well. How amazing it is get well that soon! Usually kasi tuwing nagkakasakit ako, umaabot ng dalawa o tatlong araw. Isang malaking himala na isang araw lang, gumaling na agad ako.

 

Naks! Iba kasi kapag may asawang magaling mag-alaga!

 

Halos matawa ako sa sariling naisip. If only we were “that” kind of couple.

From Dr. Lopez's clinic, I rode a tricycle going to my Alma Matter. I took a deep breath before entering the very premise.

This is it. My first step on realizing my dreams.

The interview went on smoothly and the last thing I knew, I was already signing the contract.

"Congratulations Miss Madrigal. And welcome to our humble university." The site director greeted me as he held out his hands for a shake.

I accepted it and took the chance to utter my gratitude.

"Thank you so much SD. It's an honor for me to be part of your excellent staff."

"You deserved it, Miss Madrigal. We are actually thankful that you have considered working here this time."

I smiled. Well yes, they have been waiting for my response for almost a year now. Ngayon lang ako nagkalakas ng loob.

"I have always dreamt of it Sir. Now I am realizing it."

"That's good to hear. Anyways, see you by Monday?"

I nodded immediately. " Yes Sir."

Excited and feeling happy about what just happened, I randomly sent a message to Zane. Number lang kasi niya siguro ang naka-save sa cellphone ko. Tsk.

Me:

Thank you.

Pagkatapos mai-send iyon saka lang ako nakaramdam ng hiya. Bakit ko nga ba ginawa yon? Ang tanga ko talaga! I secretly prayed that he won't read the message or just ignore it!

Zane:

I am on a meeting. Did it went well?

Oh my god!! Hindi ko na maintindihan ang kabang nararamdaman ko. Pero hindi ko rin naman maitagong masaya ako kaya saka ko nalang siguro iisipin ang kahihiyan na nararamdaman ko. Besides, asawa ko naman siya diba?

Whatever!

Me:

Yes!

That was just simple but it was full of emotion. If only I can send what's really inside my heart.

Zane:

Congratulations. I know you can do it.

Namilog ang mga mata ko. Ano raw? Wait, is this really Zane? What happened to the insensitive, and careless Zane I knew?

Me:

Thank you. I'll prepare dinner.

I bit my lip after sending it. This is awkward but I just feel like this calls for a celebration.

Sweet ha? Magce-celebrate kayo ng asawa mo? Hmm... Magdi-divorce din naman kayo kaya wag nalang! Wika ng echuserang bahagi ng utak ko.

I just ignored it. I won't let my negative thoughts ruin my today's happiness!

 

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play