Prologue

Prologue

Magagarang kaayusan ang nakikita ko sa aming Mansyon. Nagkakagulo ngayon ang aming mga kasambahay dahil sa gagawing Masquerade Party sa aking pagdidiwang ng aking kaarawan. Hindi ko na Sana gusto magkaganto pa para sa aking birthday pero ito ang gusto ng aking mga magulang kaya Wala na akong magawa. May iaannounce din Kasi sila kaya lahat ay imbetado sa aming Mansyon.

"Hija, dumating na ang magaayos sayo. Sina Hydi at Claudette." Pakilala sa akin ng aking ina sa mga kasama nyang dumating sa aking kwarto. Tinignan ko naman Isa Isa Ang mga Ito isang babae pala si Hydi at medyo may pagka malambot Naman ang isa nitong kasamang lalaki.

"Oh sya maiwan ko na kayo dyan at madami pa akong aasikasuhin." Sabay alis ng aking ina sa aking kwarto. Bumalik Naman ang tingin ko sa magaayus daw sa akin. Tinanguan ko lang sila bilang hudyat na simulan na nila. Humarap na rin ako sa salamin.

Si Hydi ang syang nagayus sa aking mukha sa mantalang si Claudette Naman Ang syang nagayus sa aking buhok.

"Ang ganda nyo naman po maam kahit hindi na kayo ayusan ang ganda ganda nyo na." Sabi sa akin ni Claudette ng matapos nila akong ayusan. Ngumiti lang ako ng bahagya sa kanila at nagpasalamat.

Tinignan ko naman sa salamin ang aking itsura pagkatapos nilang umalis sa aking kwarto. Simple lang ang ayus ng aking mukha sa mantalang Ang buhok ko naman nakaayus na parang isang prinsesa sa fairytail.

Kinuha ko naman ang aking silver na maskara at sinuot Ito sa aking mukha. Ang tanging natatakpan lang nito ay ang kalahati ng aking mukha. Kitang Kita sa maskara ang aking singkit na mata at manipis na labi na nabahiran ng pink na lipstick.

Narinig ko namang may kumatok at biglang bumakas ang pinto ng aking kwarto. Pumasok na aking mga magulang na suot ang kanilang mga magagarang kasuotan at may kasama silang hindi pamilyar sa aking lalaki.

"Anak ito nga pala si Diego Santillian your future husband." Pakilala ng aking ama sa kanilang kasamang lalaki. May itsura na man maputi ang kanyang balat halatang anak mayaman.

"Future husband?" Nagtatakang tanong ko sa kanila. Ipapakasal ba nila agad ako gayong kaka 18 ko pa lang.

"Anak napagkasunduan Kasi namin ng magulang ni Diego na ipagpakasal na lang kayong dalawa tutal ay naman mag kasosyo kami sa negosyo at tyka matagal ka na ring gusto nitong si Diego." Paliwanag saakin ng aking ama. Tila nahihiya naman si Diego sa sinabi ng aking ama at napahawak pa sa kanyang batok.

Yun pala ang gusto nilang iaannounce sa aking birthday party. Nakita ko naman masayang mga mukha nila habang nagaabang ng magiging reaksyon ko. Wala na akong magawa ayaw ko namang idisappoint ang aking mga magulang kaya tumango na lang ako tulad ng lagi Kong ginagawa.

"Well, maiwan ko muna kayo dito Drashiela, Diego." Sabay tingin nilang dalawa sa amin ni Dad at Mom sabay labas nila habang nakangiti.

"So I'm glad I finally meet you Drashiela." Pagbubukas ng usapan Diego matapos kami iwang dalawa ng aking magulang.

"Yeah." Akward kong sagot sa kanya sabay alis ulit ng aking maskara.

"Sorry kung nabigla ka sa biglang desisyon ng ating mga magulang. Pero wag kang mag alala I will be a good husband to you."

"Ganon ba." Napipilitang sagot ko na lang.

"Nga pala may gusto Sana akong ibigay sayo, nung nakita ko Ito sa Paris naisip kong babagay to sayo." Sabay labas nya mula sa kanyang coat ang isang huhis parehabang kahon.

Binuksan nya Ito at nakita ko ang isang napakagandang silver necklace na may palawit na malaking kulay pulang diamante.

"Tumalikod ka at ng maisukat natin Ito sayo." Paguutos ni Diego sa akin.

Humarap naman ako sa salamin at nakita ko kung paano nya sinuot sa akin ang kwintas. Namangha Naman ako sa ganda nito tila ito ay galing pa sa mga royalty, ng naisuot na Ito sa akin bumagay Ito sa aking kasuotan.

Pagkatapos nya itong ilagay itinabi nya sa mukha ko ang kanyang mukha habang nakatingin sa salamin.

"Perfect" Sabi niya sabay halik sa aking pisngi.

Nagsimula na ang party at pinanood ko lang Kung paano magsalita sa unahan ang aking mga magulang.

"Maraming salamat sa inyong pagpapaunlak sa aming imbitasyon. Sa pagdiriwang ng kaarawan ng aking nagiisang anak na si Drashiela Eskovar." Paninimula ng aking ina sabay palakpakan ng mga panauhin.

"At kasabay ng kanyang pagdiriwang ng kanyang kaarawan ay nais rin namin at ng pamilya ng Santillian na ipahayag sainyo ang nalalapit napagiisang dibdib ng aking anak na si Drashiela at ni Diego Santillian." Pagkatapos sabihin iyon ng aking ama ay tumayo naman ang magulang ni Diego at nakipagkamay sa aking ama samantalang ang aking ina Naman ay nakipagbeso pa sa ina ni Diego. Samantalang si Diego Naman ay ngiting ngiti habang nakatayo sa tabi ko ako namam ay hindi ko alam Kung nakangiti ba ako dahil Wala man akong nararamdaman tila manhid na rin ako sa nangyayari.

Pagkatapos iaannounce Ang engagement namin ni Diego ay nagspeech Naman ang aking magulang tungkol sa kanilang muling pagtakbo bilang Mayor ng aming lalawigan.

Salita Naman ng salita si Diego sa tabi ko ngunit parang Wala namang pumapasok sa isip ko. Oo lang ako ng oo sa lahat ng kanyang sinasabi sa akin hanggang sa Hindi na ako nakatiis at sinabi Kong kailangan ko lang pumunta sa powder room.

Habang naglalakad ako sa loob ng aming Mansyon na pinagdadausan ng party may napansin naman akong isang lalaking tila gutom na gutom na nandoon sa may parte Kung saan nakalagay ang mga pagkain.

Natatawa Naman ako sa kanyang ginagawa at pinagmasdan ko na lang Kung ano ang kanyang ginagawa. Naglalagay pa sya ng pagkain sa loob ng kanyang coat. Hindi bagay sa kanyang kasuotan ang kanyang ginagawa.

Nilapitan ko Ito dahil nakaramdam ako ng awa dito marahil ay gutom na gutom Ito at sasabihan ko na lang ipagbabalot ko sya ng pagkain.

"Excuse me" tawag ko sa kanya habang patuloy itong kumakain at punong puno pa ang kanyang bibig.

"Uhm" Sabi nito habang punong puno parin ang bibig. Bigla Naman syang natawa sa ginawa nito. Sumenyas naman itong tila sandali lang kaya tumango ako at naghintay.

Pagkatapos nitong ngumuya ay uminom muna Ito ng tubig. Bahagya pa itong tumighay at sumigaw.

"Success!"

Imbes na mandiri ay tila natawa Naman sya sa ginawa nito. Napaisip sya sa buong gabing Wala syang naramdaman ngayon lang sya nakaramdam ng pagkatuwa.

Tinitigan lang naman sya nito at tila hinihintay ang pagtigil ng kanyang pagtawa. Napansin nya na Ito at tumigil na rin sya katatawa.

"Ok ka na? Happy?" Sarcastic nitong tanong sa kanya.

"Sorry, Hindi ko lang mapigilang tumawa nakakatuwa ka kasing pagmasdan habang kumakain ng ganon tapos yang ayus mo pang pormal." Sagot ko Naman sa kanya.

"So ibig mong sabihin na ang mga nakadamit ng ganito ay Hindi man pwedeng umakto na parang patay gutom?" Tanong naman nya sa akin.

"Naku hindi ganon ang ibig kong sabihin." Tangi ko pa sa kanya sabay senyas ko pa sa aking kamay.

"Naoffend ba kita? Sorry ha. Gusto mo ipagpabalot pa Kita ng pagkain?" Pagoofer ko pa sa kanya.

"Sa tingin mo Hindi ako maoofend dyan sa mga pinagsasabi mo?" Galit Naman nitong tanong sa akin.

"Para talagang sinasabi mo na patay gutom ako at ang pinunta ko lang dito sa inyong party ang yang pagkain nyo ah."

"Nagmamagandang loob lang Naman ako eh. Namimisunderstood mo lang ako." Medyo naiiyak ko ng sabi sa kanya. Ako na ngang nagmamagandang loob ayaw pa nya.

"Eh bakit naiiyak ka na dyan?" Tanong nito sabay tingin sa paligid.

"Tsk. Halika ka nga." Sabay hila nya sa kamay ko.

Nagitla naman ako sa kanyang ginawa at hinayaan ko na lang sya. Habang tumatakbo kami napansin ko Naman ang kanyang itsura matipuno naman Ito halatang malaki ang katawan tykaka mukhang gwapo dahil kahit natatakpan ang kanyang mukha ng maskara halatang matangos ang ilong nito at ang ganda ng kanyang panga.

Dinala pala nya ako sa aming garden na may malaking fountain sa gitna.

"Bakit ba napaka iyakin mo? Tinatanong lang Naman Kita eh." Sabi nito sabay upo sa may pabilog ng fountain. Kumuha ulit Ito ng pagkain sabay kumain na naman uli.

"Eh bakit ba, totoo naman sinabi ko parang gutom na gutom ka kaya gusto na kitang ipagpabalot ng pagkain." Sagot ko Naman.

"Sus, napakababaw talaga ng mga babae, tsk." Sabi nito sabay kagat ulit sa kinakain nya.

"Bakit ka nga pala malungkot?"

"Ha? Ako malungkot?" Turo ko sa sarili ko. "Paano mo Naman nasabi na malungkot ako?"

"Kitang Kita dyan sa mga mata mo, kahit itago mo pa Yan. Lumalabas at lumabas dyan sa mga mata mo Kung gaano ka kalungkot." Sabi nito sa akin.

Tinitigan ko Naman ang kanyang mata. Wala Naman akong mabasa sa mga mata nya tila sanay na sanay syang kinukubli ang kanyang nararamdaman.

"Paano mo nagagawa Yan?" Tanong ko.

"Ang alin?"

"Paano mo naitatago yang emosyon mo dyan sa mga mata mo?" Tanong ko habang nakatingin pa rin sa kanyang mga mata.

"Tignan mo ang langit, di ba madilim Kasi nga gabi." Sabi nito. Para Naman gusto nyang batukan Ito sa mga pinagsasabi nito.

"Pero Alam mo ba Kung bakit wala kang makitang liwanag? Kasi kinukubli Tayo ng kadiliman ng gabi." Patuloy nito. Nahiwagaan Naman ako sa kanyang sinabi.

"At ano Naman yang gabing sinasabi mo dyan sa walang emosyon mung mukha?" Naguguluhan Kong tanong.

"Alam mo Kung nasaan ang kasagutan? Nandyan Lang sa tabi tabi." Pumitas naman sya ng isang pulang pulang rosas sa aming Hardin na maraming tinik at tinanggalan nya Ito ng tinik at ibinigay sa akin.

"Happy Birthday Drashiela."

Kasabay noon ang malakas na pagputok ng fireworks sa kalangitan.

"Paalam"

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play