I woke up with a very unpleasant feeling. I felt so sick that I wanted to throw out. Ang bigat-bigat din ng ulo ko. Siguro dala marahil ito nang kakaisip ko kagabi. Hindi ko nga alam kung nakatulog ba talaga ako.
Lecheng Zane eh! Ayaw na nga akong pagbigyan, tinamnan pa nang kung anu-anong kahalayan ang utak ko! Hayss! Ang sakit ng ulo ko. Grabeh!
I get up from bed, kahit hindi talaga maganda ang pakiramdam ko. It’s already six in the morning. Kailangan ko pang maghanda ng breakfast para sa magaling kong ASAWA.
I wrapped a robe around my body then get out of the room. Bumaba ako ng first floor at nagtungo agad sa kitchen upang i-prepare ang coffee at toasted bread niya. Nagluto rin ako ng ham and egg.
I was sneezing all the time. Feeling ko talaga sisipunin ako.
“Are you sick?” bungad niya sa akin. Nakaligo't nakabihis na siya’t lahat. Handa na para pumasok sa opisina. He's a CEO by the way. Gwapo, mayaman. One of the most sought after bachelor in town. Ang hindi lang alam ng marami ay nakatali na pala siya. At sa akin pa ha? Hindi ko alam kung masisiyahan ba ako sa ideyang yon. Kung hindi ko pa siguro siya kilala, siguro’y kinilig na ako.
I immediately set the table for him. Isinalin ko narin ang kape niya sa tasa.
“Okay lang ako. Wag kang mag-alala na para bang nag-aalala ka nga.” Sagot ko saka muling bumahing. I scratched my nose. Gosh, nakakairita ang ilong na'to!
“I am not worried because I am worried. You are still my responsibility so whatever happens to you, kargo de konsensya ko.” He sat down at ininom niya ang tinimpla kong kape.
Mapaso ka sana! I cursed. Umupo ako sa tapat ng inuupuan niya. Makakain na nga lang din. *Sneeze*.
“That’s new. May konsensya ka pala?” pasaring ko.
“I am not as bad as you think.” Sagot niya.
“Talaga? Well, hindi halata ha.” Inirapan ko siya.
“Tungkol parin ba ito sa kagabi, Andromeda?”
Muntik ko nang mailuwa ang kape na ininom ko. Ang pait pala nito. Nakalimotan kong lagyan ng asukal!
“H-hindi ah! Pero yun parin ang gusto ko.” Kinakabahang hindi ako makatingin sa kanya.
“And you still get the same answer.” Siyang nagsisimula nang kumain.
I sighed. Wala na ba talaga akong pag-asang maging masaya? “Pag…ano..pag..may ano..” napalunok ako. Lord bakit ang hirap sabihin nito?!!!
“What what?” tinapunan niya ako ng nalilitong tingin habang pinagpapatuloy ang pagkain.
*Sneeze* Leche! Paano ko ba itatanong sa kanya nang hindi ako namumula?
“Pag may nangyari na ba sa atin, hihiwalayan mo na ako?” diretsahang tanong ko. It’s now or never.
“The hell, Andromeda?!” medyo nagulat pa ako dahil sa pagsigaw niya. Ano bang problema ng lalaking to at bakit palagi nalang galit sa mundo?
“What? Iyon ang kondisyong hinihingi mo diba? Pag pumayag ba ako sa isang gabi magdi-divorce na tayo?”
Naningkit ang kanyang mga mata habang nagtatagis ang kanyang mga bagang. He always looked so dangerous to me pero mas lalo lamang yata siyang naging delikado sakin ngayon.
“No.” walang pag-aalinlangang sagot niya.
Napa-awang ang bibig ko. I can’t believe him! Ano ba talaga ang gusto niya? Hindi ako nakatulog kagabi sa kaiisip kung papayag ba ako sa kondisyong inaalok niya! Tas ngayon sasabihin niyang hindi parin kami magdi-divorce kahit ibigay ko na ang sarili ko sa kanya? Wow ha!
“Kulang ba ang isang gabi, Zane?” hindi ko na alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob na kausapin siya tungkol sa bagay na ito. Kung makapagsalita ako parang ang dami kong alam!
“Can you just shut it? I don’t want to talk about it.”
“But I want to know Zane! Para mapag-isipan ko!” Gago din pala ang isang 'to eh! Magbibigay ng kondisyon, hindi naman pala kayang panindigan.
Baka ayaw niya lang talaga sakin? Sinabi niya lang iyon para tumigil na ako dahil alam niyang hinding-hindi ko magagawa ang hinihingi niya.
Well Zane, kaya ko! Kaya kong ibigay sayo ang lahat maging masaya lang ako! Pero teka, parang iba yata ang ibig sabihin nun ha?
He groaned like this is really pissing him of! “Fine! I need you on my bed for a month! After that, pag-iisipan ko pa.”
“Pag-iisipan? Zane that’s unfair! You need to promise me na by the end of the month napirmahan mo na ang divorce papers.”
“You are not in the position to tell me what to do, Andromeda! You are the one who fucking want this so you should go over my conditions!” pagkasabi nun ay tumayo siya't win-alk-out-an ako.
Sinagad ko yata siya? Patay! Naiwang nakagat ko nalang ang aking labi.
Pagkatapos kong kumain ay niligpit ko na ang pinagkainan namin. Hinugasan ko iyon at saka pinatuyo. Muli ay nakaramdam ako ng panggiginaw. Mukhang tatamaan na talaga ako ng lagnat.
Papanhik na sana ako sa loob ng kwarto ko nang maabotan ko siyang pababa ng hagdan.
Nagkatinginan pa kami ngunit agad ko ring binaba ang tingin ko. Para kasi akong napapaso sa paraan ng paninitig niya.
Pero teka, ba't siya nagbihis? Hindi ba siya pupuntang trabaho? Napansin ko kasing hindi na siya naka-coat and tie. May ibang lakad Mister? Ipinagwalang-kibo ko nalang iyon. Wala naman akong paki-alam. O talaga ba?
Paakyat na ako nang tumunog ang doorbell. Agad na kumunot ang noo ko. May bisita siya? Nilingon ko siya nang dumiretso siya sa pinto upang pagbuksan kung sino man iyon.
Dali-dali naman akong umakyat at pumasok sa loob ng aking silid. Alam kong ayaw niyang may ibang taong nakakakita sa akin. As I said, walang nakakaalam na may asawa na siya. Not even his parents I guess, na nasa ibang bansa.
Sa pagmamadaling makapasok sa loob ay nasagad ko yata ang katawan ko kaya agad na nagdilim ang paningin ko. Nangangapang tinungo ko ang kama at humiga. I covered myself with the comforter.
Later, I heard steps and some murmuring. Huminto ang mga yabag sa tapat mismo ng aking pinto at nagsimula na akong kabahan. Anong meron at sino ang bisita niya?
Maya-maya pa'y narinig kong may kumatok sa aking pinto. Bumukas iyon at pumasok sa loob si Zane kasama ang isang medyo may edad nang babae.
“Andromeda, Dr. Lopez is here. She’s going to check on you.” Wika ni Zane na wala man lang katiting na paglalambing sa tinig.
“I never knew you had a wife Mr. Dela Torre.”
Natigilan ako. Teka lang. Anong.. Sinabi niya rito na asawa niya ako? Teka, bakit? Paano kung ipagkalat nito iyon sa iba? Hindi ba nag-iisip si Zane?
At saka bakit kumuha pa siya ng doktor upang matingnan ako? Simpleng flu lang naman to!
Baka naman concern?
Tsk! Imposible! Bakit siya magiging concern? Wala naman yon sa bokabolaryo niya!
“Good morning Mrs. Dela Torre.” Nakangiting bati ng doktor sakin. Ginantihan ko nalang siya nang alanganing ngiti at hindi na nagsalita.
Iniisip ko parin kung anong naisip ni Zane at bakit basta-basta nalang siyang nag-iimbita nang doctor dito. Pwede namang sabihin niya sa akin na magpa-check-up ako at gagawin ko naman iyon. Nilalagay lang niya ang estado ng buhay niya sa komplikadong sitwasyon.
Nagsimula na nito akong i-check at tinanong ng kung anu-ano. Sinasagot ko naman siya sa abot ng aking makakaya. Hanggang sa…
“When was your last menstruation day, Mrs. Dela Torre.”
Napalunok ako at napatingin kay Zane na walang kamuwang-muwang sa pinag-uusapan namin ng doktora. Nakatayo kasi siya sa tapat nang salaming dingding nang aking kwarto paharap sa may veranda. May kausap siya sa telepono na sa palagay koy may kinalaman sa trabaho.
“Ahm, hindi po kasi ako regular doc. Hindi ko na matandaan.” Muli pang tinapunan ko nang tingin si Zane. Nagpang-abot naman ang mga tingin namin.
As usual, his gaze were blank yet intense. Binawi ko kaagad ang sa'kin.
“Hmm.. there’s possibility that you could be-“
“No. That’s not it Doc.” Putol ko kaagad sa sasabihin ni doctora. I know what she’s thinking at uunahan ko na siya. Hindi ako buntis. Wala pa ngang nangyayari samin ni Zane for 2 years! Paano?
“Still, we won’t let the chance pass. Sayang at hindi ako nakapag-dala ng PT. Akala ko kasi si Mr. Dela Torre ang may sakit kaya hindi na kailangan iyon. Anyway, ito nalang muna ang inumin mo.” May isinulat siya sa isang papel. “This won’t harm anyone, if there is, in your womb.” Pinunit nito ang papel at ibinigay sa akin.
Kinuha naman iyon ni Zane sa kamay ko. Hindi ko napansing nakalapit na pala siya.
“Yan na lang muna ang bilhin mo. As of now, my assessment is just simple flu. Kapag okay na si misis, please let her visit my clinic for further assessments.” Anang doktora.
Tumango-tango naman si Zane.
Maya-maya pa'y nagpa-alam na ito at lumabas na ng kwarto. Hinatid naman ito ng asawa ko sa baba. Ilang minuto pa ang hinintay ko. Ewan ko kung bakit. Hindi naman na siguro siya babalik dito diba?
Tsk. Asa ka pa? May sa demonyo yong asawa mo! Iiwan ka nalang nun kahit may sakit ka!
That sounded so bitter.
Ipinikit ko nalang ang mga mata ko at agad din naman akong hinila ng antok.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments