Nanaginip ako. In my dream, I heard Zane calling out my name. He sounded so concerned that I almost thought he's feeling something for me.
But that was just a dream. Kaya nga tinawag na panaginip dahil imposibleng mangyari. Tsk.
I felt some thing hard brushing my face kaya naalimpungatan ako. Pagdilat ko nang aking mga mata ay ang mukha ni Zane ang nakita ko.
Pumikit ako ulit. I am possibly just hallucinating.
Narinig ko ulit na may tumatawag sa pangalan ko at mahina akong niyugyog. Kaya naman muli kong iminulat ang aking mga mata at nakita ko ulit si Zane.
Totoo na ba to? Bakit mukha nang asawa ko ang nakikita ko parati?
“Hey, you need to drink your medicines.” Sabi nito na lalo lamang nagpatibay sa iniisip kong totoo nga ito at hindi isang panaginip.
“Zane? Why are you here? Didn’t you go to work?” I asked.
“Obviously. Here, take your meds.”
Unti-unti akong bumangon. “You shouldn’t have stayed. Kaya ko naman.” Nahihirapang sagot ko habang iniinda ang sakit ng aking ulo.
He hissed. “Yeah right. You’re welcome.” Inabot niya sa akin ang isang basong tubig at tableta. Ininom ko naman iyon at agad na napasandig sa bedrest. Ang sakit parin ng ulo ko. Napapikit ulit ako.
“You can go now. I can make it from here.”
“Tsk. The doctor said not to leave you. I also prepared soup for you. Kukunin ko lang.”
Mas sumakit pa yata lalo ang ulo ko. Ano ba tong ginagawa niya?
Hinayaan ko nalang siya at di na nakipag-argyumento pa. Pagbalik niya'y may bitbit na siyang tray na may lamang pagkain. Inilapag niya iyon sa katabing lamisita.
“Here. Take some para magkalakas ka.” Wika nito na hindi siguro alam kung susubuan ba ako o iiwan nalang roon ang pagkain at hayaan akong makakain mag-isa.
Well don’t worry Zane, I can do it.
“Thank you. Makakaalis ka na. Baka hinahanap ka na sa trabho mo.” Sabi ko.
“Everyone thinks I'm sick kaya hindi nila ako hahanapin.”
“Paano ang mga meetings mo?” may iba agad akong naisip ng sabihin iyon. That 'meeting'. I almost rolled my eyes.
“You know what, just eat. I know you don’t want me around but you have no choice. I am your only family here.”
Family. Ang sarap pakinggan. Pero pamilya nga ba kaming maituturing dalawa? Diba ang pamilya nag-iintindihan, nagmamahalan, nagdadamayan? Mukhang hindi kami papasa.
“Bakit mo ginagawa 'to?” I am really curious. Hindi naman siya ganito dati.
“Why do you keep on asking that?” he surely looked pissed now. Napakaikli talaga ng pasensya ng taong 'to.
“Dahil hindi mo naman gawain 'to. Naninibago lang ako.” nag-iwas ako ng tingin.
“Don’t flatter yourself. You are still my responsibility as you are my wife. Tingin mo ba talaga sa akin wala akong konsensya?”
Responsibility. I don’t know why but that word hurts. Responsibilidad lang talaga ang tingin niya sakin.
“Oo responsibilidad mo ako pero hindi ka naman obligado kaya wag mo nalang pilitin ang sarili mo. May mas importante ka pang bagay na dapat gawin kesa sa magmukmok dito at alagaan ako. I can definitely take care of myself.” That came out all of a sudden. Wala lang. Gusto ko lang malaman niyang sanay akong wala siya kaya di na niya kailangang magbait-baitan pa.
“Yeah sure you can. Kaya ka nga nagkasakit dahil kaya mong alagaan ang sarili mo.”
Tinapunan ko siya ng matalim na tingin. Bilib din ako sa logic ng isang 'to! Kahit kailan hindi nauubusan ng argumento. Kung alam mo lang na hindi ako nakatulog kakaisip sa kondisyon mo kagabi, siguro pagtatawanan mo ako!
Hindi nalang ako nagsalita pa at baka mas mag-aaway lang kami. Kinuha ko nalang ang kutsara at sinubukang pakainin ang sarili ko.
“Susubuan na kita.”
Agad akong nasamid nang marinig iyon. Ang init pa yata nito ha? Napaso yata ako.
“Kaya ko.” Pigil ko nang akmang kukunin niya ang kutsara sa kamay ko. Gosh Zane! Get lost! Paano ako kakalma nito pag ganitong nasa paligid ka lang at nakikita kita parati? Hindi ako sanay.
Nangangalahati na ako sa soup na niluto niya nang maisip kong baka hindi pa siya kumakain. Anong oras na ba?
“K-kumain ka na ba?” nahihiyang tanong ko. Pero normal lang naman sigurong tanungin ko siya ng ganoon diba? Asawa ko naman siya.
Pero kasi, hindi kayo normal na mag-asawa. Ni hindi nga kayo nagkukumustahan. Kahit text o tawag wala! Tsk.
Hindi siya sumagot at nakatitig lang siya sa akin. Feeling ko tuloy namula ang pisngi ko kahit alam kong ang putla-putla ko lalo na't may sakit ako.
Kinunot ko ang noo ko para itago ang pagkahiya. I have to act tough in front of him kahit ang totoo, hindi ko siya kaya.
“Gusto mo ipagluto kita?”
He hissed. Parang favorite expression na niya iyon. “Are you kidding me? Ubusin mo yan and get rest. Kakain ako mamaya.”
“Sa labas?”
Oo alam ko hindi ko na dapat tinanong iyon.
“I can cook Andromeda.”
“Oh. Okay.” nag-iwas ako ng tingin at pinagpatuloy nalang ang pagkain.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments