Chapter 3
Car Wash
'If I could make one wish in that time. I would wish to make him alive again. But wishes are meant to be kept on our selves not to be granted and be true.'
Tinapos ko na ang ginagawa kong story. Ginawa ko itong medyo tragic dahil inspired ako. Di ko alam Kong bakit inspired ako ngayon. Tuwing masaya kasi ako laging malungkot ang naisusulat ko dahil alam ko pagkalipas kong masayahan may nagbabantang lungkot akong mararamdaman.
Napakinggan kong nagriring ang aking cellphone kaya dinampot ko Ito galing sa aking lamesa dito sa aking kwarto.
Galing Ito sa tawag mula sa ibang bansa.
"Hello." Sagot ko sa tumatawag.
"Hello Drashiela!" Pakinig ko sa kabilang linya.
"Maris! Ikaw ba Yan?" Masigla kong bati dito ng napakinggan ko ang boses na galing dito.
Si Maris kasi ang bestfriend ko galing sa ibang bansa. Doon Kasi sila nagbakasyon ng kanyang pamilya sa Italy.
"Yes Dear ako nga to. Sorry kong Hindi ako nakadalo nung birthday mo ha. Alam mo naman sina Mommy di ako pinayagan umuwi agad." Rinig Kong Sabi nya saakin.
"Ano ka ba ayus lang yun. By the way kelan ang uwi mo nyan? Alam mo namang malapit na ang pasukan?" Tanong ko naman sa kanya.
"Oo nga eh, by this week siguro ang uwi namin. Anyway nakapagenroll kana ba?"
"Oo nakapagenroll na ako, miss na Kita." Malambing ko naman Sabi dito.
"I miss you too. Nabalitaan ko na you are engange. Is that true?" Nagtatakang tanong nya saakin.
"Unfortunately yes. Chika ko na lang sayo pagumuwi kana."
"Okay. Oh! I need to hang up na my parents are calling me already. Bye! See you soon." Mabilis nyang salita at pinatay na ang tawag.
Napahiga naman ako sa kama at napatingin ako sa kisame ng kwarto ko. Naisip ko na naman si Vanrick. Hay, do I have crush on him already?
The way he smile at me but his eyes remain cold. Paano nya kaya nagagawa iyon.
Naramdaman ko naman ang pagkauhaw. Kaya bumaba ako ako sa bahay namin para pumuntang kusina para kumuha ng tubig.
Pagbaba ko sa aking kwarto napakinggan ko aming mga katulong na nagtitilian na nakadungaw sa aming garage. Pinuntahan ko Naman sila sinuway sa kanilang ginagawa.
"Ano ang pinagtitilian nyo dyan? Tulungan nyo dun si Manang Selda sya lang ang gumagawa dun sa kusina." Mahinahon ko namang utos sa kanila. Nakakaawa naman kasi si Manang na lang halos gumawa dun.
Pumunta muna akong kusina at kumuha ng tubig sa Pitsil. Magdadala na lang sana ako ng isang Pitsil na tubig sa kwarto para hindi na ako pabalikbalik ng mapadaan naman ako sa garage namin yung pinagtilian ng mga katulong namin.
Pagsilip ko Nakita ko si Vanrick na naglilinis ng aming sasakyan at hindi lang yun nakatopless pa sya!
Kitang kita ko ang six packs abs nya dito sa aking kinatatayuan habang medyo basa naman ang kanyang katawan at buhok ng tubig galing sa hoss kumikinang ang kanyang morenong katawan habang tumutulo ang tubig galing dito.
Hindi ko namalayang matagal na pala akong nakatitig dito. At napansin kong tumigil na pala sya sa kanyang ginagawa at nakatingin na din sya saakin. Bigla naman nya akong tinaasan ng kilay na tila nagtatanong kung anong kailangan ko.
Binaba ko na muna ang pitsil Kong dala at nilapitan siya para magtanong kung bakit sya ang nagcacarwash ng aming sasakyan.
"Nasan si Manong Fidel bakit ikaw ang naglilinis nitong sasakyan?" Tanong ko dito pagkalapit ko sa kanya.
Tinitigan muna ako nito mula head to foot bago sumagot.
"Nagdayoff muna sya ngayon at naki suyo syang ako muna ang maglinis ng sasakyan nyo." Sagot nya saakin. Napansin ko Naman na bumalik naman ang tingin nya uli sa suot ko.
Tinignan ko naman ang suot ko Kung bakit sya tingin ng tingin duon. Ayus lang naman Yun isang White shirt lang naman ito at maong short.
"Bakit kaba nakahubad baro dyan? Alam mo bang pinagtitinginan ka dito ng mga kasambahay namin." Mataray Kong tanong dito at humalukipkip pa.
"Mababasa rin Naman ako tyka para diretso ligo narin diba." Sagot nya sabay buhos pa nya ng tubig sa kanyang katawan.
Napatingin naman uli ako sa kanyang katawan. Wow ang macho naman nito. Hehehe.
Nabigla naman ako ng papuslitan nya ako ng tubig sa mukha. What the-?!
"HAHAHAHA! Manyak ka ha! Kanina pa kita nakitang nakatitig sa katawan ko. May patanong tanong ka pa kung bakit ako nakahubad. Gusto mo Naman." Natatawang Sabi nya saakin.
"Aba ikaw ha!" Kumuha din ako ng hoss na isa tutal naman basa na ako gagantihan ko na rin sya.
Nginitian ko muna sya sabay lapit ko sakanya hindi nya alam gagantihan ko rin sya.
Tinutok ko naman ang hoss sa mukha nya at napuslitan sya nito sa mukha.
"HAHAHAHA, buti nga sayo siraulo! Ang pangit pangit nyang katawan mo kala mo kung sinong matcho!" Sigaw ko sabay takbo.
Hinabol nya naman ako at nagbasaan uli kami ng tubig.
Hanggang nahabol nya ako at hinigit ako sa beywang ko at itinaas.
"Huli ka!" Bulong nya sa tenga ko.
Kinalabutan naman ako dito at nailang.
"Ibaba mo nga ako madaya ka!" Sabi ko Naman sa kanya. Na hindi pa rin makatingin dito.
"Ayoko nga, tumakbo ka pa uli saakin." Bulong nya uli saakin.
Hinarap naman nya uli ako sa kanya. Nagkatitigan kami sa mata. Ng tignan ko ang kanyang mata nakakita ako ng isang emosyon at mabilis din itong nawala.
Nakaramdam naman ako ng mabilis na pagtibok ng aking puso habang tinititigan sya.
Oh my ano itong nararamdaman ko?!
"Ehem!" Nagitla naman kami ng biglang may tumikhim saamin. Napaayus naman kami ng tayo at tinignan kung sino iyon.
"Manang!" Sabay naming tawag Kay Manang Selda.
Nagkatinginan naman kami uli nito at umiwas din ako ng tingin.
"Naku ikaw na bata ka! Bakit ka nagpabasa halika nga rito." Tawag saakin ni Manang Selda.
"Pumunta ka na roon sa kwarto mo. Maligo ka ron baka magkasakit ka nyan." Sabi sa akin ni Manang Selda.
Sinunod ko na lang ang sinabi nito. Habang papunta ako sa taas naisip ko kung ano kaya iniisip sa amin ni Manang Selda sa kanyang nakita.
At ano Yung nangyari kanina bakit biglang bumilis ang tibok ng aking puso.
Pagkatapos kung maligo ay bumaba na ulit ako para magtanghalian. Pagbaba ko naman hindi ko nakita si Vanrick siguro dumiretsong ligo na rin sya.
Pagkatapos kung kumain ay biglang dumating si Diego sa aming bahay.
"Hi Drashiela! Flowers for you." Bati ni Diego saakin sabay bigay nya ng isang boutique of flowers.
"Thank you. Ano ang sadya mo at naparito ka?" Tanong ko naman dito pagkatanggap ko ng bulaklak galing dito.
"Ahm, gusto sana kitang yayaing lumabas?" Yaya nya saakin na tila nahihiya pa at napahawak pa sya sa kanyang batok.
Sasagot na sana ako ng nakita kong biglang pumasok sa loob ng bahay si Vanrick fresh na fresh galing sa pagligo. Napatingin naman si Vanrick kay Diego ng makita nya itong kausap ko.
"Ano Drashiela payag ka ba?" Tanong nya ulit sa akin ng hindi agad ako nakasagot sa kanyang tanong.
"Payag saan?" Biglang singit ni Vanrick saamin Kung kaya't napatingin si Diego rin dito.
"Sino ka? Bakit nakikisingit ka sa may usapan na may usapan?" Mayabang na tanong ni Diego rito.
"Ako bodyguard ni Drashiela kaya karapatan kong magtanong kung saan sya pupunta at kung Sino ang kasama nya." Sagot naman ni Vanrick dito at nagkatinginan naman ang mga ito mata sa mata medyo matangkad naman ng konti si Vanrick kay Diego kaya medyo naintimidate si Diego dito.
"Bodyguard lang pala. Sinunod din pala ng magulang mo ang suggestion kong bigyan ka ng bodyguard." Sabi nito saakin.
"Sige sasama na ako sayo tutal wala naman ako masyadong gagawin." Pagpapayag ko na rito.
"Kasama ka?" Tanong naman ni Diego kay Vanrick.
"Syempre para Protektado sya."
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments