Nagising ulit ako nang naliligo ng pawis ang buong katawan. Mukhang tumalab na yata ang gamot na ininom ko. Hindi narin masyadong masakit ang ulo ko kaya kaya ko na sigurong bumangon. I need to change.
Umuga ang kama ng akmang babangon na ako kaya hindi ko namalayang may nagising pala sa tabi ko. Sa pagkabigla ay muntik na akong napatili.
“Zane?! Anong ginagawa mo rito? Dito ka natulog?”
Kusot ang kanyang mga mata’y kunot noo niya akong pinagmasdan. “Saan ka pupunta? Ayos na ba ang pakiramdam mo?” he asked instead.
Nagtataka ma'y sumagot pari ako. “O-oo. Maayos na naman. P-pero bakit ka natulog dito? I mean..”
“Anong masama ron Andromeda? I am your husband. Normal lang na matulog tayo sa iisang kwarto.” Umalis siya ng kama saka dinaluhan ako. “May kailangan ka ba?”
Napatitig ako sa kanya. Ano bang nangyayari rito? Bakit parang ibang tao siya ngayon? Ipinilig ko ang aking ulo. Feeling ko sasakit lang ito kapag pinilit ko ang sarili kong isipin kung ano itong ginagawa niya.
“Ahm, I need to change. Basang-basa ako ng pawis.” Pagkasabi nun ay akmang tatayo na sana ako ngunit pinigilan niya.
“Diyan ka lang. Wag ka munang tumayo. Ako na kukuha ng pamalit mo.” Wika niya.
Napaawang ang bibig ko. “Ako na Zane. Kaya ko naman.”
“I said stay there, Andromeda!” said he in full authority. Natahimik nalang ako at di na nagsalita. Nawi-weirdohan talaga ako sa kanya. Diba kanina lang pinag-walk-out-an niya ako? Tas ngayon…
He went on my wardrobe and pick some clothes. “Anong ginagawa mo sa pera sa account mo?” he asked all of a sudden. Hindi ko alam kung bakit niya tinatanong iyon.
“Wala. Hindi ko naman pinapakialaman yon.” Which is totoo naman. It’s not mine, kaya bakit ko gagamitin?
“For two years?” he probed habang dala-dala na ang mga napiling damit.
“Oo. Bakit? Akala mo ba inubos ko ang pera mo? Wala akong kinuha kahit isang sentimo Zane. Don’t worry.” Naiinis na inirapan ko siya. Anong akala niya sakin, mukhang pera?
“So you are a millionaire now.” Sabi niya bago inabot sa akin ang damit.
Nanlaki ang mga mata ko nang marealize ang sinabi niya. Talaga? Ganoon kalaki ang binibigay niya sa akin buwan-buwan at sa loob ng dalawang taon ay umabot na nang milyon? O feeling ko sobra pa nga.
“Hindi ko naman kailangan ng maraming pera.” Sabi ko ng makabawi sa pagka-amaze.
“Alam ko. But I just thought kahit bumili ka man lang ng mga damit mo. Ba't di mo ginamit?”
“Hindi ako maluho Zane. At maayos pa naman ang mga damit ko. Hindi pa naman ako nakahubad kaya ba't ako bibili ng bago?”
He took a sigh. Parang ayaw nang makipag-argyumento. Well, that’s new! “Magbihis ka na.” he said.
“Nang ano? Nang nakatingin ka?” I barked. Almost nervous.
I saw that he tried to hide a sudden smile on his lips. What amuses him? Weird.
“So what? You should be comfortable with me now. I am your husband.” Wika niyang parang wala lang.
I rolled my eyes. “Talaga lang ha. Ngayon mo pa talaga naisip yan? Tumalikod ka nga.” Utos ko. Wag mo kong mabuso-busohan Zane ha! Lagot ka talaga sakin.
He turned his back from me at dali-dali naman akong nagbihis. Tumikhim ako nang matapos.
He hissed when he turned back to me and looked at me like I am impossible. Tinaasan ko siya nang kilay.
“What? Hindi ako tumingin dahil wala namang makikita.” Sabi niya.
I immediately glared at him. Kapal ng mukha! Kala mo kung sinong gwapo at maganda ang katawan! Tsk. Paano ko nga ba naging asawa ang isang 'to? Nakalimutan ko na.
Basta! I was 18 that time and still on my 3rd year in college. Nalaman ko nalang na ikakasal pala ako sa isang taong hindi ko minsan man nakilala at pitong taon ang agwat ng edad sakin. I first saw him on our wedding day. It was just a simple and a secret wedding. Walang nakakaalam bukod sa kanya, sa akin at sa Tita ko.
Feeling ko noon ay ibinenta ako ng Tita ko sa lalaking ito na hindi ko alam kung ano ang tunay niyang pakay. If he’s after for money then wala pala siyang napala sakin.
I am no heiress. Malaking utang lang ang iniwan ng mga magulang ko sa akin. Siguro'y sa pamilya niya kaya ako ang ipinambayad sa kanila ni Tita. At itong si Zane na napakalaking bugok ay pumayag namang ikasal kami kahit alam niyang wala siyang mapapala sa akin.
Pagkatapos naming ikasal ay sa kanya na ako tumira habang nagpapatuloy parin ako sa aking pag-aaral. Kung may ipagpapasalamat man ako sa pagpapakasal kung ito ay iyon ay ang pagtatapos ko ng kolehiyo.
Kahit kasal kami, hindi naman niya ako kahit kailan man pinilit na gampanan ang mga tungkulin ko bilang asawa. Kaya naman nagsisikap ako na mapagsilbihan siya sa ibang paraan.
And because our marriage was just a secret, nagpatuloy siya sa pagiging buhay bachelor niya. Hinahayaan ko nalang siya dahil ayoko ng komplikadong buhay.
Noong una'y naiilang, nahihiya at natatakot ako sa kanya. Hanggang ngayon naman. Ngunit sa dalawang taong pagsasama namin ay hindi ko parin siya lubusang kilala. He remained as a mystery unsolved to me.
And for two years, ngayon lang kami nagkasama at nagkausap ng ganito katagal. Kaya bagong-bago para sa akin ito. He's always so distant, unreachable, ruthless. Ano man itong nangyayari sa kanya ngayon, hindi ko talaga ma-gets.
Baka naman gusto niya lang mapalapit sakin dahil gusto niya na akong angkinin? Waaaahhh! Diosmio! Kaya ko na ba talaga? Sumagi sa isip ko ang isang buwang hinihingi niya. Ano yon, araw-araw kaming mag-a-ano, ganun? Hindi ba masakit yon?
Dios ko! Ano ba tong iniisip ko!
“What’s with that face?” untag niya sa nangangasim kong mukha.
“Wala.”
He sighed. “I'll just prepare dinner. Dadalhan nalang kita rito. Magpahinga ka. At nang tuluyan ka nang gumaling.”
Aalma pa sana ako ang kaso ay nakalabas na siya at sinarado na ang pinto.
Oh my gosh Zane! Anong gagawin ko sayo?
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments