Chapter 2
Bodyguard
"Hija naghanda ako ng meryenda para sayo halika." Tawag sa akin ni Manang Selda.
Si Manang Selda ang syang Mayordoma dito sa aming Mansyon sya rin ang halos nagpalaki saakin dahil ang aking magulang ay busy sakanilang negosyo at sa pagtakbong mayor dito saamin.
"Sige po baba na po ako." Sagot ko. Iniayos ko lang aking laptop at sinave ko lang ang aking sinusulat na novel. Mahilig kasi akong magsulat, dahil sa pagsusulat doon ko naibubuhos ang nararamdaman kong hindi ko naisasabi sa tunay na buhay.
Pagkababa ko ay naabutan ko si Manang Selda na naguutos sa ibang katulong kong ano Ang gagawin. Nang mapansin nya ako ngumiti naman sya saakin at inilahad nya saakin ang kanyang hinandang meryenda na nakapatong sa lamesa sa dinning table.
"Salamat Manang Selda." Pasalamat ko dito at umupo na at kumain.
"Naku ikaw pa malakas ka saakin." Sabi pa nito at tumawa.
"Nga pala kumusta? Ayus ba si Diego, nabalitaan kong pinagkasundo ka ng magulang mo sa mga Santillian ah?"- Manang Selda.
"Ewan, ayus lang naman po sya kaso nung nagdinner kami parang may pagkamatapobre po eh." Sagot ko Kay Manang. Natawa naman si Manang Selda sa sinabi ko.
"Yan kasing mga magulang mo Hindi ka na nga iniintindi, dinidiktahan ka pa sa mga kung ano ang gusto mo." Mahina pa nyang pagkasabi dahil baka marinig pa sya ng mga katulong namin.
"Si Manang Selda talaga, ayus Lang sanay Naman na ako sa kanila." Naalala ko Naman na mula bata pa ako sila na talaga ang nasusunod. Minsan isang beses ko silang sinuway noong nakipagkaibigan ako sa isang mahirap na bata. Pinagalitan talaga nila ako noon at simula noon hindi na talaga ako nakipaglaro sa batang yon.
Pagdating ng gabi dumating ang aking magulang galing sa Buisness meeting nila sa Bagio kanina pa sila pumunta doon at kararating Lang nila.
Kasabay ko naman silang kumain ng hapunan. Tahimik Lang ako habang kumakain habang ang aking magulang Naman ay naguusap tungkol sa negosyo at sa kanilang muling pagtakbo.
"Wala na dapat tayong ipagalala, sure namang mananalo na Tayo dahil yang kalaban natin ay napabalitang nangurakot daw ng budget para sa ipapatayong gym." Sabi ng aking ina sa aking ama.
"Hindi parin tayo pasisiguro Alam mo naman yang mga ganyang tao pababanguhin muna ang pangalan para maraming bumoto." Sagot naman ng aking ama.
Tatakbo kasing Vice Mayor ang aking ina samantalang Mayor naman ang aking Ama. Matagal na sila sa politika mula bata pa ako ay nandyan na sila. Gusto ko mang tumotol ay hindi ko magawa dahil dyan sila masaya.
"Nga pala Anak nasabi sa akin ni Diego na bigyan ka raw ng bodyguard lalo't Malapit na ang eleksyon." Sabi naman ng aking ama sa akin.
"Si Diego talaga napakamaalalahanin tignan mo oh gusto pa nyang ligtas ka. Lalo pa at napapabalita na maraming nakawan ang nangyayari ngayon dito sa bayan." Nagaalalang dagdag ng aking ina.
"Po? Hindi ko na kailangan ng bodyguard Dad, Mom. Kaya ko po ang sarili ko."
"Pero Anak, proteksyon mo yun para sa sarili mo. Tyaka anak malapit na ang pasukan kailangan may magbabantay sayo lalo't mainit ang mata sa atin ng mga kalabanan namin ng Dad mo." Paliwanag sa akin ng ina.
Bodyguard! Really? Nakakahiya may bodyguard ako tuwing papasok sa school. Ano ako anak ng presidente? Nang tignan ko Naman sila tila Wala Lang sa kanila Kung payag ako hindi. Sabagay gusto lang naman nila ang laging nasusunod.
"Mom-"
"Drashiela magkakaroon ka ng bodyguard end of discussion." Pagpuputol ng aking ama sa aking sasabihin.
Napatungo na lang ako at nagpatuloy na sa aking pagkain. Isinarili ko lang ang gusto Kong sabihin dahil hindi naman sila nakikinig sa mga gusto kong sabihin.
"Tomorrow morning darating ang magiging bodyguard mo. Sasamahan ka nya pagpapaenroll sa school na papasukan mo." Pagtatapos ni dad sabay umakyat na sya pataas sa kanilang kwarto.
Naiwan naman akong problemado. Sino naman kayang bodyguard ang sinasabi ng aking magulang. Baka mukhang goons yun, matakot pa ang mga kaklase ko pag nakita sya.
"Anak, just understand us okay. We are doing this for you." Sabi ng aking ina sabay halik nya sa aking noo.
"Good night." At sumunod na rin sya kay dad.
Kinaumagahan maaga akong nagising dahil ngayong araw ako magpapaenroll sa school kung saan ako papasok ng college. Ang kukuning course ko ay Buisness Ad tulad ng gusto ng aking magulang. Okay na rin Naman yun dahil wala rin Naman akong maisip na course na gusto ko.
Pagkatapos Kong maligo ay simpleng damit Lang sinuot ko isang high wasit pants at oversized shirt lang sinoot ko at isang white na rubber shoes. Tinali ko Lang ang buhok ng isahan dahil alam Kong maiinitan din ako mamaya.
Pagbaba ko ng hagdan nakita ko ang aking magulang na tila may kausap sa aming sala. Nakatalikod sa akin ang kausap nila habang nakarap naman ang magulang ko sa akin. Parang pamilyar sa akin ang bultong iyon.
Ng mapansin ako ng aking mga magulang ay bigla nila akong tinawag.
"Oh nandyan na pala sya." Turo pa saakin ng aking ina.
"This is Drashiela Eskovar. Sya ang babantayan mo." Pakilala sa akin ni Mom. Bumaling naman ako sa lalaking kanilang pinakilala. At nagulat ako dahil si Vanrick pala sya.
Sya ang magiging bodyguard ko?!
"At Drashiela sya si Vanrick Sullivan, sya ang magiging bodyguard mo." Pakilala naman ng aking ina Kay Vanrick sa akin.
"Good morning ma'am." Pagbati nito saakin.
Oh my gosh! Di ba sya ang nagsabing ayaw nyang tumanggap ng trabaho kung galing sa pamilya ko.
"Eer- good morning din." Tila hindi pa sure na bati ko. Nakita ko Naman na tila tumaas ang gilid ng labi nya sa aking sinabi.
Shocks ang hot. What? Ano ba pinagiisip ko? Did I just said hot?! No, hindi. Hindi sya hot may pagka mayabang sya.
"Anak are you listening?" Pagpuputol ng aking ina sa aking iniisip.
"Yes Mom! What is it again?" Pagbabalik ko sa aking sarili.
"Ang Sabi ko sasamahan ko ngayon ni Van to your school para magpaenroll." Paguulit nya sa kanyang sinabi kanina.
"Ok mom." Sagot ko naman.
"Good, you two can go now. Manong Fidel will drive your car today." Pagtatapos ng aking dad.
Pagkapasok namin sa sasakyan ay kinausap ko agad sya tungkol sa nangyari nung nagdinner kami Diego.
"Van ah Vanrick pala diba Sabi mo Hindi ka tatanggap ng tulong galing sa pamilya ko? Eh paano ngayon itong ikaw ang bodyguard ko?" Tanong ko sa kanya.
"Bakit masama bang maging bodyguard mo?" Tanong nya saakin.
Napatingin na naman ako sa labi nyang mapula. Oh my bakit napapatingin lagi ako dun. Oh no!
"Wala Naman." Sabay iwas ng tingin ko sa kanya.
"Bakit umiiwas kayo ng tingin sa akin ma'am. May nasabi ba akong Mali?" Sabay lapit pa nya saakin.
Ano ba ang ginagawa nya alam nya bang naiilang ako sa kanya.
Lumingon naman ako sa kanya at napansin ko ang lapit ng mga mukha namin sa isa't isa.
"Lumayo ka nga saakin. Gusto ko habang nasa school tayo medyo medyo malayo layo ka saakin ha. Para Hindi nila malamang may bodyguard ako." Pagpapaalala ko sa kanya.
"Areglado ma'am!" Sagot nya na tila nasasayahan syang pagmasdan ako.
"Good!" Sabi ko sabay halukipkip sa tabi.
Pagdating sa school napansin Kong sinunod nga nya ang sinabi ko. Napansin kong patingin tingin Lang sya sa paligid parang sinesucure nya lang kong merong magtatangka sa aking masama.
"Oh my gosh! Sino sya transfere ba sya dito sa school!" Rinig kong bulungan ng mga estudyante.
"Ang hot nya!" Napalingon naman ako sa pinanggalingan nun Nakita ko isang magababarkada ang nagsabi nun.
"Does he has a girlfriend?"
Tila napuno na ako minadali ko na ang ginawa kong pageenroll at nilapitan ko na sya. Nakita kong para syang walang pakealam kahit pinagnanasaan na sya ng mga babae sa paligid nya.
Ng mapansin nya akong papalapit sa kanya napatayo naman sya sa kanyang kinauupuan at sinalubong ako.
"Ayus na ma'am?" Tanong nya saakin.
"Oo, gusto ko muna kumain bago umuwi." Sabi ko sa kanya at tinignan ko kung may nagpapapansin pa rin sa lalaking Ito.
"Okay, saan mo gustong kumain? May alam ako Kung saan masarap." Nagtanong pa talaga sya ah.
"Sige saan?" Tanong ko sa kanya.
"Basta. Halika." Sabay hila nya sa kamay ko.
Nagpatianod na lang ako sa kanyang paghila at ng tumingin ako sa paligid Nakita ko namang nadismayang mga mukha ng mga babae na nakatingin sa aming magkahawak na kamay.
Pagdating namin sa kakainan namin daw isa pala itong carinderya. Mukhang ayus naman ito amoy na amoy ang mabangong pagkain galing dito. Bigla namang tumunog ang tyan ko sa gutom kaya napatingin sya saakin.
"Mukhang gutom kana talaga ah. Halika magorder na tayo." Hila nya saakin papasok.
May napapatingin sa amin na kumakain duon. Madalas babae at mukhang pinagnanasaan na naman itong si Vanrick. Ito namang lalaking Ito parang wala lang sakanya ang pagtingin ng mga babae.
"Aling Tina dalwa ngang kaldereta at 2 cups ng kanin!" Order ni Vanrick sa isang matabang babae na nakabun ang buhok habang nagseserve sa ibang customer.
"Pasama na rin ng tubig!" Dagdag pa nito.
Umalis naman na ito ng magets na nya ang order ni Giovani.
"Vanrick!" Tawag ko sa kanya dahil itatanong ko sana kung safe ditong kumain dahil first time ko lang kumain sa carinderya.
"Ano yun ma'am?" Tanong nya saakin. Para naman akong naaasiwa sa pagtawag nya saaking ma'am.
"Vanrick pwede bang tawagin mo na lang ako sa pangalan ko. Para namang antanda ko na tuwing tinatawag mo akong ma'am eh." Sabi ko sa kanya.
"Ok ma'am, ay Drashiela pala." Sagot nya at namali pa at medyo natawa sa kanyang sinabi.
Ang cute naman neto. Hindi ko namalayan naka ngiti na pala ako nakatingin sa kanya.
"O bakit Drashiela. Gwapo ba?" Tanong nya habang may nakakalokong ngiti sa mga labi.
"Che!" Sabay irap ko sa kanya.
Tila natawa naman uli sya habang nakatingin saakin.
"Alam mo ikaw hobby mo bang pagtawanan lagi ako?" Maarting tanong ko sa kanya.
"Hindi naman konti lang." Sagot nya uli at tumawa.
"Nga pala malinis ba ang pagkain dito?" Tanong ko sa kanya.
Sumenyas naman sya saakin na wag maingay dahil baka marinig ni aleng Tina ang mga sinabi ko.
"Alam mo ikaw nakakaofend talaga yang mga pinagsasabi mo eh no."
"Malinis mga pagkain nila dito. Masarap pa." Sabi pa nya.
Napatango na lang ako sa kanyang sinabi. Dumating na rin ang order namin dala ni aling Tina.
"Eh to na Van oh." Sabay lapag nya sa order namin.
Napatingin naman sa akin aling Tina kaya nginitian ko na lang sya dahil nakakahiya Naman kung Wala man ako gawin pagkamalang maarte ako.
"Aba Van eto naba ang Girlfriend mo? Napaka ganda naman!" Tanong nito Kay Vanrick.
Girlfriend?! Really?! Tatangi na Sana ako sa paratang nya sa amin ng sumagot na si damahong Van.
"Opo, pasado po ba sa inyo?" Aba't talaga naman talaga.
"Naku hindi po. Hindi po ako girlfriend ni Van." Nahihiyang tangi ko Naman.
"Ay wag na kayong mahiya. Ganyan na talaga mga kabataan ngayon gustong munang itago kung ano talaga ang kanilang relasyon." Pagkatapos nun ay nagpaalam na si aling Tina.
"Hoy! Anong pinagsasabi mo dyang girlfriend?!" Pagtatanong ko Naman kay Van.
"Ito naman hindi na mabiro sa susunod naman magiging tunay na kitang girlfriend." Hindi ko masyadong narinig ang huli nyang sinabi.
"Ano? Anong sabi mo?" Tanong ko uli dahil hindi ko talaga sya narinig kanina.
"Sabi ko kumain kana. Masarap Yan, kaya binabalik balikan ko Yan dito." Napatango na Lang din ako sa kanyang sinabi.
Ng tikman ko na nga ang inorder na pagkain ni Van nagulat ako dahil masarap nga ito.
Pagkatapos naming kumain ay umuwi na rin kami sa bahay. Habang nasa sasakyan kami ay tahimik lang Naman kami at Wala ni Isa sa aming nagsasalita.
Binasag ko na katahimikan at humingi na ako uli ng tawad sa nangyari nung isang Gabi nung nagdinner kami ni Diego.
"Ahm-- sorry nga pala ulit dun sa nangyari nung isang Gabi. Alam ko hindi mo deserve Yung napahiya at mawalan ng trabaho."
"Ayus Lang kasalanan ko rin naman ng natapunan ko ng wine Yung damit ng fiance mo." Sarcastic pang sabi.
"Pero hindi naman na nya kailangang ipahiya kapa ng ganon." Pagpupumilit ko pang sabi.
"Drashiela wala ka na dapat ipagalala. Wala ka naman kasalanan." Seryosong na nyang Sabi.
"Sige." Yun na lang ang nasabi ko at umayos na lang uli ng upo.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments